Chapter 7

HABANG patungo na si Ace sa lamesa nila ang mata nakatuon kina Maan at Lynne. Hindi talaga niya mapigilan ang sarili na tignan ang bagong magiging secretary niya lalo na ngayon, she’s simple beautiful. Gusto man niyang huminto sa lamesa ng dalawang babae pero hindi puwede dahil may matang nakatingin sa kanya deretso siya kay Mariz.”Let go,” aniya sa babae.

Agad naman tumayo si Mariz at lumapit kay Ace kinawit pa ang kamay sa braso dito dahil gusto niyang iparating sa dalawang babae na he’s my man.

Napasimangot si Maan ng makita ito dahil siya ang nakaharap sa dalawa.

“Oh, bakit na naman?” sabi ni Lynne.

“Wala naman, maasim kasi iyon nakita ko.”

“Selos na selos ka ganon ba, Maan?”

“Ewan kumain na lang tayo, Lynne.”

Dahil may kanya-kanya silang sasakyan sina Ace at Mariz.

“Ace, can we together tonight?” sabi ni Mariz.

Alam na ni Ace ang nais ni Mariz but he don’t feels lustful normal ang kanyang nararamdaman kahit nga nong ikawit pa nito ang kamay sa braso niya.”Sorry, Mariz, kailangan ko ng umuwi I am tired.” Tanggi niya.

Ayaw niyang sumuko.”I will give you a massage, Ace, to relax your body.”

“Mariz, we just finished eating massage is not okay. Ang kailangan ko ay ang mahabang tulog para marelax ang katawan at isip ko, bye take care.” Sumakay na siya sa kanyang sasakyan.

Wala naman nagawa si Mariz sumakay na rin siya sa sasakyan niya.

Pagpasok palang ni Ace sa bahay nila ang anak agad ang tinanong sa ina.

“Ma, si Alex?”

“Hindi pa nga umuuwi hijo.”

Tinignan ni Ace ang oras sa relo.”Iyan na nga ba ang sinabi ko, Ma nagpaalam ba siya sa iyo? Mag-aalas nuwebe na ha.”

Gustong magsinungaling ng ginang kay Ace agad na nagsalita ito.”Ma, huwag mo siyang pagtakpan!”

“Okay he’s not.”

“Damn him!” bulalas ni Ace.

Dinukot niya ang mobile sa bulsa at tinawagan ang anak.

‘The number that you’re calling is not available please try again later’

“Ahhh!” impit na sigaw ni Ace.

“Why hijo?”

“Naka off ang mobile niya, Ma.”

“Hijo, pagdating niya huwag mo siyang pagalitan, ha.”

“Ma, hayan ka na naman eh! Akyat muna ako sa silid ko para magbihis Ma.”

“Sige, hijo.”

“Manang Lusing,” tawag ni Ace sa kanilang kasambahay.

Kaagad na lumapit ito sa kanila.”Ano iyon, Sir?”

“Pagdumating si Alex, tawagin mo ako, ha.”

“Oo, Sir.”

Tumingin si Ace sa ina bago umakyat. Alam kasi niya na hindi siya tatawagin nito kung sa kanya niya sabihin.

Mahal na mahal kasi ang apo pinalaking spoiled lahat ng gusto ibinibigay ng ginang.

Pagkatapos kumain nila Lynne at Maan nagshopping muna sila alas diyes pa naman ang sarado ng mall.

Namili ng mga damit ni Lynne para sa bagong trabaho niya sa lunes. At mag alas diyes na sila nakauwi.

“Hay! Nakakapagod palang gumala.”

“Sinabi mo pa Lynne, pero nag enjoy naman tayo.”

“Oo salamat ha, Maan.”

“Wala yon no, sa susunod ikaw naman ang mag treat sa akin.”

“Oo ba iyon lang pala,” may ngiting sagot ni Lynne.

“Matulog na tayo Lynne, I’m so tired talaga.”

“Sige mauna ka na, hindi pa ako inaantok, Maan.”

“Okay talagang gusto ko ng humiga goodnight.”

“Goodnight, sweet dreams.”

Inayos muna ni Lynne ang mga binili nila dahil hindi pa siya dalawin ng antok nanood muna siya ng tv.

“Alex, hindi ka pa ba uuwi gabi na?” sabi ng isang kaibigan na sumunod sa kanya pagkatapos ng klase nito.

“Hindi pa naman mag sasarado itong mall ah.”

“Baka mapagalitan ka ng daddy mo pag uwi mo.”

“I won’t care sanay na ako diyan, laro pa tayo,”turan nito.

“Hindi na uuwi na kami, Alex, bukas ulit gabi narin saka ilang minuto na lang magsasarado nanm itong games area.”

“Ten palang naman ah, manood muna tayo ng sine last show ba. “

“Ikaw na lang Alex, kung hindi ka pa uuwi kami uuwi na talaga. “

“Sige mauna na kayo mamaya pa ako.”

“Sige maiwan ka na namin, Alex.”

Tumango ito sa mga kaibigan.

Nang wala ang mga ito lumabas narin ito sa play station naglakad-lakad sa mall ng mapagod saka pa lamang nag pasyang umuwi na ayaw naman niyang manood mag-isa.

Hinihintay naman ni Ace ang anak sa sala nila.

Naiinip na siya sa kakahintay sa anak mag aalas onse na wala pa ito kaya nakaramdam na siya ng inis pagkairita para dito.

“Damn! Malilintikan ka talaga sa akin, Alex!”

Ipinasya na ni Ace na huwag ng hintayin ang anak dahil may meeting pa siya bukas ng maaga aakyat na siya ng bumukas ang pinto kaya nahinto siya sa pag hakbang. Humarap siya sa may pinto. Nagulat ang anak ng makita siya nito.

“Umuwi ka pa, doon ka na sana natulog sa pinangalingan mo!” Malakas na turan ni Ace.

Hindi ito umimik nakatayo lamang sa may pinto. Nilapitan ni Ace ang anak.

“Akin na ang susi ng bahay sa iyo.”

Agaran naman na ibigay nito sa ama.

“I’m so angry with you now, Alex! Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo ha? Ang bata mo pa nagmamalaki ka na sa akin, tell me I gave you!”

Tumingin ang binatilyo sa ama.”Gusto kung naramdaman ang pagmamahal mo sa akin dad, I never feel that to you mula noon pa.”

“Ano pa ba ang gusto mo, ang Lolo at Lola mo they’re love you so much kulang pa ba iyon sa iyo, ha!”

“Iba pa rin ang pagmamahal nila, Lolo at Lola, dad, sa pagmamahal na ibibigay mo sa akin I want you as my father, pero iba ka kay lamig mo sa akin I’m nothing to you dad.”

Tila binuhusan ng malamig na tubig si Ace sa tinuran ng anak. At siya’y napatitig dito.”Ginawa ko ito para sa iyo, Alex, if I don’t work hard, you’re nothing ang nga, no new clothes, shoes, everything that you have galing ito sa pagtra-trabaho ko.”

“Kahit kunti lang Dad sa oras mo okay na sa akin iyon sasabihin mo man lang na, Anak kamusta ang grade mo binata ka na may girlfriend ka na ba? Di ba Dad so easy to say.”

“I try but sobra talaga akong busy anak.”

“Mag asawa kana kasi para kahit wala ka meron naman akong Mommy, at sana ang makuha mong asawa eh, iyon mabait at mapagmahal.”

Napakunot-noo si Ace sa tinuran ng anak. At biglang pumasok ang imahe ng bago niyang secretary sa isip niya.

“You want me to get married again?”

“Oo dad, bakit ayaw mo? Oh, I know busy ka pala sa work mo kaya no time ka rin sa mga woman.”

Sapol si Ace sa tinuran ng anak kaya hindi siya nakasagot kaagad.

“Dad, kung wala ka ng sasabihin pa na iba akyat na ako.”

Tango na lang ang tugon ni Ace sa anak. Dahil napapaisip siya sa sinabi nito. Napatingin siya sa anak na paakyat na bigla niyang tinawag ito.”Alex?”

Napalingon ito.”Yes, Dad.”

“Babawi ako I try to get a free time.”

“Don’t say Dad do it.” At itoy nagtuloy sapag akyat.

Napabuntong-hininga na lamang ng malalim si Ace.

Tama naman ito hindi siya naging ama dito he always outside at gabi na kung umuwi, he knows naman the reason kung bakit.

Umakyat na rin siya para magpahinga na.

LUNES UNANG ARAW NI LYNNE sa kanyang trabaho kaya maaga siyang nagising para maghanda.

“Hmmm, excited ka ba, Lynne?” tanong ni Maan.

“Kinakabahan ako, Maan.”

“Kasi makikita mo si sir Ace na guwapo?”

Nagblushing si Lynne sa tinuran ni Maan pero agad na dumepensa.”Oy, hindi, ah! Bakit ba iyan ang nasasabi mo ha, Maan? Dalawang beses ko palang naman siya nakikita.”

“Aminin mo crush mo rin siya no.”

“Hindi nga eh. Suplado kaya niya.”

Napangiti si Maan.”I know mahuhulog ka sa charms ni sir, sana saluhin ka niya if you fall for him.”

“Maan?” awat niya dito.

“Bakit?”

“Maghanda kana nga lang kung ano-ano ang pinagsasasabi mo, eh.”

“Ayaw pang aminin tayo lang naman ang narito eh, don’t worry, Lynne, hindi ako magseselos itutulak pa kita kay, Sir.”

“Itutulak mo ako paano kung nadapa ako nakakahiya kaya yon.”

“Sasaluhin ka niya bago ka pa bumagsak sa sahig, at sasabihin niya sa iyo na are you okay, Lynne? Ahhh kilig di ba, Lynne?”

“Grabe ka ha, Maan, ang bilis ng imahinasyon mo nasa dulo na agad wala pang umpisa.”

“Eh, di umpisahan natin.” Sabay kindat nito.

“Maan? Huwag kang ganyan ha!”

Ngumiti lang ito sa kanya ngiting may kahulugang.

Sa bahay nila Ace maaga din siyang nagising ewan ba niya he feels so excited ngayon hindi naman ganito ang nadarama niya at kinakabahan pa siya.”What a funny feeling,” aniya.

Bumaba na siya para mag almusal.”Good morning,” bati niya.

“Hijo, maaga pa ah, nakahanda ka na agad para pumasok sa work mo?”

“Ah, may early meeting kasi ako, Ma,” palusot niya.

“Hmmm, ganito kaaga hijo?”

“Yes, Ma, kaya I have to go.”

“Kumain ka muna, hijo.”

“No need, Ma.”

“Oo nga naman hijo, join us muna, kahit na malate ka sa meeting mo you’re the boss,” ang ama.

“Lo, La, ayaw akong makasalo ni dad, let him go!”

Napatingin si Ace anak.”Okay, I eat muna,” aniya.

“That’s good minsan lang itong mangyari we’re family now siyempre may kulang,” ang ginang.

“La, bakit may kulang?”

“Kulang tayo ng isa, you know what I mean apo.”

“Second Mommy ko ba?”

Muntik ng masamid si Ace sa narinig niya.

“You are right apo, kailan kaya mag asawa itong ama mo? Hay para naman magkaroon ulit ng baby rito sa bahay, I miss to hear na ang uha-uha ng isang baby then the laugh paglumalaki na ito.”

Walang imik si Ace tuloy lang sa pagsubo. Nang matapos.”I have to go bye.” Aniya at siya’y naglakad na palabas ng kumedor nasa pinto na siya ng magsalita ang ina.

“Hijo, thinks about it okay.” Turan nito.

“La, no time nga si Daddy, eh,” sabat ng anak.

“Umaasa ako apo na sana one day he meet the one for him.”

“Meron naman ah, La, si Mariz, but I don’t like her maarte masyado.”

Napangiti ang ginang nadinig pa ni Ace ang sinabi ng anak bago nakalabas ng pinto.

“She’s not the one for me,” nasabi ni Ace sa sarili at siya’y sumakay na sa kotse niya.