Chapter 2: With Kiddoe

Dalawang araw nang binabantayan ni Kathalina ang anak ng kaibigan nito na si Samara at dahil sa ayaw niyang magkulong sa tinitirhan ng mag-ina ay naisipan nitong puntahan si Stella na ngayon ay day-off at niyaya siyang mag-shopping sa mall.

"Milagro ata na nagsama ka ng bata sa pamimili natin?" Biglang ani ni Stella sa kanya na kinangisi naman agad nito.

"Tigilan mo nga ako sa ngiting labas ngipin mo Kathalina!" Paikot matang ani agad ni Stella.

Alam na alam nito kung anong kapilyahan na naman ang pumasok sa utak ni Kath kaya inunahan niya na agad ito.

"Bakit? Hindi naman ako nagsalita ah," Depensa agad nito sa sarili.

"Fine! Libre ko na kayo," Walang nang magawa si Stella kaya napamwestra nalang ito sa ere at napangiti sa kasama nilang bata na si Haiden.

"Thank you sis," Malapad na ngiting wika ni Kath.

"Pasalamat ka may kasama kang bata. Kung wala asa ka pang ililibre kita eh' marami ka namang pera." Turan agad ni Stella. Pilyang nginitian lamang siya nito habang papasok sa isang Fast food na nasa loob ng mall.

"Jusmi Stella! Ang lakas mo nga makalibre sa inuman tapos sa pagkain lang pagdadamutan mo ako? What kind of bestfriend you are!"

Pango-ngonsensyang may tawa pa ni Kath kay Stella na kinaikot naman agad ng mata nito habang papalapit sa counter upang umorder.

"Maghanap kana nga lang nang mauupuan natin Kath," ani Stella.

Sinunod naman niya agad ito at mabilis na nakahanap ng mauupuan nilang tatlo. Ilang sandali pa at lumapit na si Stella sa kanila kasunod ang waiter na nagdala nang kanilang pagkain. Dahan-dahan na inilapag nang waiter ang kanilang mga pagkain at saka sila nag-umpisang kumain. Tahimik lang din na kumakain si Haiden sa tabi ni Kath habang si Stella ay kinukulit ang kanyang kaibigan.

"By the way Kath, kumusta kana pala after no'ng insident sa bar?" Open topic agad ni Stella sa kanya na kinatigil niya sa pagkain at natahimik.

"Huwag mong sabihin iniisip mo pa rin 'yon?"

Segunda muli ni Stella. Inirapan siya ni Kath at pinaikot ang mata.

"Di 'ba sabi ko sa'yo that was the biggest mistake of my life Stella at hinding-hindi  ko 'yon basta-basta makakalimutan. Alam mo naman siguro kung ano ang nawala sa akin no'ng gabing 'yon 'di ba?" Diretsahang sagot ni Kath sa kaibigan nito. Napatango-tango naman si Stella rito saka muling kumain.

"Wala ka ba talagang naalala sa pigura niya Kath? Kahit mga mata man lang niya? Or any signs of him?" Puno nang kyuryusidad na tanong ni Stella.

Alam ni Kath na nalalabuan si Stella sa kanya kaya panay kulit nito sa kanya at walang hinto siyang timatanong kung wala ba talaga siyang naalala na kahit na anong pagkakakilanlan sa lalaki.

"No! As in wala!"

Mabilis na sagot ni Kath. Stella is doubting her friend's answer but she need to act that she's convinced. Kaya napailing nalang siya at nagpatuloy na sila sa pagkain.

Stella start talking on her but her mine filled with confusion! Confused siya dahil hindi niya masabi ang totoo sa kaibigan niya at kung bakit pilit niyang pinagtatakpan ang pagkakakilanlan niya sa lalaki. Because the mere fact is, may pagkakakilanlan talaga siya sa lalaking nakaniig niya. She was just lying na wala siyang kahit na anong maalala sa lalaki. Dahil sa utak niya hinding-hindi niya malilimutan ang tattoo ng lalaki na nasa kamay nito at kahit ang maganda nitong mata. She recognize that one night stand guy, ayaw niya lang magsabi dahil nahihiya at natatakot siya. Dahil para sa kanya isang kahihiyan ang nangyari sa kanya nung gabi na yun at marahil nagsasaya na nga lalaking 'yon dahil talo pa niya ang nanalo sa lotto na kumuha ng pagkababae niya nang walang kahirap-hirap.

"Earth to Kathalina!"

Kath wake up from her reverie ng pinukaw siya ni Stella.

"Ow! Sorry sis, what are you saying?"

She half smiled.

"Sabi ko after this saan tayo pupunta? Anong bibilhin muna natin. Huwag mong sabihin na ako na naman manglilibre sa'yo?" Taas kilay na sabi ni Stella na halatang may panunukso.

"Syempre bibili ako! Para ito nga lang nilibre mo." Napanguso agad si Kath kay Stella na kinatawa naman nito.

"Masarap ba ang libre ni tita Stella mo Haiden?" Ngiting tanong ni Kath sa bata. Ngumiti naman agad si Haiden.

"Opo tita Kath,"

Sabay tingin kay Stella at nginitian ito.

"Salamat tita Stella,"

Pasalamat ng bata, bakas naman ang kagalakan sa mukha ni Stella sa pasasalamat ng bata.

"Dahil diyan bibilhan kita nang laruan,"

Sabay kindat ni Stella sa bata, tuwang-tuwa naman si Haiden dahilan para magpalakpak ito sa saya.

"Sige po tita salamat po ulit,"

Pasalamat muli ng bata, kinilig naman si Stella habang si Kath ay ngumisi lang rito.

"Dapat ganyan ka magpasalamat sa akin Kathalina!"

Paikot matang wika ni Stella. Nag puppy-eyed naman agad si Kath at nag-boses bata.

"Salamat sa palibre mong may pakonsensya pa tita Stella!" Sabay tawa nito na kinanguso agad ni Stella.

Pagkatapos nilang kumain ay nauna silang pumasok sa isang Toy store para bumili ng laruan ni Haiden. Nang makapili na ang bata ng laruan ay sa dress shop naman na sila pumunta at dun na sila natagalan. Masyadong maselan si Stella sa kanyang sinusuot dahil medyo umaangat na ang timbang nito.

"Alam mo sissy tumataba kana,"

May panunuksong wika ni Kathalina kay Stella na kinasimangot agad nito.

"Ang tabas ng dila mo Kath! Hindi ka nakaka-offend promise!"

Paikot-matang wika ni Stella kay Kath na kinangiti lang nito na kitang-kita ang ganda ng ngipin.

"Sorry Bestfriend. Im just stating the fact,"

Ani Kath habang namimili ng kanyang bibilhin na damit. Nagtaas na lamang nang kilay si Stella saka nagpatuloy sa pamimili habang si Haiden ay nakamasid lamang sa kanyang dalawang tita na abala sa pamimili.