Chapter 25
NASA hapag ang pamilya Ignacio kasama sina Lucas, Nora at Chloe nakain ng tanghalian maliban kay Levi at Logan.
"Thank you, Chloe for helping our bunso." Saad ng mama ni Ensley.
"Wala po yon, mabait na bata po si Ensely." Parang matandang sabi nito sa ina.
Sinamaan naman ni Ensley si Chloe ng tingin na binalewala lang ng kaibigan.
"Sa totoo lang ay habang wala po kayo rito ay inampon na po namin siya ni kuya Parker, kahit na makulit silang dalawa ni kuya ay mahalaga po sila sa akin." Sabi pa nito.
Hindi naman makapaniwala nakatitig kay Chloe ang buong pamilya ni Ensley.
"Chloe." Sabat ni Ensley dito.
Bigla naman tumawa ang ina ni Ensley.
"See? I'm just joking, diba po tita Mila?" Sabi pa ni Chloe.
Napailing na lang si Ensley sa kalokohan nito.
"Nasaan po pala sina Logan at Levi?" Siniko naman siya ni Ensley.
"I mean kuya Levi at k-kuya L-Logan." At pilit na ngumiti sa mga ito.
Hindi naman mapigilan ni Mila ang pagtawa sa kakulitan ng kaibigan ni Ensley at tumawa na rin si Lorenzo.
Nahiya naman si Chloe sa inasal, " Sorry po."
"It's okay, Chloe. Masaya kami na may kaibigan si Ensley katulad mo." Saad ni Mila sa kaibigan ni Ensley.
Pagkatapos ng tanghalian ay pina-kilala ni Ensley sina Lucas at Nora rito.
"Lucas, Nora, this is Chloe Wu and Chloe, this is Lucas and Nora."
"Hi! Ensley loves to talks about you guys." Naka ngiting saad ni Chloe sa mga ito.
"Ganoon din si Ensley sayo." Saad ni Nora rito habang nakangiti rin. Siniko naman ni Nora si Lucas at ngumiti ng pilit kay Chloe sa hiya.
"What?" Masungit na saad ni Lucas.
Tumawa naman si Chloe sa mga ito.
"Hindi halata na mag best friend kayo ni Ensley. Ang layo ng ugali niyo." Saad pa ni Chloe sa mga ito.
Nanlaki naman ang mata ni Ensley sa pinag sasabi ni Chloe.
"Naka inom ka ba ng gamot mo?" Habang pinag mamalakihan niya ng mata si Chloe. Tumawa lang ulit ito.
"ENSLEY, matagal ko na ito sayo gustong itanong."
Lumingon naman si Ensley dito na nag da-drive. "Nung una parang gets ko pa pero ngayon—" lumingon saglit si Chloe sa kaibigan para tingnan ang reaction nito pero nakatitig lang ito sa kaniya.
"Bakit gusto mo mag stay kala kuya Dior? Kung may bahay na kayo rito?" Ilang saglit pa bago sumagot si Ensley.
"I don't know—" mahinang saad ni Ensley.
"Maybe because gusto ko lumaya? O siguro kapag kasama ko si Dior ay pakiramdam ko ay malaya ako? I don't really know actually."
"Sa tingin mo ba hindi ka malaya sa piling ng pamilya mo?"
"I don't know."
"Hmm, Is there something going on between you two ba?" Gulat naman lumingon si Ensley dito.
"W-What do you mean?"
"I don't know, kasi si kuya Dior yung tipo ng lalaki na alam mo na."
"Yeah— but he's nice."
"I know, lalo na sa kapatid niya."
"I didn't know."
"Oh!" At nahiyang bumalik ang atensyon sa pag da-drive.
Ilang saglit na katahimikan. "Anyway—"
"I slept with him"
Sabay na saad ni Ensley at Chloe. Na-preno agad ni Chloe ang sasasakyan at agad na lumingon kay Ensley.
"WHAT?" Gulat na tanong ni Chloe sa kaibigan.
"Since when?"
"Since when—" hindi mahanap ni Ensley ang tamang mga salita.
"Since when, Ensley?"
"You scared me na."
"Dapat lang dahil sasapakin ko talaga si Kuya Dior."
"No, please!"
Tinitigan naman siya ni Chloe.
"Spill." Seryosong saad nito.
At doon na nga kinuwento ni Ensley ang buong istorya simula nang malasing siya hanggang sa nangyari kaninang umaga.
"Jesus Christ, Ensley! Aatakehin ako sa puso dahil sayo. Ano na lang sasabihin ko kay tita Mila?"
"I'm sorry."
"I won't let you sleep tonight kala kuya Dior."
"What? No, please."
"Ensley this is for you. Pupunta tayo sa bahay ni kuya Dior at kukuha ka ng damit doon."
"Chloe."
"Huwag na matigas ang ulo Ensley. Sasabihan ko rin si Kuya Parker na wag papuntahin si kuya Dior sa bahay."
"No! Hindi alam ni Parker."
"What do you mean na hindi niya alam? Sigurado akong alam niya iyon, chismosa yon si kuya at I'm sure nag kukwento si kuya Dior kay kuya Xavier at kuya."
"Xavier?" Gulat na saad nito rito.
"Yes, kuya Xavier." Seryosong saad nito habang hindi siya nililingon.
"What Ensley? May hindi ka pa ba sinasabi?" Patuloy pa nito.
"Ano kasi, Xavier—"
"What?" Inis na tanong na nito kay Ensley.
"We— I— Hindi ko alam kung paano sasabihin."
"Hmm, okay lang."
"I love him."
"WHAT? Ensley sabi kong okay lang bakit mo pa sinabi?? Binibigyan mo ako nang sakit sa puso kahit wala naman dapat ako non."
"Teka nalito ako. You slept with kuya Dior but you love kuya Xavier?? I don't understand, paano kayo nag kakilala ni kuya Xavier?"
"Costa. He went to Costa. Everyone knows him."
"Everyone? You mean your family?" Tumango na lang si Ensley.
"Geez, I didn't know na ang gulo ng pinasok mo."
Kinuwento naman ni Ensley ang nangyari sa kanila ni Xavier. Hindi naman mapigilan na maluha ni Chloe sa narinig.
"That's sad, thank you for letting me know." Pagkatapos ay niyakap niya si Ensley. Hindi na rin mapigilan ni Ensley ang hindi pag iyak.
Nag stay lang sila roon sa gilid ng kalsada habang pinapatahan ni Chloe si Ensley sa pag iyak. "I'm sorry. I didn't know, it must be so hard seeing him."
Pagkarating sa bahay ni Dior ay naabutan nila ito sa labas ng gate.
Nakatayo roon habang nakapasok ang dalawang kamay sa bulsa nito.
Pagkababa nila sa sasakyan ay lumapit na sila rito.
"Bakit nasa labas ka pa, Dior? Tanong ni Ensley dito.
Umiwas naman ng tingin si Dior sa dalaga at nakita ni Ensley namula ang tenga nito.
"Nag papahangin." Saad nito.
"Oh!" Disappointed na saad ng dalaga.
"Anyway, kuya Dior. Sa amin muna matutulog si Ensley. Kukuha lang kami ng damit niya saglit." Saad naman ni Chloe rito.
"What? Bakit?" Inis na tanong nito rito.
Pero nauna na si Chloe pumasok sa loob. Lumingon naman siya kay Ensley.
"Baby?" Pag lalambing nito sa dalaga at hinawakan ang kamay nito.
Umiwas naman ng tingin si Ensley dito. "A-Ano kasi, diba sinabi ko kala mama na kala Chloe ako nakatira? So ayon."
"Still, it doesn't make any sense."
"It makes sense, Dior. Doon muna ako hanggat andito sila mama, baka bigla na lang pumunta si kuya sa bahay nila Chloe tapos wala ako roon. Hindi ko alam ang ipapaliwanag ko."
"Ah, right!"
"After this, you can do whatever you want." Saad ni Ensley dito at hinalikan si Dior sa labi ng mabilis.
"You're being feisty." Nginitian lang ni Ensley ito at pumasok na sa loob ng bahay.
"I saw that!" Sabat ni Chloe rito. Nagulat naman si Ensley tumingin dito.
"Akala ko ba nasa loob ka na?" Saad nito habang nakahawak sa puso.
"Bakit hindi mo pala ako pinigilan?" Sabi pa ni Ensley.
"I don't know. You look good together."
"Are you really sure you love kuya Xavier?" Bulong pa nito.
Namula naman si Ensley sa sinabi ng kaibigan at pinisil ang braso nito.
"Oo, naman."
KATAPOS lang ang klase nila Ensley. Hindi niya kasama ngayon si Chloe dahil may pinuntahan pa ito pero mamaya mag kikita rin sila dahil mamaya na ang birthday dinner niya.
Naka-suot ng dress ngayon si Ensley. Off-shoulder dress na kulay light blue with black converse and itim na zara sling bag.
Bitbit ang dalawang libro ay nag lalakad siya sa hallway papunta sa library para mag basa muna habang inaantay si Chloe.
"Wha—!" May humila sa kaniya, pagkatapat niya isa sa mga classroom doon.
Pag pasok sa loob ng classroom ay nagulat na lang siya nang halikan siya ng humila sa kaniya.
"Hi" tumigil ito humalik sa kaniya at binati siya habang naka ngiti ito ng malaki sa kaniya.
"Dior! What are you doing? Baka may makakita satin dito." Saad ni Ensley at tiningnan ang buong classroom pati na rin ang pintuan na pinasukan nila.
Binalik ni Ensley ang tingin kay Dior na kanina pa nakatingin sa kaniya.
"Wha-" hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinalikan ulit siya ng binata.
Sinagot din naman niya ang halik nito. Iba ang halik ngayon ng binata, may pagka agresibo pero ramdam mo rin na iniingatan siya nito at dinadama ang bawat halik nilang dalawa.
Yakap-yakap lang ni Ensley ang dalawang libro sa dibdib habang hinahalikan si Dior.
Ang binata naman ay nakahawak ang dalawang kamay sa pisngi niya.
Bumaba ang halik ng binata sa leeg niya at balikat. Ang kamay naman nito ay nasa likuran na nang ulo ng dalaga.
Nag tagal don si Dior at pagkatapos ay binalik ang halik sa labi niya.
"Happy birthday, Ensley." Saad nito sa pagitan ng halik nila.
"P-Paano mo nalaman?" Hindi makapaniwalang tanong ni Ensley dito habang nakatitig lang sa mata ni Dior.
"Kay Parker" sabay na saad nilang dalawa. Tumawa na lang si Ensley dahil ang daldal talaga nito.
Bumaba naman ang tingin ng binata at sinundan niya kung saan ito naka tingin at nagulat na lang siya ng may makitang necklace naka-suot sa kaniya.
May pendant itong sun.
"Do you like it?" Tanong sa kaniya ni Dior.
"OMG! I love it!" Masayang sagot nito.
"Thank you so much, Dior." Saad pa nito at hinalikan ang pisngi nito.
Napakamot naman si Dior sa batok nito. "You're welcome."
Niyakap naman siya ni Dior, "Hmm? May gusto ka bang sabihin sakin?" Tanong sa kaniya ng binata out of nowhere.
"Ha? Wala naman?" Takang tanong ni Ensley dito.
"Oh!" Tumawa pa ang binata "Forget it." Saad pa nito at niyakap ulit siya.
KATULAD ng plano ay tumambay si Ensley saglit sa library habang inaantay si Chloe.
Hindi rin siya makapag concentrate sa pag babasa dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nag abala si Dior bigyan siya ng kwentas at hindi lang kwentas dahil may pendant pa ito na sun.
"Hoy."
"Ay! Bulate!" Sigaw ni Ensley sa gumulat sa kaniya.
Humingi naman siya ng pasensiya nang pag sabihan sila ng librarian.
Lumabas na sila ni Chloe sa library dahil sigurado na mag iingay lang don si Chloe at baka hindi lang sila pag sabihan ng librarian sa ingay nila.
"Maka-sigaw ka naman kanina, Ensley. Ano ba iniisip mo at hindi mo ako napansin na lumapit sayo?" Tanong ni Chloe sa kaniya pag labas nila ng library.
"Ha? Busy ako mag basa." Sagot niya rito at umiwas ng tingin.
Tinitigan naman siya ni Chloe hanggang ulo at paa. "Hmm? Parang may bago sayo?" Pag tatanong pa nito.
"Wait! Wala kang necklace kanina! Saan galing yan?" Usisa pa ng kaibigan.
Nahihiya naman si Ensely na sumagot dito, "Ah.. eh.. AnokasikayDior." Mabilis na saad niya.
"Did I hear that right?" Naguguluhan na tanong pa ni Chloe sa kaniya.
"Dior? As in kuya Dior?!"
"Chlo, boses mo hinaan mo." Sita ni Ensley dito at tumingin pa sa paligid.
"But I don't understand. Kuya Dior?" Pagsisigurado pa ni Chloe kay Ensley or sa sarili niya.
"Oo, kahit ako hindi makapaniwala."
"Wow! Ensley! Wow!" Hindi pa rin makapaniwalang saad ni Chloe at tumawa pa ito na akala mo nasisiraan na.
"Bakit? Ano yon?" Naguguluhan na tanong niya rito.
"Nothing, my love." Saad ni Chloe at tinapik pa ang balikat niya at ngumiti ito ng nakakaloko.
"Anyway, kumuha na rin ako ng damit ko para mamaya. Nasa sasakyan na. Doon ako matutulog, diba?" Pag iiba nito ng usapan.
Hindi na lang pinansin ni Ensley ito at sinagot ang kaibigan.
"Oo naman, Chloe."
Pagkarating sa bahay nila Ensley. Naabutan niya ang mga ito na busy sa pag aayos ng labas at sa kusina.
May mga katulong din ang buong pamilya niya, kaya hindi rin ito ganoon mapapagod.
Sa tuwing may okasyon ay gusto palagi ng mga ito na sila ang kikilos pero shempre kailangan din nila ng katulong dahil hindi nila kaya nang mag isa.
"Ens!" Sigaw ni Lucas sa kaniya ng makita siya.
"Lucas naman yung boses mo!" Suway niya rito. Lumapit sa kaniya ito at niyakap siya.
"Happy birthday." Bati nito sa kaniya at hinalikan siya sa dalawang pisngi habang tumatawa naman si Ensley dito.
"Thank you, Lucas." Pasasalamat niya rito at kinurot pa ang pisngi.
"I didn't know ang childish niyo rin pala." Saad ni Chloe sa gilid nang masaksihan ang ginawa ng dalawa.
Sinamaan naman ni Lucas ng tingin si Chloe at hinila na si Ensley sa kusina.
"Wow." Saad na lang ni Chloe habang pinag mamasdan ang dalawa pumunta sa kusina.
Nasa loob ng kwarto ni Ensley si Chloe. Katapos lang ni Ensley maligo at si Chloe naman ay nauna na maligo rito.
Kaya hito sila ngayon, mag aasikaso na sa sarili para mamayang dinner.
Kanina pa rin nag rereklamo si Chloe kay Ensley tungkol kay Lucas.
"Chloe, hindi ko alam kung bakit hindi kayo mag kasundong dalawa. Dapat nga kayo yung magkasundo dahil kayo yung dalawang kong best friend." Saad naman ni Ensley sa kaibigan.
"I don't know, Ens pero hayaan na natin muna yon. Kaarawan mo ngayon at dapat hindi ka ma-stress."
Kanina pa nakasuot ng dress si Chloe at tapos na rin ito mag make up. Pumasok sa loob ng kwarto si Nora, bitbit ang dress na susuotin ni Ensley.
"Ens!" Masayang bati ni Nora rito at nilahad ang dress na susuotin nito.
Kulay pula ito. Spaghetti straps. Below the knee at may mababang collar ito na parang v shape sa harapan at likod.
Nilabas naman ni Chloe ang isang box na may laman na red stilletos.
"Si tita Mila pa namili niyan." Saad pa ni Nora sa kaniya.
Speechless naman na tumingin si Ensley dito. Hindi makapaniwala na mag susuot siya nang ganitong kagandang damit.
Sisiguraduhin niya rin na mag papasalamat sa ina mamaya.
Si Chloe naman ang mag aayos sa kaniya. Si Nora naman ay nakaayos na kanina pa, kulang na lang dito ay suotin ang dress nito.
Pinaupo ni Chloe si Ensley sa harap ng salamin para make up-an na ito. Simple lang ang make up nito pero mas lalong binigyan pansin ang mga mata nito at labi.
Kinulayan din ni Chloe ang labi ni Ensley ng nude lip gloss para mas lalong mag plump ang labi nito.
Pagkatapos sa mukha ay inayos naman ni Chloe ang buhok ni Ensley.
Maiksi lang ang buhok ng dalaga kaya kinulot lang ito ni Chloe sa ibaba ng buhok at bi-nuds ng maliit sa ibaba at nag iwan ng ilang strands ng buhok sa gilid ng mukha ni Ensley.
Hindi naman makapaniwala si Ensley sa nakikita niya sa salamin. Talagang may talent ang kaibigan sa pag mamake up.
"Salamat Chloe, ang ganda ng gawa mo." Saad ni Ensley dito habang nakatitig pa rin sa salamin.
"Ano ka ba, Ens! Maganda ka talaga, inayos ko lang kaunti. Kahit nga wala kang make up, ayos lang."
"Oo, Ensley." Singit pa ni Nora rito sa tabi. "Thank you sa inyo." Pasasalamat ulit ni Ensley.
"Anyway, suotin mo na yung dress mo."
"Hindi talaga ako sanay sa heels." Reklamo ni Ensley sa mga ito habang sinusuot ang stilletos.
"Minsan lang naman Ens, ako rin naman." Pag eenganyo sa kaniya ni Nora.
"Sabihan ko na lang si Lucas na alayan ka mamaya." Habol pa nito.
"Naku! Huwag na, Nora. Mas gugustuhin ko pa na ikaw mag pa alalay kay Lucas." Asar ni Ensley sa kaibigan.
BUMABA na sila sa kwarto at pumunta na sa likod bahay at naabutan nila ang mga ito rito.
May mahabang lamesa sa gitna na pinapalibutan ng mga ilaw sa paligid.
Marami rin'g kandila sa lamesa.
Meron pang inarkela ang magulang niya na musicians na nasa gilid. Isang paborito niyang instrumento ay violin at nakikita niya na may hawak ang ilan nang violin at tumutugtog ang mga ito ngayon.
May espasyo rin para siguro mamaya kung may gustong sumayaw.
Nilapitan siya agad ng magulang niya "Happy birthday, anak." Saad ng mama at papa niya.
Niyakap naman niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi. "Salamat po." Pasasalamat niya sa mga ito.
Napansin naman niya ang kuya Levi niya sa likuran ng mga magulang. Nginitian siya nito at ngumiti rin siya rito. "Kuya!" At niyakap din ito.
"Thank you and I'm sorry." Bulong nito sa kapatid. "Para sa iyo rin naman yon." Bulong din ng kapatid sa kaniya pagkatapos ay hinalikan siya nito sa pisngi.
Nasa gilid naman nito ang girlfriend na si Aria. "Hi, ate Aria!" Bati niya rito.
"Happy birthday, Ensley at bagay sayo yung dress mo." Bating balik sa kaniya at inabot ang regalo nito sa kaniya.
"Hala! Thank you, ate. Nag abala ka pa po." Nahihiyang saad nito rito at kinuha ang regalo.
Tumingin naman si Ensley kay Levi. "Si kuya Logan?" Tanong niya rito. "May sinagot lang na tawag." Sagot ni Levi.
Nag taka naman si Ensley. Lumapit naman si Summer sa kaniya.
"Happy birthday, bunso." Bati ni Summer na girlfriend ni Logan. "Ate Summer, salamat." Pasasalamag nito at niyakap siya ni Summer.
"Dalaga ka na. May boyfriend ka na ba?" Usisa pa nito sa kapatid ng boyfriend.
Tumawa naman si Ensley.
"Hindi pa pwede mag boyfriend si bunso." Lumingon naman si Ensley sa nag salita sa gilid niya at nakita niya si Lucas naka ngiti sa kaniya.
"Lucas." tawag niya rito. "What? Totoo naman ah." Pang aasar pa nito rito.
Kinurot ni Ensley si Lucas sa tagiliran dahil wala na naman itong magawa kundi asarin siya.
"Aray naman, Ens!" Reklamo pa ng binata sa best friend at niyakap siya nito at yumakap na rin si Ensley dito.
"Ensley, you know I will always here for you when you need me." Bulong nito sa kaniya. "Ofcourse, I know. Ikaw din." Sagot nito rito.
"Logan!" Tawag ni Summer sa boyfriend na nasa likod na kakarating lang.
Lumingon naman si Ensley dito habang yakap-yakap pa rin si Lucas at gulat sa nasaksihan.