Chapter 40
KAHAPON ng tanghali bumalik sina Dior sa Centro. Nangako kasi ito na babalik sa pasko para sa kapatid na si Riley. Nilagay niya rin sa list na bisitahin ang kapatid nito pag bumalik na siya sa Centro.
Napa-ngiti siya nang binalik niya ang atensyon sa mga gold fish niya na maligalig na lumalangoy sa pond nila sa resto. Katapos niya lang bigyan ng pagkain ang mga ito.
May isang linggo na lang sila at pagkatapos ng new year ay babalik na ulit sila sa Centro.
Pagkatapos mag pakain at mag dilig din ng mga halaman ay bumalik na siya sa loob ng resto.
"Ens! Naninibago pa rin ako nandito ka." Saad ni Quinn, tumawa naman siya rito at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng kusina.
Gusto niya kasi matuto mag luto, sabi ng kuya Logan niya at ni Lucas ay tuturuan siya ng mga ito. Nang makita si Nora ay binati niya ito nasa gilid, gumagawa ito ng beverage pagkatapos ay nag tungo na siya kala Lucas at Logan.
May ine-experiment ang mga ito na pwedeng maging bagong recipe ng resto.
Sa mga sumunod na araw ay maraming pinag-abalahan ang dalaga. Tuwing gabi na lang din sila nakakapag usap ni Dior.
Gumigising siya ng maaga para pumunta sa dalampasigan pagkatapos ay tumutulong siya sa pag papakain ng mga alaga nilang isda at ibon, nag didilig din siya ng mga halaman at kumuha rin siya ng mga orders sa customers.
Kapag hapon naman ay nag papaturo siya mag paluto kay Lucas o kay Logan. Minsan tumutulong din siya kay Nora sa pag gawa ng mga beverages tapos natulong din siya kay Quinn sa counter.
Hinahayaan lang naman siya ng magulang niya dahil gusto rin naman niya ang ginagawa niya. Kumukuha rin siya ng ilang pictures at inayos ang mga picture frame naka sabit sa dingding.
Humikab si Ensley habang nakikipag-usap kay Dior. Halata rin sa dalaga ang pagod.
"Baby, inaantok ka na. Matulog ka."
"Ayos lang ako, at saka tuwing gabi na nga lang tayo nag uusap." Pinilit pa ni Ensley na sumigla para hindi na mag alala si Dior sa kaniya.
"It's alright. Makikita na rin naman kita next week. Matulog ka na, mas importante kalusugan mo."
"Sorry, Didi. Ang dami kasing ginawa sa resto. Babawi ako, promise." Ngumiti ang binata sa kaniya. "Good night, Ens."
"Good night, I love you."
"I love you, too."
TUMINGIN si Ensley sa cellphone kung saan ka-video call niya si Dior. Nasa labas din ang mga ito.
"5"
"4"
Pinakita rin ni Dior si Riley nasa background, kasama ang mommy niya.
"3"
Pinakita rin ni Ensley ang mga pamilya niya, kasama rin nila sa labas ang ilang pamilya sa resto.
"2"
Lumingon siya sa paligid at nakita niya nasa labas din ang mga tao. Nag iingay na ang mga ito. May mga bitbit na turutot, pang pa-ingay.
"1"
Sabay-sabay nilang saad.
"Happy new year, Didi!"
"Happy new year, Ens. I love you." Ngumiti ang dalaga sa binata dahil kinikilig na naman siya dahil sa binata.
"I love you, too— sila mama, batiin mo rin." Pinaharap niya ang cellphone sa pamilya niya, pagkatapos niya tawagin ito.
"Happy new year, hijo!"
"Happy new year, bro!"
"Happy new year din po sa inyo."
Binalik ni Ensley ang camera paharap sa kaniya at nakita niya si Riley sa tabi nito.
"Happy new year, ate Sley. I miss you po."
Tumawa naman siya sa ka-cute-tan nito.
"Happy new year, baby." Balik na bati niya rito. Nakita niya pa ang pag taas ng kilay ni Dior sa sinabi niya na kinatawa niya lang.
NANG makarating sila sa Centro ay sumalubong agad sa kanila si Dior para sunduin sila.
Nasa passenger seat siya umupo at si Dior ay sa driver seat habang ang dalawang kuya niya ay nasa backseat.
"Thank you, Dior." Saad ni Levi sa likod. "No worries, kuya Levi."
"Sus! Nag papalakas ka lang kay kuya Levi at Ensley." Sabat naman ni Logan. "Wag mo ko gayahin sayo, Ignacio."
"Aba't! Sumasagot ka—"
"Enough, Logan." Sita ni Levi rito. Tumawa naman siya dahil minsan gusto ng kuya Logan niya si Dior at minsan ay ganito ito pero alam niyang nag loloko lang naman ito.
HINAWAKAN ni Ensley ang kamay ni Riley nang makababa na sila sa sasakyan ni Dior. Makikita sa mukha ng bata ang saya at excitement sa kanilang pupuntahan.
"Wait lang, baby. Intayin natin kuya Dior mo."
Bago i-locked ni Dior ang sasakyan ay binuksan niya muna ang pintuan sa backseat para kunin dito ang basket para sa gagamitin nila ngayon.
"Let's go." Saad ni Dior sa kanila pagkatapos nito masigurado na sarado na ang sasakyan. Humawak ang binata sa isang libreng kamay ni Riley at sabay na silang tatlo nag lakad.
Pumunta sila sa Connie kung saan may malawak na grass field, meron sa Centro na lugar malapit sa kagubatan at doon sila nag tungo. Hindi mapanganib pumunta roon dahil ginawa talaga iyon para maging amusement park or picnic park.
Meron din kasing event ngayon, kung saan may malaking screen para panuoran ng movie na ipapalabas at para sa mga bata ang event ngayon. Ang ipapalabas sa malaking screen ay Spies in Disguise isang cartoon movie na si Will Smith and Tom Holland ang nag salita para sa mga characters ng palabas.
Which is gusto ni Ensley dahil isa sa paborito niyang tao si Tom dahil sa magandang personality nito at magaling ang pag kakaganap nito sa Spiderman.
Medyo marami ang sasakyan sa parking lot kaya sigurado siya na matutuwa si Riley, dahil marami itong makilalang bagong kaibigan. Kung papayagan ang mga magulang ng mga ito na makipag-kaibigan.
Naka-suot siya ng maong na trouser at simpleng puting tee shirt lang na tinack-in niya habang parehas naman nang suot ang mag kapatid. Ngayon niya lang nalaman na ganito pala kalapit ang mag kapatid sa isa't isa.
Parehas naka short na itim at puting tee shirt ang mga ito. Pare-parehas din sila naka-suot ng puting sapatos. Hindi nila pinag isipan ang susuotin, sadyang hindi mainit lang ang puting damit. Hindi naman mainit ngayon dahil alas-quartro na ng hapon at mamayang ala-sais ng movie event.
"Ate Sley, look!" Masayang saad nito habang tinuturo ang mga tao nag pi-picnic din. Sumama din ang kamay niya sa pag turo dahil naka hawak siya rito. "Yes, sweetheart."
Nang makalapit ay nag hanap sila ng pwesto at hindi naman sila nabigo dahil nakahanap sila ng pwesto sa bandang gitna.
Bumitaw si Dior kay Riley at inayos ang panlatag, inilapag din nito ang dalang basket na may laman ng mga pag kain nila.
"Ate Sley, I wanna go there!" Turo ni Riley sa mga bata nag lalaro ng bubles. Hindi lang panunuod ng movie ang program ngayon dahil may mga palaro nasa paligid para sa mga bata. Nag tayo ang mga ito ng booth para sa mga palaro naisip nila.
Hindi lang din puro bata ang naroon dahil makikita sa paligid ang karamihan na matatanda para bantayan ang mga anak, marami rin mga kabataan at ilang mga couples.
"Didi, punta lang kami saglit doon."
"Wag kang pasaway sa ate Sley mo, Riley." Bilin pa ng binata sa kapatid bago tumango kay Ensley.
"Yes, kuya. Riri will behave." Napa-ngiti naman ang dalaga dahil mahilig si Riley gumamit ng third person sa sarili nito.
Nag tungo sina Ensley and Riley sa mga bata nanunuod ng bubble show, at sa gilid nito ay meron na mga maliliit na bubble bottles na pwede gamitin ng mga bata. Lumapit siya roon para kumuha ng isa at ibinigay kay Riley. Meron din na malaking blanket para upuan ng mga manunuod.
"Riri, huwag kang tatakbo na hindi kita maabutan ha? If you want to go to other booths, let me know hm?"
"Yes, ate."
Hindi mapigilan tumawa ni Ensley habang pinapanuod ang mga bata nag sasaya.
"You look young, ilan taon na anak mo, hija?" Nahihiya na ngumiti siya sa isang babae sa tabi at pagkatapos ay umiling siya rito. "5 years old po, kapatid po siya ng boyfriend ko."
"Oh my! Sorry, hija."
"Ayos lang po."
Pinag papawisan na lumapit si Riley sa kaniya. "Ate Sley! I want to go there." Binuksan niya ang bag niya at kumuha rito ng bimpo at pinunasan ang bata.
"Yes, baby we'll go there."
Bago umalis ay hindi niya nakalimutan mag paalam sa babae nakausap kanina. Tumuloy na sila sa gustong puntahan ni Riley. Makalipas ang ilang booths na pinuntahan nila ay medyo nag didilim na. Tumingin siya sa relo niya at may 30 mins na lang bago mag simula ang palabas.
"Riri, walang kasama kuya mo roon. Balik na tayo?"
"Okay po!" Humawak ito sa kamay niya pabalik sa pinag iwanan nila kay Dior. Kumaway sa kanila ang binata ng makita na sila na palapit.
"Riley, come here mag palit ka muna ng damit mo." Saad niya rito pagkaupo nila.
"Thank you for taking care of my little brother." Pasasalamat ni Dior at pag katapos ay hinalikan siya nito sa ulo. "Amoy pawis ako."
"Sinong nag sabi sayo na amoy pawis ka? Ang bango-bango ng baby ko." Niyakap siya nito patalikod, inilagay ang kamay sa tiyan niya at inamoy ang leeg niya.
"Ano ba, Didi. Bibihisan ko pa kapatid mo."
"Hm? Parang nag seselos na ako."
"Baliw ka talaga." Natatawa na sagot niya rito at pagkatapos ay umalis na siya sa pag kakayakap dito at binalik ang atensyon kay Riley nakaupo habang nanunuod sa malaking screen. May commercial kasi roon habang inaantay ang pinaka main na palabas.
Nang matapos bihisan si Riley ng bagong damit ay binuksan niya ang basket at nilabas doon ang mga pagkain. Inayos niya ito at nag simula na sila kumain. Ilang minuto ay nag simula na rin ang palabas sa malaking screen sa unahan at masaya sila na nuod.