Hindi na namin tinuloy ang truth or dare dahil may isa ng nagwalk out. Nag decide nalang kami na magswimming na lamang. Sumisid ako sa ilalim ng tubig baka doon ko mahanap ang hinahanap kong sagot, pero wala.
Bakit ba lagi akong napapasok sa magulong mundo ng pag-ibig?
"Drinks?" Napalingon ako at nakita si Zero na nakaupo sa sulok ng pool mga isang metro lamang ang layo sa kinatatayuan ko.
"I can only offer you coffee, tea, juice or me" nakangisi nyang sabi, naginit ang pisngi ko at sinamaan sya ng tingin.
"No, thank you" lalangoy na sana ako ng bigla syang bumaba sa tubig at hinawakan ako sa braso.
"Wag ka namang umiwas, dehado ako sa laban eh. He can have you all night, he can sleep with you and cuddle with you before going to bed and sleep. Ito lang oras ko kasama ka, wag mo na ipagdamot so please?" He said in a sad tone while interlacing our fingers, I let out a sigh and nodded my head.
Hinagilap ng paningin ko si Jairus na nakatingin na pala samin, tumango lang sya at ngumiti.
"Naenjoy mo ba yung water sport kanina?" Tanong nya habang hinihila nya ako papunta sa gilid ng pool. Tumango lang ako, I saw how his eyes twinkled and it messed up my heart beats.
"Magiging busy ka na sa work mo pag akyat natin, do you want me to extend your leave?" His hand on my waist rubbing his thumb on my shirt under the water,
"Hindi na, wala na akong maisip na gawin. Ayoko naman maistorbo yung work nila. Saka I should get back to work, namiss ko na ang opisina"
"Wala ka namang tratrabahuin sa opisina, pinagawa ko na sa iba"
"Ayoko ng special treatment Mr. O'brien, ayokong maging unfair sa ibang mga empleyado. Kung ibibigay mo lang rin sa iba yung trabaho ko then I will resign" tahasan kong sabi sakanya, pumungay lang ang mata nya at kinurot ang pisngi ko.
"Okay pero ayoko na matatambakan ka ng trabaho" aniya bago hinalikan ang ulo ko.
"Can you tell me where you live?" Seryoso nyang tanong still rubbing his thumb to my now bare skin, naitaas ng tubig ang laylayan ng aking damit.
"It's for you to find out Mr. O'brien" he smirked and nuzzled his nose to my nose. I felt uncomfortable as memories started to flood my mind.
"Why do you want me back?" Hinarap ko sya at masinsinang tinanong, I looked into his eyes, where his emotions are, his eyes reflects his sincerity.
"Is I love you enough?" Nakangiti nyang tanong sa akin pabalik, umiling ako it isn't enough I guess. Hindi sapat na mahal lang.
"I want you in my life Penelope, I saw the potential in you as my wife, baby. I love you, and I need you" I saw how his eyes reflected all of his words it's as if it's convincing me to believe all of it..
"Paano si Star? She saved you, she loves you"
"I am just confused as hell way back, I loved her but I know I love you way more. I can't choose between you and her last time because I know that she saved me, pakiramdam ko ay ang pagmamahal ko ang magiging sapat na kabayaran para don and I know that I loved her too. But I swear this time I mean it, Tanungin mo pa ako ng ilang milyong beses pangalan mo ang sagot ko" he caressed my face that gave a chilling sensation to my spine.
"Zero masasaktan sya, ayoko ring saktan si Jairus kapag ikaw ang pinili ko." I suddenly felt guilty. May dalawang masasaktan kapag nagkataon. Pero bakit mukhang may sagot na ako sa sarili kong tanong?
"Let them be, they will heal anyway. Kung sila ang pipiliin natin pero hindi tayo magiging masaya, tayo ang masasaktan. Handa akong manakit at talagang may masasaktan Penelope, love causes us pain anyway so we'll really have to deal with it. Love and pain are twins, bear with that"
"Suddenly you know how to make hugot, Mr. O'brien" nakangiti kong sabi, teasing him trying to wear off the awkwardness.
"Yeah, I sounded so corny tho. They say, you'll be corny when you're inlove" aniya saka tumabi sa akin.
"God knows how much I wanted to kiss you right now." He blurted out.
"But I don't want to be unfair with Jairus, he's my bro and I know he takes care of you" I smiled at that moment, he treasures his friendship with Jairus and I thanked him for that. Atleast ngayon alam ko na kapag may pinili na ako sa kanilang dalawa andun parin yung pagkakaibigan nila.
"Zero, wag mo sisirain yung pagkakaibigan nyo ni Jairus ng dahil sa akin ha? And sana maging maayos na kayo ni Trey"
"Hmm, what about that bastard?" Nakataas ang kilay nyang sabi, hindi ko napigilan ang sarili kong batukan sya.
"Don't call my brother a bastard!" I exclaimed, a confused look is plastered on his face. "Trey is your what? Brother?"
"Ano yan?" Tanong ni Dark na papalapit sa akin.
"Hindi nya alam na kapatid ko si Trevor?" Naguguluhan kong tanong. Hindi nya alam? Walang nagsabi?
"Hindi sya nagtatanong eh" sagot ni Dark. Hinimas ni Zero ang parte ng batok nya na hinampas ko.
"Sorry, sorry na. Hindi ko alam na walang nakapagsabi sayo na kapatid ko sila nila Ashton saka si Trevor. Hindi mo ba binasa yung mga reports na pinasa ko sayo noong dumating ako ng Korea? Hindi mo binasa yung pangalan ko? Yu na ang apelyido ko." Saad ko.
"I didn't check. Sorry if I cursed your brother. I didn't know" hinapit nya ako sa bewang at sinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
I met Jairus' gaze and he smiled faintly at me, napaayos ako ng tayo saka tumingin sa malayo.
"Good night, sleep tight" he kissed my cheek bago buksan ang pinto ng villa namin. Sumaludo ito kay Jairus bago umalis.
Inabutan ako ng tuyong twalya ni Jairus at tinulak ako papasok ng banyo.
"Shower na baby" sya na rin ang nagsarado ng pinto. Napabuntong hinga nalang ako bago maligo.
Jairus was sitting on the couch watching Cars while eating a popcorn. He looked at me and invited me to join him since he knows that I'm into cartoons.
"Kamusta araw mo?" I asked trying to brush off the awkwardness between us.
"Fifty percent okay, fifty percent not okay" he let out a deep sigh
"Mm, bakit ganon? Diba sabi mo dapat one hundred percent lagi?" Pangungulit ko.
"Syempre nag away tayo, kaya hindi okay yun. Gusto ko okay tayo lagi... saka nagiisip ako kung paano ko ipapanalo tong laban na to kahit siguro thirty percent lang yung chance na mananalo ako" ngumiti ito bago nya isinandal ang ulo ko sa balikat nya.
"But I wouldn't be so selfish, never basta sayo. Kung nakikita ko naman na mas masaya ka sakanya, siguro worth it na i-let go kita. Pero syempre lalaban ako, baka sakaling ako piliin mo eh" Tumawa ito ng bahagya at pinisil ang kamay ko.
"Sorry Jai. Sorry kung pinapasok kita sa magulo kong mundo.. "No, kahit magulo yung mundo mo papasukin ko parin yan, kahit gaano pa kagulo Penelope basta andun ka" pagputol nya sa sasabihin ko, hindi nya nga talaga ako deserve, itong pagmamahal nya dapat masuklian ng babaeng kasing lalim nya magmahal.
"Hmm, did you loved someone else before me?" Tanong ko bigla bago ako umayos ng upo at hininaan ang volume ng tv. Siguro may minahal rin sya bago ako, sobrang lalim ng hugot ng pagmamahal nya. Saka sa itsura nyang yan, walang naging girlfriend?
"Bakit mo natanong?" Nakakunot noo nyang sagot
"Syempre part yun ng get to know more portion natin"
"Meron. Childhood sweetheart ko, pero iniwan nya rin ako eh. Nagpunta sya ng Paris para maging fashion designer, pangarap nya yun sino ba ako para ipagdamot iyon?" Ilang minuto rin bago sya nagumpisang ikwento yung sakanila ni Alexis.
"Gustong gusto talaga ni Alexis yun, bata palang kami mahilig na syang magdesign ng mga damit, kita ko yung tuwa sa mata nya kapag nakakadesign sya ng damit tapos pinapagawa nya sa mga trabahador nila. May clothing company kasi sila, kaya rin siguro pinili nyang mag Paris kesa dumito nalang kasama ako. Pangarap yun eh, para sa kinabukasan nya kaya naiintindihan ko"
"What makes her happy makes me happy too, kahit ibig sabihin non mawawala sya sakin okay lang." Kwento nya, ramdam kong mahal niya parin si Alexis. Kumirot ng kunti ang puso ko, malamang ay dahil sa selos.
"Hindi mo sya sinundan?" Tanong kong muli.
"Sinundan pero hindi ako nagpapakita. Kaya nga lagi akong nawawala ng dalawang o tatlong araw noon eh. Natigil lang nung narealize kong mahal kita" aniya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Sayang rin effort, ako lang naman yung nakakapit eh. Masyado syang focus sa studies nya noon, ngayon sa career nya. Manggugulo pa ba ako?" Ngumiti ito pero hindi umabot iyon sa kanyang mata, may halong lungkot at panghihinayang ang nakita ko sa mga mata nya.
"Mahal mo pa" I stated, he nodded his head.
"Bakit hindi mo balikan? Baka hinihintay ka lang nya? Baka hinihintay nya lang na magparamdam ka"
"Nandito na sya ulit sa Pilipinas, bakasyon raw. Okay na ako, meron ka na eh" pumeke ito ng ngiti at tinuon ang atensyon sa pinapanuod namin.
Hindi pa sya tapos na mahalin si Alexis, parang ako kay Zero. Paano pala kung alam ni Alexis na sinusundan sya ni Jairus sa Paris? Paano pag bumalik si Alexis dito para makipagbalikan sakanya? Ang daming pumapasok sa isip ko na posibilidad na pwede pa si Jairus at Alexis, parang kinukurot ang puso ko.
Maswerte si Alexis at mahal sya ni Jairus, napaka selfless ng pagmamahal nito. Wala syang pake kung may makukuha sya pabalik, basta bigay lang sya ng bigay. Wala syang pake kung sya yung masasaktan, yung maiiwan, basta masaya lang yung mahal nya.
"Paano kung bumalik si Alexis para sayo?" Hindi ako mapakali kaya natanong ko. Pero hindi sya sumagot, nakafocus lang sya sa panunuod kaya hindi ko na sya kinulit. Marahil ay ayaw nyang pagusapan iyon.
Para sakanya sayang yung effort kasi hindi nya naman pinaalam na nageeffort parin sya, pero paano nga kung alam ni Alexis? Syempre may mga magbabago, malay ba natin kung naging sila na ngayon diba? Sayang yung effort, kasi hindi nakita.
"I think its time to sleep" pakanta nyang sabi, tumayo na kami at dumiretso na sa higaan. Kinumutan nya ako at hinalikan sa noo bago sya dumiretso sa kama nya.
"Good night Penelope" and he turned off the lights.
Nagising ako sa pakiramdam na parang pinapanood, halos mahulog ako sa kama ng makitang titig na titig si Zero sakin. Napangiti sya kaya tinabunan ko ang sarili ko ng kumot. God!
"Still sleepy? Sige sleep ka pa, kausapin ko nalang sila Dark na medyo tatanghaliin tayo bumyahe" aniya na nagpabangon sakin, oo nga pala ngayon pala kami gagala. Bumangon na ako at tinakpan ang aking mukha.
"Why are you covering your face babe? You look beautiful" aniya habang hinihila ang kumot na nakatakip sa mukha ko.
"I look like a mess, sino ba nagpapasok sayo?" Masungit kong tanong saka ko inalis ang kumot na tumatakip sa aking mukha.
"Si Jairus. Be my beautiful mess then?" Naginit ang pisngi ko, pinigilan ko ang sarili ko sa pag ngiti dahil sa kilig. Good morning to me.
"Nasan si Jairus?" Tanong ko habang inaayos ang aking kama.
"Naliligo. Susunod ka na. After an hour baka alis na tayo" he placed his hand on my waist and kissed my cheeks. "Good morning babe" aniya, bumukas ang pinto ng banyo at lumabas ang bagong ligong si Jairus. Lumapit si Zero sakanya at nakipag chest bump.
"Good morning baby" bati sakin ni Jairus at hinalikan ako sa ulo.
Hindi ko naiwasang mapahawak sa aking noo, saka ko hinilot ang aking sentido. What a good way to start the day right? Magigising ka sa pakiramdam na para kang pinapanuod to find out that Zero, my first love is staring at my while sleeping nag goodmorning saka humalik sa pisngi...
And then your suitor, the one who made you fall inlove for the second time, na kaibigan nya ay lalabas ng banyo. Topless. Saka ka hahalikan sa noo.
What a morning.