Daisy Novel
HomeGenresRankingsLibrary
HomeGenresRankingsLibrary
Daisy Novel

The leading novel reading platform, delivering the best experience for readers.

Quick Links

  • Home
  • Genres
  • Rankings
  • Library

Policies

  • Terms of Service
  • Privacy Policy

Contact

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. All rights reserved.

23. My tummy

"Tama na yan, try nyo na yung booth namin" ani Dark, tumango naman si Zero kaya napatango nalang rin ako. Magkakasama kaming naglakad papunta sa booth.

Todo kwento naman si Dark at Arki tungkol sa booth nila, marami na raw silang nalikom na pera. Dahil daw sa mga sumali at umayaw sa mga dare, ginapangan tuloy ako ng kaba. Kung hindi ko kaya ang dare magbabayad nalang ako.

"Magkano ang bayad kapag hindi nagawa ang dare?" Tanong ko "One hundred fifty ang entrance, kapag hindi mo nagawa yung dare may fishbowl kang pagbubunutan kung magkano ang ibabayad mo. Meron libre nalang at yung pinakamalaking halaga five thousand. Para kasi sa Child House yun, ambassador kami"

Tumango nalang ako, maganda naman pala ang hangarin nung booth kahit nakakaloko yung consequences. According to them sobrang weird ng iba dare.

Unang sumubok si Arki mismo. Nagdabog sya sa napili.

"Ang malas naman!! Magbabayad nalang ako" saad nito, bumunot ito sa bowl napamura ito "Gagawin ko nalang!"

Pinanuod namin kung paano sya lumabas ng booth at lumapit sa isang random guy, hinawakan nya ito sa balikat saka dinilaan ang butas ng ilong. Napangiwi ako sa nakita, napahalakhak naman sila Zero.

Babatukan sana ng lalaki si Arki pero nakapagtago ito sa likod ng isang professor. Yung lalaki tuloy ang pinagalitan ni Sir. Tumakbo nalang sa amin si Arki.

Sumunod si Dark. Nagbayad siya ng isang libo. Ang dare niya tumakbo sa buong school, naked. Sumunod si Nathan, nanghila sya ng babae at hinalikan ito sa noo. Napatigil nalang si ate, at napahawak sa noo. Ang ending hinabol nya si Nathan. Nagbayad nalang rin si Ethan ng dalawang libo, kelangan nya kasing mag sexy dance sa stage.

Sumunod si Zero. Pinakita nya sakin yung nabunot nya, and I swear muntik ko ng isumpa ang kung sino mang sumulat at naglagay nun sa bowl.

'Seduce a random girl/boy.'

Iyon ang nakasulat. Hindi na sya nagsalita pa, bumunot sa penalty bowl at nagbayad ng limang libo. Ako na ang susunod. Gagawin ko yung dare since madali naman siya.

Naglakad ako papalapit kay Zero, nagtip-toe at hinalikan ang pisngi nito. I saw him blush, and he's just so adorable. Nagkakantyawan pa bago magaya si Zero na mag bar, hahakbang na sana ako ng may magsalita.

"Ako ba hindi nyo hihintayin kung ano yung dare na nabunot ko?" Si Trey. "He he sige bra, ano ba yan? Eto penalty bowl oh bayad ka nalang kung hindi mo gusto gawin yung dare mo para makapag bar na tayo" saad naman ni Arki. Trey crumpled the paper and tossed it to the penalty bowl.

Mabilis sya humakbang papalapit sakin.

I gulped.

He held my cheeks and crushed his lips into mine.

I am too shocked to react, But when I'm about to push him away I saw Trey lying on the floor already.

Zero was on top of him, pinning him down and beating him. Sobrang bilis ng pangyayari na sa isang kisapmata nakahandusay na sya sa sahig.

Hinila ni Jairus si Zero papalayo, hindi ko alam kung kanino ako lalapit sa duguang si Trey o sa galit na galit na si Zero. Lumapit si Zero kay Trey ulit at kwinelyuhan ito.

Tinakbo ko ang distansya papunta sa kinaroroonan nila para pakiusapan si Zero.

"Zero tama na" I pleaded "No. Zac do it. Ipakita mo kay Rae kung ano kang klaseng tao" natatawang sabi ni Trey. "Zero tama na, sakin ka makinig. Uwi na tayo baby" hinawakan ko ang braso nya at sinubukan syang hilain, akmang tatayo na sya ng suntukin sya ni Trey. Napapikit ako, tumayo at tumakbo.

Ako ang may kasalanan nito, ako ang dapat sisihin, ang sakit masaksihan na masisira ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin. Hindi pala talaga ganun kadali ang magmahal, laging may kapalit na sakit ang kaligayahan ng bawat tao.

Mas binilisan ko pa ng kaunti ang pagtakbo, ilang beses na akong nakabangga ng ibang tao nakakahiya! Naestatwa ako ng makarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan, nasa gitna na pala ako ng daan papuntang intersection!

"Ano ba?! Kung magpapakamatay ka sarilihin mo nalang wag kang mandamay ng ibang tao!" Bulyaw sa akin nung driver "Boss, pasensya na" rinig kong paumanhin nung lalaki sa likod ko, hinila niya ako papunta sa gilid ng daan.

"Rae, kanina pa kita hinahabol. Bakit ka ba kasi tumatakbo? Okay ka lang? Nasaktan ka ba? Tahan na" Si Jairus pala

"Ayokong makita na masira yung pagkakaibigan nilang dalawa ng dahil sa akin" Pinahid ko ang luhang tumakas sa mga mata ko, narinig ko ang pagsinghap nya at pag buntong hinga.

"Sorry. Sorry dahil lahat kayo damay. Lahat kayo naaapektuhan sa gulo naming tatlo. Sorry kung ito nadudulot ng pagmamahal ko kay Zero" I said while crying

"Okay lang. Masaya kayo ni Zero at masaya na rin kami. Hindi ikaw ang pumili nito, si Trey. Kung mapagbigay lang siya magiging maayos ang lahat. Wala kang kasalanan, biktima lang rin kayo ng kasakiman"

Tumango tango lamang ako, biktima kaming lahat hindi lang ako, hindi lang kami ni Zero. Lahat kami, lahat kami apektado.

"S-si Zero?" Tanong ko "Nasa Clinic na. Inawat na ng guards kanina." Tinanong ko rin kung nasaan si Trey

"Pinakuha na ng mommy nya. Mas mabuti yata kung maghanap ka na ng ibang trabaho Rae, hindi mapapanatag si Zero hangga't nasa poder ka nila. Hangga't sakanila ka titira. Kelangan nating mag adjust lahat, lalo ka na" aniya, tama siya ayaw ko mang mapalayo kay Ashton pero kailangan.

Kailangan ko ng umalis doon, ako ang lalayo kay Trey. Mas mabuting pagkakaibigan naming dalawa ang masira wag lang yung sakanila ni Zero.

Gumagawa ako ng resignation letter ngayon sa isang computer shop, last week ay nag absent rin ako at hindi na muna umuwi sakanila. Nakakalungkot dahil bukas ay birthday ni Ashton, at bukas makalawa ko balak ibigay ang resignation letter na ginagawa ko ngayon.

Ilang beses na akong tinatawagan ng bata simula nung nag leave ako, nangungulit na sana raw ay umuwi naman ako. Hindi parin daw magaling magbasa ng bed time story ang kanyang kuya, napapangiwi nalang ako kapag nababanggit ang pangalan niya.

Naputol ang pagtitipa ko sa keyboard ng mag ring ang aking telepono.

"Penelope" tawag sakin ni Zero mula sa kabilang linya "Saan ka? Susunduin kita" mayroon siyang basketball practice ngayon, Nagquit si Trevor sa team at hindi na rin nagpapakita pa sa grupo. Nakakalungkot parin but its better this way, mas okay na malayo kami sakaniya pansamantala. Sinabi ko kay Zero kung nasaan ako.

"Kuya, paprint po ako. Saka time out na rin" sabi ko sa nagbabantay dito sa computer shop. Saktong pagdating ni Zero ay nakapagbayad at nakuha ko na rin ang pinaprint ko.

Kita ko kung paano sya tignan ng mga babaeng kanina lamang ay busy sa pagpe-facebook, twitter at instagram pero walang pakealam si Zero, hinapit niya ako papalapit at hinalikan sa pisngi.

"Para saan yan? Project? You should've told me so I can lend you my laptop." Umiling ako "Hindi na, tapos na rin. Resignation letter lang naman" magkahawak kamay kaming lumabas ng shop, pinagbuksan niya ako ng pinto at nilagyan ng seat belt.

"It's safer sa bahay, kahit sabihin mong sa harap ng lang school yang netshop na yan ang daming lalaki at isa pa may printer rin sa bahay." Yes we're staying in his place. Magkaibang bedrooms nga lang pero minsan, I'll sneak into his room, namamahay ako.

Ako pa talaga ang pumupunta sa kwarto niya. Hehe

"Okay sorry na po sir." Biro ko, hininaan ko ng bahagya ang aircon at naghagilap ng tissue sa bag. "Nagmamadali ka na naman at hindi na nagpalit. Ikaw nagiging habit mo yan, alam mong magkakasakit ka sa ginagawa mo" sabi ko habang pinupunasan ang noo niya at leeg.

"Bakit ko pa kasi gagawin kung meron ka naman na gagawa?" Natatawa nyang sabi "Gusto mo kasi laging binebaby. Pero Zero please kahit magpunas ka lang ng pawis after your practice, ugali mo pa man din na ang lakas lakas ng aircon nitong sasakyan mo" sermon ko sakanya, usual sermon pero hindi pa rin sya natututo.

"Yes Ma'am." Maikli niyang sabi, hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod non. "Drive thru tayo?" Tanong niya "No. I'll cook. Nakastock lang mga chicken at pork sa bahay, mayaman po kayo alam ko pero sayang"

Umakyat ako agad ng kwarto pagkarating namin sa bahay, I went straight to his closet para maghanap ng sando or white shirt. Inabot ko iyon sakanya at agad naman siyang nagpasalamat para dito. Nagpunta na ako sa kitchen para magluto ng buffalo wings, paborito nya iyon.

"Anong lulutuin ng pinakamagandang chef sa buong mundo?" Tanong niya sabay kindat sa akin "One of your favorites, buffalo wings" mas lumapad pa ang ngiti nya sa narinig. Naglalaro sya sa cellphone habang hinihintay akong matapos magluto, paminsan minsan ay kinakausap nya ako tungkol sa araw ko. Hindi na kasi sila nakakapasok sa mga subjects dahil sa training.

"Binabantayan ka ba ng mabuti ni Arki?" He asked, Arki is not a part of the basketball team asthmatic kasi ito at ang sport niya ay chess. I nodded in response, hindi na kasi malapit sakin si Star, I heard she befriended me to be close with Zero. Okay lang iyon, hindi naman ako ganun ka-attached sakaniya dahil naguusap lang naman kami noon kapag tungkol sa projects and school stuffs.

Inihain ko na ang pagkain sa mesa at nagsimula na kaming kumain.

"This is the best buffalo wings I've ever tasted" aniya "Wag mo akong bolahin kain ka nalang. " saka ako tumawa, magaling rin syang magluto ng paborito kong carbonara at lasagna at yan rin yung sinabi nya sa akin nung sinabi kong iyon ang pinakamasarap.

Pinagtalunan pa namin kung sino ang maghuhugas ng pinagkainan pero sa huli siya na rin ang naghugas, pinaakyat na nya ako at pinaligo. Nakapagbihis at nakaligo na rin sya ng makalabas ako sa banyo, sa guest room sya naliligo pag dito ako sa kwarto nya naliligo. Tinapik nya ang kama kaya humiga ako at ginawang unan ang braso nya.

"Iloveyou" he whispered, napangiti ako habang pinaglalaruan ang daliri niya. "Nag aalala ako kay Ashton, birthday nya bukas at kinabukasan nun mag reresign ako. Hindi kaya magalit sa akin ang bata?"

Malungkot kong tanong, naattached ako ng sobra sa bata para ko na itong kapatid. Ayoko man siyang iwan, ito ang kailangan kong gawin para maging maayos ang lahat.

"He'd probably understand, kilala ko si Ashton boo malayo ang ugali nya kay Trevor malawak ang pang unawa ng bata" Sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko. "Malapit na rin ang birthday mo" dagdag niya, oo nga next week birthday ko na rin, wala naman akong plano. Siguro manglilibre nalang ako sa kung saan nila gusto, may ipon naman ako eh.

"Zero, bakit ikaw lang ang nakatira dito sa bahay? Wala ka man lang stay in na maid, or di ba umuuwi sila tita at tito dito?" Tanong ko. May maid naman siya pero kapag tinawagan niya lang at kelangan niya lang na may maglinis.

"I can manage to keep the house clean so why bother? Nasa isang bahay sila, sa O'brien residence. Itong bahay na ito para sakin, and para sa future family ko." Sagot niya habang hinahaplos ang buhok ko. "What do you think of the house by the way? Do think this would be perfect for a family of twelve?"

"Ten kids ang gusto mong maging anak sa mapapangasawa mo?" He chuckled and he pinched my nose "Silly, sampo ang gusto kong maging anak sayo" I gulped. Napa shit ako sa isip ko. "Should we start making babies now?" Aniya, saka sya pumaibabaw sakin. His arms supporting his weight.

"T-teka l-lang. Di pwedeng c-chill muna? Hindi pa ako nag I Do!" He laughed, ang sexy!

"Will you marry me?" Tanong nya, and he started kissing my jaw. Ghad! "Z-zero kasi. Stop it" nahihirapan kong sabi "So you don't want to marry me?" His kisses went down to my collarbone. Shit. Just shit.

"No!-"No? Im disappointed babyboo" aniya na parang nahihirapan. "Not that, I want to marry you but we're too young. Sigurado ka na ba na tayong dalawa?" Napa irit ako ng maramdaman kong binuhat nya ako paibabaw sakanya.

"I've never been this sure my whole entire life Penelope. Bakit tingin mo ba ay may iba pang para sayo? I'd kill those arseholes" umiling ako. Ang awkward! I'm sitting on his tummy! And something is poking me!

"Sinigurado ko na Penelope, I'll end up being your husband. Ayaw mo yun, may gwapo kang asawa. So since ayaw mo pa ng kasal, anak muna pwede?" Natatawa niyang sabi, na para bang nagooffer lang sya ng product!

Napaatras ako ng upo and... "Ouch!" I whimpered. "Clumsy" naramdaman ko nalang ang pagbuhat niya sakin, awtomatikong napahawak ako sa leeg nya. "Bakit ka ba kasi atras ng atras? May masakit ba?"

Naupuan ko kasi yung.. Ano! Basta yun na yun! Bakit ba yun nakaumbok? Provoked ba siya? Kung ano ano kasing pinapasok na idea nitong magaling kong boyfriend.

"Ehhh bakit kasi nakatayo yung..-" "Ah, bakit ka kasi umatras ng upo. Kaya nga sa tyan kita pinaupo eh kasi aware ako" natatawa pero naasar nyang sabi. Niyakap nya ako ng mahigpit saka nagsorry "Sorry for being impulsive, ang cute mo kasi. But on a serious note, I'm serious about the kids, And I'm serious about my future with you. "

Kinikilig ako and at the same time It felt so awkward, that thing down there is poking my tummy!

"Zero. Uhm bitaw muna kasi yung ano-" bigla syang tumayo at dumiretso sa banyo. He slammed the door and I heard him say the "F" word. What is his problem?

Previous chapterNext chapter