Chapter 45
Bumuntong-hinga siya. Walang kasiguraduhan kung anong maghihintay sa kaniya bukas. Ayaw niyang mawalay kay Gideon kaya mas gusto niyang manatili sila sa balkonahe para magkasarinlan. Natatakot siyang baka paggising niya bukas ay nasa mansiyon siya, at panaginip lang pala ang lahat ng 'to.
"Can we stay here all night?" tanong niya.
Gideon chuckled. "Hindi ka ba nilalamig?"
"No." Napangiti siya. "You keep me warm."
"We can't stay awake until dawn. We should sleep, Jewel."
Lumabi na naman siya. "I want to sleep beside you."
Natawa na naman si Gideon. "We can't sleep in the same bed."
Naningkit ang mga mata niya. "Do you always mean it as s**?"
Hindi na napigilan ni Gideon ang sarili. Humalakhak ito. Ngumuso naman si Jewel sa inasta ng asawa. She knew it. That's how the mind of guys work, she thought.
"We can't sleep together, Jewel. You're still young ---"
"Excuse me. I'm not talking about s**, I'm talking it literally. We'll be sleeping and not doing that thing." Ramdam niyang uminit ang pisngi niya pagkatapos niyang sabihin 'yon.
She's not really comfortable talking about that but she can't bear thinking that Gideon mean that she wants to do it with him. No. She don't mean it like that!
"Next time, choose your words or better yet, don't ask someone to sleep with you. Understood?" natatawang saad ni Gideon.
Napalunok siya. "It's just your thinking. Wala namang malisya 'yong tanong ko, hinahaluan mo lang." Umismid siya.
Natawa na naman si Gideon. Humigpit ang yakap nito sa kaniya at mas nilapit siya sa katawan nito. "For your temper, I'll sing you a song."
"Huh. I thought you'll sing for someone else?" Umismid na naman siya.
Naalala niya ang sinabi nito kaninang kakanta ito para sa ibang tao. She doubt now if it is for Elise, since Gideon confessed that he loves her.
Ilang segundo itong natahimik. Hinintay niya ang pagkanta nito pero wala siyang narinig.
"I thought ---"
Natigilan siya nang nagsimulang kumanta si Gideon.
Komportable siyang sumandig sa dibdib ni Gideon. Nakinig siyang mabuti. Her husband's voice is deep with coldness, yet sharp. But the emotion is faintly there, and it makes her heart skip a beat.
Kahit na old English ang lyrics at hindi niya masyadong maintindihan ay nahahalina siyang mas makinig pa. There is something in the voice of Gideon.
Bumuntong-hinga siya. She know now why there is something in Gideon's voice. The coldness balances the sharpness that's why she find it hard to distinguish the emotion of the voice.
But she's not dumb to not notice the emotion. And she no doubt know what lingers in the tone and melody brought by Gideon's voice.
He sings in pain. There was a hint of hurt, disappointment, and sorry in his voice.
Natapos ang kanta ni Gideon. Natahimik sila. Kapwa pinakinggan ang mahinang ingay ng paghampas ng alon sa dalampasigan.
Maya-maya pa'y dahan-dahan silang nagsayaw sa mahinang saliw ng musika. Isang musikang ginawa ng simoy ng hangin at tibok ng puso. Sa parehong pwesto, kung saan nakayakap sa kaniya si Gideon mula sa likuran, pumikit siya at paulit-ulit na binulong sa hangin kung gaano niya kamahal ang lalaking nakayakap sa kaniya.
Walang tugon si Gideon, sa halip ay mas niyakap siya nito nang mahigpit at hinagkan ang sentido niya.
Lumunok siya. "Why do you always sing with loneliness and sorry?" Tumingala siya sa buwan. "You sing as if you're ---"
"I want it that way," putol ni Gideon. Bumulong sa tainga niya. "Don't ask. You will not understand, Jewel."
Nagbaba siya ng tingin. Hindi niya maintindihan? Hilaw siyang ngumiti. She may not understand but she's not dumb.