Daisy Novel
HomeGenresRankingsLibrary
HomeGenresRankingsLibrary
Daisy Novel

The leading novel reading platform, delivering the best experience for readers.

Quick Links

  • Home
  • Genres
  • Rankings
  • Library

Policies

  • Terms of Service
  • Privacy Policy

Contact

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. All rights reserved.

Chapter 12

Lingid sa kanila ay sinadya ni Cyler na patirin ang paa ng babae nang pasimple. Dahil dito ay muntik nang mangudngod sa katabi nito ang babae.

“Shit! Ano ba? Kita n’yo na ngang may dadaan, eh!” inis na anang babae na nasa beinte anyos yata ang edad pataas. “Mga bastos! Bitiwan n’yo ‘ko!” anito sa dalawang lalaki.

“Bakit dito ka ba dumaan, miss? Mas malapit doon sa kabila ang CR,” anang katabi ni Cyler na lalaki.

“Sinalo ka lang naman, eh. Hindi ka kasi nag-iingat,” sansala pa ng katabi nitong nasa mid-twenties. “Buti nga hindi kita hinayaang mangudngod sa sahig, eh!”

“Shh!” halos sabay na anang ibang mga manonood.

“Ano ba ‘yan?” sabi naman ng iba.

“Ang ingay n’yo. Puwede bang lumabas kayo?” wika naman iba pa.

“Umalis ka na nga!” anang lalaking nasa tabi ni Cyler.

Tiningnan ng babae si Cyler, pati na si Fiona. “Tsk! Mga buwisit! May mataba kasi diyan na haharang-harang!”

“What did you say?” tiim-bagang na anang Cyler sa babae na nagbabaga ang mga mata. There was warning and danger laced in his tone. “And if you dare say it again, I’ll make you regret it. ‘Di ka na nga marunong mag-sorry nang maapakan mo siya, ang kapal pa ng mukha mong mang-insulto ng kapwa!”

“At kung alam mong may mataba pala rito, bakit dito ka dumaan, ha? Ah! Alam ko na. Nagpapansin ka sa mga lalaki riyan, ano?” pagtataray naman ni Jenna. Pinanlakihan nito ng mata ang babae.

Napakagat-labi naman si Fiona habang tiningnan ang babae. Sa tingin niya ay napapahiya na ito. Itinabig pa ito ng pangalawang lalaki.

“Uy, umalis ka na nga, Miss Pangit Ang Ugali!” anang pangalawang lalaki na katabi ng lalaking katabi ni Cyler.

“Porke nakadamit at nakatakong ka na feeling mo ang ganda mo na!” dagdag na anang katabi ni Cyler. “Iniistorbo mo na nga ang panonood namin dito, eh. Kung lalandi ka pala, huwag dito, miss! Doon ka sa club,” dagdag na anito.

Nagkaroon ng tawanan. Parang nasa kanila na lahat ang atensyon ng mga tao imbes na sa palabas.

Inis silang tiningnan ng babae bago ito umalis. Halatang wala na nga itong mukhang maipakita sa kanila kaya mabilis na itong umalis at bumaba saka dumiretso na sa exit.

“Are you okay?” baling ni Cyler kay Fiona. Hinugot nito ang cell phone mula sa bulsa at saka ini-on ang flashlight para tingnan ang paa niya.

Iniwas ni Fiona ang paa. “O-okay lang ako.”

“Come on. Let me see it. Naka-high heels pa naman ang babaeng ‘yon. Baka nasugatan ka,” ang pamimilit ng lalaki.

“Sige na, best. Titingnan lang naman, eh,” kumbinse ni Jenna sa kanya. “Huwag nang maarte.”

“Eh… okay nga lang.” Nanlaki ang mga mata niya nang hinawakan ni Cyler ang kanyang paang naka-doll shoes. Isa-isa nitong tiningnan ang mga iyon. Ang init ng palad ng binata ay nagbigay sa kanya ng kakaibang sensasyon sa paa niya.

“I think you’re going to have a bruise,” anitong napabuntong-hininga na pinatay ang flashlight. Pero hindi niya nakaligtaan ang pagtiim-bagang nito. “I’ll go get something for cold compress.” Tumayo na ang lalaki. “Excuse me,” sabay na anito sa mga katabi para makadaan.

“Cyler, ‘wag na!” pahabol niya pero hindi ito nakinig. Napatutop na lang siya ng bibig nang mag-shh ang ibang manonood sa kanya.

***

Bumili si Cyler ng ice cubes imbes na para iyon sa soft drink. Nagbayad lang siya ng mas malaki para ilagay iyon sa dobleng plastic. Agad na siyang bumalik sa loob ng movie theater at bumalik sa puwesto. Ginamit niya ang panyo para ibalot sa plastic.

“Here. Let’s put it on your foot,” aniya kay Fiona nang pabulong.

Bumalik na ang atensyon ng mga nanonood sa palabas na parang walang nangyari.

“Hindi ka na sana nag-abala pa,” tugon nito sa kanya nang pabulong din.

Yumuko siya para ipatong sa kaliwang paa nito ang ice cubes. Kaya naman ay wala na itong nagawa pa kundi ang hawakan iyon. Nagkiskis pa ang kanilang kamay na ikinangiti niya.

Tumuwid na siya sa kinauupuan nang medyo itinulak siya ni Fiona pabalik sa upuan niya. Naka-de-kuwatro ito para mas komportable sa cold compress. Nahuli pa niya ang pagsulyap sa kanya ni Jenna na nakangiti.

***

Halos isang oras ang lumipas at natapos na rin ang kanilang pinanood na palabas.

“Hay! Iyon na yata ang pinaka-memorable na experience ko sa panonood ng sine!” saad ni Jenna habang papalabas sila ng movie theater.

“Oo, kasi naapakan ako. Gano’n?” anang Fiona sa kaibigan nito.

Napasulyap sa binata si Jenna. “Hindi, best. Kasi… ‘andiyan si Cyler. Ang hero ng foot bruise mo.”

Napatawa si Fiona at kahit si Cyler ay napasingasing. Nasa loob ng kanyang pants pockets ang mga kamay. He matched his steps with the two girls.

“How is it, Fiona? Is it better?” tanong niya kay Fiona.

“Oo. Okay lang naman kahit medyo masakit ihakbang. Salamat sa first aid mo,” tugon ng dalaga sa kanya.

Tumango lang siya.

“Siyanga pala. Ba’t mag-isa ka lang, Cyler?” tanong ni Jenna. “Hindi mo yata kasama si Keith.”

He shrugged. “May family gathering sila ngayon. And I… thought I could just roam around here. That’s when I saw Fiona at the home appliance store. Wala naman akong ginagawa, so I ruined your girl bonding.” Ngumisi siya sa dalawa. Hindi na niya sinabing nanggaling siya sa ospital, and he did not want to talk about it. Buti na lang ay hindi na iyon itinanong ni Fiona sa kanya dahil hindi niya alam kung ano ang isasagot. Kung magsisinungaling ba siya o hindi. Most definitely, hindi siya makapagsinungaling sa dalaga.

“Ah, I see. O, ano, best? Kain muna tayo sa fast food?” mungkahi ni Jenna.

Napasulyap si Cyler sa kanyang smartwarch. Halos dinner time na rin naman. “Can I join you again? My treat.”

Nagkatinginan muna ang dalawang babae bago tumango si Jenna. Nakita pa niyang napakagat-labi si Fiona at hindi tumingin sa kanya. He wondered what she was thinking right now. He had the urge to know what it was. Nakukulitan ba ito sa kanya? Nagtataka? Naiinis? Kahit alam niyang hindi nito alam ang ginawa niya kanina sa babaeng iyong umapak dito ay baka naman naisip nitong malas siyang kasama.

Previous chapterNext chapter