Daisy Novel
HomeGenresRankingsLibrary
HomeGenresRankingsLibrary
Daisy Novel

The leading novel reading platform, delivering the best experience for readers.

Quick Links

  • Home
  • Genres
  • Rankings
  • Library

Policies

  • Terms of Service
  • Privacy Policy

Contact

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. All rights reserved.

28. Remember You

My eyes sting a bit ng buksan ko ang aking mata mula sa pagkakatulog, bumangon ako at uminom muna ng tubig mula sa ref saka bumalik sa may pool, nakabilog sila at nagluluto ng s'mores sa bonfire.

Umupo ako sa pagitan nila Jairus at Trey, Zero took a glance at us agad niya ring iniwas ang tingin. Sabay akong binigyan ng s'mores ni Jairus at Trey kaya medyo naguluhan ako kung kanino ang tatanggapin.

Sa huli dahil matakaw ako kinuha ko silang dalawa. Hehe

"Penelope and I are planning to go to Germany" Trey suddenly blurted out tinaasan ko siya ng kilay pero pinisil niya lang ang kamay ko "I'll go with them syempre papalakas" Jairus joked.

Nakikinig lang si Zero, tinignan ko siya saglit at alam ko ang ekspresyon na iyon. He's mad. Iniwas ko ang tingin ko ng badyang titingin siya sa akin.

Realization hit me, hindi niya maalala kung sino ako pero baka sakaling yung nararamdaman niya sakin naaalala ng puso niya.

The heart remembers what the mind forgets. Chichay, Joaquin.

Nagulat ako ng may umakbay sakin, its Dark.

"sa sobrang haba ng buhok ni Penelope minsan gusto ko siyang ilibre ng haircut" aniya

"And I wonder, kung nakakaalala lang yung kakilala ko sinong mas worst ang case sa ICU, si Jairus ba o si Trey?" He added, humalakhak ang lahat syempre maliban sa dalawa, I chuckled.

"Sino?" Tanong ni Zero, I was taken a back

"It's for you to find out bra" sagot ni Trey saka umakbay sa akin.

Gulong gulo ang puso ko, umaasa ako. Pero ang makita silang naghahalikan sa harap ko, para akong nanliit, para akong nanlamig.

Parang tinuldukan non ang kung ano mang meron kami...

Para bang disclaimer na "game over" na..

Napaatras ako at natabig ko ang baso kaya ito nahulog at nabasag, napalingon sila sakin, kinagat ko ang pangibabang labi ko at yumuko para pulutin ang mga bubog ng baso.

Parang mga basag na parte ng puso ko ang pinupulot ko.

"Penelope stop it you're fucking bleeding"

I am spacing out habang pinupulot ko ang mga bubog, nanlabo na rin ang paningin ko dahil sa mga takas na luhang pumapatak sa mata ko.

Nabigla ako ng may humila sa akin patayo, wala ako sa sarili at nakatingin lang sa kamay kong may hawak na mga bubog.

These broken pieces represents the state of my heart.

Sa loob loob ko ay gusto kong humingi ng tulong, si Trey o si Jairus. Pero wala na sila, umuwi na habang ako pinaiwan ng daddy ni Zero dahil may pinagusapan pa kami tungkol sa office at aalis na rin ako sa condo ni Zero.

"Anong nangyare?" Rinig kong sabi ni ate Zoella, tumawag ito ng kasambahay para siguro linisin ang kalat ko.

Tinampal ko ang sarili ko para bumalik ang wisyo ko, lumapit ako sa kinatatayuan ni ate Zoe.

"Pasensya na ate, natabig ko lang kakamadali. Alis na rin ako ate" sabi ko

"Penelope, gosh! You're bleeding, halika" aniya sabay hawak sa aking kamay.

I closed my hands at ramdam kong may mga tumusok na bubog doon, puno ng maliliit na cut ang palad ko pero mas masakit parin ang sugat sa puso ko.

"Wag na ate, Kaya ko na" sabi ko, walang wala to sa sakit na nararamdaman ko.

"Pano ka magdadrive? Tignan mo nga ang kamay mo may mga bubog, bakit mo kasi pinulot?" She asked, and she's starting to panic

"Ate I've been through worst, wala lang to. Kaya ko na po" pagpilit ko pa, ayoko dito this place is suffocating me.

"Penelope, stay" umalingawngaw ang boses ni Zero, mas lalo akong nahirapang huminga.

"I'd rather not Zac" sabi ko saka tumaliwas para umalis. Hindi ko na rin alam kung dapat ko ba siyang tawaging Zero, parang wala na akong karapatan.

Hindi niya man lang ako pinigilan, bakit nga ba nya ako pipigilan eh nandun pa si Star at nakamasid. Ayaw niya siguro itong masaktan, o magselos.

Kaya mas okay na umalis nalang ako kesa magaway sila.

Napangiwi ako ng buksan ko ang pinto ng sasakyan, nang makapasok ako ay binuksan ko ang ilaw para tanggalin ang mga bubog pansamantala. Nang okay na ay nagsimula na akong magmaneho.

Pabagsak akong humiga sa aking kama, pipikit na sana ako ng maaalala kong kelangan ko nga palang mag empake. Dumiretso ako banyo para kumuha ng panglinis sa aking sugat.

Binalot ko ang aking kamay pagkatapos, buti ay hindi napuruhan ang kanan kong kamay. Nagsimula akong magayos ng mga damit at maglipat sa aking maleta.

Sinulyapan ko ang orasan at nakitang alas tres na ng umaga, sa wakas ay natapos na rin ako sa pageempake at pagayos ng bahay.

Balak kong tumira pansamantala kila mommy hanggang sa makahanap ako ng sarili kong condo. O kaya naman ay gamitin yung bahay na nabili ko mula sa aking sweldo.

Nahiga ako at tumitig sa kisame, niyakap ko rin ang dating unan ni Zero na nilagyan ko ng pabango niya nung isang araw. God! I miss him! Dumapa ako sa unan niya saka ako nakatulog.

Tirik na ang araw ng magising ako, dali dali akong bumangon at naligo. Kelangan matapos ko ang paglilipat ko ng gamit ngayon. Nang matapos maligo ay kumuha lang ako ng simpleng t-shirt at shorts. Papasok na sana ako sa kusina ng mapansin na parang may nakaupo sa sala, sinilip ko at napalunok ako ng makitang si Zero yun.

Bakit siya nandito?

Paano siya nakapasok?

May nagsabi sakaniya ng password ko?

"Uh, Good morning. Kanina ka pa?" Tanong ko sakaniya nang tumingin siya sa direksyon ko. Awkward.

"Good morning too." walang gana niyang bati.

Nagbukas ako ng ref at kumuha ng tubig doon, napansin ko ang pagkabalisa niya. Anong problema? Anong iniisip nya?

"Pano ka nakapasok?" Tanong ko saka uminom sa baso habang nakatingin sakaniya.

"Hinulaan ko lang yung password, luckily tama hula ko" aniya, nanlaki ang mata ko! May kaunti siyang naalala! Kaya siguro bago siya mahanap dito siya nagpunta.

"The password... what does it means?" Tanong niyang muli habang nakakunot ang noo sa akin, he looked so disoriented

"My birthday" sagot ko, siya ang naglagay noon doon. Pinalitan nya ang password niya simula nang makalipat ako sa condo na ito.

"Well I thought its our monthsary" aniya.

Nagulantang ako, napatakip ako ng bibig. Anong ibig niyang sabihin? Paano? Tinignan ko siya na litong lito.  Itinuro niya ang table na nasa gilid. Oh shit! Nandoon pa ang mga picture naming dalawa, agad akong pumunta doon at pinagkukuha iyon.

"Nung sinabi mong girlfriend kita, ibig sabihin ba noon..."

"Bago ka umalis, yes. Pero ngayon hindi na" sagot ko. I cut him off sa sobrang pagkataranta, muntik ko pang mabitawan ang isang picture namin. Darn it! Freaking calm down!

"Nag break tayo?" Taka niyang tanong, umiling ako.

"Di ba nga may girlfriend ka ng iba ngayon. So I assume.. I assume we are done" napalunok ako, I am on the verge of crying again! This is one crappy situation, nasa pagitan ako ng aminin ang lahat at angkinin sya o ipagtulakan sya sa girlfriend nya.

Bumaba ang tingin niya sa kamay kong may benda at hinawakan iyon, napangiwi ako sa hapdi na naramdaman ko.

"Pero hindi tayo nagbreak, technically you're still my girlfriend" aniya na nakapagpanginig ng mga tuhod ko.

"Hindi na nga ngayon" sabi ko sabay talikod sakaniya, screw you Self!

Gusto kong um-oo pero may maagrabyado akong tao, she saved him and that's enough reason para hayaan ko siyang maging masaya kay Zero. Pero the heck, I want him back! Pero gusto ko tong mangyari sa tamang paraan!

"You're breaking up with me?" I can almost hear pain in his voice

Nang lingunin ko siya ay gulong gulo ang kanyang ekspresyon, naghanap ako ng tamang sagot at mga tamang salita pero hindi yata gumagana ang utak ko ngayon.

"Ayokong maging side chick lang Zac" I said as a matter of fact

"Fuck it call me Zero!" sigaw niya, nagimbal ako sa tonong iyon. 

"I love it when you call me that.. You're the one who I'll allow to call me that" Dagdag niya habang nakatingin sa litrato naming nakahalik sya sa aking pisngi.

Gusto niyang tawagin ko siyang Zero, at ako lang ang pwedeng tumawag sakaniya non. Nagalak ako at napangiti ng bahagya.

"And Star too.." Dagdag niya, nanghina ako doon. Tumalikod ako para huminga, the heck, ang sakit sakit!

Napansin niya ang maleta ko na nakalagay sa gilid.

"Aalis ka?" Tanong niya, I nodded.

"Condo mo ito, kaya aalis na ako tutal andito ka naman na.."

"Hindi kita pinapaalis Penelope, you can use this condo!" He hissed.

"Answer me Penelope, are you breaking up with me?" Tanong niyang muli

"Make me remember you"

Iniharap nya ako sakaniya, He touched my cheeks and lifted my face. Inayos niya ang mga takas na buhok ko at inipit iyon sa aking tainga.

"I want to remember you.. yung pakiramdam ko habang tinitignan ang mga pictures natin hindi ko iyon maramdaman sa kahit sino. Itong nararamdaman ko pag malapit ka sayo ko lang to nararamdaman. Gusto kong balikan ang mga ala-ala kasama ka, please help me"

Hindi ko na napigilan pa ang paghikbi, napayakap ako sakaniya at tinanggap niya naman iyon. I really missed him! I missed his hugs, his natural scent, his nose, his eyes, his lips, his everything. I miss him!

"Sshh tahan na.." He lifted my face again and he wiped my tears, he kissed my eyes and my nose.

Napapikit ako ng angkinin niya ang aking mga labi, para akong sasabog sa halo halong emosyon na ibinibigay ng halik na iyon. Para bang lahat ng alinlangan at sakit at napawi ng halik na iyon.

He bit my lower lip kaya napasinghap ako, he slid his tongue to my mouth and he bit my lower lip again. Pareho kaming naghahabol ng hininga ng maghiwalay ang aming mga labi.

"You're not leaving this unit, baby girl... No buts" aniya ng akmang papalag ako.

"And file a leave. One more thing stay away from Jairus and Trey" may pagbabanta niyang sabi, hell yeah he can't remember but he's still my Jealous ass Zero.

Tumawag ako agad kay Tito Xavier to file a leave, idedecline niya sana pero nang kunin ni Zero ang cellphone sakin at siya na ang kumausap wala ng nagawa si Tito.

"Dad, just a month leave masyado niyong pinapagod si Penelope. I checked her schedule puro out of the country ang lined up meetings" aniya, napangiti nalang ako. Nagluluto ako ngayon ng buffalo wings, its his favorite.

"What are you cooking?" Aniya, niyakap niya ako mula sa likod.

"Why are you cooking by the way, okay na ba kamay mo? Hindi ba sumasakit yan?" Umiling ako, marinated na to kasi balak ko sanang idala kahapon nakalimutan ko lang.

"Mukha po kasing hindi ka nag breakfast" sabi ko sabay lagay ng mga naluto sa plato.

"Napanaginipan ko minsan na may kahalikan ako sa counter top, it's like I'm teaching her how to kiss. Dito sa counter top na to" aniya sabay haplos sa surface ng counter top namin. Pinamulahan ako agad ng pisngi, ako yon, and I can still remember it.

"Ikaw yun diba?" He teased, muntik ko ng mabitawan yung plato! My God!

"Zero! Pag to nabitawan ko..."

"Kikiss mo ako dito sa counter top?" And then he laughed, inirapan ko lang. Pinatay ko ang stove at nagayos sa mesa.

"Tell me more about you dreams, saka yung ibang naaalala mo" sabi ko habang naglalagay ng pagkain sa plato niya.

"There's this girl, and she's singing. Pero narinig ko minsan na kinakanta ni Star yung song na yun so I assume siya yun" aniya, umiling ako.

"She dances, she barely sings" I commented, naalala ko Star told me that.

"Malay mo singer sya sa banyo. Marami pa akong gustong maalala, kaya dapat tulungan mo ako. I'd stay here for tonight"

Naubo ako sa sinabi niya taranta siyang kumuha ng baso at nagsalin ng tubig doon. Seryoso? Dito sya matutulog. Penelope, first time?! I rolled my eyes at my self thought. Pero dear self, may girlfriend siyang iba at hindi lang ikaw may magseselos at masasaktan. Aray, nasaktan ako.

"Bakit? Is it our first time to sleep together?" Mabilis akong umiling

"Wala lang, syempre five years kang nawala. 5 years of sleepless nights" sabi ko, hindi na siya ulit nagsalita.

"Saka hindi ba magagalit si..."

"Magpapaalam ako" he cut me off

Kumunot ang noo ko, tingin niya talaga ganon kadali?

"Don't fret, Let me handle this" .

Previous chapterNext chapter