Chapter 22: KABANATA 21 : Back
NAPATINGIN si Naylor sa isang direksyon habang ipinaparada niya ang sasakyan sa harap ng company building nila Kylie.
"S'yanga pala, kumusta na si Tito Hayes at ang misis niya?" tanong niya kay Kylie na ang tinutukoy ay ang half brother ng ama nito.
Abala ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa direksyong tinitingnan niya.
Napakunot ang noo ni Kylie.
"Bakit bigla mo namang naitanong."
"Wala naman, gusto ko lang malaman kung tuluyang naging successful ang relasyon nila."
Natawa ito. "Oo naman pero para sa 'kin, hindi naman lahat ng may prenup agreement nauuwi sa seryosong pagtitinginan at malalim na pagmamahalan. Kaya kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa ring ikasal sa lalaking mahal ko at mahal din ako, 'yong alamo na, ikakasal kami dahil gusto at mahal talaga namin ang isa't isa mula umpisa."
Napatingin siya rito matapos marinig ang sinabi nito at agad nitong napansin iyon.
"Bakit?" tanong nito na sinabayan ng pag-ngiti.
Ngumiti rin siya. "Wala naman, naisip ko lang baka ma-late ka na sa opisina."
Napapitlag ito. "Naku, oo nga pala," sabi nito sabay alis ng seatbelt.
Agad siyang bumaba at pinagbuksan ito ng car door, kumilos ito at bumaba sa kotse.
"H'wag kang lalabas hangga't wala pa ako, Kylie. Padagdagan mo ang seguridad sa loob lalo na dito sa labas ng building." Bilin pa niya sa dalaga.
Tumango lang ito at humakbang na papasok sa entryway. Lumigid ulit siya sa driver seat at tumanaw pa rito bago sumakay ng tuluyan.
Pinausad niya ang sasakyan habang patingin-tingin sa lalaki na noon ay nakatayo pa rin sa puwesto nito.
Hindi niya makita ang galaw ng mga mata nito dahil sa suot nitong sunglasses.
Tinanaw niya ito sa rearview mirror nang nasa ilang metro na ang layo rito, at nang makitang hindi na ito nakatingin sa direksyon niya ay agad niyang pinihit ang manibela at nakihilera sa mga nakapark na sasakyan sa tapat ng isang building.
Doon ay malaya niyang natanaw ang mga sumunod na ikinilos nito.
Nakita niyang sumulyap ito sa wristwatch saka lumakad palayo hanggang sa huminto ito sa tapat ng isang motorcycle at sumakay doon.
Napaisip siya. Sino ito at anong pakay nito?
NAG-INGAY ang cellphone ni Kyzer sa bulsa ng pantalong kasalukuyang kanyang isinusuot.
Sinulyapan niya si Maxine na noon ay nakamasid sa kanya habang inaayos ang kumot sa hubad nitong katawan.
Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at agad na sinagot iyon nang makitang si Naylor ang tumatawag.
"Nasa opisina ka na ba?" kaagad nitong tanong nang sagutin niya ang tawag.
"Wala pa, paalis pa lang ako sa bahay," tugon niya na sinabayan ng pagtayo at lumakad palabas ng silid ni Maxine.
Iniwan niya ito ng walang paalam.
"I saw a suspicious man sa labas ng building nila Kylie. Sa tingin ko si Leo ang nakita ko. Ipapakita ko sa'yo ang kuha sa dashcam ng kotse ni Kylie. Kung siya nga ang lalaking iyon, maaaring tama ang kutob ko sa lalaking iyon unang kita ko pa lang sa kanya," sabi nito.
Napabuntong hininga siya.
Kung tama si Naylor, tama rin ang kutob niya tungkol kay Maxine dahil may kaugnayan ito kay Leo.
"O sige, Naylor, magkita na lang tayo sa headquarter at doon natin pag-usapan iyan," sabi niya at ibinaba na ang cellphone kahit nagsasalita pa ito sa kabilang linya.
Napalingon pa siya sa pintuan ng silid ni Maxine bago kumilos at lumakad palapit sa hagdanan.
Nakababa na siya sa hagdan nang tumunog naman ang telepono.
Napatingin siya sa kinalalagyan noon bago lumakad palapit doon.
"Hello, Maxine?"
"Sino sila?" tanong niya matapos marinig ang boses babae sa kabilang linya kahit pa nga may ideya na siya kung sino ito.
Saglit itong hindi nakapagsalita.
"Hello," pantay ang tonong wika niya.
"Ako ang Mother Superior ni Maxine. Maaari ko ba siyang makausap?" mahinahon nitong tanong.
Hindi nito tinanong kung sino siya.
"Pasensya na po, Mother Superior, Maxine remained in bed. She couldn't move due to pain between her thighs. And just so you know, she'll never come back there anymore... because she chose me."
Hindi na naman ito nakapagsalita agad.
"Masaya ako para sa inyo kung ganoon. Pagpapalain ng Diyos ang inyong relasyon at pagtitibayin. Kung magkaroon ng maliit na hidwaan sa inyong pagitan, palagi ninyo Siyang alalahanin ng sa gayon ay haplusin Niya ang inyong mga puso at isipan upang patuloy na pagbukludin," mahinahong sabi nito na sa tingin niya ay nakangiti ng malungkot.
"Amen," pilyong sabi niya.
"Pakisabi na lang kay Maxine," pagpapatuloy nito na binalewala ang sinabi niya. "Tumawag ang kanyang ama halos pagkatapos lamang din ng pag-uusap namin kanina. May karamdaman daw ang kanyang ina at nais siyang makita."
Siya naman ang natigilan matapos ang sinabi nito.
"Sige na, pakisabi kay Maxine palagi pa rin niya akong babalitaan."
Hindi siya nagsalita hanggang sa marinig niya na ibinaba na nito ang telepono.
Saglit siyang nag-isip bago kumilos upang balikan si Maxine sa kuwarto ngunit bago pa siya sumapit doon ay biglang nag-ingay ang cellphone niya.
Kinuha niya iyon sa bulsa at muling sinagot nang makita ang pangalan ni Naylor.
"Hmmm…?"
"Kyzer, please, pakibilisan. It is important that we discuss this now. I have a strong suspicion, and I know you won't be reassured if you see the man in the dashcam shot of Kylie's car," yamot nitong sabi.
"Who told you that I was relieved after hearing what you said earlier, Naylor?" nainis niyang tanong dito. "Kylie's safety is at stake here, and you know me when it comes to her."
"Okay," wika nito na tila napahiya sa sinabi niya. "Ako na lang ang pupunta sa'yo. Hintayin mo na lang ako d'yan sa bahay mo," sabi nito.
"Okay." Napatango pa siya kahit hindi nito nakikita.
NAPATIIM bagang si Kyzer nang makita sa dashcam shot ang lalaking tinutukoy ni Naylor.
Nagkatinginan pa silang dalawa, mukhang pareho nga sila ng iniisip.
"Where is she?" tanong nito sa kanya.
Napaangat ang kilay niya sa tanong nito.
"May karamdaman ang kanyang ina kaya kailangan niyang umalis pabalik sa probinsya. Give her a lift to get there," malayong sagot niya sa tanong ni Naylor kaya naman awtomatikong napakunot ang noo nito.
"Ano!" naguluhang tanong nito. "Bakit ako, Kyzer? Teka, dahil nagdududa ka ba na hindi ko kayang panghawakan ang kaligtasan ni Kylie?"
Napakurap siya at napatiim bagang matapos iiwas ang tingin dito.
Paano ba niya sasabihin dito ang totoong dahilan? Parang hindi siya handa sa nangyayari samantalang noon pa man ay naiisip na niya ito.
"I could handle the situation—"
"I know." Putol niya kay Naylor. "Isipin mo na lang na isa itong pabor, Naylor. Ako na ang bahala kay Kylie at ikaw na muna ang bahala kay Max."
"Max?" tanong nito na tila hindi pa makapaniwala na tinawag niya ang dalaga sa ganoong paraan imbes na Sister gaya ng tawag niya sa dalaga mula umpisa.
Hindi siya nagsalita bagkus ay tinalikuran niya ito.
"Paano ang trabaho natin ngayong araw?" habol na tanong nito sa kanya.
"Saka na lang natin problemahin iyan," sabi niya na hindi nag-abalang lingunin ito.
TINUNGO niya ang silid ni Maxine.
Hindi na siya kumatok at dumiretso na ng pasok sa loob.
Napahinto pa siya sa paglakad at tinitigan ito habang nahihimbing.
Nakatulog siguro ito sa labis na pagod.
Lumakad siya palapit sa kama at tinitigan ito.
Kung sakali kaya na mapatunayan niyang isa ito sa banta sa buhay ni Kylie, magagawa kaya niyang kitilin ang buhay nito para sa kaligtasan ng kanyang kapatid?
Napapikit siya at napailing.
Bakit ngayon ay bigla siyang naduduwag sa maaari niyang matuklasan?
Bumuntong hininga siya at pinilit na iwaksi ang bagay na iyan sa kanyang isipan.
Inangat niya ang kamay niya at tinapik ito ng marahan sa braso.
"Max," tawag niya rito.
Tinapik muli niya ito habang tinatawag ito sa pangalan nito.
Nagmulat ito ng mga mata at napatitig sa kanya.
"Mag-asikaso ka, ihahatid ka ni Naylor sa parents mo ngayon din mismo," pormal na sabi niya rito na sinabayan ng pagtalikod upang hindi makita ang reaksyon nito.
Mabilis siyang nakalapit sa pinto.
"Kyzer, bakit—" naputol ang sasabihin nito nang makitang nakalabas na siya sa pintuan.
KALALABAS pa lang niya sa silid ni Maxine nang mag-notify naman sa smartphone niya ang wireless system sa gate.
Kaagad niyang tiningnan kung sino iyon at napamata siya nang makita niya ang kanyang panauhin.
'Cheyenne?' paniniyak niya sa isip.
Ito ang nag-iisang babae na sineryoso niya buong buhay niya sa pakikipag-relasyon, at ito rin ang dahilan kung bakit nawalan siya ng ganang mag-seryoso sa mga babaeng sumunod na naging karelasyon niya.
Nag-selos ito sa maluwag na oras na inilalaaan niya kay Kylie noon kaysa rito kaya umabot sila sa puntong pinapili siya nito. At si Kylie ang pinili niya.
Dahil doon ay iniwan siya nito.
Ngunit heto at pagkaraan ng ilang taon ay nasumpungan 'ata nito ang daan pabalik sa bahay niya.
Bakit kaya?
Naguluhan siya kung anong gagawin.
Pero sa huli ay natagpuan niya ang sariling lumalakad siya patungo sa labas upang siya mismo ang magbukas sa gate.
Maluwang pero matamis ang naging ngiti nito matapos niyang pagbuksan ng gate.
"Bakit narito ka?" matabang na tanong niya rito.
Napalis ang ngiti nito sa labi matapos mapansin ang kalamigan niya.
Tinitigan siya nito.
"Hindi mo ba ako papasukin?" tanong nito.
"Mas mabuti pa siguro kung umalis ka na," sabi niya at akmang ilalapat ang gate nang pigilan nito iyon.
Napatitig siya rito ganoon din ito sa kanya.
Nakita niya ang pamamasa ng mga mata nito.
"Kyzer?"
Natigilan siya nang marinig ang boses ni Maxine sa likuran niya.
Lumampas sa kanya ang tingin ni Cheyenne at napatitig ito kay Maxine.
Noon lumabas si Naylor.
"Aalis na—" naputol ang sasabihin ni Naylor nang makita si Cheyenne.
Pumihit siya sa dalawa at napatingin sa maletang dala ni Maxine, mukhang hindi na ito babalik.
Tiningnan niya ito sa mukha at nakita niyang nakatingin ito kay Cheyenne.
"Max," untag niya rito habang tinitingnan niya ang maleta nito, ito naman ay tumingin sa kanya ng diretso. "Gusto ko lang linawin sa'yo na hindi kita pinaalis dito," wika niya bago tumingin sa mukha nito. "Tumawag ang Mother Superior mo. May sakit daw ang iyong ina kaya gusto ka niyang makita, iyon talaga ang ibig kong sabihin kanina," sabi niya bago kumilos at naglakad pabalik sa loob ng kanyang bahay.
Napasunod sa kanya ng tingin ang tatlo.
"Kyzer," narinig pa niyang tawag ni Cheyenne pero hindi niya ito pinansin.
Tiningnan nito si Maxine at hantarang hinagod ng tingin.