Chapter 22: Chase

'DINGDONG! 'Dingdong!' nagising ako sa ingay ng katok mula pinto ng apartment ko

Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa orasan sa bed side table.

6:30 Am. puncha naman oh. Ang aga aga pa. Sunday ngayon eh dapat mamaya pa siya gigising.

Naiinis kong tumayo at naglakad papunta sa pinto.

I swear mapapatay ko kung sino ang nasa harap ng pinto ko.

Naiirita akong binuksan ang pinto.

Bumungad saakin ang gwapong mukha ng lalaking puro sakit na lang ang naiibibigay saakin.

Maluwag ang pagkakangiti niya. Fresh na fresh ang itsura. Blue Polo na nakatupi ang manggas hanggang siko at White Jogging Pants may hawak itong dalawang cellophane. At Starbucks.

"Good Morning!" Masiglang bati niya pero ako sumimangot lang.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi maipinta ang mukha ko. At matalim ang nga mata ko.

"Visiting you."

Bumuga ako ng marahas na hangin at pumikit ng mariin.

"Ano bang hindi mo makuha sa wag ka ng babalik pa?" Nanggigigil na sabi ko.

"Diba ang sabi mo patunayan ko na mahal kita?"

"Papatunayan mo? Sa ano? Sa ganiyang paraan?" tumawa ako ng pagak. " Hindi mo ako madadaan sa ganyan. Kahit pa ibigay mo lahat ng pera mo hindi ako maniniwala sayo. Daan daang babae ang winasak mo Primo. Hindi ako tanga na kukukha ng apoy na ipapaso sa sarili ko."

Bagsak balikat ito habang malambot ang mukhang tumitig saakin.

"Anong gusto mo para maniwala kang mahal kita?" Parang pagod ang boses niya at malungkot.

Nameywang ako at wala akong pakialam kung buhaghag ang buhok ko o kung may laway pa o kahit muta sa harap niya.

Bakit pa ko magpapaganda para dito?

Tinaasan ko ito ng kilay." Kahit ano gagawin mo?" Nakangising tanong ko.

Tumango ito. "Anything you want."

"At gagawin mo to kasi mahal mo ko?"

Para siyang maamong tupa na tumango ulit.

Sige pagbigyan natin. Tignan ko lang.

"Sabihin mo sa lahat na mahal mo ko. I pahiya mo ang sarili mo and Donate Five million dollars to Charities for women's and beg, kneel in Infront of me surrounded by a lot of peoples. Doon lang ako maniniwala na mahal mo ko. Ano kaya mo?" Kundisyon niya.

Napatanga ito sa sinabi ko at hindi makapaniwalang tumitig saakin. "W-what?"

Halos bulong na sabi niya.

Mapait akong ngumiti. " Sabi na nga ba. Hindi mo kaya umalis ka na." Mariin na sabi ko saka isinara ang pinto.

Nanghihinang sumandal ako sa pinto at tahimik na umiyak.

Mahal daw niya ko pero hindi kayang gawin ang mga kundisyon ko.

Pinilig ko ang ulo ko at sumubsob sa tuhod ko..

Doon ako umiyak ng umiyak.

-

Bumuntong hinga ako saka pumasok sa mall na pinagtratrabauhan ko.

It's been two days when the last encountered with him. Hindi na ito nagpakita pa simula ng ibigay ko ang mga kasunduan. Tsk, sino namang tanga na magdodonate ng five million dollars at sino namang mataas na tao o Hari ang luluhod sa isang alipin na kagaya ko?

Oh, Alipin ha. Ako na ang Alipin ng pagibig mo~

Sabi na nga ba hindi ito totoo at nagsisinungaling lang.

Hindi talaga niya ako mahal.

Bumuntong hininga ako at kasalukuyan akong naglalakad para pumunta kung saan ako naka asign nang tumunog ang Cellphone ko.

'Beshy Lukarit :-) Calling...

"Oh?" Matabang na bungad ko.

"Besssss!!" Nailayo ko ang telepono sa tenga dahil sa lakas ng tili niya.

Nakasimangot akong ibinalik ito sa tenga. " Ano ba Miva! Kung titili ka warningan mo ko." Inis na sambit ko.

"O my gosh bes ikaw na ikaw na!" Kumunot ang noo ko.

"Anong ako na?" Takang tanong ko.

"Ikaw na ang reyna ang haba ng hair mo girl!"

"Huh?"

"Girlllll!" Napaikot ako ng mata. Napipikon na ko sa totoo lang.

"Miva ibaba ko to kapag hindi ka umayos diyan." Nanggigigil na wika ko..

"Okay. Ito na nga. Manood ka ng TV."

Lalo akonh naguluhan. " Miva, nasa mall ako wala akong oras manood."

" Girl may balita tungkol kay primo para itong wildfire na kumalat sa buong mundo."

Napaismid ako. "Paki ko naman sa kanya."

"Gaga! nagdonate lang naman si Primo ng Five Million Dollar sa mga charities na para sa mga babae." Wika nito kaya napanganga ako.

"H-ha b-baki-"

"Wait Girl si Primo nasa TV." Sabi nito kaya nanlaki ang mata ko.

Mabilis kong pinatay ang tawag at tumakbo papunta sa tapat ng TV na nakasabit sa Mall. May mga ako rin na nanunood kaya sumingit siya para makarating sa harap.

Napanganga ako ng makita ang binata. Naka Black Suit ito at magulo ang buhok. Nakatutok ang mala gubat nitong mga mata sa camera.

Nagkikislapan ang mga nakakasilaw na camera. Nasa isang prescon ito sa paglagay ko.

'Hi Babylove,' napasinghap ako at namimilog ang matang napatitig sa kaniya. ¡°Like what you see. I'm Infront of here to granted your wish. I am here to announce that this Evil Player is already Fall in love to a very beautiful and nice Woman I've ever met. I admit that i don't believe in love. But when I saw you my cold heart start to melt and beat so fast. I know you don't believe it when I told you that I love you. But My Queen, I swear to all. I do love you. Ayeshana Crusader. I love you¡±

Pagkasabi niya nun nagkagulo ang mga taga media. Maraming tanong mga ito. Pero dumertso lang itong tumalikod at umalis.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ko namalayan na umaagos na pala ang mga luha ko.

Totoo ba ito?

Mahal ba talaga ako ng haring to? Pero dalawa na ang natupad nito. Isa nalang.

Luluhod ba talaga ito sa harap ko?

Napaigtad ako ng magring ang cellphone ko.

Kumalabog ang puso ko ng makita kung sino ang tumatawag.

'Rimo <3 Calling....'

Nangingig ang kamay kong pinindot ang Answer button at itinapat sa tenga ko.

"Hello." Nangingig rin ang boses ko at mahahalatang paos dahil sa pag-iyak.

"Ayeshana. Isa nalang." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ang baritonong boses ng lalaki.

"Totoo ba talaga na mahal mo ko Primo?"

"Yes. Wait until your last wish will be hold any minutes from now." Wika niya bago pinatay ang tawag.

Nasapo ko ang ulo ko at napahagod ako sa buhok ko. " O my, mababaliw na ko."