Chapter 11: Chapter Eleven

It took an hour to reach the port where they can ride a ferry to reach the province. Hinayaan niya lamang si Kaiser na asikasuhin ang mga kailangan para makasakay ng barko. Hindi naman kasi siya pamilyar sa mga ganoong bagay dahil hindi niya alam ang paba-biyahe through sea.

Nang matapos ang pagaasikaso nang binata ay itinaas na nang nagbabantay sa pagpasok ng barko ang harang para makadaan ang sasakyan.

“Pwede kang lumabas ng sasakyan habang nagbi-biyahe. Maiinip ka jan sa loob ng van.” Anang binata nang mag-settle na ang van sa loob ng barko.

“Totoo? Pwede?”

“Oo naman. Basta tandaan mo lang kung saan naka-park ang sasakyan natin.”

Kinunutan niya ng noo ang binata. “Teka! Bakit parang hindi mo ako sasamahan?”

“Sasamahan syempre! Sinasabi ko lang incase na magbiyahe ka mag-isa or mahiwalay ka sa akin habang nandito tayo sa barko.”

She never plan on traveling alone riding this kind of thing. Kung kailangan tumawid ng dagat ay mayroon naman siyang chopper for that.

But wait matagal ba ang biyahe? Bakit kung makapag-salita ito ay tatagal ng maghapon ang pagsakay sa barko na ito?

This is her first time riding a boat or is it a ferry? Kaya hindi talaga siya pamilyar. Sumunod siya kay Kaiser ng bumaba ito nang sasakyan. Nagtungo sila sa gilid na bahagi ng barko at tinanaw ang papalayong tabi. Habang lumalayo ang barko ay pinagmamasdan niya ang alon na nililikha nang sasakyang pandagat. Nagkakaroon pa nang kulay puting bula ang alon na nagpapatingkad sa kulay ng dagat.

Malayang inililipad ng hangin ang kaniyang may kahabaang buhok. Agad niya itong hinagilap kaya lamang sa lakas ng hangin ay hindi siya magtagumpay kaya nang mapansin iyon nang kaniyang katabi ay tinulungan siya nang lalaki at ito na ang humawak ng buhok niya habang iniakbay nito sa kaniya ang kanang braso.

Humilig siya sa kasintahan. “This is awesome!”

“Hmm, yeah! Kaya nga gustong-gusto ko ang magbiyahe sakay ng barko kahit na maari naman ang eroplano patungo sa probinsiya.” Ipinatong nang binata ang ulo sa dalaga. “Maganda kasing pagmasdan ang tanawin, lalo na iyong mga isla na iyon!” anito habang itinuturo ang mga isla na nadadaanan ng barko.

Natatanaw ni Shamia ang mga nagtataasang bundok kahit na nasa kalagitnaan na sila ng dagat. “Totoo? Pwede magbiyahe via plane? Why didn’t you tell me that?”

“Ahm... gusto ko kasing makita mo rin ang ganitong mga tanawin habang naglalakbay sa karagatan hindi iyong puro himpapawid lamang ang alam mong lakbayin.”

Asar ‘to ah! Umalis siya sa pagkakasandal sa binata kaya bahagyang nahulog ang ulo nito sa kaniyang balikat. Natawa ang binata dahil doon.

“Tatawa ka pa? e malay ko bang maganda rin mag-biyahe through sea?”

“Kaya nga! Experience yan Ms. Sandler.”

Nagtagal pa sila ng ilang sandali sa gilid ng barko bago nagpasiyang magikot-ikot. Napunta ang mag-kapareha sa top deck kung nasaan ang kapitan nang barko. Hinarang pa ang dalawa nang ilang crew dahil bawal daw roon ang mga pasahero.

“Mam, Sir bawal na po dito!” anang crew na nakaharang sa hagdan na patungo sa taas.

“This is Miss Shamia Sandler!” pakilala ni Kaiser sa kaniya sa mga naroroon. At hindi na siya nagulat pa na agad tinawag nang mga ito ang head crew nang nasabing barko. Natataranta naman na nagbigay ng daan ang mga kaninang nakaharang.

“Perks of being in a business world.” Bulong pa sa kaniya ng lalaki.

Talaga naman kasing kilala ang Sandler sa mundo nang negosyo maging sa ibang bansa.

Natatawa niya itong kinurot sa tagiliran. “Loko ka tala----” hindi niya naituloy ang dapat na paratang sa binata nang lumapit ang medyo may katandaan nang lalaki.

“Good morning Miss Sandler. Sorry for the inconvenience. Ahm... ano pong maipaglilingkod namin sa iyo Mam?” natataranta pa na anito.

Nginitian nang dalaga ang matanda. “Wala naman po. We’re just looking for the nice view kaya napunta kami dito pero hindi pala pwede so don’t worry guys bababa na lang kami.”

“Ay hindi Mam, okay lang po! You can roam around po.”

“Okay thank you.” She said dismissing the conversation.

Nilibot nila nang binata ang buong barko dahil na rin sa kagustuhan nang dalaga at kung minsan ay kumukuha rin sila ng mga larawan.

Pabalik na sila sa van para makapag-pahinga ay hindi pa rin tapos sa pagtawa si Kaiser dahil sa nangyari kanina. Hanggang sa paglilibot kasi nila ay may nakasunod sa kanila na crew to do their bidding. Sabi naman niya sa head nang crew ay okay lang na huwag na pero sadyang makulit kaya hinayaan na lamang nila. Ginawa na lang nilang photographer ni Kaiser ang crew.

“Malapit na ba tayong dumaong babe?” tanong niya nang makaupo sa backseat ng van. Ang binata naman ay umupo sa driver seat.

Sumulyap ito sa relo saka sumagot. “Maybe we reach the port of Marinduque in an hour. Bakit? Naiinip ka na?”

Oo nga pala. Taga probinsiya nang Marinduque si Kaiser Pineda. Taga rito raw kasi ang tatay nito at taga syudad ang nanay. At napagdesisyunan na mag-settle sa probinsya dahil maayos ang buhay probinsiya kaysa sa Manila.

Nang sabihin nito na taga syudad ang ina ay naalala niya ang haka-haka ni Ysabella tungkol sa nanay ni Kaiser. Pero ipinagwalang-bahala ko na lamang, makikilala ko naman ito kapag nakarating na kami.

But when she told him her opinion that it is more convenient in Manila, inismiran lamang siya nang damuho sabay sabing kaya lamang daw niya nasasabi iyon ay laking syudad ang dalaga at mayaman. Hindi na lamang siya nakipag-argumento pa dahil baka nga naman tama ito.

Magkaiba naman kasi ang kinalakihan nila, kaya siguro magkaiba rin ang kanilang opinyon sa buhay. Pero hindi iyon magiging hadlang sa samahan nang mag-kasintahan. Iyon ang sinisiguro niya!

TANGHALI na nang makababa sila ng barko at magpatuloy ang kaniyang kasintahan sa pagmamaneho. Nag-offer si Shamia sa binata na siya naman ang magda-drive ngunit tumanggi ito, anito’y hindi raw niya kabisado ang daan at pasikot-sikot, ngunit agad namang nagdahilan ang dalaga na ituro na lamang nito sa kaniya ang daan pero sadyang hindi niya napapayag ang kasintahan.

“Daan muna tayo sa kainan baka nagugutom ka na, Shamia?”

Maya-maya ay wika ni Kaiser sa kasintahan. Tiningnan lamang ito ni Shamia at muling iginala ang paningin sa paligid, wala naman kasi siyang nakikitang mga restaurant sa nadaraanan nila At isa pa ay dinatnan na ang dalaga ng kaba sa isiping nasa probinsiya na nga sila and any minute now makikilala na niya ang pamilya ni Kaiser. Hindi lamang pamilya kundi ang mga kamag-anak rin nito.

“I’m okay! Hindi pa naman ako nagugutom. Ikaw?” Kumain sila kanina habang naglilibot sa barko, nakakita sila ng bilihan nang mga pagkain sa loob ng barko kaya naki-tulad sila at bumili na rin ng para sa kanilang dalawa.

Sinulyapan siya ni Kaisr sandali saka muling itinuon ang mata sa kalsada. “Hindi pa rin naman ako nagugutom. Doon na lang tayo sa bahay kumain pagdating natin, siguradong may handa sila nanay.”

Hinarap niya ito nang may maalala. “Kailan ka huling umuwi sa inyo, Kai?”

“Ahmm...” nag-isip pa ito bago sumagot. “A years ago?”

That means umuwi ang binata bago tanggapin ang trabaho sa kaniya?

“Tagal na ah! It means nang tanggapin mo ang trabaho mo sa Octagon Devils hindi ka na umuwi?”

“Yeah! Paano ako makakauwi kung kada-lakad nang mga lokong yun kasama ako? nawalan ba sila nang lakad? Di ba hindi naman.”

“Ewan kung nawalan sila nang lakad. Di ko naman kilala dati iyon eh!”

Inabot nang binata ang buhok niya at pabirong hinila iyon kaya hindi niya naiwasang matawa.

“Hindi ka matinong kausap promise!”

“Tinanong mo kasi ako e malay ko ba sa kanila?” natatawa pa rin niyang sagot at medyo lumayo na dahil aabutin na naman nito ang kaniyang buhok.

“Bakit hindi ka pala umuuwi noon? Pwede ka naman magpaalam sandali? Hindi ka ba namimiss nang magulang mo?”

“Okay lang naman sa kanila. At saka nagresign din naman ako.” medyo humina ang boses nito sa huling sinabi.

“Why did you resign on the army, by the way?”

“Ah, may nangyari kasi kaya napilitan ako, pero pinagsisihan ko din agad.”

“What was it?”

Hindi ito umimik kaya hindi na lamang siya nag-usisa pa. Sasabihin rin naman nito sa kaniya ang bagay na iyon kapag handa na itong malaman niya. Sa ngayon, she need to focus sa mangyayari pagdating nila sa tahanan nang mga Pineda.

“Babe, we’re here!” pupungas-pungas pa nang magising ang dalaga.

Nakatulog siya simula nang matahimik ang kanilang biyahe.

“Huh?” Hindi pa agad pumasok sa isip niya kung nasaan siya, sila. Kaya inilingap pa niya sandali ang mga mata at saka pa lamang niya naalala na nasa van sila, at nakaparada na ito ngayon sa isang bahay na gawa sa kahoy. Plywood ang dingding nang bahay at may tatlong baitang na hagdan para makaakyat sa nagsisilbing terasa patungo sa sala.

Tanaw na tanaw iyon sa labas kaya kitang-kita ang mga taong nag-aabang sa kanilang pagdating.

“Baba na, Mahal ko! Excited na silang makilala ka.” Kinikilig siya sa tuwing tinatawag siya nitong ‘Mahal Ko’.

It’s very sweet!

Nilusob nang kaba ang dalaga nang bumaba na si Kaiser at buksan ang pinto ng van sa gawi niya. Rinig niya ang mga tawag at tinig na nagmumula sa bahay.

“Tatay naari na si Kuya!”

“Nasaan na baga si Tatay mo? Ee! Sabi ko mandin ay huwag nang umalis muna at padating si kuya mo.”

“Naku Nanay baka nasa pag-ula yun! Hapon na ay!”

Nakakatuwa ang mga punto ng kanilang mga pananalita. Pero hindi niyon nabawasan ang kaba na kanina pa bumubulabog sa kaniyang dibdib.

Kahit na kinakabahan ay lumabas na rin siya nang van dahilan ng pagtahimik bigla nang nagkakasiyahang pamilya. Lahat sila ay nakatingin sa gawi nila nang binata. Napakapit tuloy siya nang mahigpit kay Kaiser dahilan nang pagtawa nito sa kaniya.

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Don’t you dare laugh at me, Pineda!”

Lalo lamang itong natawa dahil sa kaniyang mga banta. Kinakabahan na nga siya pero pinagtatawanan pa rin siya nang lalaki.

“Nahan na baga ‘yang batang yan? Ee yanung tagal nang hindi nauwi nyan!” pakinig niyang saad nang tatay ni Kaiser. Papalapit ito sa gawi nila. Kinukuha pa kasi nila ang gamit sa likod na bahagi ng van. Ang pangalawang kapatid ni Kaiser ay lumapit na rin kasama ang bunsong kapatid na babae.

“Ate Sham! “ bati nang dalawa sa kay Shamia.

“Hello Kobe! Hi Kharis!” bati niya pabalik samga ito.

Agad na kumapit sa braso niya ang babae. Matangkad ito sa edad na 15 at si Kobe ay halos kasing tangkad na nang kuya Kaiser nila sa edad na 20.

“Ganda mo ate lalo na sa personal.” Dagdag pa ni Kharis.

“Naku ate mambobola yan! Hihingi laang yan nang pasalubong.” Singit naman nang lalaki.

“Don’t worry, may pasalubong kami para sa inyo!” nangingiting tugon nang dalaga.

Si Kaiser ay abala na sa pagbubuhat ng gamit patungo sa bahay katulong ang tatay nito.

“Parini na kayo! Kamo’y wag jan sa labas ay mainit pa rin kahit hapon na!” tawag sa kanila nang nanay na Pineda.

“Nanay talaga ay! Kj baya naman yan! Ay ate yan ay excited lamang na makita ka! yanung paglinis ngane kahapon tsaka kanina.” Pang-aalaska nang magkapatid na Kobe at Kharis sa ina nang mga ito habang nakakapit sa kaniya.

Panay pa rin ang panunukso nang dalawa sa nanay nang mga ito kahit na nakaupo na sila sa upuang kawayan sa sala.

Ang kanila namang tatay ay nagpaalam sandali upang asikasuhin naman daw ang mga alaga nilang baboy.

“Babe? Okay ka lang ba jan sa dalawang iyan?” tanong sa kaniya ni Kaiser nang makalabas ito sa silid malapit sa sala. “Pagpasensyahan mo na iyang mga yan, makukulit talaga! Lalo na iyang si Kharis”

“Kuya naman ay! Kung di ‘ta lamang namimiss hmm... asapakin ‘ta talaga!”

“Totoo miss mo ako? bulaan ka jan!” pang-aalaska pa nang binata sa kapatid na bunso.

Nakakatuwang panoorin ang mga ito. Kahit sila nang kaniyang kuya ay madalang lamang na magkausap o mag-bonding. They are close but not super close. Hindi tulad nina Kaiser na kita mo talaga ang closeness sa magka-kapatid.

“Kobe paroon daw kay tatay sabihang may asabihin ako, ikaw na ang magpakain ng baboy sa baba! Ikaw naman panget na babae ikaw ang magluto sa kusina.” Utos nang binata sa mga kapatid. “Nanay! May asabihin ako!”

Sumungaw ang Nanay ni Kaiser sa pinto ng kusina. “Bakit? Sandali daw at ako’y nagaluto ay, baka inagutom na si Shamia!”

“Madali laang ari ee... Nanay dalia at naari na si Tatay!” wika ni Kaiser nang matanaw na ang tatay nito na paakyat sa hagdang kawayan na nasa kusina.

Nakakatuwang pakinggan ang punto ni Kaiser sa pagsasalita, maging ang pamilya nito. Hindi niya inaasahan na sa simpleng punto ng wika nang mga ito sa probinsiya ay nakakadagdag sa kakisigan at pagkatao ni Kaiser.

“O? nakatitig ka Babe?” napansin pala nito ang paninitig ni Shamia.

“I just find you adorable and cute with your own language here in your province.”

Magsasalita pa sana ang binata ng dumating na ang nanay nito at naupo sa tabi ng asawa.

“Anong asabihin mo Kai?” usisa nang ina.

“Nay... Tay si Shamia Sandler po girlfriend ko!” biglang bumalik ang kabang kanina’y naglaho na sa kaniyang dibdib. Hindi niya akalain na pormal talaga siyang ipakikilala nang binata sa magulang. “Babe si Nanay Belinda at Tatay Karlito.”

Kahit na kinakain ng kaba ay nagawa pa rin niyang ngitian ang mga kaharap. “Hello po sa inyo! Mam, Sir!” iyon ang nabanggit niya dahil hindi niya alam kung ano ang tamang itawag sa magulang ng kaniyang kasintahan.

Napahalakhak si Kaiser dahil sa itinawag ni Shamia sa magulang nito. Narinig rin niya ang hagikhik ni Kharis sa kusina at ni Kobe na nakasilip sa pinto na galing sa silid.