Chapter 5
PAGLABAS NI LYNNE sa pinto nakaabang na si Maan sa kanya.
"Lynne, ano na natanggap ka ba?" excited na tanong nito.
Iba ang sagot ni Lynne dito."Bakit narito ka di ba dapat eh, nag tra-trabaho ka ngayon?"
"Pumuslit ako sandali ano na sabihin mo na sa akin, Lynne huwag mo akong pakabahin." gusto talaga niyang makasama sa trabaho ito para magkasama sila palagi pero panandalian lamang ang pagsasama nila dahil tuturuan lamang niya si Lynne sa dapat niyang gawin rito kung natanggap ito sa trabaho. Then go na siya sa ibang branches nila malayo pa naman ito. Hindi muna niya sasabihin ito kay Lynne saka na pag okay na siya sa company.
Hindi siya nagsalita tumango na lamang si Lynne.
"You mean ini-hire ka ni Sir?"
Tumango ulit siya.
Sumigaw ito sabay yakap kay Lynne."Congrats, mamaya paglabas ko dito mag ce-celebrate tayo."
"Hihintay pa ba kita rito, Maan?"
"Ikaw gusto mo ba, joke lang ha mauna ka ng umuwi, Lynne, maaga akong uuwi ngayon para sa iyo."
"Kung ganon mauna na ako, Maan."
"Take care." Isang ngiti ang sukli ni Lynne dito.
Hindi muna umuwi si Lynne naglalakad-lakad muna siya kung saan-saan baka sakaling may makita siya.
San Beda School sa harapan nito.
"Alex, saan ba tayo pupunta ha?"
"Sasama ka ba sa akin o hindi, Shane?"
"Pero, Alex, may klase pa tayo. At kung malaman ng daddy mo na hindi kana naman pumasok sigurado magagalit siya sa iyo."
"Who care busy yong ano sasama ka?"
"I'm sorry, Alex, pero hindi ako sasama sa iyo, ayaw kung ma spell sa school alam mo naman na may warning na tayo di ba?"
"Hindi mo ako mahal, Shane?"
"Alex, mahal kita alam mo yan."
"Puwes sumama ka sa akin if not break na tayo!" banta nito.
"Alex?"
"You come with me or not?" Hinawakan pa niya ang kamay ng nobya.”Please, come with me.”
Umiling ang dalaga.
"Well goodbye." Anito at tinalikuran na ang dalaga. Nakatingin lang naman ito sa binatang papalyo sa kanya gusto niyang sundan ito pero nagpigil siya dahil mahalaga sa kanya ang pag-aaral.
Habang nag lalakad si Alex nag-aalburoto siya sa inis,"Ahhh! Magsama-sama kayong lahat!" sigaw nito.
Sa sandali iyong nasa isang mall naman si Lynne nagpaikot-ikot siya sa loob nang makadama siya ng pagod saka pa lamang niya ipinasyang umuwi na.
Papalabas na siya ng entrance ng biglang may bumangga sa may braso niya."Aray ko!" daing niya.
Tinignan lamang siya ng bumangga sa kanya at itoy tumalikod na.
"Ang sakit ah, mga bata talaga oh, wala ng galang hindi man lang marunong nag sorry." Himas-himas niya ang brasong nasaktan.
"Ang tanga naman nong," wika ni Alex sa babaeng nabanga niya tumuloy siya sa palaruan ng mall.
Tuwing naiinis siya o pinapagalitan ng kanyang ama sa paglalaro ibinubuhos niya ang galit kasama ng mga kaibigan at girlfriend niya pero sa oras ito mag isa lamang siya.
Gaya ng sabi ni Maan maaga nga itong lumabas sa trabaho niya.
Alas kuwatro palang tumayo na siya at tinungo ang opisina ng boss nila.
Kumatok siya."Come in," sagot ng boss niya agad naman siyang pumasok.
"Ano yong, Miss. Salazar?" sabi nito ng makita ang secretary.
"Ah sir, magpapaalam sana ako kung puwede uuwi ako ng maaga ngayon."
"Why?"
"Sir, you know naman di ba?"
"Okay I know, siya nga pala, Maan. Kailan ka pala lilipat sa Cebu?"
"Sir, pag okay na yong ka palit ko at alam na niya ang dapat niyang gawin rito aalis na ako."
"Okay pero in two weeks dapat nasa Cebu kana."
"Sige, sir," aniya.
"Okay makakauwi kana," wika nito.
"Salamat, Sir," tumango naman ito.
Nagmamadali ng lumabas ng opisina si Maan. Dahil maaga pa mabilis siyang nakauwi.
"Lynne," tawag ni Maan ng makapasok siya sa loob ng bahay.
"Andito ako sa banyo, Maan," sagot nito.
Deretso sa kusina si Maan para uminom ng tubig.
Walang isang sigundo lumabas na si Lynne, l."Oh talagang maaga ka, Maan?"
"Nag promise ako sa iyo di ba?"
"Magpahinga ka muna, Maan."
"Sige mamayang six thirty tayo aalis, Lynne."
"Okay," may ngiting sagot nito.
Samantala sa office ni Ace, tumunog ang cellphone niya agad niyang sinagot ito.
"Hello," aniya.
"Hello, Ace, it's me."
"Mariz, napatawag ka?"
"Na miss kasi kita, eh." walang gatol nitong sabi.
"Oh common, Mariz, hindi naman tayo paano mo ako na miss."
"Di ba we are dating kaya na miss kita, puwede bang mag dinner tayo sa labas. Oh, ako na ang nag invite sa iyo kinapalan ko na ang akin mukha.”
Napangiti si Ace, yes they are dating, pero hanggang doon lang iyong no sweet talk attached basta lumalabas silang kumakain that all business partners kasi ng daddy niya ang ama nito. At gusto ng ama ang dalaga para sa kanya. But he has no feelings for Mariz, wala siyang nadadamang attraction sa dalaga hindi gaya ng magiging secretary niya. Lalo siyang napangiti siya ng maalala niya ang babae.
"Hello, Ace, are you still there?" anito dahil natahimik siya bigla.
"Yes, Mariz, may ginagawa kasi ako maraming papeles na kailangan kung pirmahan." Alibi niya.
"Okay, ano sasamahan mo ba ako?" malambing na saad nito.
"Okay, magkita na lang tayo sa restaurant that you choose."
"Okay sa Museum Cafe tayo mag kita, Ace
"
"Fine, see you there, Mariz, bye."
"Bye."
Nang mai-off na ni Ace ang cellphone napailing siya."Babae nga naman," aniya.
SIX THIRTY.
"Lynne, ready kana ba?"
"Oo naman kanina pa."
"Tara na kung ganon."
Lumabas si Lynne mula sa silid napatingin mula ulo hanggang paa si Maan dito.
Napansin ito ni Lynne."Bakit?"
"Wala kabang ibang dalang damit, Lynne?"
"Meron pero ganito rin, panget ba itong suot ko?"
"Hindi, kaya lang po para kang pinaglumaan ng panahon."
"Pasensiya na, Maan, hindi kasi ako mahilig sa mga fashioned na damit, eh." Totoo ang sinabi niya nasanay kasi siya sa uniform niya sa pagtuturo, pag uwi sa hapon nakaduster siya ng lampas tuhod ganon ang nangyayari sa buhay niya araw-araw. Kung pupunta naman siya sa bayan naka maong pants siya at t-shirt. Kaya nasabi niyang hindi siya mahilig sa fashion na mga damit.
"Sandali may damit ako na hindi ko pa na suot ibibigay ko sa iyo."
"Huwag na Maan, okay na itong suot ko."
"Hindi bagay sa ganda mo hija yan suot mo ngayon, narito kana sa city kailangan mong magbago ng image being probinsiyana to a Manila girl no."
"Hindi ako sanay."
"Masasanay ka rin." Pumasok sa silid si Maan para kunin ang damit na sinabi.
Pagbalik."Oh, heto try it I know fit yan sa iyo."
Isang bistada na lampas tuhod ito na bare back.
"Maan, naman pagsuutin mo ako ng ganito?"
Itinulak ni Maan ni si Lynne papasok sa silid upang magpalit ng damit. Wala naman nagawa ito.
Pagsuot ni Lynne nagulat siya ng makita hindi kasi niya nakilala ang sarili. Bagay na bagay sa kanya ang damit.
Napangiti sa sarili si Lynne umikot pa siya sa salamin to see herself.
Lumabas na siya sa silid."Wow yan ang bagong Lynne," humahangang turan ni Maan.
"Salamat dito sa damit, Maan."
"See, you look so fabulous, and glamorous, ano pa ba ang puwedeng itawag sa iyo, Lynne, dapat ganyan na ang palagi mong suot, ha."
Ngumiti si Lynne dito kahit siya gusto niya ang bagong anyo.
"Let's go," masayang anyaya na ni Lynne.
"Wait lang Lynne." Hinawakan pa niya sa kamay ito.
"May gagawin ka pa ba o nakalimuta ha, Maan?"
"Wala, but mas okay siguro kung itali mo iyan buhok mo, para makita iyan makinis mong likod."
"Akala ko kung ano na, eh."
"Do it, Lynne."
May kinuhang patali sa buhok sa bag niya si Lynne. At itatali na sana niya ito.
"No, Lynne, hindi dapat ganyan." Kinuha niya ang hawak nitong panali."Yumuko ka," utos nito.
Ginawa naman ni Lynne ang sinabi ni Maan.
Pinataas lahat ni Maan ang buhok ni Lynne."Ang ganda ng hair mo, soft and silky ba at ang bango pa, kung lalaki lang ako, Lynne. Naku pakakasalan na agad kita eh."
Natawa si Lynne."Sira."
"Totoo ang sinabi ko, Lynne, suwerte ng lalaking iibigin mo, hay masarap kayang kayakap ang babaeng may natural na amoy na mabango hindi galing sa perfume ba, at masasabi kung ikaw Lynne, your scent is so naturally I like it so much."
Lalo naman natawa si Lynne."Ganon? Mabango ka naman ah, at kung pagbabasihan ang amoy natin mas mabango ka kaya, Maan."
"Yeah mabango ako dahil sa pabango ko pero ikaw sabi ko nga naturally di ba?"
"Tara na nga kung saan-saan na naman napapadpad ang usapan natin, Maan."
Tinignan muna ni Maan si Lynne bagay na bagay dito ang nakataas ang buhok parang sweet teen lang itong tignan.
Napakunot ng noo si Lynne sa pagtingin ni Maan sa kanya.”Bakit?” tanong niya.
“Wala naman ang ganda mo kasi nakakatomboy ang itsura mo.”
Napailing na napangiti si Lynne sa sinabi nito.”Ikaw ha pinapataba mo ang puso ko, sige ka baka mainlove ako sa iyo, eh.”
Si Maan naman ang natawa.”Sira, sige na tara na gutom na rin ako."
Masayang lumabas ng bahay ang dalawang dalaga. Bago palang silang magkakilala pero agad na silang nagkalagayan ng loob, pakiramdam nila sa isat-isa matagal na silang magkakilala na.