Chapter 19: CHAPTER EIGHTEEN
Bea's POV:
"PAPASOK TAYO SA SIMBAHAN, KAYA 'WAG KANG MAGMUMURA.", bigkas ni Nico habang hindi pa kami pumapasok sa loob.
At oo, suot niya ngayon ang sandal ko habang ako naman ay suot ko ang sapatos niya.
It's weird, dahil nagmukha akong lalaki, samantalang siya, dinaig niya pa ang pagiging babae ko.
Tinodo ng binata ang pagkembot na halos pagmamay-ari ang buong kalsada.
"Tumigil ka nga. Malamang hindi ako magmumura. Kaya 'wag mo akong pagsabihan na parang bata. Gago ka.", turan ko rito.
"Oh kita mo na 'yan? Wala pa tayo sa loob, minumura mo na agad ako. Pwede ba, sa susunod, mahalin mo naman ako.", banat na pahayag niya.
"Eto? Gusto mong mahalin?", pananakot ko sa kanya habang pinapakita ang kamao.
"Tsk. Kahit kailan talaga, ang hirap mong banatan.", he said.
"Ikaw ang babanatan ko dyan kapag hindi pa talaga tumigil 'yang bunganga mo. Bwisit!", inis kong turan at inalis ko ang kamay niya sa aking braso.
Oo, iniwan ko siya sa mismong gitna ng kalsada na suot ang sandal.
Alam ko kasi na mahihirapan siya sa paglakad kapag hindi ako kasama, dahil walang mag-aalalay sa kanya.
"Minion! Fuck! Balikan mo ako dito! Shit", sigaw nito pero dinilaan ko lang siya.
"Minion! Tangina!", malutong na mura nito.
"Don't say bad words! Malapit na ako sa simabahan.", ngising pahayag ko at kumaway na sa lalaki.
Tinalikuran ko na siya at tagumpay akong tumungo sa mismong simbahan.
Buti na lang at may bakante pang upuan sa likod, kaya agad akong umupo roon.
Nagsisimula ng magmisa si Father kaya tahimik kaming nakikinig.
Pero ilang minuto pa lamang ang nakalipas, may isang tao ang kumuha ng atensyon namin.
Malakas kasi ang tunog ng takong niya, at tila rumarampa sa loob.
Maging si Father, napatigil sa pagmisa, at yung mga tao ay pinipigilan na tumawa.
And then I realized, si Nico pala ang taong 'yon.
I guess, hinahanap niya ako dahil yung mata niya, kahit saan-saan nakakapunta.
"Hijo o hija, kung maaari ay maupo ka sana.", sambit ni Father at do'n niya naramdaman ang hiya.
May narinig pa akong bulungan sa mga taong nasa unahan nakaupo.
"Diba siya yung poging pulis? My gosh, what happened to him?", bigkas ng babae habang kausap ang katabi niya.
Hindi na lamang ako umimik at tinuon na ulit kay Father ang atensyon.
Nagpatuloy kasi siya sa pagmimisa, at si Nico, ayon at nakahanap ng mauupuan.
Ewan ko ba, pero pinili kong taguan ang binata para mahirapan s'yang hanapin ako.
Hanggang sa napunta na ang misa sa peace be with you, kung saan nakatayo kami at kanya-kanyang yumuko sa ibat-ibang tao. At nung magtatagpo ang mata namin ni Nico, bigla akong umiwas.
Hindi ko na tinapos pa ang misa at lumabas na ng simbahan.
Kaso laking gulat ko nang may isang tao ang humawak sa braso ko.
Buong akala ko si Nico 'yon, pero hindi eh.
Hindi siya ang taong humawak sa akin, kundi ang ex-boyfriend kong si Mark.
"At last, we meet again.", ngiting sabi niya na tila wala s'yang ginawa sa akin.
Marahas ko namang inalis ang kamay niya, at tiningnan siya ng diretsa.
"Maling araw ang pagkikita natin. But don't worry, we will meet again in the right time and right place.", saad ko sa kanya at tinalikuran ito.
Narinig ko pa ang tawag nito sa pangalan ko, pero hindi na ako lumingon pa.
Shit! Ba't ganon? Bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko sa lalaki?
MABILIS akong lumayo sa ex-boyfriend ko at lumiko sa isang sulok.
Talagang binilisan ko ang pagtakbo para sa gano'n, malinlang ko siya.
Sa maling direksyon ako tumungo na alam kong imposible n'yang masundan.
Kaya ayon, wala s'yang choice kundi ang bumalik sa loob ng simbahan.
Samantalang ako ay naglakad na rin papunta sa kotse ni Nico.
Pumasok na ako do'n at kahit papano, nakahinga ako ng maluwag.
Hindi ko inaasahan na magkikita kami ni Mark. Talagang maliit ang mundo, dahil sa maling lugar pa kami pinagtagpo.
Sa lugar na pinangarap namin noon, pero tinupad niya kay Fiona.
Oo, pangarap namin noon ang makasal, kaya lang hindi nangyari dahil nagloko siya. Niloko niya ako. Niloko nila ako!
"Shit Minion, nandito ka na pala, pero hindi mo man lang sinabi sa akin.", inis na bigkas ni Nico.
Natigil tuloy ang iniisip ko, dahil tumabi siya sa akin.
But at this point, umaaray siya sa sakit nang hawakan nito ang paa niya.
"Ano bang problema mo?", mataray kong turan.
"Hindi ko alam, ang sakit eh.", he just replied.
"Kasalanan mo rin naman. Ikaw ang nagmatigas na suotin 'yan noh.", saad ko sa binata.
"Kung hindi ko 'yan kinuha sayo, malamang, gumagapang ka na ngayon, Minion.", wika n'ya na parang kinokonsensya pa ako.
"So ano? Utang na loob ko pa talaga ha?", tinaas ko ang aking kilay habang sinasabi 'yan.
"Ganon na nga. Kaya dapat magpasalamat ka. Nakakahiya ang ginawa ko sa simbahan. Feeling ko nasa the voice ako at pati si Father, nakuha ko ang atensyon.", sambit niya dahilan para matawa ako.
Naalala ko tuloy ang naging eksena niya kanina.
Totoong napahiya siya, pero ang ibang babae, walang nasabi dahil sa gwapong taglay niya.
"Don't laugh. It's not funny anymore. Tsk.", asar nitong turan sa akin.
Natahimik na lamang ako at pinagmasdan na hinihilot niya ang paa.
Pero teka, bakit may hawak s'yang tsinelas?
"Buti na lang, nakita ko si Mark at ang pinsan ko. Kaya heto, may pinahiram sila. Laging handa kasi ang mag-asawa na 'yon.", pagsasabi ni Nico na animo'y sinagot na niya ang naging tanong sa isipan ko.
Napatigil naman ako dahil sa narinig ko.
Shit! Imposible kaya na sumama sila sa amin?
"Ay oo nga pala, nabanggit ko sa kanila na kasama kita. So Fiona decided na magdouble-date raw tayo.", muli n'yang pahayag.
"What? No!", impit na sigaw ko.
"Minon, kakain lang tayo ng sabay-sabay. Kaya 'wag kang over-acting.", wika nito.
"Pero Nico, sa atin ang date na 'to. You and me. And just the two of us. Kaya para mo na ring sinira ang day-off ko kung hindi natin masusulit ang araw.", pagalit kong litanya.
"What do you mean? Gusto mo akong masolo.", nakangising bigkas ng binata.
"B-bakit? Bawal ba?", kagat-labi na turan ko.
Bahala na.
Kailangan kong landiin siya, dahil hindi pa rin ito ang tamang panahon para sa amin na magkaharap.
"Then okay. Lilihis tayo ng landas. Hindi tayo sasama sa pinsan ko. Let's enjoy this.", kindat na bigkas nito at ninakawan ako ng halik.
Hindi na ako nagreklamo pa at dinilaan ko na lamang ang labi ko para malasahan ang kiss ng lalaki.
And yeah, it taste sweet.