Chapter 15: My Love

"WHERE are we going?" Takang tanong ni Rimo. Habang ako naman ang nagtuturo kung saan sila pupunta. Para sa date nila.

Umirap ako. "Basta. Wag kang maraming tanong. Baka masapak kita. Ang daldal mo eh." Mataray na sabi ko.

"Tsk. Ang sadista mo talga Ayeshana. Pasalamat ka maganda ka sa paningin ko."

Natawa ako at kinurot ito sa braso. " Mag-drive ka na nga lang diyan. My love. And Dami mo pang tanong." Natatawang sabi ko. .

Sinadya ko talagang sabihin ang 'My love' Gusto kong malaman kung anong magiging reaksiyon niya.

Pero ang hindi ko inaasahan ay muntik na kaminh bumangga sa isang tricycle kung hindi lang ito mabilis na nakailag. Bigla nalang kasing bumilis ang takbo nito. At may tricycle sa harap nila.

Nang hininto nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

Pinaghahampas ko ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa takot. Ang bilis ng kabog dahil sa nangyari.

"Siraulo ka! Anong bang problema mo ha!? Muntik na tayong mabangga!" Inis na sigaw ko dito habang pinaghahampas ko ito.

"Aw... Ouch!.. wait.. Aray ilong ko iyon Babylove.." reklamo nito saka hinuli ang kamay ko.

Tinignan ko ito ng masama. "E baliw ka kasi!!! Muntik na tayong mamatay!!!".

Nakita kong nagpipigil itong huwag matawa. Kaya lalo ko itong tinitigan ng matalim.

"Kasalanan mo naman kasi eh..." Sabi nito habang hawak parin ang dalawang kamay ko.

"Ako!.. ako pa ang may kasalanan?! Ikaw itong nagmamaneho!" Singhal ko dito.

"Ikaw kaya. Tinawag mo kasi akong 'My love' ayan tuloy nawala ako sa huwisyo."

Napapilan ako sa sinabi niya. Dahil lang dun?"

"Dahil lang doon papatayin mo ako? Sige hindi na kita tatawaging my love. Adik na ulikba ka nalang!!" Inis na sigaw ko. Kulang nalang suntukin ko siya sa sobrang inis ko. Paano kung ma-tigi sila?

Pinaganda ko na nga yung Endearment ko sa kanya. Papatayin naman ako. Bwisit!

Nanlaki ang mga mata nito.

"Uyy. Teka lang walang bawian. Mas gusto ko yung my love. Babylove ko. Ayoko ng adik na ulikba." Natatarantang sabi nito.

Umirap ako sa kaniya . "Bahala ka. Galit ako sayo." Sabi ko sabay napairap.

Oo galit siya dito pero sa ibang dahilan.

"Sorry na... Bati na tayo my love mo na ulit ako ha.." paglalambing nito sa kanya at niyakap pa ako.

Dahilan para maamoy ko ang mabango nitong Amoy. Pasimple ko itong inimoy. Ang bango.

"Sorry na nagulat lang ako." Ani pa nito.

Kumalas ako sa pagkakayakap nito at tumingin sa paligid.

Nasa high way pala sila.

Ibinalik ko ang tingin sa binata. Na nakatingin din saaki . May ngiti sa mga labi nito. Na parang hindi mo maiisip na peke dahil sa ganda ng mga ito.

"Lika na para makarating tayo doon bago mag gabi." Sabi ko saka hinawakan ang kamay niya.

Ngumisi ito at tumango. "Okay babylove. Pero tatawagin mo parin akong 'My love' huh.." demand nito sa kanya.

Napaikot nalang ako ng mata. "Oo na. Basta halikana." Napipilitan na sabi ko para tumigil na ito.

Napaka-demanding ni pogi.

Napasuntok pa ito sa hangin.

"Yes!"

Natawa nalang ako habang inalalayan niya ako na makaupo sa motor na gamit nila.

Ducati ito boy...

HOURS later...

Nasaan na tayo?" Tanong ni Rimo habang inililibot ang paningin.

Binasa ko ang labi ko bago ito sinagot.

"San Mateo Orphanage. Nung bata ako naligaw at at napunta ako dito. Ilang araw din akong narito hanggang mahanap ako ni Mama. At nang mamatay sila Mama at papa dito ko piniling manirahan. Kaya naging magaan ang loob ko dito. At ipinangako kong babalik balik ako rito." Kwento ko. At hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng lungkot.

Napatango Ito saka sinulyapan ang Orphanage.

"So dito tayo magdi-date? Orphanage Date huh?"

Napanguso ako. "Oo ayaw Mo ba?"

"Pwede ka na mang umalis nalang." Pagtataray ko saka nagmartsa papasok sa Orphanage.

Mang Makita ko ni Nanay Selia. Tumakbo Ito patungo sa kanya.

"Ayeeee! Anak! Buti napadalaw ka anak! Namiss ka namin."

Niyakap ako nito ng sobrang higpit.

"Nay.. hahaha namiss ko rin po kayo." Natatawang sabi ko saka kumalas sa pagkakayakap niya.

"Nasaan po sila nanay Mita? Nanay Pita at nanay Hena?" Masayang Tanong ko. Sila ang mga naging magulang ko ng mahigit Labinglimang taon.

"Ay.. nasa palengke at namimili ng stocks para sa mga bata."

"Ah.." napatango ako saka ngumiti. Kapakuwan may naalala ako. "Ahm.. siya nga po pala nasaan si Joshua, nanay?" Tanong niya.

Si Joshua ang Isa sa mga kababata ko dito. Sabay silang lumaki. Napaka-close namin noon. Kaso noong inamin nitong may gusto Ito saakin. Iniwasan ko na Ito para hindi Ito masaktan. Kasi alam kong hindi ko naman ito masuklian kasi kaibigan lang ang turing ko dito.

Ngumiti si Nanay Selia. "Nandito siya kanina. Ang kaso inihatid mo na niya ang kasintahan niya dahil may emergency daw. Pero babalik din daw siya." anito. Girlfriend? Ibig sabihin naka-move on na Ito. Mabuti naman. Masaya siya para dito. "Oh.. Ayan na pala siya." Sabi ni Nanay Selia ko itinuro ang papalapit na kababata niya. Lumaki na Ito at tumangkad. Naging matikas na rin ang pangangatawan nito.

Masasabi kong gwapo ito. Pero hindi kp alam kung anong masamang ispiritu ang sumasapi sakin. Dahil mas gwapo parin ang demonyong hari na yun. Hmp! Kainis.

Nang makita ako ni Joshua ngumiti naman Ito.

"Aye, kamusta? Long time no see." Anito saka ngumiti.

Napangiti ako. " Okay naman. Ik¨¤w?"

"Ayos lang. Hindi ka pa rin nagbabago maganda ka pa rin." Puri niya.

Kaya napapangiti ako. "Salamat. Pero balita ko may kasintahan ka na ah. Congrats!"

Napailing nalang Ito. " Oo. Her name is Ara. Shes amazing and I love her so much. Kung dati hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo ako nagustuhan noon. Ngayon alam ko na. Kasi si Ara ang para sakin." Nakangiting sabi niya. Puno ng pagmamahal ang mga mata nito.

"Masaya ako para sayo."

"Eh Ikaw may boyfriend ka na? I mean, sa Ganda at sexy Mo. Siguradong meron na." Natatawang sabi niya.

"Ah... Eh... hahaha." naiilang ako.

"Syempre meron na yan anak diba? Ang ganda ganda kaya ni Aye." Sabi ni Nanay Selia.

"Hahaha aba oo naman Nay Selia. Eh minsan na akong nabaliw sa kagandahan niyan." Natatawang sabi niya. Kaya natawa nalang din sila.

" Ewan ko sayo. At saka wala akong boy¡ª"

"Anong wala?! Ako ang boyfriend mo babylove!" Napaigtad ako ng marinig ang boses ni Rimo mula sa likuran ko.

Lilingon na sana ako ng akbayan niya ako.

" Baby love bakit mo naman ako inawan don? Akala ko ba date natin to?" Nakangusong reklamo niya.

Inirapan ko Ito saka ngumiti ulit kay nanay Selia at Joshua na nakatingin kay Rimo.

"Sino ka?" Tanong ni Joshua.

Nakita kong nagbago ang emosyon sa mukha ni Rimo. Nagdilim ang mukha niya habang nakatingin kay Joshua. Kung nakakamatay lang ang tingin nakalibing na si Joshua.

"I'm her boyfriend. Do you have any problem with that? If you have then go die." Masungit na sabi niya.

Kaya siniko ko siya at tinapunan ko ito ng matalim na tingin.

"Play nice. Rimo." babala ko rito.

Rimo just rolled his eyes.

"Tsk!"

Tiganan mo ang bipolar ng haring to.