Chapter 19: SUNRISE
TEN YEARS AGO...
"Mom, why I'm here?" Naiinis na may pagtataka na pagtatanong nya sa ina. Ginising sya nito na Hindi sa nais nyang oras. It's 7:30 of the morning, at hindi pa nya oras na gumising sa weekend. Nais nya pang matulog.
Ramdam ng ina nya ang pagkairita nya kaya piningot nito ang tainga pero sandali lang naman pero sapat na mapadaing sya at mamula ang tenga nya. "Umagang-umaga, Trion, Don't kill my appetite...."
"But mom—" hindi sya hinayaan na patapusin ng ina nya.
" No buts, Trion. You will help me prepare the snacks for our visitors," napasabunot sya sa buhok nya.
"Bakit hindi na lang sila ang maghanda dahil sila rin naman ang kakain? Tayo na nga ang gumastos ng kakainin nila, tayo pa ang magluluto." Reklamo nya. Hindi nya talaga gusto na maglagi sa kusina.
At dahil sa hindi gusto ng ina nya ang naging sagot nito, pinalo sya nito sa hawak nitong kutsara sa braso. Maliit lang iyon pero sapat na mapaigik sya sa sakit. Sa lakas ba Naman ng pwersa ng ina nya.
"Gusto mo ikaw ang lutuin ko, hindi ako nagbibiro Third Faeldr Trion Lacoste, wag mo kong mapakitaan sa ugali ng ama mo dahil kung hindi, malilintikan ka sa akin." His mom is lovely but strict. Inis talaga ito sa ugali ng ama nya nya ayaw tumapak sa kusina para samahan magluto ang ina.
Wala syang nagawa dahil wala rin Naman syang ibang choice kundi sundin ito.
After an hour, sa pagmamasa na sya ng dough. Gagawa sya ngayon ng empanada at sya ang gumagawa ng dough habang ang ina nya ang gumagawa at nagluluto sa giniling na karneng Manok at mga sahog na gulay. He used his muscle to tender the dough . He punched it then fold it. Inulit lang nya ang ginawa nya hanggang sa makinis na ang dough. Pinanipis nya ang dough gamit ang rolling pin, well para na rin syang nag-exercise sa umaga. Ngunit tahimik lamang sya habang ginagawang manipis ang dough at cut it into circles.
Pero napatigil na lang sya sa ginagawa nya when he heard their maid entered the kitchen and announce the name of the guest na hinihintay ng ina nya.
"Ma'am, narito po si Mr. Dassler Rossford at kasama nya ang anak nya na si Miss Nadhelyn Rossford" kumislap ang mga mata ng ina nya at pati Sya ay nakaramdam ng pagkasaya habang gulat pa rin.
"Sabihin mo na sa hapag na sila maghintay, ihahanda lang namin ng anak ko ang mga pagkain. At tawagin mo ang boss mo na narito na ang kaibigan nya"
Tuwang-tuwa saad ng ina nya. Ngumiti sa kanila ang maid. " Naroon na po si Sir. Sya po ang unang sumalubong sa kanila" hindi nya maiwasan na magtaka. Mukhang mahalagang kaibigan nga si Mr. Dassler at ganito na lamang kaexcite ang ama nya' na ito pa ang unang sumalubong sa mga ito. Magiliw at mabilis nyang tumapos ang paggawa ng mga bilugan na manipis na dough. Kailangan nya pang maligo, kailangan nyang mapaimpress sa kanya si Nadhelyn.
"Energetic na ah. Anong hangin ang sininghot mo at hindi na bagot ang itsura mo?" Puna ng kanyang ina na kinuha nito ang mga tapos na nyang dough circles. She folded it in half and wrapped it when she done put the fillings. Diniinan nito ang gilid para sa mamayang prito ay hindi bumuka ang hilaw na empanada kapag prinito na.
Tinulungan na rin nya ang ina upang mabilis itong matapos. "Ako na ang magpriprito, take your time na sa pagpapapogi. Hindi ka pa naman naliligo" napatawa na lamang sya. At nagpaalam na sa ina nang tapos na nya itong balutin.
Sa ibang pinto sya dumaan para hindi sya makita ni Nadhelyn sa ganitong wala pang kaayos-ayos. Nasa ikalawang palapag na sya ng mansyon na Kung saan malapit na sya sa kanyang kwarto, nang napatigil sya nang bumukas ang isa sa mga pintuan bago pa sa kwarto nya at iniluwa roon si Nadhelyn.
She's wearing a sunrise dress at may suot na eyelashes. Wala itong kamake-up-make-up at ang brown nitong buhok ay nakapandagdag sa kagandahan nya dahil nakalugay na ito. And she smiled when she saw him.
Damn. Hindi pa sya nakakaligo a galing pa sya sa kusina tiyak, amoy usok sya. Ilang hiling nya na wag itong lumapit sa kanya dahil tiyak madidisappoint ito sa kanya. This is the first time na ayaw nya na madisapoint ang isang babae sa kanya.
"Hi" naumid yata ang dila nya dahil Hindi Sya makabati rito ng maayos na hindi nauutal. "H-hello, g-good morning, what are you doing here?" Inilibot nito ang tingin sa gilid na kung saan naroroon ang mga ipininta nya na mga iba't-ibang klase ng abstract at mga damit.
[P R E S E N T]
A BIG EVENT happened in Daquez Condo-Hotel hall. The hall were royally designed. Iba-iba man ang pagkakadesign may isa naman itong nanaig na kulay, ito ay kulay pula na nagpatingkad sa purpose ng party. Pormal na naglakad sya sa red carpet. Ang hall ay nasa top floor pa ngunit nasa lobby pa lang ay may red carpet na mukhang sign na dito dadaan patungo sa hall.
Isang special maxi dress ang suot nya na kulay pula. At nakabun ang buhok niya. Nakasmokey make up sya. Sa suot nya na Maxi dress ang likuran na parte nito ay red see through. Fit na fit ito sa suot nya.
"Rhea rachis?" Napatigil sya nang makita nya ang pamilyar na painting. Hindi nya inakala na makikita nya ang painting na ito muli. A Nadhelyn's side of her felt happy— hindi nya mapigilan na mapangiti. It's been ten years since she saw this. Ten years na itong hindi nya nakikita dahil ibenenta iyon sa permiso ng pagkataong bilang Nadhelyn.
[Ten Years Ago]
"Ahm... May mali ba sa mga paintings ko?" Matagal-tagal nyang nasagot ang unang tanong nito kanina dahil naaliw sya sa mga magagandang artworks sa mga dingding. Nagagandahan sya at nais nyang malaman kung sino ang gumawa ng mga ito. Mahilig syang magpinta at mahilig syang komolect ng mga paintings sa mga bihasa at magaganda na mga artworks.
"You mean, ikaw ang nagpinta ng lahat ng ito?" She gathered a research tungkol sa pamilyang ito Kung bakit sobrang interesado ang ama nya'. Dahil nga sa curiosity always hunting her na hindi sya makatulog ng maayos kapag wala syang nakukuha na impormasyon kahit pa matagal na nyang hininto ang gawaing ito, pero there is a voice always whispering her na may kailangan syang malaman.
And here it is, ang isa sa mga impormasyon na nakuha nya ay ang impormasyon tungkol kay THIRD FAELDR TRION LACOSTE. 17 years Old na may 5. 8 ft. Na na tangkad. Playboy. STEM Graduate as Valedictorian. At nanalo pa ng ilang award sa research department, science department, math department and sport club sa high school. At higit sa lahat may tatlong linguahe itong Alam. At sa latest news na nakuha nya ay may hinahandle ito na business na unti-unting umuusbong.
"Yes, is it okay?"
Nahihimigan nya ang kaba sa boses nito. Is he fine?
" all are fabulous. And no offense, I though you were just a dickhead who's fond in sex. But I didn't expect you have in hands in arts" inilibot nya pa muli ang tingin sa buong paligid.
Marami na syang nakilala sa personal na mga painters dahil sa mga achievements nito sa mga masterpiece nila sa paint art but these paintings is nothing to compare from all of those. Nagagandahan sya na nagigising ang pagiging Nadhelyn nya.
"You wounded me. But thanks. I thought you don't like it" binalik nya ang tingin sa binata.
"Honestly, I love paintings lalo pa't with efforts and admiration with respect ang mga artworks ng painters at hindi sa nagmamayabang— mapili ako ngunit inaappreciate ko ang ginawa ng mga taong artist ang problema nga lang, kung ayaw ko talaga ayaw ko. Pero ayaw ko naman na saktan ang damdamin ng painters sa hindi ko gusto ng mga paints nila, kaya kung nasaktan man Kita, I'm sorry" yumuko sya bilang paghingi ng tawad nito. Hindi mapigilan maamaze at magulat si Tres sa tinuran nito. Hindi nya aakalain na magpapakita ito ng ganitong side nito na hindi pa nman dila gaano magkakilala. Ngunit gaya nga sa sinabi nito, nais lang nito na hindi makaoffend.
"Well, do you like to paint?"
Tanong nya nito. Wala syang kaalam-alam sa dalaga baka sa paraan nito, maging close silang dalawa. Masama man dahil may balak sya nito pero nais nyang maging kaibigan sya ng dalaga.
She smiled widely at ang mga mata nito ay kumikislap na tuwang-tuwa sa sinabi nya. Hindi nya inaasahan na makikita nya ang ganitong kagandang tanawin. Nadhelyn is epitome of natural beauty. Kahit simple make-over lang ang nasa ayos ng itsura nito, hindi talaga maitatanggi na may naghahabol sa babaeng ito.
" I don't like it, I'm more addict to it!!!. No hard faces na ah, would you like to teach me how to paint? I had hard time few days ago in blending the colors." Saad nito sa masaya na boses na hindi nya mapigilan na maglabas ng malawak na ngiti.