Chapter 14: CHAPTER THIRTEEN

BEA's POV:

KUMUKULO ang aking dugo ngayon habang pinipilit ako ni Nico na kargahin ang pamangkin niya.

Kung alam niya lang, halos kinasusuklaman ko ang magulang ng bata.

Kahit wala s'yang kasalanan sa lahat ng nangyari sa akin, nandito pa rin ang sakit, sa tuwing sumasagi sa isipan ko ang aking anak.

Magkasing-edad na siguro sila ngayon, tapos naglalakad na rin siya, katulad ng batang nasa harapan ko.

"Bakit ba ayaw mong hawakan si Anna? Mabait naman siya at hindi iyakin.", bigkas ng binata na tila ramdam nito ang pag-iwas ko sa kanyang pamangkin.

"I hate kids.", pag-papalusot ko na lamang para kahit papano, hindi na siya magtanong pa.

"Hindi ka mahilig sa bata? Pa'no na lang kung magka-anak tayo?", sambit niya muli dahilan para matigilan ako.

Kaya wala sa oras ay napatingin ako kay Nico, with matching taas-kilay pa.

"Nasobrahan ka yata sa pinakbet.", turan ko sa lalaki.

"Hindi ahh. Nagiging advance lang ako. Malay mo diba, ako pala ang maging future husband mo.", walang paligoy-ligoy na sabi nito.

"Kung ikaw din lang naman ang magiging asawa ko, mas gugustuhin ko pang mabuhay bilang sperm cell.", wika ko naman na may kainisan sa pananalita.

"Well, sabi nga nila, kung ano ang tulak ng bibig, 'yun din ang kabig ng dibdib. So be careful, baka mahulog ka sa akin.", nakangiting pahayag ni Nico.

Napahilot muna ako ng sintido para hindi ako gaanong maasar sa binata.

"Proud na proud ka talaga sa sarili mo noh? Hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng lakas para magsalita ng ganyan. Anong akala mo? Gwapo ka? Hello, syempre oo--hindi!", asar kong saad sabay bawi ko sa salita na muntikan pa akong madulas.

Pero ang gago, hindi man lang nag-react.

Sa halip, napatulala si Nico sa aking katawan, kaya unti-unti ko itong tiningnan.

At tangina! Nahulog pala ang tuwalya sa sahig dahilan para makita ng binata ang kulay ng panty at bra ko.

"Manyak ka! Binobosohan mo ako!", saad ko rito.

Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil sa naging eksena.

"Hindi kita binobosohan, noh? Baka sinasadya mo lang na akitin ako.", bigkas niya na hindi man lang ito na-utal.

"What?!",

"Minion, ang dami ko ng babae na nakilala, at ganyan na ganyan ang ginagawa nila para maakit ako. Kaso sa lagay mong 'yan, ni hindi man lang nag-standing ovation ang alaga ko. So in short, wala kang audience impact pagdating sa akin.", mahabang litanya ng tao.

At talagang pinaliwanag niya pa!

"Gago ka talaga! Ginawa mo pa akong bikini show!", turan ko at kumuha ako ng pamalo para paluin si Nico.

"Hays! Aray! Tama na! Baka matamaan si Anna.", pagpapatigil nito.

Pero hindi ako nagpaawat dahil sumusobra na siya. Kaya lang, isang malakas na iyak ang pinakawalan ng bata.

Awtomatikong tumigil ako at tinapunan siya ng atensyon.

"H'wag ka ng umiyak. Kasalanan kasi 'yan ng tito mo.", pagpapatahan ko kahit labag ito sa aking kalooban.

"At ako pa talaga ang sinisi mo? Sino ba sa atin ang palo ng palo?",

"Bakit sino bang nanguna? Binabastos mo ako, kaya dapat lang na maturuan ka ng leksyon!", pagsisigaw ko.

"Tsk. Kailan ka ba magbabago? Sa ating dalawa, ako ang boss, pero kung umasta ka, daig mo pa ang may-ari ng bahay.",

"Hindi ko naman kini-claim na akin 'to, noh?! Kaya 'wag kang bobo, d'yan ka na nga!", inis kong bulyaw.

Akma na sana akong lalabas ng kwarto, pero biglang hinawakan ng bata ang kamay ko.

"M-mama, 'wag moko iwan.", mahinang sambit nito.

Sa boses n'ya palang, kinilabutan ako.

Hindi ko kasi inaasahan na tatawagin niya akong 'mama'.

"P-please po mama.", pakiusap na patuloy ni Anna.

"Hindi ako ang mama mo.", mapait na tugon ko sa kanya.

Kaso umiyak ulit ang bata na tila natakot sa sinabi ko.

"Kita mo na? Pati si Anna, gusto ka maging mama. Kaya pumayag ka na lang. Isang araw lang naman.", pagpipilit ni Nico.

"Ano ba kasi ang trip mo sa buhay? Kung gusto mo ng mag-asawa, edi maghanap ka ng babae.", pag-aadvice ko sa tao.

"Hindi ko na kailangan na maghanap dahil kasama ko na ang gusto kong mapangasawa.", pagbabanat nito.

Natahimik tuloy ako at hindi makasalita.

"Kinikilig ka noh?", pamimikon niya.

"Bakit naman ako kikiligin? Narinig ko na 'yan sa ex ko. Wala bang bago?", kibit-balikta kong tugon.

"Don't compare me to your ex-boyfriend. Iba ako sa kanya.",

"Narinig ko na rin 'yan.", muli kong sabi.

"Hays. Ba't ba ang hirap mong banatan?",

"Dahil ang corny mo. Akala ko pa naman, basta pulis, matulis. Ikaw lang yata ang naligaw.", litanya ko at tila nag-eenjoy na rin akong asarin siya.

"Below to the belt na 'yon ha?", malungkot na saad nito.

"Bakit? Totoo naman ha?",

"Matulis din kaya ako.", pagtatanggol niya.

"Oo, matulis ka nga. Matulis ang baba mo.", pahayag ko at sabay dila.

"Minion, nasasaktan na ako.", seryosong sambit niya at napahawak sa dibdib.

"Tama lang 'yan. Deserve mo ang masaktan sa katotohanan.", tanging tugon ko.

"I don't deserve that.", bigkas niya at binaba si Anna, kasabay ng paglapit nito sa akin.

"Ano ba?! Stop staring me like that! Mukha kang rapist na babalu!", pamimikon ko.

"Kung rapist din naman ang tingin mo sa tulad ko, siguro panahon na para gapangin kita.", ngising sambit ni Nico.

Walang atubli s'yang kumilos at hinalikan ako sa labi.

Oo, totoong halik ang ginawa n'ya.

At nung maglayo ang mukha namin, tinapik niya pa ng marahan ang pwet ko.

"Hindi ako matulis. Mabilis lang. Mabilis gumawa ng bata.", he chuckled.

Potah! Hindi man lang nahiya sa pamangkin niya.