Chapter 7: The beginning
Nagising si Kath dahil sa mahihinang pagkatok mula sa pinto. Kaya napabalikwas ito nang bangon saka nagsuot ng robe at binuksan ang pinto.
"Hi baby,"
Ngiting bati nang ama ni Kath na si Alfredo Ramirez. Gumanti rin ng malambing na pag-ngiti ang dalaga sa kanyang ama saka kumalabit sa braso nito.
"Good morning daddy,"
Malambing na bati ng dalaga.
"Good morning din anak, did i wake you up so early?" Malambing na tanong ni Mr. Ramirez sa kanyang bunsong anak. Tiningnan siya ni Kath sabay ngiti.
"Medyo daddy, but it's fine."
Maikling sagot nito sa ama. Giniya nila ang loob ng silid saka sabay silang umupo sa gilid ng kama.
"May problema ba daddy?"
Kath asked curiously, nginitian lang siya ng kanyang ama saka may inilabas na maliit na kahon sa bulsa nito at binuksan sa harap ng dalaga.
"Here," Ani Mr. Ramirez sabay labas nang isang maganda at makintab na necklace na may hugis pusong pendant.
"What is this dad?"
Nagtatakang tanong ni Kath.
"That's my advance gift for you Kathy, do you like it?"
Ngiting tanong nang kanyang ama. Niyakap naman agad siya nang dalaga and thank her dad.
"Thank you daddy, it's nice and elegant dad. I love it."
She sweetly smiled on her dad. Yumakap din ang ama nito bago kumawala at tinignan siya.
"Isang linggo nalang at kaarawan mo na Kathy, What's your plan? Gusto mo ba nang engrandeng kaarawan?"
Wika nang ama nito. Napailing naman agad si Kath saka ngumiti.
"Simpleng handaan lang ang gusto ko daddy, spending more time with you and my bestfriends is worth enough dad."
She softly say, ngumiti naman agad si Mr. Ramirez at tumango bilang pagsang-ayon.
Mahal na mahal ni Kathalina ang kanyang ama tulad ng pagmamahal sa kanya nang kanyang ama. Ngunit naghahanap pa rin si Kath nang isang pagmamahal na hindi kayang ibigay nang nino man at yun ang pagmamahal na pinangako ni Seb sa kanya. Alam niya maaga pa para sabihin na mahal siya nang binata at mahal niya na rin ito. Pero sigurado siya na may paghanga at pagtingin siya para rito and she's holding unto it.
Kakatapos lang maligo ni Kathalina at abala na ito sa pag-aayos nang kanyang sarili dahil magtatrabaho na muli ito. Hindi muna siya tumanggap nang mga modeling contract dahil gusto na muna niyang tutukan ang kanilang negosyo lalo pa at dumarami na ang kanilang investors. Aalis na sana siya nang biglang tumunog ang kanyang phone. Kaya kinuha niya ito mula sa loob ng kanyang sling bag saka tinignan kung sino ang nagtext.
-Hi Hon, good morning. gising kana ba? Kumain kana ba?"-
Fr: Seb.
Napangiti naman si Kathalina sa mensahe nang binata at mabilis na nireplayan.
-Good morning Hon, im wide awake and already full. Ikaw? Kumain kana ba? Saan ka papasok ngayon?-
Reply Sent...
Ilang segundo lang at nagreply na agad ang binata.
-Nandito na ako sa coffee shop. Hindi na ako nag-almusal dahil ayokong mahuli sa work. By the way ingat papuntang work. Love you Kath. Back to work na'ko.-
Fr: Seb.
Napangiti at kilig na kilig si Kath sa mensahe ni Saviour kaya madali din itong nagreply.
-Stop being so sweet honey! Baka tuluyan na akong mahulog at baka hindi mo ako agad masalo. But thank you for made me feel love! I love you too and im on my way to work na rin.-
Reply Sent...
Hindi na nakaganti nang mensahe si Saviour kaya nagpasya nang magmaneho si Kath gamit ang kanyang simpleng kotse. Ginagamit niya lang ang magaganda niyang kotse kapag kasama ang kanyang mga kaibigan at nag-aattend ng party with her family. Ayaw niyang ibaba ang standard nang kanilang mga empleyado dahil lang sa magagara niyang kagamitan. She want to live her life with simplicity kaya hindi ito nagpapa-interview at kung nagmomodel man ito ay sinisigurado niyang nakatago ang kanyang profile sa ibang tao maliban sa mga mayayamang nakakakilala sa kanya.
Kahit abala si Kathalina sa kanyang trabaho ay biglang sumagi sa isip nito si Seb. Nabanggit nang binata kanina na hindi siya nag-almusal kaya naisipan ng dalaga na magpadeliver ng pagkain sa coffee shop na pinagtatrabahuan ng nobyo and texted him.
-Don't try to skip your lunch Hon, take care and be full.-
Message Sent..
Hindi na inantay pa ni Kath ang reply ng nobyo dahil alam niyang abala rin ito tulad niya kaya nagpatuloy ito sa kanyang field work.
-----
Abala si Saviour sa loob nang shop kaya nalimutan na naman nitong mananghalian. Ngunit nagulat siya nang makatanggap siya nang food delivery under his name. Kinuha naman niya ang mga pagkain at halos malaglag ang panga niya dahil sa dami nang pagkain na nasa harapan ng mesa. Hindi naman maiwasan nang mga kaibigan niya ang maintriga kaya lumapit ito sa kanya at tinutukso ang binata.
"Oi! Mukhang madami-dami yan Sav huh,"
Tukso ni Jax sa kanya. Napailing naman agad siya nang maisip ang nobya, alam niyang si Kathalina ang nagpadala nang mga pagkain na nasa harap niya. Kaya agad niyang dinukwat ang phone sa bulsa niya and he was right. It's from her girlfriend, napangiti na lamang siya at napaupo sa isang bakanteng silya.
"Pahingi naman diyan Saviour,"
Parinig ng mga kasamahan nito at dahil sa dami nga nang pagkain na pinadala sa kanya nang nobya ay nagbigay rin ito sa mga kasamahan niya at sabay-sabay silang nag-lunch. Tinatanong naman siya at kinukulit ng mga kasamahan niya kung kanino nanggaling ang lahat ng pagkain but as always. Sinarili niya lang ito at ayaw niyang ipaalam sa iba ang kaligayahan na nadarama niya. Alam din naman ng mga kasamahan niya na hindi siya ganun ka-showy dahil tahimik lang ito, mapabahay man siya o trabaho. Silent type na tao si Seb kaya walang nakakaalam sa kanyang personal na buhay maliban kay cookie na matalik niyang kaibigan na boss niya ngayon.
Pagkatapos ng duty ni Saviour sa coffee shop ay umuwi naman ito para makapagpahinga saglit at maligo para mag-duty na naman sa bar bilang bartender. Ganito ang palaging gawa ni Seb araw-araw, bahay - trabaho - bahay - trabaho. Isang gabi lamang siya nakapag-enjoy sa buong buhay niya, at yun ang gabing niyaya siya ni cookie sa isang kilalang bar kung saan natagpuan niya ang kanyang nobya at nangyari nga ang dapat na hindi mangyari.
Akmang maliligo na sana siya nang tumunog ang kanyang phone. Napangiti siya nang makita sa screen ang mukha ng nobya.'she's more beautiful and appealing in person.' Bulong niya sa sarili. Sinagot naman niya agad ito.
"Hi Hon,"
Anito.
"Hello Hon, saan ka?"
Kath abruptly asked,
"Bakit hon? Ah- nasa bahay na ako. 25 minutes ago." He answered.
"Uhm-- okay! Bakit hindi mo sinabi sa akin na nakauwi kana pala? Sana hindi nalang ako dumaan rito sa coffee shop para sunduin ka."
May panghihinayang na wika ni Kath sa nobyo. Napabuntong hininga naman si Seb at biglang sumeryoso ang pigura.
"You don't have to do that Kath, dapat ako ang sumusundo at naghahatid sa'yo. Ayokong isipin mo na inaabuso ko ang kabaitan mo sa'kin." He sighed.
"And thank you pala sa lunch kanina. I do really appreciate it hon."
Simple nitong turan sa nobya, hindi naman nakaimik si Kath sa kabilang linya. Dahilan para ikapangamba ni Seb, ayaw niyang bigyang kahulugan ng nobya ang kanyang mga sinabi kaya muli itong nagsalita.
"Hon don't get me wrong ---"
"I know hon, i understand. No need to explain. Sige na uuwi na ako at nang makapagpahinga kana rin."
Puno nang pagkadismaya ang tono nito kaya mas lalong nangamba si Seb ngunit nanatili siyang kalmado.
"May trabaho pa rin ako hon, alam mo yan. Kaya hindi pa rin ako makakapagpahinga."
He gently smiled, tanging pagngiti na lamang ang kanyang nagawa sa dismayadong nobya.
"Oo nga pala, hindi ka ba napapagod hon?"
Pansamantalang lumambot ang tono ng pananalita ni Kath dahilan para mabuhayan nang loob si Seb.
"Pagod!-- but i can handle my tiredness hon, kailangan kong kumita para sa pamilya ko and someday i can prove myself to you and to your family na kaya kitang buhayin if ever maging tayo man magpa-hangang wakas."
Bahagya siyang napatawa sa sarili dahil sa kanyang pagiging advance mag-isip. Narinig rin nito ang nobya na napabungisngis sa kabilang linya dahilan para maibsan ang pangamba nito sa kaninang dismayadong nobya.
"Gusto mo bang dumaan muna ako diyan?"
Kathalina softly asked. Napangiti naman siya at napailing. Makulit nga marahil si Kathalina dahil ayaw nitong magpapigil na makita nila ang isa't-isa and his thankful for that.
"Kung hindi nakakaabala sa'yo mahal ko,"
He gently say, Kath softly giggled on the phone dahilan para mapatawa rin siya. Ayaw man niyang aminin pero kinikilig siya sa kanyang nobya.
"Okay! Ibababa ko na, I'll be there in a minute."
Pagkasabi nang dalaga ay sabay nilang binaba ang Tawag at tinungo naman nito ang banyo upang maligo.