Chapter 5

Tulala ako ngayon habang naglalaba, pag tingin ko dito sa panty na nilalabhan ko ay nabutas na ito.

Kumunot ang noo ko. "Hindi naman to butas kanina ah?"

Napailing na lamang ako at mahinang sinampal-sampal ang sarili kong pisngi. Napapikit ako ng mariin dahil nalagyan ng sabon itong dalawang mata ko. Sheyt, nakalimutan ko na may sabon pala itong kamay ko!

"Ano ba yan! Ang malas ko!" Gusto ko nang maiyak dahil humahapdi na yong mata ko. Wala pa naman si hubby dito, walang tutulong sakin.

Tumayo ako at sinubukan hanapin yong baldi na may tubig. Lakad lang ako ng lakad kahit walang nakikita ay nagpapasalamat ako kase di ako natapilok o di kaya may nabangga--

"Oh my godddd!!!!" Sigaw ko at naramdaman ko nalang na nahulog na ako sa pool.

Naubo ako at niluwa ang tubig na nainom ko. "Sheyt! Umihi ako dito sa pool kahapon eh!" Di ko alam baka umihi din si hubby dito... para naman akong nasusuka habang naiisip yon.

Pero nawala din yon at napalitan nang tawa. "Arte-arte ka pa Nicole, tamud nga ininom mo eh!"

Nanghilamos nalang ako dito at nang maging okay na itong mata ko ay umahon ako at umupo muna sa gilid.

Nagpapakasaya ako ngayon habang sila mama at papa ay di ko man lang alam kung ayos lang ba ang kalagayan nila.

Kagaya ni Tita Ella ay ayaw nito kay Elthon para sakin, kase nga mahirap lang kami at si Elthon ay galing sa mayaman na pamilya.

Pero dahil matigas ang ulo at sa sobrang mahal ko si Elthon, iniwan ko ang pamilya ko at sumama sa taong mahal ko. Nagpakasal kami ni Elthon na di ko sinasabi kela mama at papa dahil alam kong di rin nila ako papayagan na magpakasal.

Tinapos ko na ang paglalaba para makapag pahinga na ako.

_

Malapit na mag 6 pm na at nanonood lang ako ng palabas ngayon. Narinig ko na may nag doorbell kaya napataas ang kilay ko.

"Ang agad naman ata ni hubby umuwi?" Tanong ko sa sarili at tumayo.

Baka na miss nya ako?

Bigla naman akong kinilig sa iniisip ko.

Malapad ang ngiti ko habang dahan-dahan na binuksan yong pintuan. Unti-unti namang nawala ang ngiti ko ng makita si Tita Ella don sa labas ng gate nakatayo.

Mabilis akong naglakad sa gawi nito dahil halatang naiirita na sya. Binuksan ko ang gate at wala itong pasabi na pumasok sa loob. Pagkasara ko ng gate ay kagaad ko syang sinundan papasok sa loob ng bahay.

"Tita ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko pero di nya ako sinagot. Inilibot nya ang paningin sa paligid habang dahan-dahan na umupo.

"Aba bakit bawat na ba akong pumunta dito?!" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi naman po sa ganon."

Anong bang ginagawa nya dito? Diba kasama nya si Elthon kanina? Susumbatan nya na naman ba ako dahil sa nangyari kanina sakanila ni hubby?

Umupo ako sa harapan nya.

"Cheat on him," panimula nito at nagulat ako sa sinabi nya.

"W-What?" Hindi ko lubos na maintindihan ang sinabi nito sakin.

"Cheat on him and let him find out or see that you cheated, then divorce my son."

"Bakit? Bakit ko naman gagawin yon sa asawa ko?!"

"You know from the start that I don't like you for my son! Kung hindi ka lang buntis nong time na pinakasalan ka nya hinding-hindi ako papayag na kayong dalawa magpakasal ng araw na yon, tapos ano? Dahil sa katangahan mo nakunan ka! And now I want you to stay away from my son at wag na wag kang mag papakita ulit sakanya!"

"No, I love Elthon, Tita. Hinding-hindi ko sya hihiwalaya--"

"Kung gusto mo pang makita ang mga magulang mo, susunod ka sa sasabihin ko." Natahimik ako bigla sa huling sinabi nito.

"A-Anong ibig mong s-sabihin Tita Ella?"

Ramdam ko na nanlalamig itong kamay ko dahil sa sobrang kaba.

"Kapag hindi ka pa lumayo sa anak ko, sisiguraduhin ko na hinding-hindi muna makikita ang mama at papa mo." Dahil don ay tumulo ang luha ko.

Oo, iniwan ko ang mga magulang ko para sa lalaking mahal ko pero hindi ko hahayaan na saktan sila!

"G-Ganyan ka na ba ka d-desperada Tita? Para lang magkahiwalay kami ni Elthon... i-idadamay mo ang mga m-magulang ko?!" Seryoso lang syang nakatitig sakin ngayon at nagawa nya pa talaga akong taasan ng kilay.

"Ba't kase di mo nalang kami hayaan ni Elthon! Masaya na kami, masayang-masaya kam--"

"Not me ija, hindi ako masaya para sainyong dalawa! Ang gusto kong babae para sa anak ko ay si Cheryl!"

Si Cheryl ay dating kaibigan ni Elthon, nong nalaman ni Elthon na may nararamdam si Cheryl para sakanya ay nilalayuan na nya ito lalo na nong binalik nyang agawin si Elthon sakin.

"A-Ano bang kailangan kong gawin para magustuhan mo ako Tita? Ano ba kaseng meron kay Cheryl na wala sakin?"

Malamang, pinaka unang rason ay dahil mayaman ang pamilya nya kagaya ni Elthon. Bukod sa matalino sya at maganda rin ito... pero maganda rin naman ako? Matalino ang tanging wala sakin ay hindi ko galing sa mayaman na pamilya.

"Wala kang gagawin kase wala ka naman talagang dapat gawin, wala ka nang magagawa kase kahit ano pang gawin mo ay hindi kita magugustuhan para sa anak ko at mas lalong wag mong pangarapin na maging kagaya ni Cheryl, dahil ang isang hampas lupa na kagaya mo ay dapat lang din sa hampas lupa!"

Tumayo ako at natawa ng pagak sa sinabi nya.

"Kung maka hampas lupa kayo sakin, kala mo naman hindi tayo parehong tao na naninirahan lang din dito sa mundo!

Ayokong sagutin ka dahil ina ka ng asawa ko pero noon pa ako talaga ako nagtitimpi sayo!"

"Wag mo akong maliitin dahil alam kong galing ka din naman sa mahirap na pamilya! Ngayon tanging yaman lang ang angat mo sakin pero pagdating sa utak walang-wala ka!"

Napahawak ako sa pisngi ko dahil bigla ako nitong sinampal. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko para iharap ako sakanya ng maayos.

Nakatanggap ulit ako ng malakas na sampal galing sakanya.

"Lumalaban ka na sakin ngayon ha!!" Sigaw nya at hinawakan ang panga ko.

"You and I are different! Wag na wag mo akong i-kokompara sa sarili mo, naiintindihan mo ba yon!!" Tanging iyak na lamang ang tanging nagawa ko ng simulan nya akong sabunutan.

You're all caught up

New chapters are on the way. Add this book to your library so you don't miss them.

Previous chapter

You may also like