Chapter 51: Danger
“Hindi na ulit kita iiwan. I promise,” he said and sobbed.
This is the first time I saw him cried like this. Hindi kasi siya madalas magpakita ng ganitong expression. Ilang sandali ay humiwalay na siya sa pagkakayakap sa akin and cupped my face. Basa ang kaniyang mukha dahil sa pag-iyak.
“I'm really sorry, Nasha. Nadala lang ako dahil ayo'ko lang na nakikitang nasasaktan ang daddy ko.”
I smiled. “It's okay. I forgive you. Ang importante ay narito ka na.”
Inangat ko ang aking kamay para punasan ang kaniyang mga luha. Napatitig ako sa kaniyang mukha. I really, really love this guy. Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ako. Tinitigan niya ako sa aking mga mata pagkatapos niya akong halikan.
“Let's fix our family issues and marry me.”
Natigilan ako sa sinabi niya at nanlaki ang aking mga mata. “Kasal? Pero, nag-aaral pa tayo.”
“You're already pregnant, but still studying. One day lang naman ang kasal.” Sumingot siya. “O baka naman ayaw mo akong pakasalan?”
I cupped his face and smiled at him. “Then, let's get married.”
“Uh... ma'am and sir, nakaraharang po kayo sa entrance at baka hindi makapasok ang mga costumer.”
Nilingon namin ang pharmacist ng drug store, pagkatapos ay nagkatinginan kami ni Brey at natawa. Humingi kami ng pasensiya sa pharmacist at hinila na ako ni Brey palabas ng drug store.
***
Kasama ko si Brey nang umuwi kami sa bahay. Gusto niyang kausapin si kuya para makipag-ayos. Ipinagtimpla siya ni Ate Lianne ng juice habang hinihintay namin si kuya na umuwi galing trabaho. Nakaupo kaming tatlo sa sala.
“Natutuwa ako't nagkita na ulit kayo,” pagbubukas ni Ate Lianne ng topic at bumaling ang tingin kay Brey. “H'wag mo na sana siya ulit iwan. Alam mo bang iniyakan ka niya nang sobra nang maghiwalay kayo?” Medyo istrikta na ang tono ng pananalita niya.
Ngayon ko lang nakita si Ate Lianne na nagiging istrikta. Mabait kasi siya at malumanay magsalita.
“Kahit hindi ko pa nararanasan 'yon ay alam kong masakit. Naiisip ko kapag ako ang nasa lugar ni Nasha, gano'n din ang mararamdaman ko,” dagdag niya.
Tumango si Brey at ngumiti. “Hindi ko na ulit gagawin 'yon. It was hard for me when I broke up with her. I don't know why I did that but I regretted it.”
“Mabuti kung gano'n.” Napalingon kaming tatlo sa may pintuan nang marinig namin na nagsalita si kuya. Kararating lang niya galing trabaho.
Lumapit siya sa amin at naupo sa tabi ni ate. Tumingin siya kay Brey nang seryoso.
“Alam ko na ang nangyari sa daddy mo noong hindi siya nagpakita sa amin. Gusto ko lang na malaman mong pinapatawad na namin siya. Pero, sana ay hindi mo hiniwalayan si Nasha. Awang-awa ako sa kapatid ko nang iyakan ka niya,” aniya habang seryosong nakatingin sa kaniya.
“Mabuti naman at nagpakita ka na sa kapatid ko. Alam mo na bang nabuntis mo siya?” dagdag niya.
Tumango si Brey. “I'm really sorry kung nasaktan ko si Nasha. From now on, I'll take care of her and our child.” Hinawakan niya ang aking kamay. “At may sasabihin sana kami...”
Kumunot ang kaniyang noo. “Ano 'yon?”
Nagkatinginan muna kami ni Brey bago siya sumagot. “I want to marry your sister.”
Bigla akong kinabahan. Paano kung hindi pumayag si kuya? Overprotective pa naman siya pagdating sa akin kahit na noong mga bata pa kami. Kung sakali mang hindi siya pumayag, may tamang panahon naman para doon.
Nakatingin lang ako kay kuya habang hinihintay ang kaniyang sagot. Seryoso ang tingin niya kay Brey at tila kinikilatis niya nang maigi.
“Kung seryoso ka sa kapatid ko, bakit hindi? Magkaka-anak na rin naman kayo. Pero, kailangan muna naming makausap ang pamilya mo.”
Tumango si Brey. “Sure.”
***
Kinontak ni Brey ang kaniyang parents para umuwi at makalipas ng isang linggo ay umuwi sila ng Pilipinas. Papunta na kami ngayon sa mansyon nila Brey. Kasama ko siya at si kuya. Naiwan si Ate Lianne dahil walang magbabantay sa bahay.
Nakasakay kami sa kotse ni Brey dahil sinundo niya kami. Nag-park na siya sa garahe nila nang makarating na kami. Pagbaba namin ay kinabahan ako. Hindi ko pa nakikita ang mommy ni Brey kaya wala akong idea kumg mabait ba siya o mataray. Paano kung tarayan niya ako? Ganoon pa naman 'yong mga napapanood ko sa mga drama series, matataray ang mga biyenan.
Kumatok si Brey sa kanilang main door at pinagbuksan kami ng isang maid. Mayro'n na pala silang maid?
“Welcome back, sir,” sabi ng maid at tumabi.
Pagpasok namin ay sinalubong kami ni Olivia. Ngiting-ngiti siya at niyakap ako.
“I missed you, Ate Nasha!”
Yumakap ako pabalik. “I missed you too!”
Humiwalay siya sa pagkakayakap niya sa akin at bumaba ang kaniyang tingin sa tiyan ko. Nanlaki ang mga mata niya at napatakip siya ng bunganga. Hindi pa ba nasasabi ni Brey ang tungkol dito?
“Ito ba ang dahilan kung bakit pinilit pauwiin ni kuya sina mommy at daddy?” tanong niya at hindi pa rin nawawala ang gulat sa kaniyang mukha.
Tumango ako at ngumiti. Na-e-excite akong malaman niyang magkakaroon na siya ng pamangkin.
She gasped and smiled widely. “Magiging tita na ako? Oh my! Gusto ko nang makita si baby!” she squealed.
“Where's mom and dad?” tanong ni Brey.
Nilingon siya ni Olivia at bago pa makasagot ang kaniyang kapatid ay may dalawang tao ang bumababa sa hagdan. Napaangat ang tingin naming apat sa dalawang taong 'yon—ang parents nila.
Sinalubong ni Brey sa hagdan ang kaniyang parents. Iginiya niya sila sa living room at pinaupo sa couch. Niyaya na rin kami ni Olivia na maupo roon. Nang makaupo ay pinagmasdan ko ang kanilang ina. Maganda siya at kamukha ni Olivia. Maamo siyang tingnan kaya hindi ko malaman kung istrikta ba siya o ano.
“So, you are Nasha? Brey's girlfriend?” tanong niya. Sa tingin ko ay hindi naman siya istrikta o masungit, mabait naman amg paraan ng pananalita niya.
“O-opo,” kinakabahan kong sagot.
Napatingin siya sa tiyan ko at tumango-tango. Hindi siya nagsalita at nagpakita ng reaksyon kaya hindi ko alam kung okay ba siya sa amin. Tumikhim si kuya na kanina pa tahimik mula noong sinundo kami ni Brey. Nakatingin si kuya nang seryoso kay Mr. Simpson.
“Long time no see, Mr. Simpson. Naalala mo pa ba kami?” tanong ni kuya.
Bigla akong kinabahan. Baka kasi bigalang magkagulo rito at hindi na matuloy ang kasal. Paano na kami ni Brey niyan kung mangyari 'yon?
“Yes. I'm really sorry for what—”
“Natanggap na namin ang sorry mo at pinapatawad ka na namin, Mr. Simpson. Ayo'ko na ng maraming drama. Kaya sumama ako rito ay para maging maayos na ang lahat bago ang kasal ng kapatid ko at ng anak niyo.”
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni kuya. Akala ko galit pa rin siya kay Mr. Simpson.
Ngumiting naiiyak si Mr. Simpson saka paulit-ulit na nag-sorry at nagpasalamat. Inawat din naman siya ni kuya at sinabing okay na.
“Ilang buwan na ang dinadala mo?” tanong sa akin ni Mrs. Simpson.
“Four months na po.”
“Then, 'wag na nating patagalin. We'll let you get married next week,” Mrs. Simpson said and smiled.
***
Naka-schedule na ang kasal namin ni Brey pagkatapos namin magpasa ng mga dokumentong kailangan sa pagpapakasal. Bago ang kasal ay hindi muna kami nagkikita dahil 'yon ang sabi sa pamahiin.
“Akalain mo 'yon? Naunahan mo pa akong ikasal,” sabi ni Jannise habang pinapanood akong sinusukatan.
Nandito kami ngayon sa bahay nila Jannise. Gusto niya raw kasing siya ang maging alalay ko hanggang sa dumating ang araw ng kasal. Kinuha ko siyang bride's maid.
“Wala ka namang dyowa, so mauunahan talaga kita,” sabi ko.
Sinimangutan niya ako. “Magkakaroon din ako! 'Tsaka, ayo'ko pa ng commitment. Nakakatakot masaktan. Okay na muna ako sa mga crush ko, dahil hindi ako nasasaktan sa kanila.”
“Pero, sino kaya ang nakatadhana sa 'yo, ano?”
“After kong mag-aral ay saka ko lang siya makikilala. At p'wede ba? 'Wag mo na nga akong kinukulit tungkol sa love life ko.”
Tumawa ako at umiling-iling. Maganda naman si Jannise pero wala pa akong nakikitang lumalapit sa kaniyang manliligaw. At sa tuwing nagbubukas ako ng topic tungkol sa love life niya ay umiiwas siya. Bakit kaya?
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang tiyan ko. “Excited na akong makita si baby! Babae kaya siya o lalaki?” Tumingin siya sa akin. “Magpa-ultrasound ka kaya mamaya para malaman natin ang gender niya.”
“Sige,” pagpayag ko.
Pagkatapos akong sukatan ay pumunta kami sa OB ko para magpa-ultrasound. Ngayon naman naka-schedule ang monthly checkup ko.
Nakahiga ako at sinimulan na akong i-ultrasound. Nakatingin ako sa monitor kung saan ipinapakita ang baby sa loob ng tiyan.
Napangiti ako nang makita ko ang aking baby. Kahit ako ay excited na rin siyang makita.
“Babae ang baby mo, Ms. Pineda,” nakangiting sabi ng aking OB.
“May baby girl na akong aayusan!” excited na sabi ni Jannise.
Excited na akong makita siyang lumabas pero at the same time kinakabahan. Maipapanganak ko kaya siya nang maayos?
“Okay ka lang Nasha?”
Bumaling ang atensyon ko kay Jannise nang magsalita siya. Hindi ko na namalayang napatulala na pala ako sa monitor dahil sa mga pangamba ko lalo na't bata pa ako.
Umiling ako at ngumiti. “Kinakabahan lang ako kapag kabuwanan ko na.”
“H'wag kang kabahan, Ms. Pineda. Everything's going to be alright,” sabi ng aking OB-GYNE.
Nagpaalam na lumabas si Jannise nang mag-ring ang kaniyang cellphone. Narinig ko pang binanggit niya ang pangalan ni Nick bago tuluyang makalabas rito.
Napapansin kong nagiging close na sila sa isa't isa. As in close friend dahil wala akong nakikitang spark between them. But, they actually fit for each other. Kaya lang ay mukhang malabo dahil hanggang friends lang talaga sila.
Pinayuhan lang ako ng OB ng mga dapat at hindi dapat gawin para maging safe ang aking pagbubuntis nang matapos akong i-ultrasound. Paglabas ko ng ultrasound room ay nadatnan ko si Jannise na kasama si Nick habang nakaupong naghihintay.
Tumayo silang dalawa nang makita ako.
“Kumusta ang baby girl mo?” tanong ni Nick.
Ngumiti ako. “Okay naman siya. Excited na nga akong makita siya.”
“Sigurado akong mai-spoil ni Ninong Nickson ang inaanak niya,” biro ni Jannise.
“Hindi ah. Baka ikaw ang makaka-spoil lalo na't babae siya,” pagtutol ni Nick.
“'Wag na kayong magtalo dahil pareho n'yo lang siyang mai-spoil,” singit ko sa usapan nila.
Napahawak si Jannise sa kaniyang baba at tumango-tango. Bigla namang natawa si Nick habang nakatingin kay Jannise. Natigilan siya at kinunutan ng noo si Nick.
“Anong nangyari sa 'yo?” tanong ni Jannise.
Umiling si Nick. “Wala. Ano, alis na tayo?” pag-iiba niya ng usapan.
“Mabuti pa nga. Idala mo kami sa restaurant, nagugutom na ako.” Nauna nang lumabas ng clinic si Jannise.
Sumunod naman kaming dalawa sa kaniya.
***
Tinulungan ako nina Jannise at Nick na ibigay ang mga invitation cards sa mga inimbitahan namin. Kasama sa inimbitahan namin sina Tristan, Dovee, Darwin, Loyd, at Gabriel. Alam na rin ng lahat sa school na ikakasal na ako kay Brey. Humingi na ng sorry sa akin 'yong teacher na host sa reunion noon nila Brey. Nagulat pa si Nick nang malaman niya ang tungkol sa game na iyon.
“Kissing game? Seriously? Sinong matinong teacher ang gagawa ng gano'ng klaseng game? Kung nandoon lang ako, baka kung ano na ang nagawa ko sa kanila ni Troy,” komento ni Nick nang malaman niya 'yon.
Nakaupo kami sa isang bench na malapit sa comfort room kung saan nagbabanyo si Jannise.
“Hayaan mo na. Medyo matagal na iyon. 'Tsaka, humingi na ng sorry 'yong teacher.”
Hindi ko na nakikita si Troy na pinupuntahan si Dovee. Doon sa coffee shop ko siya huling nakita, noong kinaladkad niya si Dovee palabas. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang mayro'n sa kanilang dalawa.
“Dapat sa kaniya ay tinatanggalan ng lisensya. Napahiya ka dahil sa mga palaro niya.”
I sighed. “Nick, 'Di ba ang sabi ko ay hayaan mo na? At ayo'ko nang pag-usapan at maalala pa 'yon.”
Kumunot ang kaniyang noo at parang nagtataka sa sinabi ko. “Sorry,” mahina niyang sabi.
“Uy, narinig ko 'yon. Ang sungit mo nang magsalita, Nasha.” Nasa likuran na pala namin si Jannise. “Dala lang siguro 'yan ng pagbubuntis. May mga nababasa kasi akong nagbabago raw ang behaviour ng isang tao kapag buntis.”
Nilingon siya ni Nick. “Is that you, info-chan?” Ngumiti siya nang nakakaloko.
Hinampas naman siya ni Jannise sa kaniyang braso at tumawa lang siya.
“Info-chan?” nagtataka kong tanong.
“Wala lang 'yon. Doon lang 'yon sa nilaro ko,” sagot ni Jannise, “Magmeryenda na nga lang tayo.”
“Kakakain lang natin kanina, meryenda na naman? Parang ikaw lang tuloy ang buntis,” saad ni Nick.
“Hoy, may big appetite lang ako 'no! D'yan ka na nga! Nasha, let's go.” Pinatayo niya ako at hinila palayo kay Nick.
Tumawa lang si Nick at sumunod rin naman sa amin.
***
Lumipas pa ang mga araw hanggang sa dumating na ang huling tatlong araw bago ang kasal namin ni Brey. Kinakabahan na nae-excite na ako.
Bumangon ako sa hinihigaan kong papag nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Mabilis ang paglalakad ko dahil hindi ko na mapigilan. Ngunit pagtapak ko pa lang sa loob ng banyo ay bigla akong nadulas. Paupo akong nadulas kaya naramdaman ko ang pagsakit ng aking puwitan. Lumukot ang mukha ko nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking tiyan. Napatingin ako sa sahig at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang maraming dugo na nanggagaling sa akin.
Ang baby ko!
Narinig ko ang boses ni Ate Lianne at agad akong sinaklolohan. Tinawagan niya kaagad si Kuya.
“Umuwi ka rito sa bahay, ngayon na! Dalian mo! Dinudugo si Nasha!”