Five years after
(Play the music)
-
Alas dose na ng makabalik kami sa balesin, hindi ko naramdaman ang pagod. Bago kami pumasok ay hinintay muna namin ang kukuha sa chopper.
"Kanino ba hiniram iyan?" Tanong ko, napakamot siya ng ulo. Hinila niya ako papunta sa pinto ng Pilot's seat. Nakita ko roon ang pangalan ko.
"Its mine. Tara na baby boo sila na bahala jan" aniya at hinila ako papasok sa village.
"Bakit may pangalan ako doon? Bakit hindi pangalan mo?" Tanong ko habang papasok kami ng villa. Nakapasok na kami ng kwarto pero hindi parin niya ako sinasagot. The date was too much at hindi ko maproseso na pangalan ko ang nakalagay sa chopper niya.
Lumapit siya sa drawer at may kinalikot doon. Mukhang hindi nya ako sasagutin kaya kumuha ako ng tuwalya at dumiretso sa banyo.
Nagshower ako at nagpalit ng damit, nagulat ako ng sumulpot siya sa likod ko. He's now wearing a white shirt like mine at jersey short. Nag brubrush ako ng ngipin ng lumapit siya sakin. Tinapos ko agad ang pagtutoothbrush dahil nakatitig lang siya sakin.
"Bakit?" Taka kong tanong habang nagpupunas ng bibig, hinawakan ko ang pisngi niya at marahang pinisil iyon "Ang pogi mo" I commented. Napangiti nalang siya.
Napansin ko ang mint green na box na hawak niya, Itinuro ko iyon kaya inangat niya. Its from a brand Tiffany & Co.
"Happy Birthday Penelope. I hope you enjoyed the night. I'll plan the wedding tonight." Nakangisi nyang sabi, mahina kong pinitik ang ilong niya "Wear this always. This is my heart. It symbolizes my love for you, my loyalty, my being, my everything."
Para akong pinagkaitan ng oxygen sa mga pagkakataong iyon, binuksan niya ang box at tumambad ang heart necklace na laman nito.
Naramdaman ko nalang na may malamig na dumampi sa balat ko, sinusuot niya sakin ang necklace. Namasa ang mga mata ko, pinunasan ko ang takas na luhang pumatak sa mata ko.
Hinarap niya ako at hinalikan ang magkabila kong mata.
"And about your name on my chopper, kasi sayo lang ako. You own me Penelope"
"Anong gusto mo, beach ba? Under water? Garden? O chapel?" Tanong niya sakin ng makahiga kami sa kama, magkahawak kamay habang nakatingin sa kisame.
"Chapel. Lahat ng babae pinangarap maikasal sa simbahan bago pa man nauso yung mga ibang choices" I answered, humikab ako at humarap sakaniya.
Kinabisado ko ang lahat ng facial features nya. His expressive eyes, na kahit May eyebags man hindi nabawasan ang ganda. Lulunurin ka ng mata niya kapag tumingin siya sayo.
His perfectly sculpted nose and his chiseled jaw. His prominent cheeks. His sexy lips.
This almost perfect man beside me is planning our marriage! Kung ano man ang nagawa kong maganda sa buhay para biyayaan ako ni Lord ng isang Zero ay hindi ko na alam. Basta ang alam ko lang I am beyond blessed.
Sa sobrang saya namin ngayong araw na ito hindi ko na naalala pa na birthday ko nga pala until he reminded me na kailangan naming magparty bukas.
Pumikit na siya kaya akala ko matutulog na kami, pero pumihit sya paharap sakin at hinaplos ang pisngi ko.
"Penelope. After this I'll be out for two weeks. Gusto sana kitang isama pero its about our family business. Babalik rin ako agad as soon as maclose ko yung deal. Siguro one week lang or one week and half"
"Okay lang yun. Saka wala naman akong passport at visa"
"Pag balik ko aayusin natin iyan. Let's sleep you need to rest" he kissed the tip of my nose, mas siniksik ko pa ang sarili ko sakaniya. Nagusal ako ng maikling dasal at natulog.
"Penelope, nag crash yung sinasakyang airplane ni Zero."
"Sorry ma'am, sir but we're doing everything to locate their missing bodies."
"Penelope... Baka kasi wala na talaga si Zero"
Napabalikwas ako ng bangon, hingal na hingal ako pagkagising. The memory of it became my everyday nightmare.
Five years ago, everything was so perfect. Was. Akala ko I am a princess living a fairytale life, saka ko lang naalala lahat pala ng fairytale may mga nightmares. May mga panget na pangyayare. Hindi naman kasi lahat ng fairytale happy ending.
Five years ago pagkatapos ng birthday ko, Zero went to United States to meet some clients. Masaya pa kaming naguusap bago siya mag sumakay ng airplane pauwi sa Pilipinas, pero hindi na ulit iyon nasundan. Iyon na pala yung huli.
"Anumang mangyari lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita Penelope" iyan yung mga salitang huli niyang binitawan bago siya sumakay. Iyon na pala yung mga salitang huli kong maririnig mula sakaniya.
Tumayo ako at pumasok sa banyo para maghilamos, sinipat ko muna ang relo at nakitang five thirty na ng umaga. Sa nakalipas na limang taon ang panaginip kong iyon ang nagsisilbing alarm clock ko. Nasanay na siguro ako pero masakit parin.
Umaasa parin ako na isang araw uuwi siya, at sasabihing okay na ang lahat.
Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko iyon "Ate Zoella?" Bungad ko. Nakatira parin ako dito sa condo ni Zero, gusto kong umalis noon pa man pero sabi nila Ate dito nalang ako dahil baka raw pag umuwi si Zero na wala ako dito magalit siya sakanila.
Pero hindi parin siya umuuwi...
"Yes ate, maliligo na po ako didiretso na sa office. Bye ate." May kikitain akong kliyente, manager na ako sa business ng pamilya nila. Pamilya narin ang turing nila sakin.
"Penelope, tatlong taon na baka kasi wala na talaga si Zero?" "Hindi eh, nararamdaman ko dito sa puso ko buhay siya!" Iyon ang sabi ko kay Jairus two years ago ng itinigil na ang paghahanap sa mga nawawalang biktima ng plane crash.
Maraming nakaligtas, lucky for them. Marami ring namatay, marami ring nawala.
Hinaplos ko ang heart necklace na ibinigay sa akin ni Zero nung birthday ko, its his heart sabi nga niya and it's keeping me sane and alive.
Maraming nangyare sa limang taon na nakalipas nakagraduate ako, hindi ko nga alam kung paano ako nakasurvive at nakagraduate. But life must go on, pero umaasa parin ako.
"Good morning ma'am Penelope" bati sakin ng mga tao sa office, tinanong ko ang secretary ko kung ano bang itinerary ko ngayong araw na ito.
"Meeting with the investors ma'am at 9:30. And after that Ms. Zoella called to book a meeting with you" napakunot ang noo ko, bakit kelangan pa mag palista ni ate Zoella para lang i-meet ako?
Madali kong tinapos ang meeting ko, tipid akong ngumiti habang nakikipag shake hands sa mga inverstors. Naclose ko ang deal!
"Zero, thank you" I whispered while holding the heart shaped pendant from my necklace. Naging routine ko iyon na tuwing nakakaclose ako ng deal hahawakan ko ang pendant at magpapasalamat.
Malaki ang ibinago ng buhay ko. Simula naman ng dumating si Zero sa buhay ko marami ng nagbago.
Pero masaya ba ako?
I was. Noon. Masaya ako noon. Ngayon, para nalang akong nabubuhay dahil naghihintay ako sa posibilidad na baka sakali siyang bumalik. Naghihintay parin ako kahit minsan nakakapagod, kahit minsan naiisip ko nalang bumitaw.
"Sorry I'm late. Nagpabebe pa kasi ang kuya mo" bungad ni Ate Zoella pagpasok nya ng conference room "So I heard naclose mo ang deal, congratulations little sister" aniya at bumeso sakin.
"Syempre ate, I really need to work hard para mabalik ko sainyo lahat ng ininvest nyo sa akin." Sabi ko, I lowkey checked my phone at nakita kong alas dose na pala ng tanghali.
"Hindi mo naman kelangan ibalik iyon, malaki ang naitulong mo sa kumpanya. Maraming investors ang nagiinvest dahil sayo" matipid akong ngumiti.
I wonder, nakamove on na ba sila?
"Anyway, andito ako para ipaalam sayo na Mommy and Daddy will be here next week. Sa mansion ka mag stay ha? Alam mo naman si Mommy, she really likes you." Tumango ako. Ilang beses ko na silang nakita at lagi nilang kwinikwento sakin kung paano ako ibinibida ni Zero sakanila.
Kung gaano siya ka-excited na ipakilala ako sakanila, at kung paano nya ako gustong pakasalan.
Nawala iyon sa isang iglap. Hindi ko na maalala kung anong naging rason ng aksidente, human error raw. Sana kung gaano ko kadaling kalimutan kung paano siya nawala sakin ganon ko rin kadaling kalimutan na wala na nga siya.
"When will you have your break?" Tanong sakin ni Trey, nasa condo silang lahat. Sila pa ang isa sa dahilan kung bakit ako siguro nakasurvive. Kumuha siya ng fries sa ref, magluluto yata.
"Kuya alam mo namang I'm really busy. Isa pa ayoko ng ng masyadong mahabang pahinga, okay na sakin ang one or two days" sagot ko sakaniya. Sumandal ako sa ref at humalukipkip.
"Kahit na Rae. Masyado kang subsob sa trabaho. Last month first week of June nasa Cebu ka, the next week nasa Palawan and on the third week nagpunta ka ng Singapore. Humihinga ka pa ba?" Naglagay siya ng mantika sa pan.
"Hindi naman magagalit sila Tito kung mag one week vacation ka, sumama ka samin nila Daddy next week sa Germany." "But kuya next week na kaya yung meeting ko sa states with some of the investors. Pero tignan ko kung susunod ako ha?"
He's my brother. Two years after the incident nalaman ko na hindi pala ako anak ng kinikilala kong ina. Hindi ako anak sa labas ng daddy ni Trey, anak akong buo ng mga Yu.
Nagkaroon ng relasyon ang kinilala kong Ina kay Daddy, she became his mistress pero pinili ni Daddy ang pamilya namin dahil nabuntis si Mommy. Sa sobrang sakit at desperada niyang bumalik sakaniya si daddy ninakaw nya ako sa ospital ng manganak si Mommy.
Buong buhay ko naniwala ako na anak ako sa labas, na nabuo ako dahil sa isang pagkakamali. Nabuhay ako na puro kasinungalingan ang nalaman ko tungkol sa aking ama.
Pero hindi ako nakaramdam ng galit kay mama, naging mabait siya sakin at sinikap niyang bigyan ako ng magandang buhay.
"Rae are you listening?" Napabalik ako sa reyalidad "Ano ulit iyon kuya?" Tanong ko I'm spacing out again.
"Sabi ko have you heard the news? About Star your former friend from college? Kasama pala siya sa incident na nangyari kay Zero. Nakasurvive siya, nakauwi na galing America" aniya.
"Well then good for her" I commented saka kumuha ng fries sa tray. I wish Zero survived too.
"Umuwi ka naman sa bahay if you have time, alam mo namang miss ka ni mommy at daddy. Don't isolate yourself here" sermon ni Kuya habang naglalaro ng 2k16
"Oo nga Penelope, masyado mong ina-isolate ang sarili mo dito sa condo. You should atleast travel para nagpahinga" dagdag ni Jairus, at pinagkakaisahan nila akong lahat ha?
"Yas babes, simula nung insidente hindi ka na sumasama sa hang out." Arki added "Paano naman po ako sasama eh busy ako sa school at work" palusot ko pero binato niya lang ako ng fries.
"Yun nga, nagbusy busyhan ka para makalimutan mo yung nangyare. Pero hindi ka padin naman nakakalimot" Sabi ni Nathan, yun nga eh hindi parin. Wala naman akong plano na kalimutan si Zero, never.
"Okay okay. After ko maclose yung deal sa US sasama na ako, kahit saan nyo pa gustong magpunta magli-leave muna ako kahit one week lang" Nagroll eyes ako pagkatapos, nagsipag fistbump silang lahat.
Nagising ako kinabukasan ng marinig kong may nagdodoorbell, sino kaya yun? Kung si Kuya yun, he would call same as Ate Zoe. Kinusot ko ang mata ko at tumingin sa monitor, lalaki ang nakatayo dun.
Nasa ere ang kamay niya at para bang iniisip niya kung pipindutin ang doorbell o hindi.
Sino siya? Naka hood siya at nakacap. Bubuksan ko na sana pero tumalikod sya at umalis. Baka maling floor lang?
I did my usual routines pagbaba ko ng sa ground floor sinalubong ako ni Manong guard.
"Bakit ho manong?" Tanong ko agad "Eh ma'am may umakyat ho sa floor nyo kanina, kilala nyo po ba?" Tanong niya sakin I shaked my head "Hindi ho eh baka maling floor lang"
"Eh ma'am hindi ho ako sigurado pero kahawig ho ni Maam Zoella" nanlamig ako awtomatiko akong napahawak kay Manong "Sigurado ho ba kayo manong?" Maluha luha kong tanong.
"Oho. Okay lang ho ba kayo ma'am?"
Hindi ko na nagawang sagutin si manong, dumiretso ako sa kotse and I called my secretary to cancel all my meetings if there's any. Dumiretso ako sa mansyon nila Zero, alam kong may over speeding ako pero hindi gumagana ang utak ko sa ngayon.
Nadatnan ko si Ate, Tito at Tita. Napahagulgol nalang ako ng makita ko si Ate Zoe. There's a possibility na buhay si Zero, hindi sigurado si manong pero yung puso ko grabe yung kabog nito at si Zero lang ang nagpatibok ng ganito sa puso ko.
"Anong nangyare? Anong problema?" She asked while I'm sobbing on her shoulder, marahas kong pinunasan ang luha ko at huminga ng huminga.
"Ate, kaninang umaga may nag doorbell sa unit. I checked the monitor and its a guy, he was wearing a hoodie and a cap. Akala ko maling floor lang kasi umalis rin agad, pero ate hinarang ako ni Manong guard kanina to tell me na nakita niya yung lalaki at kamukha mo raw siya!"
"So what are you trying to say Penelope?" Naguguluhang tanong ni Tita sa akin "Tita baka si Zero yun! Baka possibleng bumalik na sya finally!" And I went to her and hugged her, para akong baliw na finally makakaalis na sa asylum.
"Well then, we will announce this to the public" napayakap ako kay Tito at nagpasalamat. I really have this strong feeling na buhay siya! I wish my instincts won't fail me!