Chapter 7: Sandwich
Raven’s POV
Saglit na natulala si Sarah sa bagong dating na si Duke. Pero ng mapadapo ang tingin nito sa akin ay agad din bumalik ang inis niya at nag palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Duke na nananatiling akong pinoprotektahan.
“Who are you? Are you her new toy? Nakakatawa, hindi ka lang pala malandi Raven, gold digger ka rin.” saad nito habang may malaking ngisi sa labi. Tila may ugat na pumigtas sa utak ko at balak na sana siyang sugurin pero hinawakan ni Duke ng mahigpit ang kamay ko para pigilan ako.
“Watch your mouth miss, I don’t know who you are, but you don’t know who you are messing with,” malamig pa rin ang boses ni Duke at halata dito na hindi nagustuhan ang sinabi ng kaharap.
“So what? Do you also know who I Am? At bakit mo ba pinagtatanggol ang babae na ‘yan? She’s not even pretty,” she said and glared at me, she also crossed her arms and tapped her feet on the ground.
“Do I need to know you? I can destroy your life, right here, right now. Besides Raven’s is much prettier than you,” namula naman ako sa papuri nito. Pero si Sarah napatulala na lang dahil sa sinabi nito at hindi naka-imik. Iniisip siguro nito kung may katotohanan sa mga sinasabi ng kaharap,
“Y-you-” hindi na nito na ituloy ang sasabihin dahil sa pagdating ng Ama nito at ang bahagyang paghila sa kanya para sapilitang payukuin,
“I-im sorry Mr. Remington for my daughter’s behavior, I will teach her a lesson later,” kabadong saad ni Mr. Miles. I know na pangit talaga ang ugali ni Sarah, but why is he apologizing?
“B-but Dad! It’s Raven’s fault, not mine!” Sarah exaggeratedly says while pointing at me. Napaturo rin ako sa sarili ko dahil in the first place, hindi ako yung nanghila ng braso para lang magsabi ng kung ano-ano. So bakit ko naging kasalanan?
“Excuse me, but I’m not the one who started it, bigla ka na lang nanghihila at kung ano-ano ang sinasabi mo.” madiin kong lahad sa kaharap, napatingin din sa akin ang ama nito at nabahala ng lumipat ang paningin nito kay Duke.
“S-shut up bitch!” hindi talaga ito papatalo. Nang mapalingon ako kay Duke, matalim itong nakatitig kay Sarah, kaya walang nagawa ang Ama nito kun’di ang sawayin siya,
“Stop talking nonsense Sarah! Jonathan, go get your girlfriend and stay away from here. We will talk later,” wala nang nagawa si Sarah dahil agad siyang hinatak ni Jonathan na hindi ko napansin na kasama pala ni Mr. Miles.
“Sorry about that Mr. Remington and Doc. Raven,” Tumango lang ako dito dahil alam ko naman na may mali rin ako. Nagawa ko pa kasi na patulan kahit na alam ko naman na may pagka-saltik ito.
“It’s okay Mr. Miles, but please, the next time that it will happen again I can’t promise you that I will not do anything. Not only to her, but also to your business,” Mabilis pa sa alas singko kung tumango si Mr. Miles bago makipag-kamay kay Duke at umalis.
Nang hindi na abot ng tanaw si Mr. Miles, bumaling sa akin si Duke at hinawakan ako sa magkabilang balikat,
“Are you hurt? Did she do anything to you?” nakakunot ang noo ko siyang pinagmasdan bago pumiksi sa hawak nito,
“Nothing happened. But why are you here? I didn’t permit you to come here,” he sighs and puts both of his hands inside his pocket.
“I told you, Alastair wants to see you, he was crying non-stop after you left, and why would I obey you? I also have to visit my work here,”
“Then where’s Alastair? Why is he not with you?” nauna na itong mag-lakad kaya wala na akong magawa kun’di ang sumunod dito.
“I left him inside your office, I also have something to attend to, I will leave Alastair in your care for the meantime, wait for me, I’ll take you home after your work,” he said and stopped when we reached my office. He faced me again while holding the doorknob,
“Are we clear?” hindi ko ito sinagot at nauna nang pumasok. Naabutan ko si Alastair na bumubuo ng puzzle sa lounge area. Meron talaga akong mga puzzle and other games na makakatulong for my patients.
Napatingin si Alastair ng bumukas ang pintuan, Nang masilayan ako nito agad niyang binitawan ang hawak bago tumakbo papunta sa akin. Nag-squat pa ako ng upo para salubungin siya ng yakap. Pinupog ko ito ng halik sa pisngi na labis niyang ikinatuwa. Kahit hindi ito nagsasalita mahahalata mo ang kinang sa mga mata nito. Hindi ko alam kung ano ang mayro’n sa’kin pero magaan talaga ang loob ko sa batang ito.
“How are you Alas?” saglit itong bumitaw sa akin at kinuha ang ipad,
“I’m okay Mommy, I just miss you…” basa ko sa ipad nito, hindi ko na lang itinama ang pagtawag nito sa akin ng Mommy at agad na siyang niyaya sa sofa. Umupo ito sa hita ko at pinaglaruan ang hibla ng buhok ko.
“Have you eaten already?” Napalingon ako kay Duke na kakabalik lang ng cellphone nito sa bulsa. Umiling ako dito, Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom, kung hindi lang ako hinarangan ni Sarah kanina dapat sana ay nakapunta na ako sa cafeteria at nakakain.
Tumango si Duke at naupo sa katabi kong upuan. Nagdikit pa ang mga braso namin kaya umusog ako ng kaunti. Napansin naman nito iyon at tumikhim.
“I ask my secretary to buy us breakfast, does a sandwich okay with you?” hindi na ako nag-reklamo dahil hindi naman ako heavy eater sa agahan. Ilang minuto pa ang nakalipas ng dumating ang secretary nito bitbit ang tatlong plastic ng isang sikat na restaurant katapat nitong Hospital at sa kabilang kamay naman may bitbit itong juice, ice coffee and hot coffee. Agad nitong inilapag ang mga pinamili sa lamesa at inayos.
“Ang dami naman nito, mauubos ba natin lahat ‘yan?” sabi ko habang nililibot ang tingin sa may iba’t-ibang palaman na sandwich,
“That’s all yours, I don’t know what kind of sandwich you would like, that’s why I ordered everything on the menu,” he said calmly while he opened one of the sandwiches and gave it to me. Halos mabitawan ko naman ang inabot nito sa akin,
“What? Are you crazy? Hindi biro ang presyo ng isang sandwich Ace, at sa tingin mo ba kaya ko itong ubusin lahat?” hindi ko talaga ito kayang ubusin dahil bukod nasa 12 piraso na may iba’t-ibang palaman, malaki pa ito.
“Don’t worry I can afford everything, I can even buy everything you want,” naiinis ko naman itong tinignan bago ilapag ang sandwich na inabot nito,
“Look… wala sa dami ng pera ang pinag-uusapan natin dito Ace, ang akin lang, masyado itong marami kung ako lang ang kakain. Bukod sa nag-aksaya ka ng pera, nag-aksaya ka rin ng pagkain na pwede mo sana ipakain sa mas marami pa,” napaisip naman ito sa nilahad ko. Hinintay ko muna siyang makapag-isip ng maayos at inasikaso muna si Alastair na kasalukuyang kumakain ng inabot ko na sandwich at nakatingin sa akin.
Nginitian ko ito at hinawi ang buhok paitaas, inalis ko rin ang sauce na naiwan sa gilid ng labi nito.
“Okay, I will eat one of the sandwiches and the rest I will give to my secretary and your coworkers. Is that okay with you?” saglit akong napangiti sa tinuran nito. Madali naman pala siyang kausap.
“Good, you should do that often,” I said and smiled at him. He fixed his necktie and stood up. He leaned forward and kissed his son’s forehead before he whispered in my ear.
“Accept my proposal and I’ll always listen to you, I will also let you handle my credit card and my money, hmm?” hindi ako nakakibo ng ako naman ang halikan nito sa noo bago ito magpaalam umalis.