Chapter 4: KABANATA 3 : Muling Paghaharap

PUMALAKPAK si Maxine matapos ang pag-awit niya sa awiting pambata na sinabayan ng mga pre-school students niya roon sa Catholic School kung saan siya ini-assign ng mother superior sa kumbento na pinasukan niya at pinamalagian sa loob ng halos dalawang taon.

Nahinto ang palakpakan nila nang bumungad sa pinto ang isang madre.

“Pasintabi, Sister Maxine, may bisita ka. Hinihintay ka niya sa visitors area, ako na muna ang bahala sa mga bata,” nakangiti nitong sabi.

Tumango siya rito at binalingan ang mga bata.

“Kids, iiwan ko muna kayo sandali, magpakabait kayo kay sister Mia, ha?” Pagpapaalam at bilin niya sa mga ito.

“Yes, Sister Maxine,” sabay-sabay na pagtugon ng mga ito.

Pumasok na si Sister Mia at siya naman ay lumabas na at tinungo ang visitors area.

Nang sapitin iyon ay bahagya pa siyang natigilan nang makita kung sino ang naghihintay sa kaniya roon.

Sumilay ang maluwang na ngiti sa labi ng panauhin niya nang makita siya.

Agad itong tumayo at hindi na nahintay na siya ay makalapit, sinalubong siya nito.

“Sister Maxine!” tawag nito sa kaniya, masigla ang tono at maluwang ang pagkakangiti.

Napakunot ang noo niya at agad na inisip kung paano nito nalaman ang kanyang pangalan at kinaroroonan.

“I'm glad that you let me talk to you. Hindi kita napasalamatan for saving my life so I made a way to find you and with the help of my Mom, I found out where you are,” sabi nito na para bang nahulaan ang nasa isip niya.

Hindi nababahaw ang ngiti nito sa labi.

Napatitig siya rito. Mas lalo itong gumanda sa ayos nito ngayon.

Tila naalala naman niyang ngumiti nang mapansin ang pagkunot ng noo nito, marahil dahil sa ginagawa niyang pagtitig at paghagod ng tingin sa kabuuan nito.

“Wala 'yon. Masaya akong mmakatulong,” sabi na lamang niya.

“Gusto kang makaharap ng mga parents ko in person, kaya lamang ay hindi sila nakasama sa pagpunta ko rito dahil may important matters sila ngayong araw, but they will surely be happy if they see you with me kapag umuwi ako.” Hindi nito mapigil ang sariling hawakan siya sa kanyang mga kamay.

Bahagyang napaawang ang bibig niya habang nakangiti pa rin sa kabila ng biglaang pagkailang dahil sa ginawa nitong paghawak sa kaniyang kamay.

Masyado siyang napa-flattered sa importansya na ipinapakita nito sa kanya.

Kung pagbibigyan niya ito sa nais nitong mangyari, hindi naman siguro magkakaroon ng negatibong tingin kung sinuman ang nakakaalam tungkol sa bagay na iyon.

Wala naman siyang naisip na masamang intensyon dito o pananamantala, malinis ang bagay na tumatakbo sa isip niya gaya ng puting kasuotan niya.

Kaya lamang ang tanong, pahihintulutan kaya siya ng mother superior na lumabas kasama nito?

HINITHIT-BUGA ni Kyzer ang hawak na sigarilyo tapos ay nilingon si Andrea sa kanyang tabi. Nakadapa itong hubo't hubad sa kama at nakatitig sa kaniya.

Isa ito sa mga modelo ng produktong pampaganda gawa sa production ng kanyang ama.

Dati niya itong ka-relasyon ngunit hanggang ngayon ay humaling na humaling pa rin sa kaniya at ninanais pa siyang makasama sa kama na pinagbibigyan naman din niya.

Gamit ang forty-five calibre na baril sa kanang kamay ay kinuha niya ang panty nito sa bedside table at ini-abot iyon dito.

“Check out na ba tayo agad?” bakas ang disgusto sa tinig na tanong nito.

Muli niyang hinithit ang hawak na sigarilyo.

“It's up to you kung gusto mo pang mag-stay, pero malalim na ang gabi at kailangan ko ng umuwi,” malamig ang tonong sabi niya rito.

“P’wede naman tayong matulog dito ah…” naglalambing ang tonong sabi nito.

Hindi siya nagsalita at tinapunan lamang ito ng malamig na tingin.

Gamit ang libreng kamay ay inangat niya ang awditibo ng telepono sa kaniyang tabi.

“Check out na kami,” wika niya.

Umikot ang eyeballs ni Andrea at padarag na kinuha nito ang panty sa dulo ng kanyang baril.

Dinikdik niya ang sigarilyo sa ashtray na nandoon saka bumangon at nagsimula ng magbihis.

Padabog itong bumangon at nag-umpisa na ring isuot ang mga kasuotang nakakalat sa makintab na sahig.

Pagkaraa'y magkasunod na silang lumabas doon sa hotel.

Naghiwalay sila pagdating sa parking lot pero bago pa siya pumasok sa kotse ay nilapitan pa siya nito at walang anumang sinibasib ng halik ang labi niya.

Nakangiti ito ng iwan ang kanyang labi.

“Marami pang nextime, Kyzer…” paanas na sabi nito saka tumalikod at tinungo ang sariling kotse.

Nasundan na lamang niya ito ng tanaw hanggang sa makaalis.

Napapaisip siya. Iniisip niya kung hanggang kailan ba siya makukunteto na ganito lang ang takbo ng kanyang buhay?

Pagkuwa'y kumilos na rin siya at sumakay na sa kanyang sasakyan.

NAPATITIG si Maxine sa white envelope na ini-abot sa kanya ni Mrs. Alexandria Braganza na ina ni Kylie.

Nasa loob ng bagay na iyon ang tseki kung saan nakasaad ang napakalaking halaga ng pera.

Nakaharap niya ang ginang na ito dahil pinaunlakan niya si Kylie. Sumama siya rito matapos siyang pahintulutan ng Mother Superior ngunit nagtakda ito ng oras kung hanggang kailan lamang siya sa labas.

Sa totoo lamang ay nanliliit siya kanina nang bumungad sa kaniyang paningin ang marangyang mansion ng mga ito, pero tila nanlaki naman siya sa mainit na pagtanggap ng mga ito sa kaniya.

Ngunit ang bagay na inaabot nito ay hindi niya inaasahan.

“Para saan po ito?” naitanong niya sa ginang.

Tumingin muna ito sa esposo nito.

“Donation para sa simbahan at sa Catholic School na iyong pinaglilingkuran. Sana ay makatulong iyan,” sabi nito.

Napangiti siya ng malawak.

“Naku, Ma'am Alexandria, napakalaking tulong po nito. Hindi ko po ito inaasahan ngunit hindi ko po ito matatanggap. Ganunpaman, maaari po ninyo itong direktang ipadala sa treasurer office ng Catholic School na aking pinaglilingkuran,” sinserong wika niya.

Ikinulong niya sa kaniyang mga palad ang kamay nitong may hawak sa envelope at marahan iyong itinulak pabalik dito.

Sandaling natigilan ang ginang pero pagkuwan ay ngumiti at tumingin muli sa esposo nito.

“That's nothing compared to what you did, sa pagliligtas mo sa aming anak. We thank you once more, but all right, we will take your advice,” maluwang ang ngiting wika naman ng ama ni Kylie sa kanya.

Napatango siya habang nakangiti pa rin.

“Wala pong anuman, salamat din po sa inyo.”

“Mom, Dad,” singit ni Kylie. “I know you still want to talk to Sister Max but she needs to get back before she gets caught in the time set by Madre Superiora.”

“Opo,” kaagad niyang segunda kay Kylie. “Marami pa po tayong pagkakataon.”

Nagpaalam na siya sa mga ito at binilinan naman siya ng mga itong mag-ingat.

Inutusan ng ama ni Kylie ang driver ng dalaga para ihatid siya.

Inihatid siya ni Kylie sa garahe kung saan naroon ang sasakyan nito.

“I'll come visit to see you again, Sister Max, as long as you haven't been ordained at nananatili roon sa Catholic School kung saan ka naroroon,” sabi ni Kylie saka inilahad ang palad sa harap niya. “Sana, maging magkaibigan tayo simula ngayon.”

Napangiti na naman siya ng maluwang at agad na tinanggap ang palad nito.

“Ikinagagalak kong maging kaibigan ka Kylie,” sinserong sabi niya rito.

Kapwa sila napakislot nang biglang bumusina ang kararating na sasakyan.

Nasilaw sila sa liwanag ng headlights noon.

“KYZER!” tawag sa kanya ni Kylie nang makababa siya sa kotse niya.

Pero imbes na rito siya tumingin ay hindi niya napigil ang mga matang titigan ang naka-nun suit na kausap nito.

Bumakas sa mukha ni sister ang pagkabigla nang makita siya. Malamang ay hindi nito inaasahang makikita siya roon.

Naabutan niya ang eksena na nakikipagkamay ito kay Kylie at may nadama siyang kakaiba nang makita iyon.

Hindi lamang niya matukoy kung bakit, pero sa tingin niya, iyon ay pagdududa.

“May bisita pala kayo,” wika niya na noon ay kay Kylie na nakatingin, pormal ang tono.

“Yes, but she's getting ready to leave,” tugon ng kapatid na agad lumapit sa kanya tapos ay dinampian siya ng halik sa kanyang pisngi. “Siya si Sister Maxine, pero mas gusto niya ang tinatawag s'yang sister Max, siya 'yong kinukwento ko sa'yo.” Pagpapakilala nito rito bago bumaling kay sister. “Sister Max, siya si Kyzer, and maybe it's okay if he drives you to your place.”

Napakunot ang noo niya matapos marinig ang sinabi ni Kylie. Ipinakilala talaga siya ng kapatid dito sa totoo niyang pangalan at sinabing siya ang maghahatid dito.

Hindi sila nagkamay ni Sister, nawala iyon sa isip niya at marahil, ganoon din ito.

“Kakarating ko pa lamang paaalisin mo agad ako?” walang gatol na reklamo niya sa kapatid.

“Naku ayos lang,” maagap na sabi ni Max, may hiya sa himig at pagkailang sa tono. “Ayos lang naman kay Kuya Mike na ihatid ako.”

“Kyzer?” si Kylie na pinandidilatan siya ng mga mata.

Ngumisi siya.

“Bawal ba 'kong magbiro?” bawi niya sa sinabi kanina at agad na lumigid sa passenger seat ng kanyang kotse upang ipagbukas ng pintuan si Sister Maxine.