Chapter 11: Making Out
Lalong nagbungisngisan ang mga kaibigan ni Cammy at nununudyo ang mataray na si Kat habang nakatunghay kay Derin. May ibinubulong pa ito kay Cammy habang nakatingin sa kanya.
‘Ano ba kasi itong kinasusuungan ko, eh? Lecheng Cairon!’
Nagpaalam na nga ang binata sa mga kalalakihan na halatang na-disappoint na hindi pa man alas dos ng umaga ay uuwi na sila. Ayos naman sana ang party dahil walang nabubulahaw na mga kapitbahay dahil katulad ng mansion ng binata ay malayo ito sa mga kapitbahay na nasa malayong ibayo pa ng Sta. Ignacia.
Kapwa sila nakatayo malapit sa sports car nito. “Call me ‘babe’ again, and I swear—”
Naputol ang kanyang gustong sabihin nang dumampi sa mga labi niya ang labi nito at ang isang kamay nito ay nakahapit sa baywang niya. That kiss was gentle, and she froze. He slowly moved his warm and wet lips against hers, and it was like she was drowning into a beautiful abyss. He tasted like honey, mint, and alcohol mixed together. It was… heady. Addictive.
Hindi na siya nakapag-isip pa. Natural lang na pumikit ang mga mata niya at ang lakas ng kabog ng dibdib niya.
‘Sh*t! Ang sarap talaga ng halik niya!’ sigaw ng isip niya.
Naalala niya ang unang halik nila kanina sa may blind curve. Ito nga ang nalasahan niya kanina, minus the alcohol. She thought it was good, somehow.
Bago pa niya namalayan ay gumalaw na rin ang kanyang mga labi at tinugon ang halik na iyon ng binata. Napamura siya sa isipan nang lalong lumalim ang halik na iyon at tila ginising ang kanyang pagkababae. Ramdam niya ang paninigas ng kanyang dalawang dunggot nang dahil sa pagkadikit ng matigas nitong katawan sa kanya.
Hindi siya makapaniwalang nakipaghalikan siya sa lalaking ito. Nawala na talaga siya sa kanyang tamang huwisyo. Sumigaw ang utak niya, sinabing dapat na niya itong tigilan dahil hindi tama.
‘Wala kang relasyon sa lalaking ito, kaya bakit? Bakit nakikipaghalikan ka, Derin?’
Subalit pakiramdam niya ay nanghihina siya. Nawalan siya ng lakas para itulak ito at sa halip ay tinugon lang nang tinugon ang paggalaw ng mga labi nito. Sinimsim nito ang ibabang labi niya at saka ipinasok ang dila sa loob ng kanyang bibig. Doon ay tila hinagilap nito ang sarili niyang panlasa, gusto siyang paamuin o kaya mas tikman pang maigi.
Hindi niya alam.
Gusto niya ang bawat paggalaw ng malambot nitong labi sa labi niya. Gusto niya ang panunukso ng dila nito sa dila niya.
‘Nababaliw ka na, Derin! Kanina mo lang siya nakilala, tapos pinagapos mo na ang dila mo sa kanya? Gumising ka na, uy!’
Narinig niya ang mahinang pag-ungol ng lalaki at lalong nilaliman ang paghalik sa kanya. Napakapit siya sa suot nito dahil pakiramdam niya ay mabubuwal na siya sa kinatatayuan.
Derin’s mind was clouded with so much desire, ignited by his sweet, deep, and passionate kiss. Naramdaman niya ang pagpisil-pisil nito sa kanyang baywang hanggang sa dumako ang isang kamay nito sa kanyang pang-upo.
Parang natunaw ang kanyang mga tuhod at hindi siya makatayo nang diretso. Kaya naman ay lalo lang humigpit ang yakap ng lalaki sa kanya at nakasandal na siya sa katawan nito. Ramdam niya ang malaking bukol na sumundot sa kanyang tiyan. Dapat na mataranta na siya ngayon ngunit sa halip ay gumalaw nang kusa ang kanyang katawan na tila mas gusto pang maramdaman yaon.
Naghahanap.
Naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido sa kanyang sentro, bagay na noon niya pa nadarama sa tanang buhay niya. Hindi niya namalayang napahalinghing siya habang kaulayaw ng kanyang dila ang dila ng binata.
Hindi niya alam kung gaano iyon katagal pero ilang sandali pa ay tinapos na ng lalaki ang halik na iyon. His eyes and smile told her it was not enough, but he was satisfied that she kissed him back.
“I really love kissing you, sugar lips, and I loved that you kissed me back!” pabulong na anito.
Para siyang natauhan, namilog ang mga mata. “I-I didn’t kiss you back… I-it was just the tequila, I guess,” tugon niyang nag-iinit ang pisngi at iniwas ang paningin. Napapikit pa siya nang saglit sa katangahan niya saka pumasok na sa kotse nito.
Napatawa nang marahan ang lalaki bago rin ito lumulan sa sasakyan at pinaandar na. “Okay. Blame it to the poor tequila! Next time, you can’t blame anything or anyone. I’ll make sure of that.” Medyo napakiling ito ng ulo bago pinatakbo ang sasakyan.
Kinabahan siyang bigla sa sinabi nito pero hindi niya maipagkakaila sa sariling ang sarap ng halik ni Cairon na parang ayaw na niyang tumigil pa. Hindi talaga umaandar ang pagiging marunong niya sa martial arts sa lalaking ito. Parang nawala na lang basta ang lahat ng natutunan niya.
‘Gaga talaga. Gumising ka nga, Derin! Huwag kang magpapadala sa kanya. Alalahanin mong manyakis lang siya. Wala sa kanya ‘to at laro lang ang lahat.’
Gayunpaman ay hindi nawawala sa isip niya ang pakikipaghalikan sa binata. Pakiramdam nga niya ay baka magkakapasa ang mga labi niya dahil sa lalim at matinding paghalik nito sa kanya na may panggigigil.
***
Nang dumating sila sa mansion ay agad bumaba si Derin bago pa ito makaibis ng sasakyan at pagbuksan siya. Dapat na agad siyang umiwas at lumayo sa lalaki. Yes, that should make her safe from him.
Subalit humabol ito sa kanya at sumabay sa kanya sa pagpasok sa kabahayan. Ang lalaki kasi ng mga hakbang nito para lang maabutan siya.
‘Kainis!’ sa isip na naman niya nang mapasulyap dito. Ang lagkit nitong makatingin sa kanya. Para na naman siyang matutunaw.
Ito pa ang nagbukas ng malaking tarangkahan bago niya ito maabutan. Ngumiti ito nang lagpasan niya nang walang salita.
“Dream of me… sweet lips,” pang-aasar na naman nito sa kanya bago siya makaakyat patungong pangatlong palapag. Doon kasi ang kuwarto niya. Nalaman din niyang ang silid nito at ng tiyahin ay nasa pangalawang palapag.
Titig na titig sa kanya ang lalaki na animo’y hinuhubaran na siya.
Binigyan niya ito ng isang matalim na tingin at tinalikuran na.
Tama.
Hindi na niya ito papatulan at mapapagod rin ito. Iyon na nga ang gagawin niya.
Well, sana nga. Wish niya lang talaga.