Chapter 8
Janelle's Point of View
"Bakit ka ba sasama? " tanong ko kay Ali.
Nung sinabi ko kasing uuwi muna ako kasi dumating si Lola, eh gusto niya rawng sumama.
"Why? Hindi ko ba pwedeng makita ang grandmother-in-law ko? "
"Hindi naman sa ganoon. Eh may trabaho ka pa eh"
"Ikaw din naman"
Oo nga pala. Secretary nga pala ako nitong lalaking to.
"Tsk! Sige na nga! Pero ako muna unang lalabas bago ka. Baka awayin na naman ako nung pabida mong employee" sabi ko sa kanya at lumabas na sa office niya.
Si Lola kasi, strict yan. Pero mabait naman siya. Hindi nga niya bet si bruha eh. Mas bet ni Lola si Mama. Ha! *Flip hair*
Nang malapit na sana ako sa pintuan, may biglang humarang sa'kin na pabida.
Tae! Nagmamadali ako eh!
"At saan ka pupunta? " taas kilay niyang tanong.
"Pake mo? "
"Y-you—! Wala kang karapatan para ganyanin ako! "
"Ikaw din naman ah. Parehas lang tayo na empleyado dito kaya wag kang humarang sa dinaraanan ko. May importante pa akong lalakarin" pagsusungit ko sa kanya.
"Wala kang respeto sa kapwa mo empleyado! Unang araw mo palang dito pero naglalakwatsa ka na! Hindi dahil ikaw ang secretary ni Sir Gutierezz, gagawin mo na lahat nang gusto mong gawin! "
Arghhh! Kapag talaga ako napagalitan ni Lola, kakalbuhin ko talaga tong babaeng to!
"Pwede bang sa susunod nalang tayo mag-away? May emergency kasi eh! "
Aalis na sana ako pero nahawakan niya naman yung balikat ko.
Nako! Kapag hindi ako nakapag-pigil, baka mabali ko tong kamay niyang sobrang skinny.
"Yo—"
"Ms. Lea, paki-bitawan si Ms. Janelle"
Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko naman si brother-in-law ko.
"Mr. Caesar... Naglalakwatsa kasi siya eh... " sabi naman ni Ms. Lea kuno.
Anong—arrrrr!
"No, she isn't. May importante silang lalakarin ni Sir Gutierrez kaya pakawalan mo na siya kung ayaw mong masesante sa trabaho" seryosong sabi ni brother Caesar kaya agad akong binitawan ni Lea.
'Thank you brother' I mouthed to Caesar at nginitian niya naman ako.
Lumabas na ako sa Company at may huminto naman na sasakyan sa harapan ko.
"Get in"
***
Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Inhale... Exhale... Inha—
"Nervous? "
"Ayinahaleexhale! " gulat kong sabi.
Tinignan ko naman nang masama si Ali.
"What? "
Inarapan ko lang siya.
Kapag talaga ako napagalitan! Nakoooo!
***
Andito na kami ngayon sa bahay at mas kinabahan pa ako.
2 years na nung huli kong kita kay Lola kaya dapat, ready ako ngayon lalo na't may asawa na ako because of one-night stand.
Pumasok na kaming dalawa ni Ali sa bahay at nakita ko naman si Lola sa couch at umiinom nang kape.
Ehem... Ehem...
"L-Lola! " tawag ko kay Lola.
Tumingin naman si Lola sa'kin at boom! Mas kinabahan pa ako! Pero biglang naging mapayapa ang mukha ni Lola nang tumingin siya sa likuran ko.
"A-ah.. Si Ali pala La, a—"
"Alijandro? "
Ha? Kilala siya ni Lola?
"Good Afternoon, Madame Sia" si Ali naman yan.
"It's nice to see you here, iho but what are you doing here? " takang tanong ni Lola habang lumalapit sa'min.
"Ah La. Asawa ko po siya" ako naman ngayon ang nagsalita.
"Really? Congratulations for the both of you" nakangiting sabi ni Lola at pumalakpak pa!
Hay! Buti naman at hindi ako napagalitan kasi late akong dumating.
"Come and sit" yaya sa'min ni Lola.
Umupo naman kami sa couch at ngayon ko lang napansin na wala yung dalawang bruha.
"Pa, nasaan po sila Ate? " tanong ko kay Papa.
"Ah sila ba? May pinamili muna. Dadating rin yun mamaya"
Sana hindi na sila dumating. Tsk.
"So, kailan kayo kinasal? " biglaang tanong ni Lola na ikinagulat ko.
Anong isasagot ko? Na kinasal kami nung may nangyari sa'min—
"2 days ago madame. But we decided to get married again with guest" sagot ni Ali pero what?! Ikakasal ulit kami?? Anong pinagsasabi nitoo?
"Really? When? I want to attend iho and please, just call me Lola since you're my granddaughter's husband"
"We still have to discuss about the date, Lola"
Huhuhuhu...
Bigla namang bumukas ang pintuan at sinuka ang dalawang bruha.
"Mama! " tawag ni bruha kay Lola pero hindi siya pinansin ni Lola.
Boom! Pahiyaaaa!
Umupo naman silang dalawa sa couch and take note, si bruha 2. 0, sa tabi pa talaga ni Ali umupo! Ahem! Nangangamoy malansa!
"Oh. By the way Janelle, what happened to you and your ex boyfriend since you're married to Alijandro? " tanong ni Lola.
Pina-alala mo pa talaga Lola ha?? Pero okay na rin. Para naman may matamaan sa sasabihin ko, di ba? Hahahaha.
"Ah si Ethan po ba La? Nag-break po kami hmmm weeks before ako ikinasal kay Ali" sagot ko naman. Actually, 2 days ago pa kami nag-break La.
"Oh? Why? " tanong ni Lola hababg sumisipsip nang kape.
"I caught him cheating on me kasi La. The girl even want to be pregnant by Ethan's baby kaya pinagbigyan ko na yung girl. Then after that, I meet Ali" sagot ko kay Lola.
"Then what happened to the girl? Did you beat her after? "
Pfft—Hahahaha! Kung pwede lang talaga La!
"Pinabayaan ko na sila Lola. I have Ali with me na kaya wala na akong pakialam sa kanila" sagot ko kay Lola habang nakapulopot yung kamay ko sa bisig ni Ali.
Tinignan ko naman si bruha 2. 0 at parang gusto niya nang pumatay. Hmm..
"Wait lang La ha. May kukunin lang sana ako sa kwarto ko" paalam ko sa kanila at pumunta sa kwarto ko.
Nag-antay pa ako nang ilang minuto nang may kumatok. Binuksan ko naman yung pinto nang kwarto ko at nakita ko sa labas si bruha 2. 0.
"Bakit ate? " inosente kong tanong.
"Mag-usap tayo" seryoso niyang sabi kaya pinapasok ko siya sa kwarto ko.
"Anong gusto mong pag-usapan ate? " inosente pa rin na tanong ko.
Bigla naman niyang hinawakan ang balikat ko.
"What do you want to do? "
"Ha? "
"You already knew na Ethan cheated on you with me. Can it be, ginagamit mo lang si Ali? " tanong niya.
Grabeh! Maka-Ali, parang close.
"Bakit ko naman gagamitin ang asawa ko? " pabalik na tanong ko sa kanya.
"Because you want to get revenge, am I right? "
"Bakit ko naman kayo pag-a-aksayahan nang panahon? Time is gold you know" sagot ko at kinuha ang kamay ko.
"Palagi mo nalang akong inaagawan! First, Ethan and now, si Ali? Just wait and see. Ali will be mine"
Inagawan? Kailan ko pa siya inagawan? Kasalanan ko bang sa'kin na in love si Ethan? Kasalanan ko bang si Ali ang napagtanungan ko? Tsk!
"Ali will never be yours. Why? Kasi hindi pumapatol sa mga linta si Ali" sabi ko sa kanya.
"Who you're calling linta?! " sigaw niya sa'kin.
"Ay? Hindi mo kilala ang sarili mo? " pabalang kong sagot sa kanya at umiling-iling.
"You! " sigaw niya at sinugod ako.
Syempre, umilag ako.
"Bakit ka umilag?? "
Ay gaga.
"Alangan namang hindi ako iilag noh? Bobo"
"Arghhh! "
Sumugod lang siya nang sumugod at ako naman ay ilag lang nang ilag. Parehas kaming tinuruan ni Papa nang self defense pero ako, pro kasi ako. Si bruha 2. 0 naman, newbie pa. Arte kasi! Tsk.
Nang susuntukin na niya ulit sana ako, hinawakan ko ang kamay niya.
"Alam mo, kahit anong gawin mo, hindi mo ako matatalo pagdating sa labanan" sabi ko sa kanya at umiling-iling.
Ngumiti naman siya kaya nagtaka ako.
"Hindi nga kita matatalo sa labanan, well, matatalo naman kita gamit nito"
Nagulat naman ako nang makita kong may hawak siyang patalim!
Aatras na sana ako pero mabilis ang naging pangyayari. Nasa tiyan ko na yung patalim.
Lumapit naman siya sa'kin at bumulong.
"Kung hindi ko siya makukuha sa'yo, then just die"
Unti-unti na akong nanghihina...
Napahiga naman ako sa sahig at nakita ko namang unti-unting lumalabas yung mga dugo ko.
Tae naman eh!
Nakangisi namang lumabas si bruha 2. 0.
Tae talaga eh! Tae talaga!
"H.... Hel... lp... "