Chapter 8
JESSICA P. O. V
Apat araw na ang dumaan noong huli kaming magkita ni Agatha. Noong una may napansin agad ako sa kaniya pero binaliwala ko na lamang iyon dahil nga na-miss ko siya ng sobra. Hanggang sa tumawag ako sa kaniya ng sumunod na araw ay gano'n pa rin. Parang hindi na siya ang dati kong kaibigan na Agatha, parang may nagbago sa kaniya na hindi ko namamalayan. Pero siguro nga nagbago na siya kasi sa tagal ba naming hindi nagkita ay maaari siyang magbago lalo na at may asawa na siya. Pero noong pangalawang tawag ko na talaga sa kaniya doon na ako na alarma. Sa tagal naming magkaibigan ngayon lang ako nakaramdam sa kaniya ng ganito. Hindi ako naging komportable sa kaniya minsan, noong unang araw na pag-uusap namin. Ngunit nagduda na ako sa kaniya noong tumawag ako
para yayain siyang maghapunan sa mansyon. Wala sa isip ko na tanungin siya kong ano ang paborito niyang pagkain na alam ko naman dahil matagal na nga kaming magkaibigan, simula nang maghigh school ako e-naging kaibigan ko na siya kaya marami na akong alam tungkol sa kaniya. Tulad na lang kong buhay pa ba ang pamilya niya kong ano ang gusto niyang kulay kong anong klaseng damit ang gusto niyang isuot kong sino ang unang naging crush niya kong sino ang unang naging kasintahan niya at lalong lalo na ang pagkain na gusto niya. Ngunit nag-iba yata ang ihip ng hangin. Mali ang isinagot niya sa tanong ko kong ano ang paborito niyang pagkain. Ang alam ko hindi kumakain ng hipon si Agatha dahil may alerdye siya sa gano'n. Natatandaan ko pa nga na no'ng nasa 8th grade kami na e-nilebre ko siya ng ulam dahil masaya ako no'n dahil binili ako ni daddy ng bagong cellphone. Hindi ko naman alam na alerdye siya sa ganoon kaya pinilit ko siyang kainin iyong binili kong ulam para sa kaniya. Ngunit habang masaya kaming kumakain ay namula na lang siya bigla at doon ko lang nalaman na may alerdye siya sa hipon na hindi naman niya sinabi kaagad sa akin dahil ayaw nitong may pagkain na masayang. Kaya labis akong nabahala ng mali ang kaniyang isinagot sa tanong ko. Sa tingin ko ay hindi siya ang kaibigan ko at iyon ang gusto kong malaman. Kong sino man siya ay humanda siya sa akin. Kahit galit ako sa totoong Agatha dahil sa nangyari sa amin no'n ay hindi ko ito palalagpasin. Hindi ako papayag na ikaw ang magdusa kong sino ka man at lalong-lalo na hindi ako papayag na maging sa iyo si Raphael kong hindi naman siya ang karapat-dapat para sa iyo.
Nasa loob ako mismo nang sariling opisina ng may biglang kumatok. Napabalikwas ako sa aking narinig kaya napaayos ako ng pagkakaupo. Hinilot ko muna ang aking sentido bago nagsalita. "Pasok." Sabi ko sa isang tao na puwedeng kumatok sa opisina ko habang may ginagawa ako. Hindi ko na kailangan pang magsalita dahil kapag may kumatok malamang sa malamang may mahalagang sasabihin ang aking kalihim. "Ma'am, may tumawag po kanina kanina lang ang sabi po sabihin ko lang sa inyo ang pangalan niya, Maximo po ang pangalan at papunta na raw po siya rito." Sa aking narinig ay nawala ang antok at sakit ng ulo na aking naramdaman kanina kanina lang. Sa wakas makakatulog na ulit ako ng maayos at masasagot na rin ang hinala ko. Sana lang talaga mali ang hinala ko sa iyo Agatha o kong sino kamang babae ka na nagpapanggap bilang Agatha. Dahil kong hindi humanda ka talaga sa akin. Talagang pina sakit mo ang ulo ko sa kakaisip kong sino ka ba talaga.
Makalipas ang labinlimang minutong paghihintay ay kumatok ulit ang kalihim ko at pumasok ulit. "Nandito na po iyong tumawag kanina ma'am. Papasukin ko na ba ma'am?" "Hmm." Sang-ayon ko sa tanong nito. Narinig kong bumukas ulit ang pintuan tanda na mayroong pumasok. "Good afternoon, Miss Villaberde." Nasa mababang tono na sabi nito tanda na rin na nasa likod ko lang ito. "Proceed!" Diretsang sabi ko. Hindi na ako makapaghintay sa kong ano ang sasabihin ng taong binayaran ko para alamin kong ano ang naging buhay ni Agatha sa mga lumipas na taon. "Sa aking pananaliksik ay minsan lang lumabas ng bahay si Agatha Sandoval kasama ang mga mayayamang tao at asawa niya, ang una ay noong matapos ang kasal nila ni Raphael na pumunta sila sa bahay ng ama nito na si Augustine Samuel de Rossi dahil may okasyon... na para sa kanila ang okasyong 'yon." Naalala naman agad ni Jessica ang pangyayaring iyon. May ibinigay na imbitasyon ang kaniyang ama galing sa ama ni Raphael para sa kaniya at iyon ang okasyon para kina Raphael at Agatha na bagong kasal lamang. Na hindi rin siya pumunta sa party na iyon dahil iyon ang araw ng pagpunta niya sa State. "Pangalawa, pumunta ang mag-asawa sa Hongkong para sa kanilang honeymoon at makalipas lang ang isang buwan ay bumalik din sila sa Pilipinas, pangatlo ay noong dalawang buwan na ang lumipas, pumunta ang mag-asawa sa bahay ng ama ni Raphael at panghuli, dahil na rin sa nagdududa ako sa mga pangyayari dahil madalang lang lumabas itong asawa ni Mr. De Rossi ay sinubaybayan ko na mismo ang kanilang bahay kong ito ba ay lalabas at kagabi nga lumabas ito bandang alas nuwebe ng gabi kong saan paalis na sana ako sa oras na 'yon dahil sa tingin ko ay minsan lang talaga itong lumabas si Agatha De Rossi. Sinundan ko ito at may pinuntahan itong bahay at ang narinig ko ay nagtanong ito sa guwarda kong ano ginagawa ng kaniyang papa. Pagkatapos ay pumasok na ito at isinara naman ng guard ang gate ng bahay. Hinintay ko ito lumabas at eksakto alas dose ng gabi ay lumabas ito at umuwi na pagkatapos sa mansyon ni Mr. de Rossi." Mahabang salaysay ng lalaking binayaran ni Jessica. Habang hindi naman makapaniwala si Jessica sa kaniyang narinig. Ang alam niya ay matagal ng walang ama si Agatha. Ang sabi nito sa kaniya noong high school pa lamang sila ay namatay na ang ama nito noong nasa huling baitang ito ng elementarya dahil sa sakit na Dementia. Hindi naman alam ni Jessica kong nagsisinungaling lang ba si Agatha noon o hindi dahil siya mismo naka punta sa bahay nila Agatha nong nasa high school pa lamang sila kaya para sa kaniya ay imposeble ang sinabi ng taong nasa likod niya ngayon. Ngunit ilang sandali lamang ay napa halakhak bigla ang babae dahil sa hindi makapaniwala sa kaniyang naiisip. "Thank you! And you may now leave." Sabi ng babae sa lalaki habang nanatiling nakatalikod at nakangisi. Nang sa tingin ni Jessica ay nakalabas na ang lalaking binayaran ay nagsalita ulit ito. "Ang kailangan ko lang ngayon ay kumpirmahin." Sabi ng babae sa mismong sarili. Mabilis nitong nilinis ang mesa at pagkatapos ay tumayo na ito at naglakad na may galit na tingin pa labas ng pinto. Ang bawat makakakita sa itsura nito ay napapahinto at napapayuko.