Chapter 12

NANDITO ako ngayon sa kwarto ko, dahil nga kaming dalawa ni Isiah ang dadalo sa isang party na sinasabi ni Papa ay nag-ayos na ako.

Agad kong naglagay ng make-up sa aking mukha. Dahil marunong na ako ay di ko na kailangan nang tulong ng isang make-up artist. Bumukas ang pinto ng aking kwarto at inuluwa noon si Mama.

Ngumiti ito sa akin at agad akong nilapitan.

"Kay bilis talaga ng panahon. Noon, karga-karga pa kita. Hili-hili sa bawat tulog mo. Ngayon, kaya mo ng mag-isa nang walang tulong galing sa akin," madamdamin nitong sabi sa akin.

Niyakap niya ako mula sa likuran. "Sana ay wag kang magtampo sa amin ng Papa mo, anak. Ang ginagawa namin ay para na din sa inyo."

"I know, Ma!" sang-ayon kong sambit dito. Kailangan kong sumang-ayon, para di humaba ang usapan naming dalawa.

"Isiah is waiting you downstair," sabi sa akin ni Mama.

Ngiti lang ang tanging naisagot ko dito. Dahil tapos na din naman ako ay kailangan ko nang bumaba para puntahan si Isiah. Agad akong lumabas sa kwarto ko at agad na nakita ko si Isiah na nakaupo sa isang sofa na nasa sala namin.

Tiningala niya ako nang mapagtanto nitong may nakatingin sa kanya, mula sa malayo. Agad itong tumayo at naglakad papalapit sa akin.

"Your so beautiful, tonight," aniya sa akin. Ngiti lang ang tanging naisagot ko dito.

Hinapit niya ako sa baywang at hinalikan ang aking labi na agad ko naman iyong tinugon. Akala ko wala nang mas sasarap pa sa halik nito. Meron pa pala.

"I'm addicted to you," bulong nito sa akin.

"Tama na iyan, baka mahuli kayo," singit ni Mama sa amin.

Kaya agad-agad na hinila ako ni Isiah at iginaya sa kotse nito. Iba na naman ang gamit nitong kotse. Hindi iyong dati.

"Nasaan iyong sasakyan mo na ginagamit mo?" tanong ko sa kanya.

Di agad ito nakasagot sa halip ay nag-iwas ito ng tingin na para bang may tinatago ito sa akin.

"Nasaan iyon, Isiah."

"Wala na, sira na iyon," wala sa sarili nitong tugon sa akin.

"Sira? Paanong masisira iyon."

"Pwede ba! Could please, shut up!" bigla nitong sigaw. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagsigaw nito sa akin.

Nabigla ako sa pagsigaw nito at ng makabawi ay agad akong pumihit pabalik sana sa loob ng mansion nang hawak nito ang aking braso.

"Look, I am sorry okay! I didn't mean to shout at you," malumanay nitong sabi sa akin.

Di ko siya pinansin. Di pa rin kasi ako maka get over sa pagsigaw nito sa akin. This is the first time that he shout me.

"Halika na, para makauwi agad tayo mamaya." Agad nitong hinila ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako. Ayaw ko na ding makipagtalo ako sa kanya.

Tahimik kaming dalawa sa sasakyan. Ayaw ko siyang makausap.

"Look, love. I am sorry," hinging paumanhin nito. "Hindi ko naman sinasadya ang pag-sigaw sa iyo," malumanay nitong sabi sa akin.

Pero nanatili akong tahimik. Ayaw kong makipagtalo sa kanya, ayaw kong magkasakitan kami. Napabuntong-hininga ito.

Nagpatuloy lang ito sa pagdrive hanggang sa makarating kami sa venue ng party na dadaluhan namin. Bumaba ito, baba na sana ito ng maunahan niya ako, pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse at inalalayan sa pagbaba. Hinayaan ko na lang siya. Dahil pagod na akong makipagtalo dito.

Ikinawit nito ang braso ko, sa braso nito. Kahit na ayaw ko ay kailangan. Kailangan na ipakita ko sa mga tao sa party na ito na mahal na mahal ko si Isiah, at gusto kong sumama dito. Kahit na ayaw ko. Aaminin ko, mahal ko si Isiah. Pero ang makasama ito ay makakaya sa ngayon. Lalo na't may tampo pa ako sa kanya.

Sa ginawa niya sa akin, noong nakipaghiwalay ako sa kanya ay di ko iyong matanggap na ganun na lang niya ako, ipagpalit. Kaya para makaganti sa kanya ay kailangan kong makipagbalikan sa kanya. Gusto ko siyang durugin at saktan. Di ko magagawa iyon kung wala ako sa tabi nito.

"Welcome Ma'am, Sir," nakangiting bati sa amin ng nakaabang sa pintuan ng venue. Mga staff yata sila ng hotel na ito.

Isang ngiti lang ang iginawad ko sa kanya at habang ang katabi ko ay di ko alam ang gagawin dito. Dahil kahit ngumiti ay di nito magawa. Agad kaming pumasok sa loob at agad na iginala ang aking paningin na baka magbabasakali na may makita akong kakilala. Pero bigo ako, wala akong kakilala ni isa.

"Doon tayo," napapikit ako ng bumulong ito sa tainga ko. Para akong nakikiliti.

Tahimik lang akong sumunod dito. Nagtungo kami sa isang mesa na walang umuukupa. Pero kalaunan ay may lumapit sa amin na isang babae.

"Hello Isiah," ngiting bati nito kay Isiah. Umupo ito sa may gilid ng lalaki at idinikit ang katawan dito.

"Who are you!" mabalasik nitong tanong. Basi sa boses nito ay di ito natutuwa sa kapangahasan ng babaeng tumabi sa amin ngayon.

"You don't remember me? Ako ito si Bettina. Iyong naka-sex mo, last week!" nakangiting saad nito. I just roll my eyes.

"I don't remember you," he said with a cold tone.

"How dare you!" sigaw nito. Napabaling sa akin ang tingin ng babae. "Ito ba ang ipinalit mo sa akin?" tanong nito. Tumaas ang kilay ko. "Siya ba Isiah?" galit nitong tanong.

"No, she is my girlfriend. And you are a whore," walang ganang sabi nito.

Biglang tumayo ang babae at nagwalk out ito bigla.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Baka may lalapit pa, Isiah!" sarcastic kong sabi dito.

Tumayo ako pero pinigilan niya ako. Nilingon ko ito. "Can I have this dance?" tanong nito.

Napabuntong-hininga muli ako. Tinanggap ko ang kamay nito na nakalahad at agad naman niya akong hinila sa gitna nang hall. Kung saan may nagsasayaw. Hinakawan nito ang dalawang kong kamay at inilagay sa balikat nito at kamay nito ay nasa baywang ko nakapulupot doon.

"Your so beautiful tonight," puri nito sa akin. I just roll my eyes on him.

"Wag mo akong bolahin, dahil di mo ako madadaan sa pangbubola mo," sabi ko dito sabay irap sa kanya.

Sumayaw kaming dalawa, pero natigil din ng may lumapit sa amin. Bumulong ito sa kay Isiah at agad kaming lumisan sa gitna ng hall. Agad kaming lumapit sa isang table na puno ng mga businessman na nagtatawanan.

Agad na bumulong ang lalaki na lumapit sa amin kanina, sa lalaking nagkaupo ngayon sa isang table. Nilingon kami nito.

"Isiah, my friend," nakangiti nitong tawag kay Isiah. Pero ang lalaking nasa tabi ko ay walang kangiti-ngiti sa labi.

"What do you want?" he ask that man with a cold tone.

"Nothing, I just want to see you." Taas kilay nitong sabi sa akin. Sinilip ako ng lalaki, "Who's this beautiful woman beside you?" tanong nito.

"My fiancee," walang ganang sabi nito sa kaharap.

"What a beautiful woman. You are?" tanong nito sa akin.

"Nathalie Amber De Luca," nakangiti kong pakilala dito.

"Oh, your one of the twin of De Luca?" tanong nito.

"Yes, I am," sagot ko dito.

Alam kong kilala kami, pero di nila ako masyadong nakikita, sa pangalan lang nila ako nakikilala, pero sa mukha hindi. Dahil madalang lang akong magpakita sa mga media, lalo na sa mga tao. Kung di pa ako pinilit ni papa, di ako pupunta sa party na ito.

"Where is your twin sister?" tanong nito. Bakit hinahanap nito si Jane.

"Why?" taka kong tanong.

"You know I like your twin sister. But I more like you," nakangiti nitong sabi. Alam ko ang ngiti na iyon. Iniinis nito ang lalaki sa gilid ko.

"You know what? I dont like you. Ayaw ko sa taong mapresko, mayabang at humble. Lalo na si Jane. Ayaw noon ang ganoong tao," nakangiti kong sabi dito. Pero may diin sa bawat sinasabi ko. "Excuse me, sa counter lang ako love." Paalam ko dito. Di ko kasi kaya na makaharap ang lalaking iyon.

Nang makaupo ako sa counter ay agad kong nilinga ang aking paningin sa paligid. Di pa naman nag-iinit ang pwetan ko sa upuan na kinauupuan ko ay nakita ko si Isiah na sumunod sa isang babae.

Nakahawak ang kamay ng babaeng iyong kay Isiah. Kumunot ang noo ko. Inisang lagok ko ang inumin ko at tumayo ako para sundan sila.

Sinundan ko sila at pumasok sila sa isang kwarto. Kwarto na maaaring maraming mangyayari, dahil nakaawang ang pintuan at di naisara ng maigi at nasilip ko kung ano ang ginagawa nila Isiah at ng babae.

Napahawak na lang ako sa aking bibig para ikulong doon ang impit kong pag-iyak. Akala ko nagbabago na si Isiah. Isinandal ko ang sarili ko sa pader at hinayaan na nakaawang ang pintuan ng kwartong iyon, kaya rinig na rinig ko ang bawat ungol ng babae na alam kong pinapaligaya ni Isiah.

"Oh harder, harder. Please, more…more," ungol ng babaeng katalik ngayon ni Isiah.

Di ko kinaya ang tagpo na iyon. Agad kong kinuha ang phone ko sa bag na dala ko at tinawagan ang driver namin. Agad akong nagpakuha sa party na iyon. Di ko kayang makasama si Isiah sa iisang kotse. Kaya kailangan kong umuwing mag-isa.

Lumabas na ako sa venue at agad namang namataan ko ang driver namin, pinapasundo na pala ako ni papa. Nang tawagan ko ang driver namin ay on the way na ito.

Agad akong sumakay at di nagtagal ay ninabaybay na namin ang daan patungo sa amin. Di pa rin maalis-alis sa isip ko ang bawat ungol ng babaeng kaniig ni Isiah. Para iyong sirang plaka na paulit-ulit na nagrereplay sa isip ko.

Nang makarating ako sa mansion namin ay agad akong lumabas nang sasakyan. Pumasok ako sa loob ng mansion at agad na sinalubong nang aking ama.

"Where is Isiah?" tanong nito.

"Nasa kandungan ng iba," walang emosyon kong sabi dito.

Tinignan niya ako nang masama. "Sumagot ka ng maayos Amber!" sigaw nito sa akin.

"Ano naman ang tamang isasagot ko sa iyo 'pa? Na nakikipagtalik si Isiah doon sa party? Na may ibang babae si Isiah? Eh! iyon naman talaga ang totoo," umiiyak kong sabi sa aking ama.

Kahit na anong gawin kong paliwanag sa ama ko ay si Isiah pa din ang kakampihan nito at hindi ako.

"Shut up, Amber!" sigaw nito sa akin.

Itinaas ko ang aking ulo at tinignan ang aking ama ng walang emosyon. "Tapos na po ba kayo? Aakyat na kasi ako para magpahinga. Goodnight, 'pa," sabi ko dito.

Umakyat na ako sa itaas para pumasok sa aking kwarto at doon ay magkulong. Impit akong napaiyak, dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit ang ginawa mo sa akin Isiah. Hanggang saan ba ang pagtitiis ko sa iyo?

Hanggang saan ako dadalhin nang pag-ibig ko sa iyo. Isiah? Hanggang saan?