Chapter 104

Wala akong ideya sa naging usapan ng apat sa kusina, pero sigurado ako sa bagay na tinutukoy ni Rence na tanging sina Warren at Andi lang ang nakakaalam bukod saming dalawa.

Nahihiya akong tumingin ng diretso kay Mich, iniisip ko na agad na baka may sama ng loob ito sakin.

"She's my sister"

Mula sa pagkakayuko ay napatingin ako sa lalaki. Gumagalaw ang mga mata nito na pilit ipinaintindi sa mga kaibigan ang sinabi.

"Ano????"

"Sino? Si Erin?"

Gulat na wika ng dalawa pang katabi na nakaupo sa gawi ko.

Kasalukuyang kaharap ang mga nakatayong kaibigan.

Kita ko kung paano nabigla si Mich at umamo ang mukha  na tumingin kay Rence.

"Yes, even before the incident I already know Erin. I hide everything from her and my relationship with her Dad" una niyang paliwanag samin.

"P- pero, paano nangyari?"

"Ibig sabihin niyan Mich hindi talaga sila totoong magkapatid" Dagdag ni Warren.

"You mean yung mga parents lang nila?" Tanong ni Allen.

"Oo, ibig sabihin rin niyan pwedeng pwede maging sila"

"Aray!!!!"

Hindi na ako nagulat kung napiktusan na naman si Warren ng katabing babae.

Napalingon kami sa agad na pag ingay ng pinto, tumambad ang presensya ni Drake.

Hindi parin nag iba yung pagkunot ng noo nito kahit pilit di pinapahalata.

"7 pm na, may balak pa kayong uuwi?"

"Uy kanina ka pa wala sa mood ha, meron ka?"

Wika ni Andi na hindi pinansin ng kakapasok lang na lalaki.

Tila na buburyo ito na nanghihintay sa labas ng bahay, wala rin itong kaalam alam sa sinabi ni Rence.

"So kailan ka nga uuwi Rence? Wag mo sabihing dito ka na titira?"

Napansin kong tumayo na sina Allen at Jessy kaya napasunod narin ako.

Binuksan ni Drake ang pinto at tumambay sa veranda tila aligaga na umuwi ng bahay.

"Mauna na nga ako, tara na Cath"

Inabot ni Andi yung kaliwa kong kamay kaya napasunod ako ng diretso.

"Basta text mo nalang kami Rence kung nakauwi ka na"

"Kami susundo sayo"

Binitawan ng babae ang pagkahawak sa kamay ko at pumagilid kami sa veranda.

Medyo nahiya pa ako nung makita si Drake sa gilid.

"Sasabay ka kay Warren?"

Boses ni Andi habang tinatanong ang lalaki.

Hindi ko magawang tumingin ng normal dito, para akong sesermonan pag gagawin ko yun.

"Kung anong balak nun"

"Okay"

Tumatango tango nalang ang katabi nung mapansing wala sa mood ang kinausap.

"Sa kotse lang ako"

"Sige Drake"

Hindi ko na sinundan ng tingin ang palabas na lalaki.

"Pwede yun bro, bago ka uuwi dito muna kami. Pasukan na next month no!"

"I'll try ofcourse"

"Sama ako ha?"

"Bawal babae, may dala kaming mga date"

Sabay kaming tumayo ni Andi nung nakalabas na ng tuluyan ang maiingay na mga kasama.

"Pwede naman bukas agad, aalis na ako next week"

Natahimik ang mga ito nung magsalita si Mich.

"Oh? You're not that excited right?"

"Luh, bakasyon pa Mich pag aaral na agad iniisip mo"

San ba to pupunta? Pero tama rin naman yun para di na siya mahihirapan mag adjust.

Hindi katulad ko wala pa masyadong plano kung kailan ihanda ang sarili sa kolehiyo.

"Ah basta sasama ako okay? Tara na at galit na yung lalaki sa labas ang tagal niyo raw" Wika ni Jessy at umunang lumabas ng veranda.

Sinundan namin ang tinutukoy nito na nakasandal lang sa gawing gate.

Sunod sunod kaming umalis doon hanggang sa tuluyan ng nakatayo sa harap ng kotse.

"So pano yan? Kakasya ba tayo? Apat lang yata kakasya sa kotse"

"Bili nalang ng bago"

Nagkumpulan kami habang pinaplanohan ang gagawin.

"Erin, let's talk for a while" mahinang wika ng lalaki.