Chapter 10: Chaptert 10: My fiancee
"Huwag mo na ngang asarin iyong tao para hindi ka mapag-initan." Sikmat ni Ynrahd kay Jeydon nang mapagsolo sila dahil nasa palikuran si Lemuel. Nag-aalala siya na baka totohanin ng kababata ang banta nito kanina. Ayaw niyang mapawalay sa kanya si Jeydon sa ngayon.
"Ayaw ko nang makipagmabutihan ka sa bangus na iyon." Aroganteng sagot nito sa dalaga.
Napahagikhik ng tawa si Ynrahd dahil sa tawag nito kay Lemuel. "Aminin mo munang nagseselos ka." Panunukso niya dito ngunit hindi siya pinansin. "Bakit pala bangus ang tawag mo sa kaniya?"
"Ang putla at tinik siya sa aking lalamunan." Sandali siyang tumigil sa pagsasalita nang mapunang nagpipigil tumawa ang dalaga.
"Bakit ba ang dami mo na namang tanong?" pasuplado niyang sita sa dalaga upang malihis ang topic.
Biglang nabura ang ngiti sa kaniyang labi at nalungkot nang maaalala kung ano ang papel ni Lemuel sa kaniyang buhay."Siya ang nakatakda na mapangasawa ko."
Naikuyom ni Jeydon ang dalawang kamao. Muling nanumbalik sa isipan ang dahilan nang pagkahiwalay ng kanyang mga magulang. "Pumayag ka?" walang emosyon niyang tanong sa dalaga.
"Kung itatanan mo ako, syempre mas gusto kong sumama sa iyo keysa maikasal sa kaniya." Nakalabi niyang sagot dito.
Nanliit ang mga mata ni Jeydon habang nakatanaw sa malayo. Wala sa bukabularyo niya ang salitang tanan. Hindi niya gagawin ang ginawa ng kanyang mga magulang noon na nauwi lang din sa hiwalayan.
Nalungkot siya nang walang tugon ang birong totoo niya sa binata. Tahimik lang ito at tila may malalim na iniisip. Minsan talaga ay hindi niya ito maintindihan, umaakto minsan na importante siya sa buhay nito. Pero ngayon ay parang ok lang dito na maikasal siya kay Lemuel.
Matapos makapag-shopping ay dumiritso na sila ng uwi dahil darating nang maaga kinabukasan ang mga magulang ni Lemuel, upang bumisita sa kanila.
Tinutoo nga ni Lemuel na gagawa ito ng paraan upang mapatalsik si Jeydon sa trabaho. Tinanong siya ng ama kung totoo nga ba na binastos siya ng binata at kaskasero kung magmaneho. Ayon pa sa sumbong nito ay hindi siya ligtas sa kamay ni Jeydon dahil walang modo. Pinabulaanan niya syempre, 'di bale nang lumabas na sinungaling si Lemuel, huwag lang mapaalis sa trabaho ang binatang mahal niya.
Dinahilan niya sa ama na hindi magkasundo ang dalawa dahil siguro parehong lalaki. Hindi niya pinahalatang ipinagtatangol niya si Jeydon sa ama upang hindi ito magdudua.
"Well, pabor po sa akin kung aalisin mo na siya para wala nang bumubuntot sa akin. Pero hindi porket ayaw ko sa kaniya as my bodyguard, gagatungan ko na ang kasinungalingan ni Lemuel para mapaalis si Eagle One." Kibit balikat niyang dugtong pa upang makumbinsi ang ama.
Napangisi si Ynrahd nang mahulog sa malalim na pag-iisip ang ama. Namaalam na siya dito at gusto niyang magpahinga. Hindi na niya muling nakita sa paligid si Jeydon at alam niyang umalis ito kanina. Kapag wala ito ay hindi rin siya maaring lumabas ng bahay.
Pagdating ng hapunan ay wala pa rin si Jeydon na ikinalungkot niya. Nakiramdam lang siya sa paligid at iniwasang makausap si Lemuel. Mga bandang nine ay narinig niyang dumating na si Jeydon at pinatawag ng kaniyang ama. Hinintay na lamang niyang makatulog na ang lahat bago ituloy ang balak.
"Ano ang ginagawa mo dito?" Gulat na naitaas ni Jeydon ang blanket hanggang dibdib nang biglang bumukas ang pintuan ng kanyang silid at niluwa niyon ang pilyang dalaga. Tanging boxer short na lamang ang suot niya dahil oras na nang pagtulog. Nagpapaantok na lamang siya habang nanunuod ng porn video sa cellphone.
"Kinakamusta ka, pinagalitan ka ba ni Daddy?" paanas niyang tanong sa binata habang marahan na isinasara ang pintuan upang hindi makalikha nang ingay.
"Paano ka nakapasok dito?" hindi mapakali ang kalooban na tanong niya sa dalaga. Wrong timing ang pagpakita nito sa kanya ngayon dahil nasa kasarapan siya sa kanyang pinapanuod.
Itinaas ni Ynrahd ang hawak na isang bungkos ng susi habang nakakunot ang noo na nakatingin sa binata. Nagtataka siya dahil hindi niya alam kung giniginaw ba ito o naiinitan dahil mukhang pinagpapawisan.
"Lumabas ka na at bukas na tayo mag-usap. Huwag mo na ring ulitin ang pagpasok sa silid ko at ni hindi manlang kumakatok."
Lalong nangunot ang noo ng dalaga dahil sa pagsusungit ni Jeydon. "May itinatago ka ba dito na ayaw mong makita ko?" Hindi na ako kumatok dahil baka may makarinig lalo na ni Lemuel," aniya sa binata dahil magkatabi ang silid ng mga ito.
"Wala, sige na lumabas ka na at gusto ko nang matulog." Pagtataboy nito sa dalaga.
"Ano ang pinapanuod mo?" napukaw ang kuryosidad ng dalaga nang maaninag mula sa ilalim ng kumot nito ang umiilaw na cellphone. Naka-headset ito kung kaya hindi niya rinig ang boses mula sa pinapanuod nito.
"Pwede ba, lumabas ka na lang? Ang dami mong tanong palagi!" Nilakipan niya ng iritasyon ang tinig upang lumabas na ang dalaga. Mabilis niyang ini-off ang cellphone nang humalinghing na ang babae sa video.
"Patingin muna!" Pangungulit niya sa binata, lumapit siya dito at pilit na inaagaw ang cellphone na itinago nito sa ilalim ng unan.
"Ynrahd!" Nahirapan niyang saway sa dalaga nang dumukwang ito at pilit inaabot ang hawak niyang cellphone sa kaliwang banda.
Natigil si Ynrahd sa pakipag-agawan ng cellphone nang mapagtanto ang kanilang posesyon ngayon ng binata. Halos nakayakap na siya dito at ngayon lang niya napansin na wala itong suot pang-itaas.
Pakiramdam ngayon ni Jeydon ay natutuyo ang kaniyang lalamunan. Sunod-sunod ang kanyang paglunok ng sariling laway nang maramdaman ang kalambutan ng dibdib ni Ynrahd na bahagyang nakalapat sa kanyang dibdib na hubad.
"Tsk, ang kulit! Kapag hindi ka pa umalis ngayon din, makakatikim ka sa akin!" kulang sa lakas na pananakot nito sa dalaga.
Mula sa mukhang tulala ay unti-unting nagbago ang expression ng mukha ni Ynrahd. At hindi nagustohan ni Jeydon ang sa kung ano ang tumatakbo sa pilyang isipan ng dalaga. Unti-unting nabubuo ang pilyang ngiti sa manipis at mapupulang labi nito.
"Ynrahd!" Pinandilatan niya ito ng mga mata nang makipagtitigan ito sa kanya at hindi na napalis ang ngiti sa mga labi nito.
"Parang gusto kong dito matulog!" Ngumiti siya ng matamis sa binata. Hindi pinansin ang galit sa mukha nito ngayon. Lalong nagmukhang guwapo ito sa kanyang paningin kapag nagagalit nang dahil sa kakulitan niya.
"Tsss, lumabas ka na!" Marahan niyang itinulak ito sa balikat ngunit nagmatigas ang dalaga.
"Ayaw ko! Hindi ba ang sabi mo kay Lemuel kanina ay dapat lagi kang nasa tabi ko upang masiguro ang aking seguridad?" Nakanguso niyang pangatwiran sa binata.
"Hindi ko sinabing hanggang sa pagtulog ay kailangan na katabi kita." Tila nauubusan nang pasensya na si Jeydon at hindi alam kung hanggang saan ang aabutin ng kaniyang pagtitimpi upang makaiwas sa tukso. Isip bata pa talaga ang dalaga at hindi alam kung ano ang epikto sa isang katulad niya ang ginagawa nito ngayon.
"Ah basta! Gusto ko dito matulog!" Tuluyan na siyang sumampa sa kama ng binata at mabilis na sumukob sa kumot nito.
"Fuck!" Mahinang napamura si Jeydon nang dumantay pa sa kanyang binti ang hita ng dalaga. "Baka pumasok sa silid mo ang mga magulang mo at hanapin ka." Paalala niya sa dalaga habang mariing nakapikit ang mga mata. Pilit kinukontrol ang sariling libidong biglang uminit dahil sa dalaga.
"Naka-lock po ang pinto ko." Hindi na napalis ang ngiti niya sa mga labi at pinakita dito muli ang isang bungkos ng susi na hawak bago inilagay sa beside table. Ninakaw pa niya ang susi na iyon sa silid ng mga magulang kanina.
"Gusto mo talagang mapahamak?" tanong niya sa dalaga sa namamaos na tinig.
"Bakit naman ako mapapahamak, makitulog lang naman ako dito, ah?" walang muwang niyang tanong sa binata.
"Matutuklaw ka talaga ng ahas ko," aniya at tumagilid ng higa upang humarap sa dalaga.
"Ahas?" Hintakutan niyang tanong, takot siya sa ahas kahit sa bulate. Biglang naitaas niya ang kumot at sinilip ang loob sa pag-aakala na naroon ang ahas.
Nanlaki ang mga mata nang makita ang halos hubad na katawan ng binata sa ilalim ng makapal na kumot. Bigla niyang binitiwan ang kumot at tumuwid ang katawan sa pagkakahiga. Ngayon niya napagtanto kung anong ahas ang tinutukoy nito nang makita ang namumukol sa pagitan ng hita nito. Naalala niya rin ang sinabi ni Jennyrose noon na kahit bakla ay may ahas pa rin na alaga iyon. Noong unang may mangyari sa kanila ay hindi niya gaanong na feel ang love making nila dahil mabilisan at parang lasing siya noon. Ni hindi nga niya ininda ang sakit nang mapunit ang harang sa kweba niya noon.
"You can go now?" Nakangising tanong ni Jeydon sa dalaga nang makita ang panlalaki ng mga mata nito na nakatingin sa kisame. Para na rin itong na estatwa sa kinahigaan at takot gumalaw.
Natauhan si Ynrahd pagkarinig sa baritonong boses ng binata. Umayos siya ng higa at tumagilid upang humarap sa binata. "Hindi ko nakalimutan ang pangako mo sa akin noon." Namumungay ang mga mata na tumitig sa binata. Langhap na niya ngayon ang mabango nitong hininga dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nila sa isa't isa.
"Anong pangako?" Kunot-noong tanong ni Jeydon dito at kusang gumalaw ang kaniyang adams apple nang masamyo ang bango ng dalaga.
"Iyong more round!" pilya niyang sagot sa binata. Kinapalan na niya ang mukha dahil gustong-gusto niya na makasal sa lalaki sa halip na kay Lemuel. Gusto niya rin malaman kung ano talaga ang pakiramdam ngayon na wala ng droga sa kanyang sistema.
"Hindi laro ang iyang nais mo at lalong hindi ito pagkain na maari mong tikman kahit anong oras mong gusto."
Napasimangot si Ynrahd, lahat na lang ng sasabihin niya ay may katapat sa binata. Ang seryuso pa nito at mukhang walang epikto dito ang ginagawa niyang pang-aakit. Pakiramdam niya tuloy ngayon ay hindi siya kaakit-akit sa mata nito. Sasagot pa sana siya ngunit biglang tumunog ang cellphone ng binata.
Napilitan si Jeydon na sagutin ang tawag na nagmula kay Dianne. Naisip niya na timing din ang tawag nito upang hindi tuluyang matukso kay Ynrahd.
"Hello?" pinasigla pa niya ang boses upang iparinig kay Ynrahd na kailangan na nitong lumabas ng kanyang silid.
"Hello, Babe, I miss you! Lalo na ngayon at mag-isa lang ako dito sa silid." Mapang-akit na sagot ng babae mula sa kabilang linya.
Inilayo ni Jeydon ang kanyang ulo kay Ynrahd nang idinikit nito ang taenga sa kanyang cellphone. Sininyasan niya ito na lumabas na pero sinimangutan lang siya nito at umisod palapit muli sa kanyang ulo.
"I miss you too, Babe!" sinadya pa niyang palambingin ang boses. Sa totoo lang ay gusto niyang batukan ang sarili ngayon dahil wala sa bukabularyo niya ang makipag flirting talk sa katawagan.