"Maam, bigay ko raw ho ito sainyo" sabi ng secretary ni Zero na may malawak na ngiti sakanyang labi. Tatlong dilaw na rosas iyon na may nakasabit na note.
Babe,
Hi Miss beautiful, can we go out for lunch? I miss you –ZERO
Sumulyap ako sa kabubukas na pinto ng kanyang office, nakatupi na ang kanyang sleeves hanggang sa kanyang siko saka nya pinasadahan ng kanyang daliri ang kanyang buhok.
Humagikgik si Lexie, ang kanyang sekretarya na para bang kinikilig. Maganda si Lexie, sya sana ang aking sekretarya pero pinili sya ng dad ni Zero para maging sekretarya ng kanyang anak.
"Hey. Are you done with your paper works?" Alas dose na kasi ng tanghali, wala naman akong masyadong trabaho kanina kaya natapos ko rin naman agad.
"Halos wala ka namang tinirang paper works sakin eh. Gutom ka na ba?" Yumuko ito at hinalikan ako sa pisngi, nakarinig ako ng mga hagikhik. Lunch time na pero marami parin ang nagpapaiwan sa kani-kanilang cubicles!
"Not yet. But let's eat, baka pagod ka na. Lexie cancel my next meeting pakisabi mamaya nalang pag kabalik namin"
"Ano ka ba? Dyan nalang tayo sa cafeteria kumain para mahabol mo yung meeting mo"
"Just cancel it, Lexie." He slid his hand on my hand saka nya ako hinila paalis doon.
"Zero, hindi mo na dapat kinansela pa ang meeting mo. Besides kakain lang naman tayo hindi ba?" Pero hindi nya ako pinansin, pinagbuksan nya ako ng pinto maging sa aking pagupo ay nakaalalay ito. He even put my seatbelts on.
Nakabalik na kami ng manila noong isang gabi pa, hindi tumigil ang reklamo ni Star sa byahe kaya halos sipain na sya papalabas ni Dark sa kotse. Mabuti na lamang at napakiusapan ko si Dark, knowing him gagawin nya iyon dahil ayaw nya ng mga taong nakakairita at maraming kaartehan sa buhay.
Lagi itong may reklamo sa sasakyan, sa aircon, sa kakainan, sa amin at marami pang iba. Buong byahe tuloy ay nakikinig lang ako sa aking spotify para iwasan ang kanyang mga drama.
Ilang beses rin syang nagtangkang lumapit kay Zero, but he would go near me or hug me to avoid her. She would roll her eyes at me while whispering words that she can only hear.
"Penelope, kung ako sayo mag patawas ka pagkauwi ng maynila. Baka naman kasi yang bubulong bulong effect nyang si Star ay sa mangkukulam pala diba? For safety purposes lang naman." Kinurot ko si Arki sa kanyang sinabi. This guy talaga!
"Pero in case ha, may kakilala ako" dagdag pa ni Arki saka humalakhak.
Ngayon ay mas malaya na itong ipakita ang pagiging malambot nya, pero limitado lamang dahil according to him nangingibabaw parin ang kanyang pagiging lalaki.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Zero habang papalabas na kami ng parking lot.
"We'll have our first lunch date again. Pwede ba sa five star restaurant, first date natin ito pero promise idadaan kita sa kwek kwekan dyan baka kasi gusto mo" napangiti ako, siguro ay naaalala nyang mas gusto ko sa mga mumurahing kainan lang.
Mula noong nagumpisa ako sa O'brien sa cafeteria lamang ako kumakain, nakikisalamuha sa mga kapwa ko empleyado. May ilan na nagtataka kung bakit daw ako kumakain doon at hindi sa mamahaling restaurant sa taas ng sweldo ko.
"Dapat ipapromote na kita, mas bagay sayong maging ceo kesa ako. You can handle the job. I mean pwede namang tayong dalawa tapos iisa lang office natin..." May ngiting naglalaro sa kanyang labi, na para bang may iniisip na either hindi maganda o kalokohan.
"Anak ka ng may ari ng kumpanya kaya dapat ka sa posisyon mo, kaya mo naman eh. Saka parang parehas lang tayo ng trabaho, ayoko rin ng masyadong pressure kaya ipromote man ako I would say no."
"Bakit pa kasi kailangan mong magtrabaho... Pwede ka naman maging housewife nalang, tapos ikaw mag-aalaga sa mga anak natin. Ako na bahala sa finances, I can provide" seryoso nyang sabi habang diretso ang tingin sa kalsada, ang kanyang isang kamay ay nasa manibela at ang isa ay hinahanap ang akin.
"Anong gusto mong iparating?"
Humugot pa ito ng malalim na hininga "sabi ko hindi mo naman kailangan magtrabaho, secured naman na ang future natin saka ng mga magiging anak natin. Kahit pinagsamang volleyball at basketball team pa sa dami yung mga anak natin wala na tayong iisipin, I can provide them the good life that they deserve."
"Future natin? Anak natin? Are you trying to say na ikakasal tayo?" Napataas ang kilay ko, maging sya ay napataas ang kilay ng magsalubong ang aming paningin "Eyes on the road Zero"
"Matagal ko ng gustong maikasal sayo. And I'm lowkey asking you now for marriage. Pakakasal tayo Penelope, anong akala mo hahayaan pa kitang makawala sakin? Hell no!" Aniya bago bumusina na kinagulat ko tinampal ko ang kanyang kamay but he chuckled.
"Eh paano pag ayaw ko?" Biro ko, ngumuso sya saka hinigpitan ang hawak sa kamay ko.
"Handa akong maghintay kahit ilang beses mo pa akong tanggihan hindi ako titigil. Nakiusap na ako Sakanya, ikaw na at wala na akong gusto pang iba. Saka alam ko namang o-oo ka, mahal mo ako eh" he smirked saka tumingin sa akin at kumindat!
"Conceited! Ang kapal mo sir!"
"Pero hindi mo dineny" mas lumawak ang kanyang ngiti, his thumb is stroking circles a the back of my hand. Pinamulahan ako ng pisngi saka kinagat ang pang ibabang labi.
"Oh please, bakit ang hangin mo yata ngayon?"
"Kasi mahal mo ako" napairap ako kaya humalakhak sya.
"See? Hindi mo dineny baby boo." He kissed the back of my hand twice habang nililiko ang kotse papasok sa parking lot ng isang sikat na restaurant.
"I don't want to burst your bubble, Mister" umiling lamang ito habang nakangiti parin.
He kissed my temple habang inaalis ang aking seatbelt, lumabas ito at pinagbuksan ako ng pinto.
"Reservation for Mr. and Mrs. O'brien" aniya sa sumalubong na staff sa amin, kinurot ko ang kanyang tagiliran pero ngumiti lamang sya.
"Anong Mr. and Mrs. ka dyan? Mukha ba tayong kasal?" Sita ko sakanya habang papunta kami sa aming upuan pero sumenyas lamang ito sa waiter.
"Mine is tempura and Risotto, you? aniya pagkatapos tignan ang menu. "Do you want some wine babe?" Tumango ako at tumingala naman sya sa waiter.
"Zero, masyado naman yatang mamahalin dito" bulong ko sakanya habang pinapatong ang aking ulo sa table saka ngumuso.
"Just please order."
"Hmm. Caramel Éclair and Tori Karaage" ngumuso ako habang binabalik ang menu sa waiter
"Babe, wag kang mag pacute mamaya iuwi kita sa condo doon na tayo maghapon"banta nya habang pinipisil ang magkabila kong pisngi.
"Pervert!"
"Pervert? Ha! Anong iniisip mong gagawin natin sa condo babe? Pwede namang iuuwi kita para doon tayo mag date." He's grinning from ear to ear and starring at me maliciously. My face heated up good thing dumating ang waiter dala dala ang isang bote ng red wine.
"So tell me, ano bang iniisip mo na gagawin natin sa condo ko? Penelope we won't do it again unless we get married today"
"Kung inaya mo ako dito para asarin ako, Zero sinasabi ko sayo. Isa pa anong klaseng date ang mangyayari sa condo mo?" sumimangot ako at humalukipkip. Inusog nya ang kanyang upuan at sinandal ang ulo sa aking braso.
"Hindi na mabiro. Sorry na po baby boo" nilambingan nya pa ang kanyang tono, mabuti na lamang ay iilan lang ang tao pero may iilan na lumingon sa amin lalo na ang mga babaeng malapit sa aming kinauupuan.
Halos mabali na ang leeg ng isang babae na sinisilip si Zero. Oh no, akin to. Bleeh.
I wrapped my arm around him and snuggled my nose to his head. Gusto ko syang sakalin pero lalambingin ko nalang kasi baka agawin sakin, mahirap na.
"Babe, malambing ka talaga pag nagseselos no? Don't worry I'm all yours" inirapan ko sya at umayos naman sya ng upo.
"Pag kakausapin mo kasi sarili mo babe keep it to your self. Ano na ulit, lalambingin ko nalang kasi baka agawin sakin?"
Halos hilingin ko na lamunin ako ng lupa sa pagkakataong iyon, ang ginawa ko na lamang ay sipain ang paa nya sa ilalim ng mesa. Nakanguso lamang ako habang hinihintay ang pagkain habang sya naman ay pinaglalaruan ang aking daliri.
"Babe, pasyalan mo naman ako sa condo o kaya sa bahay. Miss na miss na kita" sumimangot ito at pinapungay ang mata, nagpapa cute.
"Kakatapos lang natin magbakasyon Zero, miss mo na ako agad."
"Syempre mahal kita eh, kada segundo miss kita" sinandal nyang muli ang kanyang ulo sa aking braso. Nagpapacute, naglalambing ang baby boy.
"Pwede din naman na ako ang dadalaw sayo, sabihin mo na kasi sakin yung address mo" may pagsusumamo sa kanyang mata at batid mo ang pag asa nya na ibibigay ko ang aking address.
"It's just a five minute drive from O'brien. Sige punta tayo don mamaya" his face lighted up, parang batang binilan ng bagong laruan dahil ayaw na nya sa kanyang lumang laruan.
Dumating rin ang aming orders, the waitress giggled when she saw Zero smiled at her. Nag init ang dugo ko para bang gusto kong hablutin si Zero saka halikan sa harap nya.
"Let's eat babe" aniya na narinig ng waitress, lumawak ang ngiti ko lalo na ng sumimangot ito. I want to stick my tongue out but I smiled at her instead... sarcastically.
"Babalik na ba tayo sa office?" Tanong ko sakanya nang makasakay sa kotse.
"Do you want us to visit your house first?" Tumango ako habang sya naman ay inistart ang engine. Itinituro ko ang daan papunta sa akong bahay, napakamot sya ng ulo ng mapagtantong sobrang lapit nga nito sa kanilang kompanya.
"Come in" aya ko sakanya sa loob, nadatnan ko si Patrick at Jeska na kumakain sa dining room.
"Good afternoon po Maam" bati ni Patrick tumango ako.
"Kain po maam, sir" pag aaya samin ni Jeska.
"May stocks pa ba tayo Jeska? Pag wala na magiiwan ako ng pera, tapos grocery kayo mamaya." Kinalabit ako ni Zero para iparamdam na andon sya, siguro ay nagtataka sya kung sino itong sila Patrick at Jeska.
"Zero, si Jeska at Patrick mga kasama ko dito sa bahay. Jeska, Patrick si Zero... uhh boss ko" umangat ang gilid ng labi ni Zero pati ang kanyang kilay. Hindi ko naman kasi alam kung ano ko siya ngayon. Hindi ko sigurado kung kami na ba ulit, katulad ng dati magulo parin kami.
"Sige alis na kami, yung pera iiwan ko na lamang dyan sa may coffee table. Kayo na ang bahala"
"Ilang beses ng pumunta si Jairus sa bahay mo? Natutulog ba sya doon?" Tanong nya habang nasa byahe.
"Siguro mga eight or more times. Oo minsan doon siya natutulog"
"Probably Patrick and Jeska thinks that he's your boyfriend" his face remained apathetic para bang nagtatampo.
"Galit ka ba?" I asked
"Hindi. Okay lang sa akin na hindi mo ako pinakilala bilang boyfriend mo. Siguro nga ako lang nagaassume na ganoon na ang tingin mo sa akin" humaba pa ang nguso nito saka sinandal ang kanyang ulo sa kamay na nakapatong sa bintana ng kanyang kotse.
Hinaplos ko ang kanyang mukha, in a swift move ang kaninang isang kamay nya na nasa may bintana ay nasa manibela na habang ang isa ay hawak ang aking kamay na nasa kanyang mukha.
"Sorry, syempre hindi pa naman maayos ang lahat"
"Penelope, para sa akin maayos na. Ano pa bang iniisip mong mali sa relasyon na to?"
"Wala akong sinasabing mali, hindi pa kasi ako kumportable. Siguro dahil doon, kakaayos lang natin Zero. Hindi ko pa alam kung ano ba tayo, kung anong lugar ko sa buhay mo o lugar mo sa buhay ko. It's still a mess for me Zero" I looked away trying to avoid his gaze, kanina pa ito naka park at nakatingin lamang sa akin.
"Babe, everything is under our control now, you know who owns me now you just have to take me back."
Take him back to me.. take him back? Kailan ko ba siya pinakawalan? Kahit naman ilang beses kong sabihin na okay na ako, kaya ko ng wala sya alam kong nakakapit parin ako sakanya. I tried but I always fail.
I leaned in to him and sighed.
"Good after Maam, Sir" bati ni Kuya Ej sumaludo ito sa akin at ngumiti naman ako.
Zero's hand touched mine, he interlaced our fingers together. Mapapatingin ang ilan sa aming kamay saka ngingiti. Tinagilid ko ang ulo ko para silipin si Zero, seryoso ito tumatango lamang sa bumabati sakanya.
Umusog ang ilang mge empleyado ng makitang sasakay kami sa elevator. Bumati sila samin, tango at ngiti lamang ang aming naging sagot. Nainip siguro si Zero kaya dinaldal nya ako habang pataas kami sa floor namin.
"Can I drive you home tonight?" Tanong nito tila ba wala itong pake sa mga makakarinig.
"Dala ko kotse ko" maikli kong sagot
"Then leave it here" ngumuso ito at sinulyapan ako. He put his arm to my shoulder wala talagang pakealam sa mga empleyado nyang ngayon ay mahinang humahagikgik sa aming likuran.
"Paano po ako papasok bukas Mr. O'brien?" Napataas ang kilay ko habang naghihintay ng sagot.
"Then I'll fetch you, Penelope. Simple as that"
"Mas maaga akong pumapasok kesa sayo.. "Tss. Then I'll go earlier than the usual." Umirap pa ito bago idikit ang ulo ko sa braso nya. Oo na, may muscles na sya doon.
"Are you sleepy? I have a wide couch on my office you can rest there" nasa eight floor pa lamang kami at medyo nakakaramdam na ako ng pagka awkward sa kadaldalan ni Zero. May mga kasama kaya kami dito!
"Hindi na" sagot ko pero napahikab ako.
"Sabi ko kasi sayo pwede ka namang hindi muna pumasok, you're so stubborn"
"Just go to my office, may meeting naman ako babe. Just please rest for me" tumango nalang ako na sakto namang pagbukas ng elevator.
Ang awkward lang na lahat ng madadaanan namin ay napapalingon sa aming dalawa, sumulyap ako sa aking office saka ito nilagpasan. Pinagbuksan nya ako ng pinto at bumungad sa akin ang pang lalaking amoy ng kanyang office.
White walls with a touch of black, maluwang ang kanyang office kumpara sa akin. May sarili rin itong banyo, malaki ang kanyang table at may malaking flat screen na computer na may logo ng apple.
"The couch is there babe, may unan din dyan" tinulak nya ako papalapit sa may couch habang hawak ang isang malaking unan. "Sleep well I love you babe" he kissed my cheek, kinuha nya ang coat nya na nakasampay sa kanyang swivel chair at pinatong iyon sa aking bewang.
He kissed my cheek again before exiting his office.