"May netflix naman pala" sabi niya, tumatawag ako ngayon para mag pa room service ng pagkain.
"Anong gusto mong panuorin?" Tanong niya
"Gusto ko ng cartoons ngayon, Monsters Incorporated nalang" sagot ko saka ko binaba ang telepono.
"Mike Wazowski" he mimicked Boo, sa sobrang gulat ko napahagalpak ako sa tawa.
"That's cute!" I said, naramdaman ko nalang ang yakap nya sa akin mula sa aking likod.
"Talented ko talaga ano?" He joked mahina kong sinampal ang kanyang mukha habang natatawa.
"What, totoo Penelope. Gusto mo gayahin ko yung lady snail don? Makikita mo mamaya"
"I'm watching Mike Wazowski, always watching" Jairus impersonating the lady snail from Monsters Inc. had me cracking up. Sumasakit na ang tyan ko kakatawa lalo pa at katatapos naming kumain. Magkahawak kamay kami kakatawa kanina ko pa nga sya nahahampas.
"Stop na, hindi ko na kaya" sabi ko sakanya, he burried his face to my nape at doon sininghot ang buhok ko.
"Bakit ka kasi tawa ng tawa? Tama na Penelope" aniya saka tumawa rin "Ulitin mo ulit I want to hear it again" sabi ko saka tumawang muli. Ang cute kasi ng mukha nya doon at tawang tawa ako sa boses nya
"Ayoko na, baka mamaya hindi ka na makahinga" inayos nya ang mga takas kong buhok at inipit iyon sa likod ng aking tenga.
He cupped my face habang ako tumatawa parin, napatigil ako ng halikan nya ang noo ko. It made my heart flutter, and it sent shivers down to my spine. Nagkatinginan at nagngitian.
"Kung may kailangan ka text mo lang ako or katukin mo ako sa kabila" aniya, hinapit nya ako sa bewang at hinalikan sa noo.
"Goodnight Penelope." And he exited my room.
Napaaga kami ng uwi dahil nagkaroon ng emergency sa Alcantara, hindi na ako nagpaiwan sa Korea dahil hindi ko rin naman maeenjoy pag magisa.
Tatlong araw lang kami doon, nagkakilalanan, nagkamabutihan. Masasabi ko na lumalalim yung nararamdaman ko sakanya. Because he never failed to make me laugh, smile and feel kilig. Nawala nya sa isip ko si Zero, pero heto ako ngayon nasa mga O'brien para ipasa ang mga ibinigay sa akin ng aking sekretarya na mga report.
Naghihintay ako sa sala ng makita ko syang pababa mula sa kanyang kwarto. Nakajacket ito na parang nakita ko sa korea... Siguro galing syang korea noon.
Tinignan nya lang ako ng ilang segundo at dumiretso rin sa kusina, napayuko ako at napakagat sa labi ko.
Didiretso na sana ako sa work place ni tito ng may humawak sa braso ko.
"Gusto mo ba ng ice cream?" Napataas ang kilay ko, ako ba tinatanong nito?
"Penelope tayong dalawa lang dito so yes, I'm talking to you" lumakas ang tambol ng puso ko, it went wild
"Uhh, hindi na. Lalamigin sikmura ko hindi pa ako nagbreakfast. Sige hatid ko lang tong reports para makaalis na ako"
Mabibilis ang hakbang ko kaya siguro sampong hakbang lang nasa library na ako ni Tito. Inilapag ko nalang iyong mga report pero halos mawalan ako ng ulirat dahil sa gulat, nabunggo ko pa ang kapapasok na si Zero.
"Scared? Bakit ka nagulat?" Malalim ang boses nya lalo na at kulob dito sa library.
"Wala, andyan ka kasi bigla eh, hindi ko naman namalayang pumasok ka" paliwanag ko sakanya, I composed my self and I clenched my fist to calm my nerves.
"Wala si Daddy, kaya ako ang titingin dyan sa mga reports na iiwan mo. Have a seat" aniya
"Ha?"
"Penelope I said, have a seat" sabi nya bago umupo sa swivel chair. Umupo naman ako sa kabilang dulo ng mesa niya.
"You seem.. Tensed. Are you okay?"he asked
"Ah? Okay lang ako. Jetlagged lang, saka gutom I guess"
"Nagpaluto ako ng breakfast dito ka na kumain" kaswal nyang sabi habang binabasa ang mga reports.
"Hindi na, abala pa. Saka baka kila Trey ako kakain or sa drive thru nalang ako" sabi ko habang kinukurot ang sarili ko. Damn it, I'm so tensed!
"Damn girl, stop avoiding me." Tumaas ang tono ng boses nya at umalingaw ito sa buong kwarto.
"I am not avoiding you" madiin kong sabi emphasizing every words.
"Then eat with me here, kung ayaw mo magda-drive thru tayo"
Hindi ko na piniling makipag away pa, I am physically and mentally drained. Hindi kami nakatulog ni Jairus sa byahe at the night bago kami bumyahe. Nag netflix lang kami at nagkwentuhan.
"Saan mo gustong mag drive thru?" Tanong nya habang nagmamaneho, nakasakay kami sa corvette nya. This must be new?
"Hmm, gusto ko lang ng kape or iced coffe" bored kong sagot. Tumunog ang cellphone ko bigla.
Jairus Arden :))
Kain na prinsesa, office ako today. Sa O'brien ka pala ngayon para magsubmit, ingat ka ha? I miss you
I replied " I miss you too" to him saka ko binulsa ulit ang cellphone ko.
"Si Jairus yon? Mukhang okay kayo ah" I can hear bitterness to his voice o guni guni ko lang?
"Ahh oo." Sagot ko nalang.
Nakatingin lang sya sa daan habang nagmamaneho, namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.
"Kayo na ba?" He asked all of a sudden
"Hindi pa."
"Pa? So magiging kayo?" He asked again.
"Kung hahayaan mo" I whispered to my self.
"Pwede. Bakit naman hindi" I aswered, biglang bumilis ang takbo namin.
"Zero ano ba bagalan mo nga" reklamo ko sakanya but he's still driving like he's late for his wedding!
"Zero, tatalon ako" banta ko sakanya kahit hindi ko naman gagawin. Inalis ko ang lock ng sasakyan at medyo binuksan ang pinto, napaapak sya agad sa preno! Damn it! Just Damn it!
"Tangina, what were you thinking!? Bakit mo binuksan yung pinto?" Galit nyang tanong but I can see from his eyes that he's worried.
"Ayaw mo bagalan eh. Zero sabi ko naman sayo, I am tired. May jetlag ako at di pa ako nakatulog simula nung byahe. Kaya please lang spare me with your games" litanya ko habang hinihimas ang aking sentido. Pumipintig na ang ulo ko sa sobrang sakit.
"Hindi mo alam kung ilang gabi akong di makatulog kakahanap sayo, habang ikaw masaya ka sa iba" aniya saka muking pinaandar ang kanyang sasakyan, pero saktong bilis na ngayon.
"Hindi ko hawak ang kama mo, kaya pwede ka namang matulog walang nagbabawal sayo" sarkastiko kong sabi "wala akong panahong makipaglaro ngayon. Kaya pwede ba balik nalang tayo"
"Wala kang panahong makipaglaro sakin sa iba meron, ha, Penelope?" Seryoso nyang sabi, napahilamos ako ng mukha.
"Zero pwede ba? Don't act as if you're the only one who's suffering, like I'm cheating on you. Hindi ako ang unang nakipag laro sa iba, limang taon akong naghintay at ayaw ko iyong isumbat sayo kasi pwedeng pwede akong maghanap ng iba pero hinintay kita. Wala kang karapatang paratangan ako kasi kung ano man yung ginagawa ko ngayon, walang wala iyon sa ginagawa mo sa akin" diretsa kong sabi sakanya.
"Layuan mo kaibigan ko" maawtoridad nyang sabi, napatingin ako sakanya habang sya seryoso parin ang tingin sa daan.
"Layuan mo rin si Star" I dared him. Napalunok ito, at napasuntok sa manibela.
"Malinaw na hindi ako pinipili mo kaya wag mo rin akong papiliin." Nakapikit kong sabi. Ito na yata ang pinakamahabang byahe sa tanang buhay ko.
Nag red light kaya kelangan nyang huminto, cue ko na yon para bumaba.
"Penelope!" Sigaw nya saka hinawakan ang braso ko.
"Uuwi na ako kaya pwede ba? Let me go!" Pabagsak kong sinara ang pinto nya. Saktong nag green light kaya inandar nya rin ang kotse nya.
"Penelope, mukha na tayong tanga dito sumakay ka na nga!" Sigaw nya mula sa kotse nya, mabagal ang takbo nito at halos sinasabayan lang ang lakad ko.
"Zero pwede ba tantanan mo ako, gusto ko pang matulog. Baka mamaya magalit si Star!" Yes I am using Star to stop him, sya lang naman ang nagpapabago ng isip niya. Sad, but true.
"Wala akong pakelam kung magalit sya, just please sumakay ka na. Well get you food saka kita iuuwi sa tinutuluyan, o kahit convoy nalang"
No! Ayokong malaman mo kung saan ako nakatira! Swerte mo naman! Patuloy parin ang lakad ko pa-kanto para magabang ng taxi sya naman kanina ko pa naririnig ang mga mura nya habang binabagalan ang takbo.
"Penelope, please" desperado nyang tawag sakin, napapreno sya at napatigil ako ng may biglang tumigil na mazda sa tapat ko.
"Fuck, great!" Rinig kong sabi ni Zero mura sa loob.
Bumaba mula sa Mazda si Jairus na bagong ligo at naka corporate attire. Shit, ang gwapo. Pero shit, ngayon talaga?
"Penelope, anong problema?" Napalingon sya sa tunog ng pagsarado ni Zero ng pinto ng kotse. I saw Jairus' jaw clenched.
"Magdadrive thru lang kami" sagot ni Zero
"Hindi ikaw si Penelope, bra. Penelope, anong problema?" Kung anong tinapang ng tono ni Jairus kay Zero siyang kinalambing nito sakin.
"I.. I want to go home. I'm tired, I want to sleep" sagot ko.
"Okay, I will drive you home Penelope but we will get you food first" rinig kong sabi ni Zero, I can hear desperation to his voice, he is almost pleading. Ayaw ko makinig.
Tiningala ko si Jairus at humawak sa kamay nya.
"Jai, uwi na tayo" pakiusap ko, I'm so drained at nahihilo ako.
"Okay, bili muna tayo ng food mo saka kita hatid sa bahay mo" Magkahawak kamay kami ng hinatid nya ako sa passengers seat ng kanyang kotse, he even put my seatbelt on.
Tinanaw ko si Zero ng isarado ni Jairus ang pinto. Gulat at pagkabigo ang nasa mukha nito.
"Okay ka lang ba? Bakit hindi ka nagbreakfast?" Tanong ni Jairus sakin habang inistart ang engine.
"Okay lang. Nahihilo lang ako. Siguro kasi di tayo natulog bago tayo bumyahe" sabi ko habang hinihimas ang sentido ko.
Hinawakan nya ng kamay ko at pinagsaklop ang aming mga daliri, hinalikan niya ang likod ng aking kamay. Kung hindi lang sumasakit ang ulo ko ay baka namula na ako sa kilig.
"I missed you. Funny that we separated ways yesterday and I miss you so bad today. Buti nalang nakita kita. Hindi na ako magtatanong kung anong nangyare. Hindi nalang muna ako papasok, sasamahan nalang muna kita" aniya
"No. Jairus Arden, papasok ka. I will be fine sa bahay." Sabi ko habang pinaglalaruan ang daliri nya.
"I love it when you call my whole name. Pag ikaw ang nagsabi pakiramdam ko sobrang espesyal ng pangalan ko" and he kissed the back of my hand again.
May nakita akong stalls ng fishballs at kwek-kwek sa tabi ng daan, ghad I miss!
"Jairus, gusto ko nun" turo ko sa gilid, nagbaby talk pa ako para gumana ang pagpapacute ko sakanya, panigurado hindi ito papayag dahil umagahan ang pinaguusapan.
"Okay, bibili tayo pero meryenda mo yan after mo mag breakfast. Hindi ako aalis sainyo hanggang hindi ka kumakain" mabilis naman akong tumango tango na parang bata.
"Manang, ano to?" Tanong ko sa sili na nakawrapper.
"Dynamite po maam, ito po maanghang ito naman hindi. May karne po na may cheese yan sa loob"
"Okay manang, sampong piraso nito saka trentang piraso ng kwek kwek. Saka po sampong isaw na rin" hindi lang ako ang kakain nyan syempre, bibigyan ko rin iyong bagong kasambahay at driver.
Magaabot na sana ako ng bayad ng mag abot na ng limang daan si Jairus, he just kissed my head kaya wala na akong nagawa, isa pa makakahindi ka ba sa ngiti nya?
"Ay, ang sweet naman ng boyfriend mo hija. Ang swerte mo na nakahanap ka pa ng ganyan, iba na kasi ang kabataan ngayon"
"Ah manang hindi.. "Mas swerte po ako sakanya" nginitian lang ako ni Jairus ng putulin nya ang dapat kong sasabihin
"Keep the change po" ani Jairus at hinila na ako paalis sa stalls.
Katulad ng kanina nilagyan nya rin ako ng seatbelt. Pinagsaklop nya ulit ang aming mga daliri at nag U-turn. Twenty minutes ang layo ng Alcantara sa bahay ko, 10 minutes naman sa O'brien. Huminto kami sa KFC at inorderan nya ako ng isang bucket ng manok.
"Hi Jeska, kumakin na ba kayo ni Kuya Patrick? May dala kaming pagkain"
"Ay opo maam, kumain na po kami"
"Sayang naman. Ikaw Jai, kumain ka ba?" Tiningala ko sya at tinignan ang mata, ang ganda ng mata nya, expressive. Alanganin syang tumango kaya piningot ko ang tenga.
"Halika rito, kakain ka. Lakas makasermon na breakfast is the most important meal pero hindi rin kumakain"
"Sorry na, nagmamadali ako eh". Inabot ko sakanya ang mga plato at kubyertos
"Okay lang. Let's eat"
"Anong gagawin mo after you eat?" Tanong nya bigla habang kumakain kami.
"Tulog siguro, sama ng pakiramdam ko" sabi ko
He touched my forehead and I saw him frown.
"May lagnat ka. May gamot ka ba dyan?"
"Meron, sa kwarto. Mamaya na" sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain.
Inalalayan nya ako paakyat ng kwarto feeling ko tuloy sobrang lubha ng sakit ko, pero okay lang naappreciate ko naman ang pagiging gentleman nya. Pinainom nya ako ng gamot at kinumutan pagkatapos.
"Pasok ka na" antok kong sabi
"Mamaya, pag tulog ka na" aniya, hinila nya ang swivel chair ko at umupo malapit sa akin.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon. Namungay ang mata ko siguro dahil sa antok. Dala na rin ng epekto ng gamot nakatulog ako agad.
Nagising ako na medyo hilo pa, naramdaman kong may nakaunan sa may bandang tyan ko at si Jairus iyon. He is sleeping soundly while holding my hand.
Hindi na sya nakaalis, hindi na sya nakapasok. Napalingon ako sa bed side table ko at nakapatong doon ang laptop nya, gumagawa sya ng report at siguro dahil sa pinaghalong pagod, puyat at jet lag nakatulog sya.
Hinaplos ko ang mukha nya at ang buhok nya. Bakit ang haba ng pilikmata nya? Ang tapang ng facial features nya. His jaw, his lips, his eye lashes and everything. Hinigpitan ko ang hawak sya sa kamay ko.
I think I'm falling in love.. Too fast. I should take this all slow but it's so easy to fall for him.
Dahan dahan niyang binuksan ang kanyang mga mata na para bang gusto lang sumilip.
"Okay ka na? You look pale" sabi niya saka umayos ng upo at mas inilapit ang kanyang upuan sa aking kama.
"Hindi ka na nakapasok Jai" sabi ko sakanya ng nakasimangot.
"Hindi kita maiwan, mas importante ka kesa sa meeting. Isa pa pwede ko naman i-send nalang to sa office. Okay na rin naman yung emergency nung isang araw"
I blushed the moment that he told me that I am more important than his meeting, I shouldn't feel flattered tho kasi naiistorbo ko ang trabaho nya.
Hinaplos nya ulit ang noo ko at ngumiti.
"Kulang ka lang siguro sa tulog. Gusto mo na ba akong umalis?" Tanong niya, tinignan ko ang orasan na nasa bed side table at nakitang Alas Kuwatro na ng hapon. Hindi na kami nakapag lunch.
"Meryenda tayo?" Tumango naman sya at inalalayan akong tumayo dahil medyo nahihilo pa ako.
"Jeska, pa-prepare naman ng fries or kahit anong sandwich. Sa entertainment room nalang" Tumango naman ito. Jeska is twenty three years old and Patrick is twenty nine. Si Jairus ang nag hire sakanila at mukhang okay naman.
Papunta kami sa entertainment room ng hawakan ni Jairus ang kamay ko, I fel the whole zoo in my chest, nagkagulo at uminit rin ang pisngi ko.
Pumwesto sya sa gilid habang ako naman ay naghahanap ng pwedeng laruin. Sinaksak ko ang wii at inayos.
Umupo na ako sa tabi nya nang bigla nya akong yakapin. He burried his face to my name saka sininghot ang parteng iyon.
"I love you" he whispered to my ear, my heart palpitated, I am flabbergasted and still not ready.
"Okay lang kung wala pang sagot. No pressure. Gusto ko lang malaman mo na mahal kita, gusto ko lang mag I love you sayo"
"Slow Jai... Slow" I reminded him and he nodded his head. Nadatnan kaming ganon ni Jeska kaya nakita ko ang pamumula ng pisngi nito, tinapik ko ang hita ni Jairus kaya umayos ito ng upo.
"Heto na po ang meryenda maam, sir" umalis rin agad ito pagkatapos i-serve ang pagkain.
"Jai, kung mag shopping na kaya tayo ng mga gamit na kelangan dito sa bahay? Okay naman na ako" sabi ko sakanya habang kumakain kami.
"Pwede rin. Sigurado ka bang okay ka na?" Hinawakan nya ang noo at leeg ko "Sige, pahinga lang tayo after we eat"
May apat na bed room ang nabili kong bahay, dalawa sa baba at dalawa sa taas. Foam pa lang ang pwedeng higaan nila Jeska at Kuya Patrick kaya inuna naming bumili ng bed.
"Ano kayang blanket ni Jeska, itong galaxy or itong may mga hearts?" Tanong ko kay Jairus na tumitingin ng mga unan.
"The galaxy one" he winked at me, I rolled my eyes and he chuckled.
"Eh kay Patrick? Okay na ba tong star fish, since Patrick Star fish? Ito nalang."
"This should be your pillow" sabay pakita nya sa akin ng mint green laced na unan.
"Okay na yan" sabi ko "ayun gusto ko din yon!" Turo ko sa hotdog shaped na unan and its mint green too. Kinuha nya iyon at binitbit.
"I will hug your pillow so you'll feel like you're hugging me while you are sleeping" aniya, hinampas ko tuloy sya ng hawak kong blankets.
"Korni mo" natatawa kong sabi
"lamp shade" sabi nya ng dumaan kami sa parte na puro lamp shade ang naka display
"Pwede sa guest room! Tama. Itong black maganda" sabi ko naman kumuha ako at inilagay sa stroller na may laman ng mga pinamili namin. Ako taga pili, kuha sya taga tulak nung mga pinamili.
"Gamit sa banyo pa Penelope"
"Dun na tayo next. Naks, alam na alam pasikot sa bahay ah pwede na magasawa" I teased him and I tickled his neck
"Ikaw kasi hindi pa pwede" he joked at ako naman ang kiniliti, inismiran ko lang sya at nagpatuloy sya sa pagtawa.
Nabili na namin yung mga basic na kailangan, nag grocery na rin kami. Nagunahan pa kami sa pagbayad, hindi na ako pumayag. Pwede nya akong ilibre ng tig-five hundred pero yung bill ko umabot na ng fifteen thousand hindi na ako papayag na siya ang magbayad.
"Libre mo nalang ako ng food" sabi ko sakaniya paano kasi nakasimangot na, nagugutom na rin ako.
"Ano gusto mong food?" Tanong nya, yung mga pinamili namin ay pinahatid na namin sa maghahatid nung mga gamit na pinamili kasama yung mga beds.
"Gusto ko ng carbonara saka lasagna" sagot ko, inakbayan nya ako at hinalikan sa gilid ng ulo.
Lilingunin ko sana ang nakangiting si Jairus ng mahagip ng paningin ko si Star.. na nakahawak kay Zero. Malayo sakin si Zero pero kitang kita ko ang sakit sa mata nya. Para akong nauubusan ng hininga. Para akong naguilty.
Itinuro ako ni Star at para bang nangaasar pa ang ngiti nito. Sinundan ng tining ni Jairus ang tinitignan ko at napawi ang ngiti nya.
"The annoying girl is here. Tara na?" Tiningala ko sya at tumango.
Hindi ko alam kung nangaasar ba sila, kung sino ang nagdesisyon sa kanila na sa restaurant na pinasukan namin ay dun rin sila kakain.
Malayo ang table nila sa amin pero kitang kita ko si Zero, at kitang kita ko na nakatingin ito sa akin na para bang inoobserbahan ako. Hindi na naman mapakali ang buong zoo sa dibdib ko.
I feel sorry for Jairus na masayang nagkukwento habang ako hindi alam ang gagawin dahil nakatingin si Zero sakin. Masyadong halata na naaapektuhan ako.
I diverted my attention to Jairus, at hindi nalang pinansin si Zero. Hindi ba sya masaya na kaharap niya si Star?
Tahimik lang ako habang kumakain paminsan minsan ay ngumingiti at minsan tumatawa sa jokes ni Jairus, he can really make me forget Zero pero not totally lalo pa ngayon at natanaw ko na nakatingin parin ito sakin habang nakahalukipkip. Shit.
"Wag mo na kasing tignan, kung gusto mo palit tayo ng upuan" offer ni Jairus, I feel bad, ang sama sama ko. Napakagat ako sa pangibaba kong labi at tumingin sa mata niya na para bang sinasabi na okay lang, okay lang sakanya.
"Sorry."
"Okay lang. Naiintindihan ko naman" aniya at hinawakan ang kamay ko at hinalikan iyon.
Pinahidan nya ng icing ang mukha ko na syang ikinagulat ko.
"For real?" Natatawa kong tanong, kumuha rin ako ng icing at pinahid sa pisngi nya. Ang dumi dumi na naming dalawa at pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala kaming pake, tawa lang kami ng tawa.
Natigil lang ng dumaan si Star at Zero na magkahawak kamay.
"Ang dugyot lang hindi alam ang manners kapag kumakain sa fine dining resto" rinig kong sabi ni Star.
Pinagkibit balikat ko nalang habang si Jairus naman napa tss.
Bago pa kami umalis ng mall ay bumili pa ako ng stocks ng chocolates, Jairus insisted to pay for it so I agreed sisimangot na naman kasi ito.
Hindi ko alam kung nangaasar ang araw na to dahil nagkasalubong na namain kami nila Zero sa parking lot at magkatabi pa ang kotse ni Jairus at kotse niya. Kaya naman ng pagbuksan ako ni Jairus ng pinto na sya namang pagbukas ni Zero ng pinto nya ay nagtama ang mga kamay namin.
Si Star naman ay hinihintay yata syang pagbuksan ng pinto ni Zero. Nang makapasok ako ay napahinga nalang ako ng malalim.
"What a coincidence" sarkastikong sabi ni Jairus, napairap nalang ako, kami ang unang umalis.