CHAPTER 1: Tambok
KYLIE
“ ahm! Katie tignan mo ang tambok ng puwet” sabay higop sa softdrinks.
“ uy kylie umaayos ka nga…mamaya pagkamalan kang may gusto, kasama niya pa man din ung jowa niya” ngumiti ako.
“ hmp! Masama bang tumingin ng puwet?” angal ko.
“ masama! Tumigil ka nga sa pagka manyak mo, kababaeng tao” inirapan niya ako.
“ uyy kylie etong naglalakad… matambok ung nasa harap” binalingan ko agad ung tinuturo ni jane, napa awang ang labi ko… ang tambok, ang sarap hawakan….
“ ayyy grabe itong mga to… uyyy tumigil nga kayo, nakakahiya” pagtatakip ni katie sa mukha.
“ ano ka ba.. habang bata pa tayo at single ienjoy na natin ang mga nakikita natin kasi hindi na natin magagawa pa kapag may jowa na” angal ko uli.
“ hayyy… kung ganyan din siguro katambok bakit hindi ko ibalandra diba??” natatawa si jane habang si katie napapailing.
“ tama na kylie… baka mapansin ka nila” ang kulit naman ni katie.
“ ayan tuloy nawala na” napa simangot ako.
“ grabe ka kylie…ubusin mo na nga ng makauwi na tayo” sabi uli ni katie.
Inubos na namin ung inumin namin… naglalakad na kami sa hallway ng mall ng mapansin ko ung lalaking matambok ang harap, napa ngisi ako.
“ may kumpulan don, tara tignan natin” aangal sana si katie pero pinuntahan na namin ni jane, agad akong pumuwesto sa likod nong lalaki.
Kunware pasilip silip ako sa kung anong ganap… christmas na kasi kaya andaming pakulo ng mga tao, sinenyasan ko si jane at mukhang na gets niya kaya bigla niya akong itinulak at dinakma ko talaga ung gitna niya.
“ oooppss!!! Sorry” naka higa kaming dalawa na dakma dakma ko pa ung gitna niya, ang tabaaaaa!!!!
Namumula ung lalaki, infairness ang gwapo din nitong lalaki. Inilayo niya ako agad at tumayo, inayos ang damit… naku! Mukhang kagalang galang pa ung nabiktima ko, lumapit ung mga tao niya at tinakpan siya na parang walang nangyari.
“ ano ba ginagawa niyong dalawa?? May artista ba para mag tulakan kayo?” tanong ni katie, tinulungan nila akong tumayo.
“ wala… tara na nga” sabi ko, nang makalayo kami nag tawanan kami ni jane.
“ ano?? Malaki??” tumango ako sabay kagat labi.
“ grabe ang taba” sagot ko sabay gigil pa.
“ ano ba pinag uusapan niyo?” tanong ni katie.
“ hahahahaha” tawa lang kami ng tawa ng bigla kaming pinaghahampas ni katie
“ may nabiktima kayo no!!! Kayo talaga!!!” pagsusungit niya, saaming tatlo si katie lang ang matino.
“ nakita niyo ung itsura ng lalaki??! Grabe kayo” tumigil na kami sa kakatawa.
“ mamaya niyan makasuhan pa kayo… itigil niyo na yang kamanyakan niyo, okay lang tignan pero ung ginawa mo kylie na dinakma mo?---”
“ uh uh… with konting pisil pa iyon” putol ko sakanya, natawa ng ubod ng lakas si jane habang si katie ay napaawang ang labi.
“ pinisil mo??!!!” hindi niya maka paniwalang sabi, tumango naman ako.
“ kaya pala ganun na lang ang pamumula nong lalaki at hiyang hiya” napa ngiti ako.
“ huwag nga siya.. maging thankful siya at maganda ung dumakma no! Sus kung iba baka nagwala na iyon sa galit” sagot ko, napailing na lang si katie.
“ kylie grabe… hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo” inis niyang sabi.
“ hayaan mo na katie” singit ni jane.
“ isa ka pang kunsitidor!!” baling niya kay jane, natatawa na lang siya.
Kinalma ko na ung sarili ko, sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa tsaka nasa labas pa kasi kami ng mall baka isipin mga baliw kami.
“ excuse me miss, sumama kayo saamin” nagulat kami kasi biglang may sumulpot na lalaki.
“ ayyy naku kuya hindi kami easy to get” sagot ko.
“ miss kung ayaw niyong kaladkadin namin kayo, sumama kayo ng maayos” tumikwas ang isang kilay ko, tinignan ko ung mga lalaki.
“ kuya bigla bigla kayong susulpot sa harap namin tapos sasabihing sumama kami, ano iyon??? Ni hindi man lang sabihin ang dahilan…. Sinong ewan ang agad na sasama?? Hmm??” pagtataray ko.
“ kunin na nga lang sila” hinawakan kami sa magkabilang braso at ipinasok uli sa mall, syempre nagwawala kami pero ni isa man lang walang lumapit.
“ andito na sila sir” hinarap ko ung lalaki, nanlaki ung mata ko kasi ito ung lalaking dinakma ko ung etit niya.
“ yan kasi nahuli ka tuloy sa kamanyakan mo” bulong ni katie.
“ ilabas mo na” kumunot ang noo ko.
“ ilabas ang alin?” sagot ko.
“ the bracelet” nagtinginan kaming magkakaibigan.
“ bracelet?? Wala akong alam sa bracelet mo” pagtataray ko.
“ you’re the one ang bumangga saakin, so give it to me kung ayaw mong ipapulis kita” ay may sayad din to.
“ so kapag binagga ka magnanakaw na? Hindi ba pwedeng manyakis lang?---aray” siniko ako ni katie.
“ im fucking serious here! Ilabas mo na” inirapan ko siya.
“ kapkapin niyo ako…. Heto ang bag ko kalkalin niyo diyan” ibinigay ko ang bag ko at agad nilang kinalkal, tinignan din nila ung bag nila katie at jane.
“ kalkalin sila” utos niya.
“ ooppsss! Babae ang kakalkal saamin” angal ko, nag utos siya na maghanap ng babaeng mangangalkal.
“ start” kinalkalan na kami, ni kilikili hindi pinalampas na hawakan.
“ okay na?!” tanong ko.
Tinignan kami ng masama, sus naman aanhin naman kaya namin ung bracelet niya? Hindi na uso ngayon ang senti-sentimental value noh!
“ ipa blotter siya” napa awang ang labi ko.
“ anong ginawa ko para ipa blotter mo?!”
“ it already come to your mouth… minanyak mo ako” napapikit ako sa inis…. Inirapan pa ako bago siya umalis.
Kinuha ang full name ko at don pa lang kami pinaalis, naglalakad tuloy akong naiinis. Kung alam ko lang na ipapa blotter ako edi sana pinisil ko na ng sobra at inulit ulit ko pa para naman sulit.
“ matutu na kayo, huwag niyo ng ulitin ang kamanyakan niyo” sabi ni katie.
“ ang taba nga kaya hindi ko napigilan” mahina kong sagot.