Chapter 3: Trabaho
“I hope it’s enough time for you to write my biography, Derin,” salo ni Estela.
“I’ll do my best! But I really need everything that you can provide me in that span of time, Estela,” aniya sa retiradong aktres.
Tumango ito at nakita niya ang ningning sa mga mata ng kausap. Ang alam niya tungkol dito ay iyong nago-Google search niya lang. Wala itong asawa at pamilya o anak, which was kind of unbelievable dahil nga sa maganda itong babae. Wala naman siguro itong problema sa karakter dahil sa tingin niya ay mabait naman ito. Sadya nga sigurong hindi nito nahanap ang partner sa buhay.
‘O kaya naman ay isa siyang sawi.’
“Oh, I hope you’ll not find my life boring. I assure you, it’s far from that. At dahil ikaw ang inirekomenda ng mga kakilala ko na magaling gumawa ng biography, I think I’d die happily after this.”
Nalungkot naman siya sa narinig nito. Mukha naman itong malusog, so bakit ito nagsasalita ng ganito?
“Oh, don’t worry. I’m perfectly fine.” Ngumiti ito sa kanya na parang nababasa ang nasa isip niya. “I was just saying! Nabasa ko na kasi ang mga gawa mo before I decided to pursue this project. I even consulted my nephew if I’d go for it, and he’s been very supportive! Kahit na medyo busy siya sa negosyo, he’s always been there for me.”
‘Hmm. May dakilang pamangkin pala ito? Sino naman kayang businessman?’ sa loob-loob niya. ‘Kilala ko kaya?’
“I was really impressed noong malaman kong a couple of Hollywood celebrities ang ginawan mo ng biography,” pagpatuloy ni Estela. Nakasalamin ang excitement sa mukha nito.
Napakumpas siyang naiiling. “Well… it was kind of a long story. But to make it short, kakilala ko kasi sila. ‘Yong una, kaibigan ko. I was… actually depressed at the time nang maisip niyang gawan ko siya ng biography to take my mind off my predicament. And it really helped!”
“Oh!” nasabi nito na nasorpresa sa ipinahayag niya. “But you did a very productive thing in the end. That was amazing!”
Tumango siya at ikinuwento na rin ang summary. Na-depress siya noon dahil sa walang tumanggap sa kanya bilang scriptwriter sa mga TV station sa America at kahit na sa Pilipinas. She thought she really did her best, but it was all for naught. Lugmok na lugmok siya sa mga panahong iyon. Ang akala pa nga niya ay hindi na siya makakaahon pa.
“Bago pa ako nangangarap na maging writer ay isa akong Accounting student sa California. Doon ako pinag-aral ng namayapa kong stepfather. Pagkamatay niya ay sumunod naman ang ina kong gambler at alcoholic. It turned out that every asset my stepfather left for my mother was gone. Naghirap ako pagkalibing ng ina ko. Walang bahay o kahit ni isang alahas. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral. I did odd jobs in the US at isang araw ay nagising na lang akong inspiradong magsulat. I did write a couple of manuscripts at nagpasa pero hindi ako sinuwerte. Cliché na raw ang istoryang naisip ko, walang bago.”
“Oh, that’s so sad,” anang Estela.
Tumango siya. “Nang malaman ng lola ko⸺sa side ng namayapa kong ama⸺sa Pilipinas na naghihirap ako sa America ay pinauwi na niya kaagad ako. Nangutang pa nga siya ng pera para sa ticket ko sa eroplano para lang tulungan akong makabawi sa pamumuhay ko. Dahil may sakit at miss naman ko siya kaya umuwi ako rito sa Pilipinas. Inalagaan ko siya at nagpatuloy ako sa pagpasa ng mga manuscripts sa iba’t ibang publishing houses pero hindi pa rin ako pinalad.
“Namatay na ang lola ko at mag-isa na lang ako sa buhay. Naghihirap ako dahil wala akong matinong trabaho kahit na galing akong America at doon nag-aral. Kaya hayun, pumunta ako sa isang club sa Makati dala ang pinakahuli kong pera⸺na parang gaga⸺para maglasing sana pagkatapos ng trabaho pero isang bote pa lang ng beer ay nasabak na ako sa pakikipag-away para ipaglaban ang isang babaeng foreigner na binastos. At iyon na nga po ang simula.
“Hindi sinasadya ang pagtagpo namin noong una ni Gretchen Dennings dahil tinulungan ko siya. Binigyan ko lang naman ng leksyon iyong lalaki at nagsimula iyon doon lahat at naging magkaibigan kami. Nalaman niya ang problema ko. Gusto ko talagang maging writer pero nawalan na ako ng pag-asa dahil nga sa mahigpit na kumpetisyon at dahil na rin sa problema ko sa creativity thingy. May mga mas magagaling pa talaga sa ‘kin sa industriya. Aminado naman ako roon. Kailangan ko talagang kumain ng napakaraming bigas upang maabot ang tagumpay na ninanais ko. I have to think out of the box, which is not easy to do.”
“Right.” Tumango si Estela bilang pagsang-ayon.
“Laking pasalamat ko kay Gretchen lalo na’t nag-hit naman ang book niya. Dahil doon ay lalong sumikat ang aktres na kaibigan ko sa Hollywood at may kaibigan din siyang gumaya at kinuha ako bilang ghostwriter sa autobiography niya. At doon na nga nagsimula ang career ko bilang professional personal historian.”
“I see. It’s an amazing story by itself, Derin. Maybe you can write your own story and tell the world.”
Napailing siyang napatawa. “Well, it was five years ago. Hindi man ako nakapagtapos ng pag-aaral ay naging professional personal historian na ako at nag-e-enjoy din naman ako sa trabaho ko. Ghostwriter or not, depende sa kliyente ko.”
“That’s good.”
Binigyan sila ng snacks at maiinom ng isa sa mga katulong at nagpatuloy pa silang mag-usap na dalawa ni Estela.
“So, I’ll need some members of your family para ma-interview, photographs⸺especially ‘yong pinaka-memorable n’yo⸺diaries if meron and some others na sa tingin n’yo ay puwede nating isama sa libro,” wika niya.
“I have prepared some things you’ve mentioned. But please, I also want you to enjoy your stay here at hindi lang puro trabaho,” ngiting sabi ng aktres.
Pinasalamatan niya ito. “I’m sure I will.”
“Great! So, maybe you can start by Monday. Weekend pa naman bukas. At least may two days tayong magkuwentuhan at mas magkakilanlan. What do you think, Derin?”
“I think it’s very nice of you, Estela. I appreciate that very much!” turan niyang nakataas ang sulok ng mga labi.
“I really want to hear your stories. I’m sure you have lots. I bet hindi lahat ng iyon ay nasa libro, hindi ba?”
Napatawa siya nang mahina at tumango rito.
“So, this is her, Tita Este?”
Natigilan na lang ang dalaga sa narinig na pamilyar na boses na iyon.