Chapter 3

PAGKABABA NI LYNNE ng bus panay ang dasal niya.

"Lord, huwag mo akong pababayaan dito ah, ikaw lamang ang tangi kong kaagapay at kakampi," usal niya.

Palakad-lakad siya sa iskinita nang Cubao. Hindi alam kung saan patungo. Sakatunayan pagod na siya at medyo nahihilo sa dami ba naman taong nakakasalubong niya. Gusto tuloy niyang sisihin ang sarili o kaya totoo ang sinabi ng babae sa bus na tanga siya dahil hindi man lang siya naisip na wala siyang matutuluyan sa lugar na pupuntahan niya, kagaya ngayon saan siya pupunta?

Hapon na nasa kalye pa rin siya."Dios ko saan ako nito pupunta, wala rin akong makitang paupahan kung mag hotel naman ako ubos agad ang pera ko, nagugutom na rin ako, kailangan kung kumain muna para may lakas ako," daing niya.

Nagpalinga-linga siya sa paligid upang tumingin nang puwede niyang makainan muna."Hayon," aniya nang may mamataan siya dali-dali na niyang tinungo ito.

Pagbungad pa lamang niya sa pinto ng may makabunguan siya."Naku sorry," siya pa ang humingi ng paumanhin sa tao.

"Bulag ka ba ha!" mataray na turan ng nakabunguan niyang babae.

"Sorry, talaga miss nagmamadali kasi ako," paumanhin niya muli.

"Ay ewan, parang tanga lang kasi, eh!"

Hindi na umimik pa si Lynne. Walang lingon-lingon na umalis ang babae.

"Ang taray niya, ah," bulong niya dalawang tao na ang nagsabi sa kanya na tanga siya malas ba na araw niya ngayon. Naghanap na siya nang mauupuan niya.

Nang siya'y nakaupo na lumapit ang serbedora kay Lynne,"Miss anong order mo?"

"Isang adobong manok at kanin."

"Soft drink mo, Miss?"

Dahil nagtitipid siya."Tubig nalang po, Miss."

Kaagad naman nang umalis ang serbedora. Pagbalik nito dala na ang order ni Lynne."Seventy pesos, miss," agad naman siyang dumukot nang pera niya.

Dahil sa gutom na siya mabilis na tinapos ni Lynne ang pagkain niya. Nagpalipas muna siya ng ilang sandali sa karinderya. At napaisip siya kung saan siya mamamalagi ngayon gabi."Magdidilim na Lord, huwag mo akong pababayaan ah, Nanay, Tatau, samahan niyo ako," piping dasal niya.

Lumabas na siya nang kainan. At siya'y naglakad hindi alam kung saan patungo. Pakiramdam niya sa sandaling iyon gusto nang bumalik sa Vizcaya roon wala siyang alalahanin kundi ang sarili puwede naman siyang magturo muli. Pero may isang salita siya lalo pa at sa magulang ito na pagbalik sa kanila kasama na nag kapatid. Ngayon ang tanging panghahawakan niya ay ang kanyang detirminasyon na mahanap ang nawawalang kapatid at ang salitang bahala na.

Nang makaramdam siya ng pagod tumayo siya sa bungad nang isang iskinita si Lynne.

Napatingin si Lynne ng may dumaan na babae sa harapan niya napatitig siya dito."Huh, siya yong nakabanga ko kanina ah," aniya.

Nakita ni Lynne na nagsalubong ang kilay nito nang makita siya,"Di ba ikaw yong bumungo sa akin kanina?" wika nito.

"Ako nga miss, sorry ulit," sagot niya.

"Anong ginawa mo rito? Diyan ka ba sa looban nakatira?" sunod na tanong nito.

"Hindi," sabay iling pa niya.

"Tila bagong salta ka rito sa Manila ah, sa tingin ko lang, ha?"

'Naku baka siya na ang makakatulong sa akin, bahala na magsabi ako sa kanya.'Totoo yan sinasabi mo miss," aniya.

"Ah, ganon ba eh, saan ka tutuloy niyang may kamag-anak ka ba rito?"

"Wala nga, miss."

Hinagod siya nang tingin nang babae mula ulo hanggang paa."So, ang ibig mong sabihin wala kang alam o kakikilala man lang rito?"

Tumango siya.

"Naku naman luluwas nang Manila wala naman palang kakilala man lang eh, tumakas ka sa inyo no? Kagaya ng mga napapanood o kaya nababasa sa mga romance packetbook na ipapakasal ka sa lalaking hindi mo gusto, nasa itsura mo naman eh, maganda ka."

"Hindi ulilang lubos na ako, sa katunayan bago palang silang nawala sa mundong ito."

"Ay sorry ha, condolence,"wika nito.

"Wala iyon," may ngiting sagot niya.

"Kung wala kang matuluyan sige na sa bahay ka muna tumuloy kawawa ka naman baka mapano ka pa diyan sa daan alam mo sa panahon ngayon maraming mga masasamang loob."

"Talaga? Patutuluyin mo ako sa bahay mo?"

"Oo naman, saka ewan ko ba magaan ang loob ko sa iyo, kahit na ngayon lang tayo magkakilala, ngayon ko lang naramdaman sa isang tao, sa iyo lang ang dami ko nang nakilala pero agad umiiwas ako, para bang sinasabi ng isip ko huwag mo siyang pansinin dahil may masamang balak iyan. Pero sa iyo good vibes ang isip at puso ko, eh."

Hindi namalayan ni Lynne na tumulo ang luha niya sa galak na nadarama."Oh, bakit umiyak ka?"

"Tears of joy miss, ngayon palang magpapasalamat na ako sa iyo."

"Napaka-emotional mo naman," may ngiti nang wika nito.

"Ganito talaga ako pag may tumutulong sa akin na hindi ko kakilala man."

"Hay naku kanina pa tayo nag-uusap, ako nga pala si Maan," pakilala nito.

"Lynne San Pedro."

"Nice meeting you, Lynne."

"Same to you," sagot niya at silay nagkamayan.

"Tara na sa bahay," anyaya na nito.

"Salamat talaga ha, Maan," ngayon napatunayan niya may mga taong mabubuti ang kalooban kagaya ni Maan hindi niya kilala ito. Pero heto pinatuloy siya sa kanyang bahay hindi na nito inisip ba kung masama siyang tao May ganon kasi ngayon na mag papanggap na mabait iyon pala may balak na masama sa taong tutulong sa kanya.

Nang makarating sila sa harapan nang isang bahay."Ito ang mansion ko," wika nito habang binubuksan na ang pinto.

Pagbukas nito."Welcome to may wonderland, halika pasok ka, Lynne."

Maliit lamang ang bahay pero maayos ito at malinis."Ang mga magulang mo nasaan sila?" wika ni Lynne.

"Same as you, they no longer alive na rin," ibubuka sana ni Lynne ang bibig para mag salita,"Oppsss, don't say na matagal silang wala okay," pigil nito.

Tatatango na napangiti na lamang si Lynne. Sa tingin niya sa una mataray ito pero hindi pala kuwela rin pala. Tama nga iyon nababasa niya palagi na huwag mong husgahan ang isang libro sa panglabas na cover nito kung panget ito dahil ang nasa loob nito ay isang napakagandang kuwento na mabibigay sa iyo ng motivation sa buhay.

"Eh, sino naman ang kasama mo rito, Maan?"

"Mag isa lamang ako dito inuupahan ko lang ang bahay na ito."

"Ganon ba, Maan, may ipapakiusap sana ako sa iyo, kung puwede."

“Sige sabihin mo ano iyon, Lynne?"

"Puwede bang bukas samahan mo akong maghanap nang matirahan ko dito, kung wala kang gagawin pero pag meron ako na lang."

"Wala akong gagawin bukas kasi off ko sa akin trabaho. Teka bakit kapa maghahanap narito kana papahirapan mo pa ba ang sarili mo."

"Ang ibig mong sabihin puwede akong tumira dito?" nababaanag sa mukha ni Lynne ang kasiyahan.

"Yes, you said it. So, can we started a new friendship!" may ngiting wika nito.

Tuluyan lumarawan ang kasiyahan sa mukha ni Lynne."Friends?" Wika niya lumapit siya dito at niyakap.

"Tama na ito baka pareho pa tayong iiyak eh, alam ko pagod ka kaya magmahinga ka muna maraming bukas o araw at gabi upang tayo'y magkuwentuhan," wika ni Maan.

"Puwede na ako dito sa sala matulog," ika niya.

"Hindi pwede no."

Nagtaka naman si Lynne sa sinabi nito."Ha? Bakit?"

"Siympre tabi tayo sa kama."

"Ang bait mo pala, akala ko mataray ka."

"Ah, alam ko na kung bakit nasabi mo iyan dahil kanina di ba? Saka na natin pagusapan ang tunggol sa attitude natin sa ngayon you will rest na muna okay, kung gusto mong mag shower go na."

"Opo, ma'am," may ngiting sagot ni Lynne.

Lumipas ang ilang araw naging maayos na si Lynne sa Maynila sa tulong ni Maan. Saka na siya maghahanap sa kapatid pag may nahanap na siyang trabaho at maging pamilyar sa kanya ang Maynila.

Isang umaga Habang nagkakape sila ni Maan."Lynne, anong alam mong trabaho?"

"Sa totoo niyang, Maan, isa akong teacher."

"What? Bakit hindi mo sinasabi ma'am," namimilog ang matang turan ni Maan.

"Maan, naman kung maka react ka wagas, Eh, teacher lang naman ako hindi artista."

"Hoy! Lynne, huwag mong ilang ang pagiging Teacher mo ah, alam mo ba na ang isa sa pangarap ko noon bata pa ako ay ang magturo."

"Bakit hindi teacher ang kinuha mo?"

"Hanggang first year college lang ako, Lynne, mahirap pagsabayin ang pag-aaral at saka trabaho."

"Okay naman ang trabaho mo ah, di ba sabi mo sa isang bigating company ka nagtra-trabaho?"

"Oo, I like my job. Kahit na medyo masungit si sir."

"Oy, crush niya ang boss nila."

"Kahit sino mag kaka-crush sa kanya no, he's so handsome, Lynne. At ang higit sa lahat..." huminto muna ito dahil tila kinikilig,"Meron siyang killer smile pero..." biglang nalungkot ito.

Nagtaka naman si Lynne,"Anong pero?" aniya.

"Pero mula nang napatay ang asawa niya, hayon daig pa ang babaeng may regla laging mainit ang ulo, pero okay lang atleas guwapo siya," nakangiti nang turan nito.

"Ah, iyon na lamang ang pakunsuwelo mo sa kanya ang kakisigan niya,"

"Oh yes, Lynne, pag nakita mo siya baka ang masasabi eh, Piolo Pascual, ang kagapuhan, kung sa kamatchohan eh, Derek Ramsey lang naman."

"Hanep ah, sa dalawang bigatin mo pa siya naihambing talaga, eh."

"Well, iyan ang nakikita ko kay Sir, pinagpapantasyahan ko siya paggabi eh, na magkayakap kaming natutulog tapos sumisiksik ako sa matitipuno niyang dibdib. And then something happened, but it was only a dream," nang hihinayang na wika nito.

"Anong something, Maan?"

"Loka alam mo iyom."

"Hindi nga, eh."

"Wala kapa bang experience pagdating sa passionate, Lynne?"

"Wala pa, Maan."

"Ay virgin! Aba ang suwerte naman ng lalaking pakaaksalan mo, Lynne."

"Pakakasalan na agad eh, hindi pa nga ako nag ka-boyfried."

"Meant never been touched never been kissed ka. Ganon ba, Lynne."

"Hindi naman no, nag karoon din ako ng karelasyon noon hanggang kiss lang kami."

Tatatango si Maan."Priority mo ang pag-aaral noon ganon ba?"

Tumango si Lynne. Dahil ang gusto rin niya na malinis siyang maglalakad sa altar sa araw ng kasal niya.

Ibinulong ni Maan ang something niya.

"Ay maharot ka rin pala tuwing gabi, Maan."

"Hoy! Lynne don't say that."

"Ha? Ang aling?"

"Iyan maharot no sige ka magagalit sa iyo si Maja Salvador."

"Loka ka talaga akala ko kung ano na yong don't say that na yan."

Napatawa naman si Maan sa sinabi niya.

"Ay siya nga pala, Lynne. Gusto mo nang trabaho?"

"Oo, naman nauubos na kasi ang allowance ko. At saka pag lumalabas ako naghahanap din ako."

"Okay bukas sumabay ka sa akin pag pasok trabaho ko."

"Talaga meron kang alam na puwede kong mapasukan?"

"Yes, I know you can do ang trabahong aplayan mo."

"Ano bang trabaho 'yon, Maan?"

"Secret," nakangiting sagot ni Maan.