Chapter 17
Janelle's Point of View
"Okay lang ba siya? " worried kong tanong kay Dr. Yu.
"He's okay. He just need some rest at magiging okay na siya" sagot naman ni Dr. Yu at napatingin nalang ako sa mukha ni Ali na mahimbing na natutulog.
"Ah Dr. Yu, may kilala ka bang may galit kay Ali? Kanina kasi parang kami yung target or should I say si Ali... " sabi ko kay Dr. Yu.
Napatigil naman si Dr. Yu at napatingin sa'kin.
"Sad to say, I can't tell you anything. I'll excuse myself" huling sabi Dr. Yu at umalis na.
Ano kayang nangyayari? May tinatago ba si Ali?
Bigla namang tumunog ang phone ko at nakita ko naman si Ethan na nag-text sa'kin..?
Ano namang kailangan nang lalaking to? At akalain mo yun, buhay pa to? Tsk!
Tinignan ko naman yung ti-next ni Ethan.
From: Ethan
Can we meet? May importante lang akong sasabihin sa'yo
To: Ethan
At bakit naman? Akala ko patay ka na tsk.
From: Ethan
Please. I really need to tell you about this.
To: Ethan
At bakit pa tayo magkikita? Kung pwede namang i-text mo nalang sa'kin.
From: Ethan
I want to tell you this in person. Please come, my lady
Ehh.....? EHHHHH???!!
To: Ethan
My lady? Pinagsasabi mo? Malakas ba yung pagkakasapak ko sa'yo at naging baliw ka?
From: Ethan
I'll explain it to you my lady. Anjan na ang sundo mo any minutes now
To: Ethan
Ayoko nga! Tsk!
Ilang minuto ay may dumating naman na maids at sinasabing andito daw si Beatrice.
Ano namang ginagawa nun dito?!
Agad akong bumaba at nakita ko naman si Beatrice na nasa couch at naka-upo.
"Trice? Anong ginagawa mo dito? " taka kong tanong sa kanya. "At ba't mo nalaman na dito ang bahay ni Ali? "
Well, wala gaanong nakaka-alam sa bahay niya. Ewan ko nga kung bakit eh.
"Oh? I did some background search about Mr. Alijandro Gutierrez" sagot naman ni Trice.
Teka... Bakit parang nagbago ata siya?
"Ah Trice? Okay ka lang ba? " taka kong tanong sa kanya.
Yung pagsasalita niya. Ang bihis niya at ang upo niya. Ibang-iba. Parang hindi siya yung Trice na nakilala ko noon...
"Of course I'm fine. Let's go" walang emosyon niyang sabi at tumayo na sabay alis.
Teka teka! Hindi to si Trice eh! Sino to?!
"Sino ka?! Hindi ikaw si Trice! " sigaw ko sa kanya.
Tumingin naman siya sa'kin at yung mga mata niya. Parang sinasabi na 'sumunod ka sa'kin' or whatever kaya sinunod ko nalang siya.
She's not Trice. Definitely not Trice.
Pagkasakay ko sa kotse niya ay kaagad ko siyang tinignan.
"Tell me, who are you? " tanong ko ulit sa kanya.
"What's the point of asking me when you can't even remember me? " tanong niya pabalik sa'kin at pina-andar ang kotse.
Ilang oras pa ay nakarating na kami sa paroroonan namin. At sa ilang oras na yun, wala kaming imikan ni Trice.
Pagkalabas ko naman sa kotse ko, nakita ko naman sa di kalayuan si Ethannn??
"Ah Trice—"
Hindi na ako pinatapos ni Trice kasi bigla nalang siyang naglalakad papunta sa kung nasaan si Ethan. Sumunod nalang ako kahit hindi ko alam kung anong nangyayari.
****
"Teka lang, teka lang. Nalilito na ako eh. So si Trice—I mean si Jeanna is 3 years older than me at ikaw naman Ethan ay 4 years older than me and the two of you were...... husband and wife?? "
Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko ngayon. Akalain mo yun?! Mag-asawa sila tas ilang years na kami ni Ethan?? Like what the heck?!
"Tell me this is a joke"
Umiling naman si Ethan habang si Trice—I mean Jeanna ay umirap lang.
"Seryoso? Talaga? " hindi makapaniwalang tanong ko.
Believe me! I can't believe this!
Habang nagugulat pa ako ay tinanong ko na kay Ethan kung anong kailangan niya sa'kin.
"Ano bang kailangan mo sa'kin? " tanong ko sa kanya.
"I just want to tell you na kailangan mo nang umalis sa Pilipinas"
"Say what? Bakit naman ako aalis ng Pilipinas? " taka kong tanong.
"Obviously, you're not safe her anymore. Nalaman na ng mga kalaban kung sino ka and sooner or later, they well probably kill you" sagot naman ni Jeanna.
"Kalaban? At papatayin? Huh? "
"Tsk. Stop asking and just follow what we say will you? " galit na sabi ni Jeanna at umalis na.
Tumingin naman ako kay Ethan.
"Bakit galit na galit sa'kin si Jeanna? May nagawa ba akong kasalanan? " tanong ko kay Ethan.
"Yeah.. "
"Ano naman yun? Dahil ba sa naging jowa kita slash fiancé na gago? "
"A-ah.. It's not that"
"Eh ano? "
"Ah.. I can't tell you. Mabuti ng kayo ang mag-usap at kailangan mo na talagang umalis sa Pilipinas. If not, he'll probably kill you" sabi ni Ethan at tumayi pero bago pa man siya makaalis ay tinanong ko siya.
"Sino ba tong taong papatay sa'kin? " tanong ko sa kanya.
Para naman makapag-ready ako kung totoo man ang sinasabi niya noh. Para maka-research ako sa background and whatsoever.
****
Hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ako.
It can't be.. Right? Ngayon palang na nahuhulog na ako sa kanya... It's not him right?
Napatingin ako kay Ali na mahimbing na natutulog...
It's not you... Right? Nagbibiro lang si Ethan... You won't kill me.... Do you?
Habang tinititigan ko ang mukha niya ay bigla namang tumunog yung phone ni Ali. Kinuha ko naman yun at nakita ko naman yung name Caesar. And it doesn't have any password on it.
Tinignan ko naman yun at napatakip nalang ako sa bibig ko ng mabasa ko yun.
It can't be... IT CAN'T BE!
Agad akong napalayo kay Ali habang nakatakip pa rin ang palad ko sa bibig ko at nababalot na ako sa... Sakit... Hindi sa takot...
Bakit? Bakit?! Anong nagawa ko?!
Kaya, lumabas ako sa kwarto ni Ali at pumunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang mga mahahalagang bagay sa'kin at iniwan ang hindi mahalaga saka lumabas nang bahay. Tinanong pa ako ni Sam kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya pinansin.
I called Ethan and told him na aalis na ako sa Pilipinas as soon as possible..
I don't know his motive but... Damn. It reallt hurts... Like hell.. And I need to get away from him.. As soon as possible...
From: Caesar
Kuya? Dad asked if you killed Janelle now and if you didn't kill her yet, he will ask the assassin to assassinate her. Reply asap.