Chapter 14: PICTURE

TRES woke up with a heavy head. Sinapo niya ang noo at napasandal sa headboard. Naglasing ba siya kagabi? Bakit ang sakit at bigat ng ulo nya? Wala siyang nagawa kundi ang tumayo at nagtungo sa banyo na walang kaalam-alam na wala siyang suot. Sa itaas ng salamin niya ay nakalagay ang medicine kit. Ngunit bago niya pa mabuksan ang pinto ng hanging kabinet ay napatitig siya sa paint nito sa pinto. It was a keyboard of a piano. Mula sa A key notes hangang sa G key notes. At dahil sa sliding door ito, nang-inislide na niya ito pagitna, he paused when he saw what's inside. Nasa gilid lang kasi nakalagay ang medicine kit ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin niya. Kundi ang isang golden white silver wrapper gift. One year mahigit na rin simula ng binuksan niya ang kabinet na ito. Pero kaninong regalo ito?

Sa halip na ang medicine kit ang kunin niya, ang gift box na lamang ang kinuha niya. Mahigit isang minuto rin siyang napatitig roon. Parang may parte sa puso niya ang umukit ng kung anong emosyon. Napatingin siya sa likod nito, ganoon na lamang ang pagtataka niya when he reads the post-it note.

Yours and mine, Our strawberry...

Hindi niya ito maintindihan ng maaayos. Kahit naman sabihin na inilagay na rito na prutas na salita, ramdam niya na may ibang pakahulugan. There was no name on the gift. And his heart is saying him that it was for him. Was. May mga alikabok na rin kasi hayag na matagal na itong narito.

Binuksan niya ito, rectangular prism- size box made his eyes dawn. Parang nabuhayan ang sistema niya nang bumungad sa kaniya ang isang batang babae na nakangiti at nakasuot ng pink-strawberry hooddie. 4 slots shot kasi ang laman ng frame kaya palipat-lipat ang tingin niya. Sinunod niyang tinignan ang katabi nitong larawan, ganoon pa rin nakasuot ito ng pink na hooddie ngunit iba na ang pose-ing nito. Her little strawberry lips pouted and her eyes were droopy. At ang mga kamay nito maliit ay nasa pisngi.

Hindi niya mapigilan na haplosin ang side ng pisngi nito, his heart beats erratically. And there is an emotion of longing na lumulukob sa damdamin nya. Sa pangatlong slot ay nakakiss pose ito at nakatingin sa strawberry na galak na galak. Her eyes is full of happiness and contented.

Nang mapadapo ang tingin niya sa pang-apat na slot, napakunot na lamang ang noo nya nang full body na nito ang pinakita at may hawak na pink bond paper ito. May nakasulat roon at sa ibaba ay may drawing na pamilya. Isang ina at ama at ang nasa gitna kung hindi sya nagkakamali ay tinutukoy ng bata ang sarili nito na kapwa hawak ang magkabilang kamay ng mga magulang nito.

'someday, I'll get to see this happy family with and Miamae and my mom .' Sulat kamay ito ng isang bata. Miamae?

Bakit parang ang laki ng parte ng pangalan na iyan sa pagkatao niya? Kaninong anak ang batang ito? Don't tell me, naaanakan ko ang isa sa mga naging ex ko noon.

He could sense the familiarity of the little girl's figure. Ang mga mata nito ay kuhang-kuha sa pamilya nya and her almond eyes shape ay nakuha nito sa ina ni Tres. Matangos ang ilong but the bubbly cheeks and redish lips is familiar pero kanino? And her hair is red brown. Now, there are questions building up his mind.

Napatigil lang siya sa pag-iisip when there is a voice echoed inside the bathroom. "Bullshit pare! Nagtawag na ako ng staff ng hotel dahil hindi ka man lang sumagot. Tapos ito lang ang makikita ko, nakahubad baro tulala. Muntikan na akong tumawag ng pulis dahil baka napano ka, baka iniassanate ka na ng babae!" Hindi niya sana papapansinin ang sinabi nito kung hindi lang ang sinabi nito ang nagpakaagaw ng attensyon niya. Babae?

"Are you making fun of me, Zin?" Zin smirked at tumalikod ito sa kaniya. "I'm not crazy as hell na magdadala ako ng babae rito sa condo ko. You know I have rules"

Ipinasok nito ang kamay sa bulsa nito." Kaya nga eh, nagtaka ako, you brought a woman last night. And you know what exactly what you did?... You praised her with cherish. And I saw what's written in your eyes last night, it not just lust o yong nagmukha na siyang pagkain mo sa gabi kundi ang nakita ko ay miss na miss mo sya. Are you kidding me and Ruby?" Hindi niya ito maintindihan. He knows Zin. Hindi ito nagsisinungaling. And Zin have eyes in this condo hotel. Zincuxios Wallow is one of the devil businessman in business industry. At isa ang hotel na ito sa pagmamay-ari nito.

"You're the one who's fucking making me a joke! Why are you saying this to me?" Pinanliitan siya nito ng mata at lumapit sa kanya. Wala itong pakialam kung nakahubad siya. Agad siya nitong hinawakan sa braso na hindi nya pinigilan at may kung anong rubber robe na panghospital ang itinali sa braso niya at sa ibabaw niya na kung saan ay ang kabinet at kinuha nito ang medkit at may kinuhang syringe. "Anong gagawin mo?" Kitang-kita niya ang matulis at silver needle nito. He gulped dahil masuri pa itong tinignan ni Zin sa harapan niya bago walang pag-aalinlangan na isaksak sa ugat sa braso niya at kinuhanan siya ng dugo.

"I need a blood sample, maybe you were also control in drugs last night," at walang hiyang hinayupak, iwunestra pa talaga sa harapan niya ang syringe na may dugo niya. Ano bang trip ng lalakeng ito? May balak ba itong mawalan siya ng malay?

He gulped then gulped then gulped. Matagal-tagal rin kasi nitong inalis sa harapan niya at Hindi nya kayang tiisin iyon. He hates needle but he more than feared blood. "You're a son of a mafia Lord but your scared of blood. Such a lady."

" Shut up, Zin."

At bago pa siya tuluyan na mawala ng ulirat, narinig niya ang komento ni Zin na nakatingin sa larawan. "She's cute. Your child? Sino ang ina?" Parang ang takot nya sa dugo kanina ay nawala sa narinig. He settled his eyes to the chubby little angel who loves strawberries. He smiled.

MR. RENUNCIO GREETED her first as she reached her office. Tumawag na ang sekretarya niya kanina habang pabyahe pa siya, ay narito na si Mr. Miguel. "Laxuz, ang aga mo naman yata para mapadalaw sa opisina ko, hindi ka ba hahanapin ng amo mo?" nginitian nya ito ng peke saka umupo sa upuan niya.

Laxuz grinned at pinakita rito ang dalang paper bag. " Galing ako Baguio and I brought some strawberries, nais ko sanang magshare tayo, kaya narito ako," napailing na lamang siya. Paboritong-paborito niya ang strawberry.

Sinundan niya lang ito ng tingin nang pumasok ito sa mini-kitchen nya sa opisina. Dahil sa tempered glass mirror ang pagitan nito sa opisina niya. Kitang-kita nya ang pagkuha nito ng kutsilyo sa drawer at tuwang-tuwa na nagslice ng strawberry. Pagkatapos nitong magslice, lumabas na ito sa mini-kitchen at inilagay sa harapan nya ang hiwang-strawberry.

"Bakit ka napadalaw?" Kinagat niya ang Isang hiwang strawberry, matamis-tamis ito at mabango. "May mali ba sa dalawin kita?" Inosente nitong patanong at nilamon ng isang subo ang limang hiwang strawberry kaya ang juices nito ay bahagyang lumabas sa bibig nto. Ang takaw talaga.

"Yucks! Mandiri ka nga!" Itinagilid nya ang kanyang posisyon ng upuan para hindi makita ang kahihiyan nito. Kailan ba titino ang baliw na ito?

" I heard you are a secretary of the heir of the Lacoste. Alam ba nila na isa ka ring owner sa kaalyansa nilang kompanya," nakangiting ipinitik ni Laxuz ang noo nya. "That's my own business."

Narinig niya lang itong tumawa at kung hindi sya nagkakamali habang tumatawa ito ay panay tunaw sa bibig nito ang kinakain nitong strawberry. Bumukas ang pinto ng opisina niya at iniluwa roon ang ulo ni Int na pinanlilisikan ng mata si Laxuz. Ulo lang nito ang nasa loob ng opisina at hindi man lang nito ipinasok ang buong katawan nito.

"Ate Regalia, magpapatawag na ba ako ng mental?" Tumigil sa pagtawa si Laxuz at sinamaan niya ng tingin si Int. Ate?

"Bata, mapula-pula tong strawberry na dala ko, kaso sa amin lang tong dalawa , order ka na lang sa online ah," inismidan ito ni Int.

"Gusto mo mapulang pisngi? Gago!... Anong ginagawa mo sa opisina ni Ate? " Pinagtakhan siya ng tingin ni Laxuz. "Kapatid ko! Hindi ba obvious? O bulag ka lang talaga? Kita mong kumakain kami."

"Alam mo ang tinutukoy ko."

"Bakit? Ano ba iyon?" Saad nito na piling inosente. Kumuha muli si Regalia ng isang hiwa at pinanood lang ang dalawa. "Ate," bumaling ito sa kanya. Ano kaya ang nakain ni Int at tinawag na naman siya nitong ate? "I saw Glicron at Daquez hotel condominium. He's unstable" kumunot ang noo niya.

Ngayon nya lang naalala ang kasama nya sa bar kagabi. Nakita nya na may humila roon, but who fuck knows? Kontrolado rin sya ng kung anong droga. "Anong nangyari kay pareng Glic? " Sali naman ni Laxuz na seryoso na ang pinta sa mukha. Baliw rin ito.

Hindi nito pinansin ni Int. "Ate, the CCTV of the condo were hacked and inactivated in the moment. Even the time that you got there, wala rin... Bugbug sarado si Glicron and the fast drug test club in our school found out that he is also in control of cocaine, pero mas malakas pa sa itinurok sa iyo." Sino na naman kaya ang gagawa ng ganoon sa lalakeng iyon?