Chapter 21: Flight
"Ewan ko nalang talaga sa inyo! Bakit ang bigo-bigo niyo palagi sa pag-ibig." Turan ni Stella sa kanyang dalawang kaibigan na si Kathalina at Samara.
"Bakit kasi ang daming manloloko dito sa mundo! bakit hindi nalang sila kinuha ni Satanas at sinunog sa impyerno!" Napapahikbing turan ni Kath habang tinatagay ang kanyang tequila.
Tahimik lang naman sa kanilang tabi si Samara at hindi kinikibo ang kanyang inumin. Alam nilang nagluluksa ito dahil kakamatay lang ng anak nila ni Luciano, ngunit pinili pa rin nitong samahan si Kath dahil broken hearted nga ito.
"Ikampay nalang natin yan Kath," Gatong ni Stella sa kanya.
At nagpatuloy na nga sila sa kanilang inuman. Hangang sa nalasing na nga sila sa dami ng kanilang nainom. Si Samara lang ang hindi nakainom dahil kakakunan lang nito kaya ang ginawa nito ay siya ang nagpatawag sa mga driver ng kanyang kaibigan para maihatid ang mga ito sa kanilang bahay.
"MANLOLOKO TALAGA KAYONG MGA LALAKI! BWISIT KAYO!" Sigaw ni Kath habang pasuray-suray na naglakad papasok sa kanilang bahay.
"Kath what's going on!?" Tanong ni Mrs. Ramirez habang papalapit sa dalaga. Tinignan naman siya nito at ngumiti sa kanyang ina.
"Hi mommy! Wala po ito! Im okay! Im fine!" Wika nito habang papaakyat ng hagdan. Puno ng pag-aalala naman siyang tinignan ni Mrs. Ramirez.
"Honey, your not okay! You can --"
"I don't need someone mom! I want to be alone!" Saad nito sa ina saka tuluyang iniwan ang ina.
Alam ni Mrs. Ramirez na hindi okay si Kathalina kaya tinawagan nito ang kanyang personal assistant at kinausap.
-----
Pagkapasok ni Kath sa kanyang silid ay hindi na niya mapigilang mapaluha dahil sa mga eksena at narinig niya kanina sa apartment ng kanyang nobyo. Paupo siyang napahagulgol ng iyak sa sahig habang yakap-yakap ang sarili.
'Bakit niya ako nagawang ipagpalit sa babaeng 'yon! Hindi man lang niya nagawang magpaalam sa akin! Nagmukha tuloy akong tanga, bw*sit!'
Hagulgol nito sa sarili. Nang biglang tumunog ang cellphone nito kaya inabot niya ang bag at kinuha ito 'ron saka sinagot ang tawag.
"Hello!" Pahikbi nitong sagot sa phone.
"Hi are you Ms. Kathalina Ramirez?" Turan ng babae sa kabilang linya. Nagsalubong naman agad ang kilay niya.
"Yes! Kathalina speaking," Sagot nito.
"Oh! Hi Ms. Ramirez, I'm from a modeling agency and my boss wants to have an appointment with you by tomorrow and talk about your application." Anang babae. Natahimik naman sandali si Kath saka madaling pinunasan ang luha sa pisngi at inayos ang sarili.
"Yes, oh! Sure. What time is it?" Ani Kath.
"1pm Ms. Ramirez." Sagot nito.
"Noted ma'am, thank you." May bahid ng ngiti nitong sagot.
"Thank you din po ma'am," Turan ng sa kabilang linya.
Sabay nilang binaba ang tawag. Saka muling natigagal si Kathalina sa dulo ng higaan at muling napaisip.
'Marahil ito na ang pagkakataon na makalayo ako pansamantala sa lugar na ito,' Bulong nito sa sarili. Bigla naman niyang naisip si Samara kaya tinawagan niya ito at kinausap.
-------
Pagkatapos ng meeting ni Kath sa may-ari ng agency ay kaagad nitong inampake ang mga gamit dahil may flight na ito mamayang gabi papuntang US. Habang abala ito sa pag-iimpake ay may mararahang katok sa kanyang pinto kaya walang lingon niya itong pinapasok.
"Are you packing your things na hija?"
Nilingon ni Kath ang ina na papalapit sa kanya saka marahang nginitian.
"Opo mommy, mamaya na kasi yung flight ko papuntang US." She answered. Napaupo naman si Mrs. Ramirez sa tabi ng maleta saka pinagmamasdan ang anak na nagpatuloy sa pag-iimpake.
"What about Saviour? Napag-usapan niyo naba ito?" Mahinang tanong ni Mrs. Ramirez sa dalaga. Bahagyang lumungkot ang mukha ni Kath saka napatigil sa pagtutupi ng damit at napabuntong hininga.
"Mom, tapos na kami ni Seb can we not talk about him." Marahang pakiusap nito sa ina. Nginitian naman siya nito at marahang hinaplos ang kanyang kamay.
"Fine. By the way mag-ingat ka 'ron okay? Saka sino ang magiging personal assistant mo roon?" Nag-aalalang tanong ni Mrs. Ramirez kay Kath. Nginitian naman siya ng dalaga saka tinabihan ang ina.
"Si Samy po ang magiging personal assistant ko mommy, kaya wala po kayong dapat na ipag-aalala." She softly smiled.
"Mabuti naman kung ganun dahil kakilala mo lang ang kasama mo," Anang ni Mrs. Ramirez.
"Pareho namin kailangan ng space mommy at saka kailangan ni Samy ng trabaho para may pagkaabalahan din siya at ng makalimutan niya ang manloloko niyang asawa!" May bigat sa tono ng pananalita ni Kath. Bahagya namang nalungkot si Mrs. Ramirez sa sinabi nito, at muling hinimas ng marahan ang kamay ng dalaga.
"Anak, alam kong nasaktan siya but still Luciano is her husband. Marahil kailangan nila ng space pero may panahon na magkikita at magkikita pa rin sila at darating ang pagkakataon na maayos nila ang gusot sa kanilang relasyon, lalo na kung mahal pa rin nila ang isa't-isa. Palagi mo 'yang tatandaan okay," Payo at paalala ng ina niya. Biglang tumamlay ang ngiti ni Kath sa kanyang ina saka napatango at nagpatuloy sa pag-iimpake.
'Marahil ganun nga ang mangyari kay Sam at Luciano, dahil sa katanuyan nangyari na nga ito sa kaibigan niyang si Thalia at Valkyrie. Kasal naman kasi sila at mahal na mahal naman talaga nila ang isa't-isa, hindi tulad namin ni Saviour na walang assurance! Kaya tiyak akong malabo na mangyari sa aming magkabalikan.' Bulong niya sa sarili.
Kinagabihan hinatid si Kath at Sam ni Alistaire sa airport. Bago paman sila makasakay ng eroplano ay may katiting na pag-asa pa'ng natitira kay Kathalina na hahabulin siya ng nobyo. Ngunit ng tuluyan ng umandar ang eroplano at nakalipad. Walang Saviour ang humabol at nagpakita sa kanya. Kaya dun na siya marahang napaiyak, napansin naman siya agad ni Sam.
"Sissy, iiyak mo lang." Marahan na turan ni Sam. Kaagad niya naman itong niyapos ng yakap at humagulgol sa balikat ni Sam. Hinimas-himas naman ni Samara ang likod niya.
She was hoping that Seb would chase her and prevent her to walk away from him but unfortunately no Saviour appears on the airport. Even a single text and call from him he didn't receive. Kaya ito ang nag-udyok kay Kath na tuluyan na niyang kakalimutan si Seb pagkarating niya mismo sa US. She need to move on to have a happy life in the US. She need to focus in her career and it's the first thing she needs to do. Ang mag-move on sa kanyang nobyo.