Chapter 11 I’ll be there for you!
“What is your problem? As far as I know, I didn’t say anything wrong or anything bad earlier in the interview. Iyang mukha mo parang nilukot na papel,” wika ni Clay nang nakasakay na sila sa sasakyan.
“Let’s talk at your house!”
“Sino ang may sabi na uuwi tayo sa bahay ko? We will go to your house. I need to meet your parents. Kahit nagkaroon tayo ng agreement, kasama pa rin sa palabas natin ang pagpapaalam ko sa magulang mo,” sagot agad ni Clay. Mabilis siyang nilingon ni Yuna.
“What! Are you serious?” Bilog na bilog ang mga mata ni Yuna sa gulat.
“Mukha ba akong nagbibiro?” seryosong sagot pa rin ni Clay.
“No!” mariin na pagtutol ni Yuna.
“Why? Is it because of the man who showed up earlier? Ang lalaki na iyon ba ang gusto ng magulang mo na pakasalan mo?” diretsong tanong ni Clay. Hindi sumagot si Yuna dahil alam naman nito sa sarili na parte naman talaga si Lawrence sa kung ano man ang mangyari sa kanyang buhay. Nilayo naman ni Clay ang mga mata kay Yuna. Huminga ito nang malalim.
“I know, something is bothering you. Kung mayroon man kayong hindi pagkakaunawaan ng iyong magulang, ganun din ako. Maybe this is the right time to face them,” paliwanag ni Clay habang ito ay nakatitig sa labas ng sasakyan. Naramdaman naman ni Yuna ang bigat sa dibdib ni Clay. Nakita rin nito ang lungkot sa mga mata ng binata.
“I don’t have a mother anymore. She’s been dead for a long time. Daddy ko ang nagpalaki sa akin. Maybe you might be right! Kailangan ko na ngang harapin ang aking ama para suwayin ang gusto niya. But you have to accept whatever you hear and witness what can happen, when we go to our house,” paliwanag ni Yuna. Hinarap ito ni Clay.
“First of all, I’m sorry! I didn’t know that your mother was dead. Second, don’t forget our agreement that I will take care of you and not abandon you. Huwag kang mag-alala, kahit ano ang mangyari sa buhay mo ay kasama mo ako,” sagot naman agad ni Clay at hinawakan nito ang kamay ni Yuna.
“Also, don’t forget it’s in our agreement that you can’t touch me when it’s just the two of us. Kaya ilayo mo ang mga kamay mo sa mga kamay ko,” mataray na paalala ni Yuna kay Clay. Pero sinadya niya ito para magbago na ang ihip ng hangin sa kanilang paligid. Hindi naman tanga si Clay para hindi makuha ang ibig sabihin ni Yuna. Ngumiti na lang ito at tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa kamay ni Yuna.
“Ibang klase!” bulong ni Clay at saka na nito pinaandar ang sasakyan. Umalis na sila sa hotel upang pumunta sa bahay ni Yuna. Habang binabaybay nila ang daan, tumunog ang cellphone ni Clay. Nang nasilip nito kung sino ang tumatawag, sinagot niya ito agad.
“Ma?” matipid na sabi ni Clay. Tiningnan naman siya ni Yuna.
“Ang lahat ba ng balita tungkol sa ‘yo ay totoo? Are you really going to get married, son?” tugon ng ina nito sa kabilang linya.
“Yes!” matipid pa rin sagot ni Clay.
“Wala ka bang balak na umuwi rito to introduce your fiance?”
“Ma, don’t worry! We are going there tonight,” wika ni Clay para tumigil na rin ang ina nito sa pagtatanong.
“Really? I will also invite your brother, Charles. Sana naman anak, maging maayos na kayo,” nagagalak na sagot ng ina.
“Hindi kami magtatagal ng fiance ko riyan sa bahay. I just want to be formal in informing you of my marriage and nothing else!” Naramdaman agad ni Yuna ang malamig na puso ni Clay. Iniisip nito kung ano kaya ang posibleng problema ng binata sa magulang.
“Hindi bale anak, ang importante ay babalik kang muli sa ating bahay. Don’t think too much of your father. Even if he doesn’t talk about you, I know he misses you!”
“Bye, Ma!” paalam agad ni Clay. Naging tahimik ang loob ng sasakyan. Iniisip ni Clay na kung ano ang pwedeng mangyari kapag nakita at nakasama nitong muli ang kanyang pamilya. Samantala, si Yuna naman ay iniisip din ang kanyang ama. Hanggang sa sumagi sa isipan ni Clay na hindi pala nito alam kung saan nakatira si Yuna.
“What is your home address?” seryosong tanong ni Clay. Hindi pa rin nawawala ang pagiging malamig nito. Matamlay naman sumagot si Yuna. Agad iyong napansin ni Clay. Itinabi muna nito ang sasakyan sa tabi ng kalsada.
“Are you okay?” tanong ni Clay at tumango lang ang ulo ni Yuna.
“Look at me!” utos pa ni Clay. Nang tingnan siya ni Yuna, gumilid ang luha sa mga mata ng dalaga.
“May kinatatakutan ka ba? Before we go to your house, do you have anything else to tell me? Para alam ko o nakahanda ako sa gagawin ko,” dugtong pa ni Clay. Hindi pa rin sumagot si Yuna, bumagsak lang ang luha nito sa kanyang pisngi.
“Kung ayaw mong magsalita, okay lang! But remember this, I will protect you. So, stop crying!” Nagkakatitigan ang kanilang mga mata. Parang sa estado nila, hindi na peke ang kilos nila. Parang totoo ang relasyon nila. Umiwas ng tingin si Yuna at pinunasan nito ang kanyang luha. Pinaandar na lang muli ni Clay ang sasakyan upang puntahan ang bahay ni Yuna.
Lumipas ang isang oras. Nasa labas na sila ng gate ng village kung saan nakatira si Yuna. Bumalik na naman sa pagiging balisa ang dalaga. Naintindihan naman iyon ni Clay. Alam nito kung bakit kinakabahan si Yuna. “Relax! I’m here,” paalala nito kay Yuna. Tumango lang ang ulo ng dalaga at saka na nila pinasok ang village.
“Nasaan ang bahay niyo rito?” tanong ni Clay. Tinuro naman ni Yuna ang isang malaking bahay na kulay puti ang pintura at malapit na rin nilang marating. Nang nasa labas na sila ng gate, binuksan ni Yuna ang bintana ng sasakyan. Nakita siya agad ng kanilang guard at pinindot ng Manong ang remote control ng gate. Dire-diretso ang pagpasok ni Clay sa sasakyan sa may garage. Ang hindi nila alam, nakasilip na ang ama ni Yuna sa bintana sa may pangalawang palapag. Nakita rin ng matandang lalaki ang pagbaba ng kanyang nag-iisang anak sa sasakyan pati na rin si Clay. Nagtungo agad si Yuna at Clay sa may entrance door. Nang nagbukas ito, isang kasambahay agad ang sumalubong sa kanila.
“Si Daddy?”
“I’m here!” Dumagundong ang boses ng matandang lalaki sa loob ng bahay. Walang kasiyahan ang nakaguhit sa mukha nito. Kasing init ng apoy ang titig sa mga mata nito habang ito ay pababa ng hagdan. Nang narating nito ang kinaroroonan ng kanyang anak, isang malakas na sampal ang ginawa nito sa pisngi ni Yuna.
“D–Dad!” nauutal na wika ni Yuna habang hawak nito ang kanyang pisngi. Nang umangat muli ang ang kamay ng matandang lalaki para sampalin muli si Yuna, hinarangan ito kaagad ni Clay. Nakasalubong ang kanilang mga mata.
“I don’t care if you’re Yuna’s father, you have no right to hurt her! Kung hindi ka masaya o hindi mo tanggap ang naging desisyon niya, ako ang saktan mo. Walang sino man ang pwedeng manakit sa babaeng gusto kong makasama habang buhay!” matapang na sabi ni Clay.
“C—Clay,” pigil ni Yuna sa binata.
“Don’t say anything!” matigas na utos ni Clay. Hinila nito si Yuna papunta sa kanyang likuran. Hindi naman nagsasalita ang ama ni Yuna.
“Tao kaming pumunta dito at sana tanggapin niyo kami bilang mga tao. Kung ganito lang ang magiging trato mo sa anak mo, mas mabuti pa ngang sa akin na lang siya!” galit na sabi ni Clay sa matandang lalaki. “Let’s go!” Galit rin ang boses nito nang yayain na niya si Yuna. Pinunasan pa nito ang mga luha na nasa pisngi ng dalaga.
“Hindi ba sabi ko sa ‘yo kanina kung ano man ang maririnig mo at masasaksihan mo, tanggapin mo na lang,” paalala ni Yuna.
“No, I can’t! Magalit ka na sa akin pero hindi ko hahayaan na saktan ka kahit na sino, kahit sariling ama mo pa.”
“Clay—“
“Again, let’s go!” Hinawakan ni Clay nang mahigpit ang kamay ni Yuna. At saka niya ito kinaladkad.
“Wait!” pigil ng ama ni Yuna sa kanila.