Chapter 20: Kabanata 19
Julie
“TUNGKOL saan ang pag-uusapan natin?” Pagtatanong ko ng makapasok kaming dalawa sa likod ng building.
Mabuti na lamang at mabilis kaming nainform ng mga guards na marami na namang media sa harapan ng building niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kami tinatantanan na dalawa ni Kris, gusto talaga nilang malaman ang status naming dalawa.
“For the new photoshoot. Kayong dalawa ni Helena ang pair, magkasama kayo,” aniya kaya nanlaki naman ang mata ko at napaharap sa kanya habang sakay kami ng elevator.
“Seryoso ba ‘yan? I mean, hindi kami magkasundo na dalawa. Paano mo siya napapayag?” Pang-uusisa ko kaya hinawakan niya ang kamay ko at hinigit ang katawan ko para ikulong sa dalawang braso niya.
“Siya mismo ang kumausap sa akin. She wants to be close with you. Gusto niya ring humingi ng pasensya sa ginawa niya sa’yo.” Paliwanag niya kaya napanguso naman ako at umalis sa pagkakayakap.
“I’m just a little bit surprised about that. Feeling ko kasi ay ayaw niya sa akin tapos magugulat na lang ako ng siya mismo ang nagsabi sayo niyan.” Kagat labi kong sagot at ng mapatingin naman ako sa kaniya ng makita ko ang pagtingin niya sa labi.
“Hey, bakit ka nakatingin sa-” Naputol agad ang sinasabi ko ng sumagot siya bigla.
“I want to kiss you, can I?” Pagpapaalam niya kaya natulala naman ako at saglit na umiwas.
“Kris Adler.” Pagbabanta ko ng makita ko ang paglapit niya sa akin at ang pagpalibot ng kamay niya sa bewang ko dahilan para magharumentado ang puso ko sa taba at takot dahil baka may makakita o maabutan kami sa ganitong posisyon.
“B-baka may makakita sa atin,” kandautal kong saad pero ngumisi lang siya at mabilis na idinikit ang labi niya sa labi ko.
“Kris Adler1” I shouted in horror but he just laughed at my reaction. Dahil doon ay kinurot ko siya sa tagiliran at natawa na rin. Hokage talaga ang lalaking ito.
Napatigil na lang kaming dalawa sa pagkukulitan nang bumukas na ang elevator at ang bumungad sa amin ay si Helena na ngayon ay nagulat pagkakita sa amin pero ngumiti na rin agad ng makilala kami.
“Hi Julie,” she said shyly and waved at me a little. Bahagya pa nga akong nagulat pero kalaunan ay nginitian rin siya at kinawayan. Bumitaw na ako kay Kris at lumapit sa kanya para mawala na rin ang awkwardness na nararamdaman namin.
“Ahm… let’s go,” pagyayakag ko kaya mahina naman siyang natawa at sumabay na.
“By the way, congratulations nga pala sa’yo. You’re all over the internet again, iba talaga ang karisma mo,” pagbibiro niya kaya napailing naman ako sa narinig.
“Bolera ka pala, Helena. At saka congratulations rin. Brand ambassador ka na ng Dior at may boyfriend ka na pala.” Nakangiting saad ko at saglit na napatigil dahil sa huling sinabi ko.
Kaya nahihiya naman akong tumawa at nilingon siya na ngayon ay nakangiti rin sa akin.
“Sorry, natuwa lang.”
“It’s okay para ah you know, maging close na rin tayo.” Ramdam ko ang sinseridad sa boses niya kaya tinapik ko na lang siya sa balikat.
“Of course, we can.”
Pagkatapos kong sabihin yon ay siya namang pagpasok namin ng opisina ay natigilan kaming tatlo ng makita namin ang pigura ng isang babae na ngayon ay sinalubong si Kris at hinalikan sa pisngi. Dahil sa ginawa niyang ‘yon ay mabilis akong umiwas ng tingin at binati ang mga staff na nandito.
Pati ba naman dito Alyssa, sinundan mo pa rin si Kris? Grabe na talaga.
“Sir Buenavista, pasensya na po kung bakit po nandito po si Ms Alyssa. Pinigilan at sinabihan na po namin na for exclusive models lang po ang opisina na ito but she insisted dahil close raw kayo. I’m sorry again.”
Pakinig kong saad ni Lara habang ako naman ay tinutuon ang atensyon sa magazine na nasa harap ko, nakita ko naman sa gilid ng mata ko na pinagmamasdan ni Helena ang ginagawa ko. Ayokong mabadtrip ngayon pero parang tinetesting ngayon ang pasensya ko.
Habang binubuklat ko ang mga magazine ay naramdaman kong tumabi sa akin si Kris dahil sa pabango niya na naamoy ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang paninitig ni Helena sa amin, siguro ay ramdam niya ang tensyon na namumuo ngayon.
“Kris, bakit hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Alam mo bang nagtampo ako sa’yo kasi iniwan mo ako doon sa Paris.”
Palihim na lang akong umirap at malakas na ibinagsak ang magazine sa lamesa dahilan para magulat ang ibang staff at mapangisi naman si Helena sa ginawa ko. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Kris sa kamay ko na para bang pinapakalma niya ako.
“Baby…” Ramdam ko ang pangamba sa boses niya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin at nakangiting humarap kay Alyssa na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin na para bang naghihintay sa sasabihin ko.
“Sorry napalakas, may hindi kasi akong maganda na nakita sa loob,” saad ko na ginatungan naman ni Helena ngayon ay tila natutuwa sa nangyayari sa harapan niya.
“Ano bang nakita mo na hindi mo nagustuhan?” Pagtatanong niya kaya diretso kong tinitigan si Alyssa na ngayon ay parang naiirita na. Kaya ngumisi muna ako bago magsalita.
“Linta.”
PAGKATAPOS ng masinsinang pag-uusap ay mabilis akong tumayo dahil nababanas na ako sa katapat kong tao. Kada may sasabihin si Kris ay lagi na lang niyang ginagatungan, hindi niya ba alam na minsan ay nakakairita na ang ginagawa niya?
“Hey, saan ka pupunta?” Mabilis akong nilapitan ni Kris at hinawakan sa kamay. Halos manlambot naman ako sa sunod niyang ginawa dahil hinalikan niya sa gilid ng noo at bumulong. “Are you upset? Pwede naman tayo mag-usap.”
Huminga muna ako ng malalim bago sumagot, “Wala. I’m just overwhelmed by the new project.” Pag-amin ko at malalim niya muna akong tinitigan sa mata bago tumango at hinigit pa ako papalapit sa kanya.
“Restroom lang,” paalam ko bago niya ako bitawan. Kahit nakatalikod na ako ay ramdam ko pa rin ang paninitig niya sa akin.
Nang makapasok na ako ay napahinga naman ako ng malalim. Naiinis ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil si Alyssa kay Kris kahit na pinagsabihan na ito. It looks like she doesn't know how to respect someone’s privacy.
Malakas na lang akong bumuga ng hangin at naghugas ng kamay. Aaminin ko na nagseselos ako at naiinis pero pakiramdam ko ay hindi ko magawa na patigilin si Alyssa sa sinasabi niya dahil hindi ko pa rin nasasabi kay Kris na siya pa rin.
Siya pa rin naman, walang nagbago.
Para bang wala akong karapatan dahil hindi ko pa sa kanya nasasabi ang totoong nararamdaman ko. Sa kabilang banda naman ay gusto ko pero… pero may pumipigil sa akin at alam kong sarili ko ‘yon.
“Paano ba kasi aamin sa’yo na mahal pa rin kita?” Naiinis kong saad at napasigaw na lamang ng may nagsalita sa likuran ko.
“Just confess, Julie.” Si Helena na ngayon ay naglalagay ng lipstick sa labi.
“Nahihirapan ako.”
“O baka gusto mong maagaw siya sayo?” Pagtatangka niya kaya natahimik ako at muling umiwas ng tingin. Hanggang ngayon ay ramdam ko ang talim ng tingin niya sa akin na pinagtataka ko.
Huwag mong sabihing nagbabait-baitan ang babaeng ‘to?
“You know what, naiinggit ako sa’yo.” Napatigil ako sa ginagawa ko ng magsalita muli siya, nang magtagpo ang mata naming dalawa ay napaismid siya at mahinang natawa.
“Bakit?” Ayun na lamang ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko akalain na sasabihin sa akin ni Helena ito ng harapan.
“That was before… noong mga panahong medyo bulag pa ako sa nararamdaman kay Kris but everything changed when I met that person. Noong makilala ko siya, binago niya lahat sa pananaw ko lalong-lalo na sa pag-ibig. I just realized na hindi ako naiinggit sayo dahil ikaw ang mahal ni Kris, naiinggit ako sayo dahil nakatagpo ka ng ganong klase ng pagmamahal na binibigay niyo sa isa’t-isa.”