Chapter 7
Medyo natuwa naman siya kasi kahit papaano ay nabigyan ng pagkakataon ang mga sarili nilang damdamin. Na sa wakas ay maari na silang parehong makalaya sa isang kasunduang napagkulungan sa kanya. Ang tangi lang niyang dasal ay ganon na rin sana ang mangyari sa kasunduan ni Myra sa fiancee nito.
Agad na inanyayahan ng kanyang ina para sa isang dinner ang pamilya Estrella. Kaya lang medyo nagtaka siya, tila hindi tumutol ang mga ito, at hindi naisip ang tungkol sa kumpanya.
BAGO ang araw na iyon ay naisipan ding magkita nina Clinton at Myra. Tulad ng dati ay humantong na naman sila sa isang hotel kung saan pinagsaluhan na naman nila ang isang buong magdamag na kaligayahan.
“Alam mo, inanyayahan na naman ako ng mother nang lalaking iyon, family dinner date raw, sa wakas makikilala ko na siya,” sabi ni Myra sa kanya.
“O baka main-love ka naman sa kanya kapag nakita mo?” nakangusong tanong niya sa dalaga.
“Ano? Grabe ka naman sa akin, alam mo ba kung anong hirap ang tiniis ko sa Poland sa kasusunod sa iyo?” nakataas naman ang kilay nitong sabi. Na sinudan pa ng pisil sa kanyang ilong.
“Ako rin, makikipag kita na kami ng family ko, binastos niya ang parents ko, the last time na magkita sila, kaya bukas na iyon, ako naman ang magpapahintay sa kanya, ano kaya kung mag-love making muna tayo uli, para maamoy niya ang amoy mo sa akin?” pilyong sabi naman ni Clinton. Nginisihan lang ng dalaga dahil alam naman nitong hindi niya kayang gawin ang bagay na iyon. Iyon ang pinakamagandang katangian niya na nagustuhan nito sa kanya.
Isa kasi siyang lalaking punong-puno ng prinsipyo, kaya kahit na ginagawa nila ang bagay na iyon, wala naman siyang ginagawa kundi ang makonsensiya sa isang kasunduang hindi naman nila parehong ginusto.
“Talaga Honey, bukas na rin ang sa ‘min, bukas pala magbabago na ang sitwasyon natin, p’wedeng maging malaya na ang relasyon natin, depende sa mga mangyayari.” Yumakap pa ang dalaga sa kanya. Siya rin naman ay niyakap ang dalaga ng buong higpit.
“Basta mangako kang kahit na anong mangyari, tayo sa huli diba?”
“Oo naman, ikaw at ako, tayo ang destiny.” sagot naman niya.
“Promise!” iniangat pa nito ang isang kamay at inihanda ang hinliliit upang ikawit niya ang hinliliit din niyang daliri.
“PROMISE!” sambit niya sabay halik muli sa mga labi ng dalaga.
NGAYON na ang araw ng pagkikita nila, alas-sais ng gabi ang kanilang oras na napagkasunduan, ngunit sinadya niyang magpahuli, late ang eksenang pinag-usapan nila ni Myra, kaya iyon ang gagawin nila.
Sa Makati ang lugar na pinag-usapan para parehong malapit sa kanilang mga opisina, mangagaling siya sa Taguig, at sa Paranaque naman ang pamilya ng babaeng kanyang kakatagpuin.
Iyon na ang oras na kinakailangan na niyang maging matapang, iyong walang panghihinayang, walang pagsisihan, pagkatapos noon, hahanap na siya ng isang kilala at mayamang investors na mag-i-invest sa company nila.
Para sa kanya mas maling pakasalan ang isang babae na ang tanging dahilan ay ang pag-angat ng sariling kumpanya. Naniniwala siyang may ibang paraan pa para mapatakbo niya ng maayos ang kumpanya nila.
Nakita niyang naroon na ang buong pamilya niya at ang maging ang pamilya ng babae. Ngunit wala pa ang babae, mas na-late ito ng dating sa kanya. Marahan siyang lumapit sa mahaba at malaking table, nang makapasok na siya sa isang private room na kanilang pagkakainan. Class ang restaurant, at elegante, hindi rin sila bold, na makikita ng ibang mga costumers, kaya kung anomang klaseng usapan ay hindi sila mapapahiya o mabibilad sa kahihiyan sa ibang mga tao.
“O nariyan na pala ang anak namin,” banggit ng kanyang ama nang makalapit na siya.
“Mabuti naman, at nakarating ka na? Kumusta ang business, kahit na anak mo siya sa labas ay napakagwapo niya pa rin, at nagmana sa iyo ang mukha niya,” may pang-iinsultong sambit ng ama ng babaeng pakakasalan sana niya.
Totoo ang sinabi nito, anak siya sa labas ng papa niya, pero ang asawa nito na itinuturing niyang ina ang siyang nagpalaki sa kanya, at hindi naman siya itinuring na iba ng buong pamilya nila. “Kumpadre, mukhang poul yata ang sinabi mo,” paanas na sambit naman ng kanyang papa. Sa layon nitong maipagtanggol siya bilang anak.
“No, Pa, it’s okay, totoo naman po ang sinabi niya, pero hindi po ako nasasaktan, alam ko po na never ninyo akong itinuring na ganon,” magalang pa rin niyang sagot sa lahat.
Hindi alam ni Clinton na nasa labas na pala si Princess Myra Estrella, natitigilan itong huminto muna at pansamantalang nanubok sa loob ng silid na kanilang pagtatagpuan, nakita niyang nakatalikod ang lalaking nakatakdang niyang pakasalan. Panandalian din siyang nakinig, hindi niya alam kung bakit ng marinig niya ang boses ng lalake ay kumabog ng mabilis ang puso niya. Na karaniwan lang niyang nararamdaman sa tuwing malapit sa kanya si Clinton.
Nakatayo pa siya roon at pinapakinggan ang usapan, “Ano na ngayon ang magiging desisyon mo?” tanong ng papa ni Princess.
“Kumpadre, maaari sanang hintayin na natin ang anak mo, para naman malaman nating ang kanyang saloobin,” singit na salita uli ng papa ni Clinton. Nakatahimik naman ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya, maging ang mga ilaw ng tahanan ay hindi nagsasalita, nanatiling tahimik at nakamasid sa mga pag-uusap ng mga kalalakihan.
“Hindi na kumpadre! Nais ko nang malaman ngayon ang desisyon ang inyong anak, nais kong malaman bago pa dumating ang anak namin at masaktan sa mga dahilang sasabihin niyang anak mong hambog!” galit nang salita ni Mr. Strella. Nalaman na kasi nito na may iba na palang gusto ang binata.
“Bago iyon, sasabihin muna namin, na bago ka magdesisyon ng kung anoman, eto ang mapapala mo sa sandaling i-reject mo ang anak namin,” nakapapangilabot na salita ng mama niya. May halong pagbabantang tumitig ito sa binata, at sa mga magulang nito.
“Hindi na kami mag-i-invest sa kumpanya ninyo, at malaki rin ang posibilities na mawalan ka pa ng iba bang mga investors, tuluyang babagsak ang kumpanya ng buong pamilya n’yo, kaya mag-isip ka muna bago ka magdesisyon, Clinton,” sambit ng papa niya.