Chapter 31: Congratulatory Kiss

Ang sumunod at huling round is the Evening Gown and Q and A.

Tinawag ulit ang mga Mr. Campus candidates na isa-isang rumampa sa stage.

Kent is wearing a dark blue suit with a Prince-like design. Pagkatapos ay lumapit na siya sa gitna at lumapit din ang dalawang host na babae at isang gay.

"Hi Kent!" Bati kaagad ng Host habang papalapit ito sa kanya.

“Hi! Good evening!” At ngumiti ng simple si Kent.

"Can you greet your fans?" Tanong ng babaeng host.

"Hi everyone! Good evening to all of you!" At ngumiti siya ng matamis. Naghiyawan naman ang mga ito at kinilig sa pagbati ni Kent sa kanila.

"This is Kent, he's always been our Mr. Campus, right? Hope you win again Kent!" Sabi naman ng gay na host.

Nagpalakpakan naman ang audience sa sinabi ng host.

"Please select one card for the question!" sabi ng girl Host.

Kumuha naman si Kent ng card na hawak nito at iniabot sa gay na host.

"Here is the question Kent, do you have a Girlfriend yet?" tanong ng gay host.

Ngumiti naman si Kent at nagulat naman ang mga audience at nagcheer ang mga ito.

"Calm down guys, I’m just joking! That's not the question! Ha, ha, ha." At tumawa din ang mga nanunuod.

"Biro lang yun noh! Kinakabahan ka ba Kent?" Tanong ng gay host.

"It's okay." Sagot ni Kent.

"Okay, that's the question! Hehe, joke again!"

At nagtawanan ulit ang mga nanunuod.

"Okay, pinapawala ko lang ang kaba ni Kent. So, this is really it is...

When you're having a bad day, who is the person you go to, that brings sunshine into your life? And why?" Tanong ng gay host.

"Ah, the person I go to when I'm having a bad day..."

Huminto ng saglit si Kent sa pagsagot at ang mga nanunuod ay naghihintay ng kanyang sagot.

"... is My Girlfriend."

"Ha?!" Ang lahat ay nashocked sa sagot niya na meron na talaga siyang girlfriend at naconfirm ito ngayon dahil siya mismo nagsabi.

Pagkatapos ay pinagpatuloy niya ang kanyang sagot.

"Everytime I look into her eyes, my day is complete and she is the only sunshine in my life and in my heart! Thank you!"

Pinalakpakan si Kent ng lahat ng mga manunuod.

"Wait, the Judges has a follow-up question. Who is your girlfriend?" Tanong ng gay na host.

"Well, gusto din namin malaman kung sino ang lucky girl na nagpapatibok ng puso ni Kent, di ba guys? Dito ba siya nag-aaral o sa ibang school?" Curious na tanong ng host.

"Hmm... She's around!" Maikling sagot ni Kent at nangulat ang lahat. Nagtinginan naman ang mga manunuod baka makita nila ang sinasabing girlfriend ni Kent.

"Wow, nasa paligid lang pala ang girlfriend ni Kent, na siguradong nakasuporta sa kanya ngayon.” Sabi ng girl host.

"All right, Kent you can go back to your place. Thank you Kent!"

Pagkatapos ay muli pang ngumiti si Kent bago tuluyan na tumalikod at naglakad.

Pagkatapos na tanungin ang Mr. Campus Candidates ay nag stay na sila sa stage at tinawag naman ang mga candidates ng Ms. Campus.

Ang suot ni Ada ay large princess-like gown, which was dark blue na nagfaded ang kulay pataas. It's off shoulder, with shining star-like designs na para bang prinsesa na may iba pang desinsyo sa harapan.

Dahan-dahan siyang lumakad sa stage at hinangaan ulit siya ng mga nanunuod at tumayo siya sa tabi ng dalawang host.

"Hi Ms. Ada!" Sabay nilang binati si Ada.

"Hi too, good evening!" Nakangiting bati ni Ada.

"You are so beautiful, like a Princess." Sabi ng girl host.

"Thank you." Ngumiti ulit si Ada.

"Wow, Ada is so polite! Mukhang mabait na bata ito si Ada. Well, good luck!" Sabi ng gay na host.

"This is your question. If you could only eat one meal for the rest of your life, what would you choose?" Tanong ng girl host.

"Good evening everyone! I think I’ll choose spaghetti or pasta, because it is delicious and healthy. Pasta is enriched of nutrients and a satisfying meal, so that, I don't need other food. Thank you!" Kasabay ang pag ngiti ni Ada pagkatapos niyang sumagot at nagpalakpakan ang mga tao.

"Very well said. Thank you Miss Ada!" Sabi ng host at bumalik na muli si Ada sa kanyang pwesto.

Maya-maya pa ay inanounce na nila ang mga special awards at ang nanalo. Kent ay nanolo halos lahat ng special awards, habang si Ada ay nakatanggap ng dalawang awards.

"Our Mister Campus 2019 is . . . Mister Kent Wilson!"

Ang lahat ay naging masaya at nagpalakpakan sa pagkapanalo ni Kent.

Lumakad si Kent sa unahan ng stage at ibinigay ng mga Judges ang trophy para kay Kent, at tumingin siya ng bahagya kay Ada. "Congrats!" bulong ni Ada.

Pagkatapos ay sumunod naman na inanounce ang Miss Campus.

"Our Miss Campus 2019 is . . .

Miss Ada Salcedo!"

Ang lahat ay naging masaya sa naging desisyon ng mga judges. Nagulat naman si Ada sa pagkapanalo niya, hindi niya akalain na siya ang mananalo.

Pagkatapos ibigay ang Crown at flowers kay Ada, ay tinawag ulit si Kent ng host at lumapit naman si Kent sa tabi ni Ada.

"Congrats to both of you!!! Kent and Ada, our Mister and Miss Campus 2019!!!"

At ang lahat ay nagpalakpakan. Hindi naman nawawala ang ngiti sa labi nila Kent at Ada.

"Well, you are now our Mr and Miss Campus. So, in the future school events, the two of you will always be a partner. So as a man, Kent… baka naman?”

"Kisss!!!"

"Kissss!!!"

Sigaw ng mga nanunuod.

"Uy, kiss daw. Let's kiss Kent!" Sabi ng gay host.

“Baliw, hindi ikaw.” Sabay hila nito sa buhok ng gay host. “Si Ada at si Kent, ikaw talaga ambisyosa!” Sabi ng girl host.

“Ah, sila ba, akala ko, ako eh.” Nagtawanan naman ang lahat.

"All right Kent, just kiss Ada, for winning the crown." Sabi ng girl host.

"Ha, hindi na..." Tanggi naman ni Ada habang sobrang kaba ng kanyang dibdib.

Hindi naman siya pinansin ni Kent at sumang-ayon pa ito sa balak na pagkiss sa kanya. “Okay.”

Pagkasabi ni Kent ay agad niyang hinawakan ang likod ng ulo ni Ada at hinalikan si Ada sa malapit sa lips nito.

Kitang-kita naman ng host ang ginawang paghalik ni Kent kay Ada at sobrang nagulat si Ada sa ginawa ni Kent.

"Wow! They are so sweet!" Sabi ng mga host.

"Is that on the lips Kent?" Tanong ng gay host.

Umiling naman si Kent habang nakangiti ito.

"Oh no, but it's almost there! Oh my gosh... Sana ako din!" Kinikilig na sabi ng host na gay.

Pangiti-ngiti naman si Kent sa ginawa niya, subalit si Ada ay lihim na tinitigan siya ng masama at naiinis sa ginawa ni Kent na paghalik sa kanya, lalo na sa maraming tao.

Pagkatapos ng final ceremony ay lumapit ang kanilang mga fans at nagpapicture sa kanila.