Chapter 23: One year pass

Ilang buwan nanatili si Kath at Sam sa France bago bumalik ng US.

"Kumusta na si Haiden samy? Hindi mo ba namimiss ang inaanak ko?" Tanong ni Kath sa kanyang matalik na kaibigan. Nilingon naman siya ni Sam sabay buntong-hininga.

"Syempre namimiss ko na ang anak ko Kathy, pero kapag hindi naman ako magtrabaho baka wala naman kaming kainin." Sagot nito.

"Gusto mo umuwi na tayo ng pinas?" Malapad na ngiting turan nito kay Samara. Tila nagtataka naman siyang tinignan nito.

"Paano ang trabaho mo?" Sam asked.

"Tatapusin ko lang, bago tayo umuwi." Kaswal nitong sagot.

"Tigilan mo nga ako Kath! 2 years pa bago matapos kontrata mo rito." Paikot-matang turan ni Sam. Tinawanan naman siya ni Kath ng biglang tumunog ang phone ni Kathalina.

Madali namang sinagot ni Kath ang phone call habang si Sam ay abala sa pag-aarrange ng schedule nito. Napasulyap siya kay Kath ng biglang tumamlay ang mukha nito habang nakikinig sa nagsasalita sa kabilang linya. Napatigil siya sa pagsusulat at napukol ang tingin sa kaibigan. Pagkababa ni Kath ng tawag ay unti-unti na itong napaluha.

"Samy, we need to go back home." Aniya kay Samara. Puno ng pag-aalala naman siyang tinignan nito.

"Bakit? May problema ba?" Sam asked.

Marahang napatango si Kath habang mahinang umiiyak. Kinagulat ni Kathalina ang balita mula sa kanyang mommy kaya hindi nito mapigilang umiyak.

"Daddy is sick, we need to go home." Hagulgol nito kay Sam. Kaagad naman siyang nilapitan ni Sam at niyakap saka hinagod-hagod ang kanyang likod. Alam ni Sam kung gaano kamahal ni Kath ang ama nito.

"Sige ako na mag-aayos ng lahat," Ani Sam. Tumango lang si Kath bilang pagsang-ayon.

---‐-

Isang taon na ang lumipas at marami nang nagbago sa buhay ni Saviour. Isa na ang pagkakaroon niya ng malaking negosyo. Isa na siya ngayon sa mga supplier sa syudad nila ng mga prutas at gulay, pati na rin ng mga ibang essential goods. Siya na rin ang nagsu-supply ng coconut wine sa kanyang kaibigan na si Cookie na kanyang dating boss.

"Sir, Natapos ko na po ang inventory sir." Anang ni Reid na kanang kamay ni Saviour sa farm. Nag-angat naman siya ng tingin at nginitian ang kaibigan.

"Salamat Reid, diba sabi ko sayo huwag mo na ako tawaging sir. Ako pa rin ito si Saviour." Aniya habang binubuklat ang inventory book. Marahan namang napatawa si Reid at napaupo sa bakanteng upuan kaharap si Seb.

"Sigurado kaba na Seb lang itatawag ko sayo? Alam mo naman siguro kung ano kana ngayon Saviour De Cena." May panunudyo nitong turan sa binata. Seb smirked on Reid's words saka binaling ang tingin rito.

"Im still Saviour De Cena and nothing had change! Alam mo naman siguro kung bakit ako nagsisikap ng ganito diba?" May bahid ng kalungkutan nitong turan kay Reid. Kaagad naman sumeryoso ang mukha nito at napakamot sa kanyang ulo.

"Alam ko Seb, pero no offense ah' alam ba ng babaeng mahal mo ang ginagawa mong pagbabago para sa kanya? Kasi kung hindi, kawawa ka naman kaibigan." Ani Reid. Napabuntong-hininga naman si Seb at napasandal sa likod ng kanyang upuan.

"Hindi niya ito alam Reid, pero alam kong darating rin ang araw na malalaman niya itong pagsisikap ko para sa kanya. Papatunayan ko sa pamilya niya na kaya kong ibigay ang lahat ng bagay na gugustuhin ni Kath." Puno ng pag-asa nitong sagot kay Reid. Nagkibit-balikat naman ang lalaki rito.

"Paano niya malalaman kung wala siya rito sa pinas at malayo ka sa manila?" Tanong muli ni Reid. Hindi naman nakaimik si Seb at napaisip.

Wala nga siyang alam kung kumusta na ang kanyang nobya at lalong hindi niya alam kung kailan ito uuwi o may plano paba itong umuwi.

"I think I found someone that could help me on that matter." Aniya sabay kuha sa kanyang phone at nagdial. Kibit-balikat naman siyang tinignan ni Reid.

"Hello! Good afternoon, can I talk to Mr. Alistaire Ramirez?" Seb speaking to someone on the phone. Sumagot naman agad ang sa kabilang linya.

"Hold on sir, I will connect you to Mr. Alistaire Ramirez." Ani ng babae sa kabilang linya na sa tingin ni Seb sekretarya ng kuya ni Kath.

Ilang segundo lang ay nagsalita na si Alistaire sa kabilang linya.

"Alistaire Ramirez speaking!" May pabagsak tono nitong turan. Umayos naman ang pag-upo ni Seb at sumeryoso ang tono.

"Hi Sir. Alistaire, si Saviour po ito pwede po ba tayong mag-usap? kung may bakanteng oras ka po." Magalang nitong wika kay Alistaire. Hindi naman kaagad sumagot si Alistaire at narinig nalang niya ang pagtikhim nito.

"Saan?" Maikli nitong sagot.

"Pwede ka po ba bukas ng 9pm 'dun sa Dacosta Bar." Sagot ni Seb.

"Okay, I'll meet you. Bye!" Pabagsak nitong turan sabay baba ng tawag.

Hindi naman na nakapagsalita si Seb dahil binabaan na siya ng telepono ni Alistaire. Mabigat siyang napabuntong hininga at tinignan si Reid na nasa harapan pa rin niya at na halatang nakikiramdam.

"Book me a flight for tomorrow, Reid." Utos nito sa kay Reid. Tumango naman agad ito saka mabilis na umalis.

Naiwan namang malalim na nag-iisip si Saviour sa kanyang opisina. Dahil sa loob ng isang taon walang araw na hindi niya naalala ang nobya na si Kathalina.

'Oo hiniwalayan niya ako, but for me she's still my girlfriend. May boyfriend man siya ngayon o wala, babawiin ko siya. By hook or by crock!' Protesta niya sa sarili.

Ginawa niyang paunlarin ang sarili para kapag dumating ang panahon na bumalik sa kanya si Kath ay may mapatunayan na siya sa pamilya ng dalaga at kay Kath mismo. Hindi na siya yung Seb na minamaliit ni Mr. Ramirez, dahil marami na ang nagbago sa kanyang pamumuhay. Maaring matatawag na siyang isang milyonaryo pero sa puso't-isip niya siya pa rin yung Seb na nakilala ng lahat na hardworking at humble. Kahit marami na siyang tauhan sa farm, he never let them call him 'sir' dahil gusto niya ay sa pangalan lang siya tawagin ng mga ito at kung may nagbago man sa kanya. Marahil ang kanyang pisikal na kaanyuan lamang at ang kanyang pamumuhay ngayon. Dahil nabibili na niya ang mga bagay na hindi niya kayang mabili noon at kahit sa mga kapatid at magulang niya.

Noon pa man marunong na si Seb humawak ng pera kaya alam nito ang limitasyon sa pagwawaldas. Kaya mas lumago at naging maunlad ang kanyang negosyo. And all of his hardworks was dedicated to her girlfriend Kathalina Ramirez.

---------

Sorry guys! I'm so busy sa work kaya hindi na ako masyadong makapag-update. Ayoko namang magsulat ng pagod dahil hindi ko napi-feel yung emosyon ng sinusulat ko. Kaya konting tiyaga tayo guys. Salamat! Sa pag-intindi.