Chapter 20

Janelle's Point of View

Pagkadating namin sa bahay ni Ali (oo, bahay niya. May bahay na kaya ako amp), agad niyang inutusan ang maids niya na dalhin si Yezaia sa kwarto. Ako naman ay hinila ni Ali papunta sa sala—or should I say sa kwarto ko noon pala.

Pagka-upo ko sa kama ay kaagad akong tinitigan ni Ali.

"Bakit? " tanong ko sa kanya.

"Tell me, why did you left me five years ago? " tanong niya pabalik sa'kin.

Really? He can't figure it out by himself? Is he serious about that??

"Tinatanong mo pa talaga yan sa'kin? Why can't you figure it out yourself? " balik kong tanong sa kanya.

"I've been figuring it out by myself all these years pero wala akong makitang dahilan para iwan mo ako" sabi niya naman habang nakatitig pa rin sa'kin.

*lunok*

"Ehem... Talaga? Wala kang makitang dahilan para iwan kita? Ha! Nakakatawa naman! " sabi ko habang kunyari natatawa ako.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong tinulak dahilan para mapahiga ako sa kama. Puma-ibabaw naman siya sa'kin.

"What the hell are you doing?! " sigaw ko sa kanya.

"Meron bang dahilan para iwan mo ako? "

"Of course there is! "

"Then what it is?? "

"Figure it out yourself, will you?! " sigaw ko sa kanya at malakas siyang tinulak. Natulak ko naman siya (yes!) at agad naman akong tumayo mula sa pagkakahiga.

"Argh.. " daing niya at tumayo mula sa pagkaka-upo sa sahig.

"I will excuse myself! " sigaw ko sa kanya at aalis na sana pero pinigilan niya ako. Bali pinigilan niya ako gamit ang dalawa niyang bisig. "Really, Mr. Gutierrez? "

"I can't figure it out myself so can you tell me? Right now? "

Napabuntong-hininga nalang ako at tumingin sa kanya.

"Bakit kita iniwan? Because you're going to kill me. Now I answered your question, can I go out? " sabi ko sa kanya at nakita ko naman siyang nagulat.

Gulat ka dong? Tsk!

"Gulat ka?? " nakapa-mewang kong tanong sa kanya.

"So you leave me dahil lang doon?" tanong niya sa'kin.

A-anong....!

"Anong dahil lang doon?! Aalis talaga ako noh dahil papatayin mo ako! " sigaw ko sa kanya.

Bigla naman siyang natawa tsaka ginulo ang buhok niya tas pa-ulit ulit niyang sinasabi yung salitang damn.

"Do you really think I'll kill you? " tanong niya sa'kin habang nakahawak sa buhok niya.

Pero ha?

"Ano? "

"If I want to kill you, then you should be dead a long time ago but you didn't " sabi niya kaya medyo na-loading ako..

Oo nga noh? Kung gusto niya akong patayin, dapat noon palang pinatay niya ako. Pero kasi...

"Pero sabi ni Topher na lahat ng Alvarez ay pinatay niyo at ako na ang last doon—well, dahil andito na si Yezaia, kami nalang dalawa ang natitira sa mga Alvarez. Alam mo, wala talaga akong balak na magpakita sa'yo kung hindi dahil kay Yezaia. Ayokong mapahamak ang anak ko"

"Hindi ko rin naman ipapahamak si Yezaia because she's my daughter"

"Huh? Pero Gutierrez ka.. "

"It doesn't mean na papatayin ko kayo. Damn! Why would I do that to my wife and daughter? I can't do that! " sabi ni Ali at bigla niya naman akong niyakap.

Okay......? Mali ba yung pag-iintindi ko noon? Dapat ba hindi ko nalang siya iniwan noon? Arghhh!

****

Nagising naman ako ng mapansin kong parang may gustong tumabi sa'kin.

Tapos na ang Halloween ah! Ano naman kaya to??

Napatingin naman ako sa paanan ko at nakita ko naman doon si Yezaia.

"Baby? What are you doing? " tanong ko sa kanya at babangon na sana pero nakaramdam ako ng kiliti sa leeg ko.

Gagalaw na sana ako pero agad akong pinigilan ni Yezaia.

"Don't move mommy. Daddy's sleeping. You'll gonna wake daddy up" sabi ni Yezaia sa'kin habang nakahawak sa kamay ko at umiling-iling pa kaya wala nalang akong magawa kundi ang hindi gumalaw.

//>_

Taena! Bakit ba nasa leeg ko ang mukha ng lalaking to?? Ramdam na ramdam ko yung hininga niya eh.

Tinatanong niyo ba kung paano naging ganito ang posisyon namin? Ganito kasi yun mga bae. Nung niyakap niya ako, nagulat ako kasi ilang beses ko na siyang tinatawag kaso hindi na kumikibo yun pala, nakatulog! Hindi ko naman alam kung bakit nakatulog kaya nilagay ko nalang siya sa kama. Tapos nung aalis na ako, bigla bigla nalang akong hinila at hindi na talaga ako binitiwan kaya hinayaan ko nalang and the end. Hindi ko alam na makakatulog ako.

"Mommy mommy! Can we stay here for a bit? I wanna hang out with daddy more! "

"Pero baby, we can't"

"Why not? I really wanna know daddy more" nakasimangot niyang sabi sa'kin.

"May house naman tayo baby. Ayaw mo ba don? "

"Nope! I like our house but I like here too! "

"Pero baby... "

"Why can't I stay here? My friends in California live with their mommy and daddy and I want that too" sabi niya na nakasimangot pa rin.

"Pero—"

"Yeah. Why not? "

Nagulat naman ako kasi bigla nalang nagsalita si Ali.

"Good Afternoon daddy! " biglang sigaw naman ni Yezaia at tumakbo papunta kay Ali.

Bumangon naman si Ali at kinarga si Yezaia.

"Good Afternoon baby. How was your sleep? " tanong ni Ali kay Yezaia.

"I have a good sleep daddy! And I saw minnie mouse in my dream! " masayang sagot naman ni Yezaia.

"Really? What did you do with minnie on your dream? "

"Ahmm.. We play and talk! Minnie also gave me so many foods and many toys" proud na sabi ni Yezaia.

"Really? "

"Yes daddy! "

"Hmm.. What do you want to do now baby? " tanong ni Ali kay Yezaia.

"I want to visit Lolo Fred"

Ay oo nga pala! Nag-promise pala ako kay Papa na dadalaw kami ni Yezaia sa kanya pagkadating namin sa Pilipinas! Why would I forgot it?! Arghhhhh!

Agad-agad akong tumayo at inayos ang damit ko saka tumingin kay Yezaia.

"Halika na Yezaia. Your lolo must be waiting for us na" sabi ko at kukunin ko na sana si Yezaia pero pinigilan ako ni Ali. "Oh bakit na naman? "

"Kayo lang? I wanna go too" sabi niya at aangal na sana ako pero um-oo na si Yezaia.

Wahh! I can't do anything about it na!

****

Matapos mag-ayos ni Ali ay pumunta na kami kila Papa. By the way, wala na si Bruha at Bruha 2. 0 sa bahay ni Papa, pina-alis matapos malaman ni Papa ang mga ginawa nila sa'kin eh nagalit si Papa.

Nang makarating na kami sa bahay ay excited na lumabas si Yezaia at agad na tumakbo papasok ng bahay.

She's really h—

"She's really hyper.. " biglang sabi ni Ali at naglakad papasok sa bahay.

Wait—whatt?? That was about my line!