Daisy Novel
HomeGenresRankingsLibrary
HomeGenresRankingsLibrary
Daisy Novel

The leading novel reading platform, delivering the best experience for readers.

Quick Links

  • Home
  • Genres
  • Rankings
  • Library

Policies

  • Terms of Service
  • Privacy Policy

Contact

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. All rights reserved.

16. Gusto kong Umasa...

"Rae, wake up!!" Ilang beses akong nagpabali-baliktad sa kama ko saka kinuha ang unan para takpan ang tenga ko. Ang aga pa! Ano bang problema ni Trey at gustong gusto nauuna sa school?

Siya ba tagahawak ng susi ng school?

"Wake up sleepy head!" Sabay kalampag sa pinto ko. Diyos na mahabagin! Gusto ko pang matulog. Dumapa ako sa kama saka tinakpan ng unan ang ulo ko, sa pagkakaalam ko ay alas cinco y media pa lang.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag na papalapit.

"Rae, wake up!" "Trey kung ikaw may hawak ng susi ng school pwede ba ikaw nalang magbukas mag-isa ? Antok na antok pa ako." Antok kong sabi, he chuckled saka umupo sa gilid ng kama ko dahil naramdaman kong umuga iyon.

"I'm just excited for school!"

"Alas nueve pa ang unang subject natin Trey, utang na loob di ko pa kayang dumilat" pumikit akong lalo at binalot ng kumot ang katawan ko.

Hindi ko alam kung naalimpungatan lang ako, naramdaman kong pinagsalikop nya ang kamay niya at kamay ko saka hinalikan ang akin. Siguro ay lutang at sabog ang utak, guni-guni ko lang siguro iyon.

Nagising ako na may bulaklak sa gilid ng kama ko, tatlong tulips iyon na may nakasamang note.

Sweet morning, sunshine. I hope you like these flowers. Have a good day ahead-

Trevor

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang nakasulat sa note, kinuha ko ang mga bulaklak at inilagay iyon sa side table, balak ko sana iyong ilagay sa flower vase. Pero napansin ko na may nalalantang mga puting rosas na nakalagay sa vase na iyon.

Ang mga bulaklak na iyon ay galing sakaniya, kay Zero.

Hindi ko alam kung tatanggalin ko ba iyon at ipapalit itong mga bigay ni Trey.

"Lanta naman na" bulong ko sa sarili ko. Inabot ko ang vase at tinapon ang tubig na laman nito, nilagyan ng panibagong tubig, saka ko nilagay ang tulips.

Hindi ko alam kung bakit hawak ko parin ang mga tuyong rosas, hindi ko alam kung bakit lahat ng bulaklak na galing sakaniya ay pilit kong itinatago at iniipon. Sa huli ay inipit ko ang mga rosas na iyon sa makapal kong libro at sinilid sa drawer.

Wash day ngayon kaya pinili kong magsuot ng ripped jeans at simpleng white shirt. Halos mapalundag ako ng paglabas ko ay nakita ko si Trey na nakasandal sa pader at para bang naghihintay.

"Sorry kanina ah? Antok talaga ako e. Ano ba nakain mo? Ikaw ba naghahawak ng susi ng university at kelangan napakaaga mo?" Dirediretso kong litanya, humalakhak lang siya pero hindi sumagot.

"Let me carry your things" aniya sabay kuha ng mga iilang libro na dala ko saka ako nilagpasan sa paglalakad. Ang weird.

Sayang naunahan na ako ni Arki sa upuan bineletan pa ako ng loko. Paupo na ako ng biglang gumalaw yung upuan na katabi ko, he's here. Umupo siya na para bang walang nakita, napangiwi ako at umupo nalang rin.

Umakbay so Trey sa upuan ko at sumandal sa akin "What is your perfume? It smells real good" "Hmm yung binili natin sa mall nung September" sagot ko. Nanigas ako ng singhutin niya ang leeg ko, hindi ako kumportable sa ganong eksena.

Penelope, kumportable ka lang sa ganyan kapag si Zero?

"Fucking shit" rinig kong mura ng katabi kong isa, I saw Trey smirked saka umayos ng upo.

Nagvibrate ang cellphone ko at agad kong kinuha iyon, si Jairus ang nagtext.

Jai Alcantara:

Respeto sa nagseselos.

Sinilip ko si Jairus at nakita kong nakamasid siya samin ni Trey, nang makita niya akong nakatingin sakaniya ay umiling siya sabay nguso kay Zero. Nilingon ko naman ang isa at nakitang nakahalukipkip siya at nakapikit saka nakasandal sa pader na nasa gilid niya.

"You okay?" Tanong sakin ni Trey, tumango lang ako. Naramdaman kong pinaglalaruan ng mga daliri niya ang buhok ko. Bakit ba siya ganito?

"We should go out for lunch later. What do you think?" "Kasama ba sila Jairus?" Tanong ko pabalik sakaniya, umiling siya habang nakangiti. "Silly, just the two of us"

"Eh si Ashton kasama?" Tanong ko ulit pero umiling ulit siya "Just the two of us, Penelope" aniya.

Bakit walang dating ang pagtawag niya sakin ng Penelope? Bakit hindi ako kumportable sa pagtawag niya sakin nun?

"So silence means yes" aniya, hindi nalang ako pumalag.

"Goodmorning Class. Next week na ang school fair, and I have the list of the people who are exempted for the finals exam, If and only If they are willing to perform for the School fair event." Bungad ni Maam Alora sa amin. Isa isa niyang tinawag ang mga pangalan.

Kasama ang buong banda nila sa mga tutugtog, nag high five si Jairus, Arki at Dark. Napa alright naman si Nathan at Ethan. Hindi ba sila kambal?

"Solo performance from Rae Villaraza, and a duet performance from her and Zac O'brien" dagdag ni Maam na para bang kilig na kilig. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para itago ang kaba. I need to work with him.

"Mr. O'brien and Ms. Villaraza, you two can go out and practice for your piece" sabi ni Maam, kumalabog pang lalo ang dibdib ko nang gumalaw ang upuan ng katabi ko mula sa kanyang pagkakatayo.

"Maam dapat kasama kami!" Sabat ni Trey "Bra, O'brien at Villaraza lang daw." Saad naman ni Jairus sakaniya, agad inismiran ni Trey si Jai.

Naglakad palabas si Zero, hindi ko alam kung susunod ba ako o hindi kaya nilingon ko si Maam at tumango siya sakin. Tumayo ako at lumabas ng classroom. Ilang minuto na kaming dalawa dito sa bakanteng classroom pero wala ni isa samin ang gustong magsalita. Nakatingin siya sa bintana at ako naman ay nasa pang huling row, nakaupo at nakamasid sakaniya.

"We know the song already. You wouldn't mind if I call someone to come over, aight?" Hindi ko alam kung ako yung kausap niya, pero um-oo nalang ako.

Maya maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad, morena at magandang babae. Nanliit ako lalo na ng makita ko ang maikli niyang school palda, nakabukas rin ang dalawang butones ng sleeved uniform top niya.

Inismiran niya ako ng magtama ang tingin namin saka dumiretso kay Zero para yumakap. Pumikit ako sa nakita. Aalis ba ako o dito lang?

"Hindi ka ba aalis girl?" Tanong sakin nung babae "Can't you see we're making out?" Dagdag pa nito, I felt a lump in my throat, nakakasakal. Tinignan ako ni Zero kaya napayuko ako. Ano na Penelope? Diyan ka lang?! Magpapakatanga ka pa diyan?

Nang mag angat ako ng ulo ay nakita ko silang naghahalikan habang nakatingin siya sakin na para bang tinatantya kung anong magiging reaksyon ko, cue ko na iyon para tumayo at umalis. Isinara ko ang pinto para magkaroon pa sila ng Privacy, natatawa ako sa sarili ko na natatangahan. Lunod na lunod ako sa pagmamahal ko sakaniya, at ang sakit na dulot ng pagmamahal na iyon ang unti unting pumapatay sa akin.

"Rae." Rinig kong tawag ni Jairus mula sa aking likuran, alam kong siya iyon kaya tumigil ako sa paglalakad. Nakarinig ako ng yabag na papalapit sa kinatatayuan ko, hinarap ko si Jairus pero si Trey ang nasa harap ko ngayon.

Isa isang pumatak ang butil ng mga luhang kanina ko pa pinipigil lumabas, mahigpit niya akong niyakap, kahit pinapatahan niya ako di ako mapigil sa pag iyak. I tried to hold it in, the pain is smothering me.

Parang ang makita si Trey ang nagpapamukha sakin na sobrang tanga ko at hinayaan ko ang lahat. Everything went blur, ramdam kong inaalalayan nila ako sa paglalakad. Nakaakbay si Trey sa akin at nakahawak sa braso ko ang isa nyang kamay. He's whispering words to calm me down.

"What happened?" Tanong niya sa akin ng makaupo kami sa tingin ko'y bakanteng classroom din. Blurred ang paningin ko at naninikip ang dibdib ko, kinalma ko ang sarili ko at uminom mula sa bottled water na inabot ni Jairus.

"Wala. Namiss ko lang si Mama" palusot ko. Kumunot ang noo niya at para bang hindi kumbinsido, pati si Jairus ay napailing na lamang.

"Well let's visit her then?" Sabi ni Trey, tumango ako at sinabing gusto ko ngayon na. Napatingin ako sa bintana at nakita si Zero na nakamasid.

Bakit siya nagmamasid? Tapos ba ba sila mag make out daw nung babae? Nang makita niyang nakatingin ako ay agad rin siyang naglakad palayo na para bang napapaso sa tingin ko, parang nandidiri.

"Jairus, get her bag" utos ni Trey kay Jai, tumango lang ito saka lumabas ng kwarto. Tanging hikbi at singhot ko lamang ang bumabasag sa katahimikan. Napagod na siguro ang lacrimal glands ko kaya wala na akong luhang mailuluha pa.

"Stop crying now" sabi ni Trey ilang beses akong tumango tango at humingang malalim para icompose ang sarili ko. Walang sabi sabi ay hinalikan niya ang noo ko, iniisip ko nalang na paraan niya to para i-comfort ako.

"Okay ka na?" Tanong ng kararating na Jairus, tumango ako at nagpasalamat ng ibigay niya ang bag ko sa akin. "Tara na sa mommy mo?" tumango ako at tumayo.

"Jai, sama ka" sabay hila sa kamay niya, hindi ko alam pero ang awkward kapag dalawa lang kami ni Trey. Hesitant silang dalawa, parang ayaw pumayag ni Trey na sasama si Jairus at ramdam yata niya iyon kaya parang ayaw rin niya. Sa huli wala ring nagawa si Trey dahil hila hila ko ang kamay nung isa.

"Hi ma!" Bati ko agad kay mama, may hawak na payong ang dalawa sa likod ko para protektahan ako mula sa init. "Ma, miss kita. Pero wag mo akong multuhin ha? I love you mama" masigla kong sabi sabay haplos sa lapida niya. Ayoko naman maging malungkot dahil sa pagkakatanda ko iyak ako ng iyak nung huli kong dalaw kay mama. Baka isipin niya miserable ang buhay ko at maisipan niya akong multuhin.

"Ay mama si Trey at Jairus nga po pala. Friends ko po." Pagpapakilala ko sa dalawa, marami pa akong kwinento kay mama. Siguro mga sampong minuto akong nakaupo doon at nagkwekwento. Tungkol sa trabaho, sa alaga ko, sa amo, sa kaibigan at sa school.

I don't want to talk about him.

I don't want to think of us.

Kasi wala namang naging "us"

"Ma, una na kami. Gutom na yung mga babies ko sa tyan. I love you mama" paalam ko, nagdasal rin ako saka inakay si Jairus para umalis.

Si Trey naman ay humawak sa kamay ko, he's making me uncomfortable. Isinantabi ko iyon at nakipagkulitan kay Jairus habang naglalakad papunta sa kotse. Sasakay sana ako sa backseat para tabi kami pero tinawag ako ni Trey sa harap.

"Jairus libre mo ako ice cream. Ayun oh, ayun!" Turo ko sa mamang sorbetero. Masarap yung ice cream na tinda nun. Paborito ko yung Vanilla at mango flavor niyang tinda.

"Bra, pa-park naman malapit dun sa sinasabi ni Rae" sabi ni Jairus kay Rae, sinunod naman ng isa pero "Ako na bibili" ang sabi niya saka bumaba.

I saw Jairus smirked.

"Sabi ko ikaw manlilibre sakin" sabi ko ng nakanguso, ginulo niya ang buhok ko "Malay ko ba kung feeling niya siya si Jairus" sabay halakhak niya. Nakakunot noo tuloy pumasok si Trey na para bang nagtataka. Inabot niya sakin yung ice cream at meron rin para sakanilang dalawa.

"So san tayo pupunta after?" Tanong ni Trey nagisip ako, siguro sa bahay nalang. "Swimming nalang ako sa bahay" sabi ko tumango naman siya "Pa X-box nalang" dagdag naman ni Jairus.

Nagpalit ako ng shirt at short saka kumuha ng isang twalya. Init na init ako at gustong gusto kong magpalamig at magpakababad sa tubig. Nag-dive ako sa tubig at ramdam ko na agad ang tuwa nang nasa ilalim na ako ng tubig.

"Rae!" Rinig kong may tumawag sakin kaya binilisan ko ang langoy para makaahon. Nakita ko si Trey na nakaupo sa may gilid ng pool. Lumapit ako sakaniya dahil may inaabot siyang baso uminom ako doon at umupo sa katabing hagdan malapit sakaniya.

"Let's race. Pag nauna ako ikikiss mo ako, pag nauna ka ikikiss kita"

Naalala ko yun ng napatingin ako sa gilid ng pool kung saan kami nakatayo dati, naghurumentado nanaman ang puso ko. Bakit iba ang dating sa akin ng ala-ala niya? Yung tipong kahit walang kwentang ala-ala basta tungkol sakaniya nagwawala na yung puso ko.

Naalala ko rin na niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi habang nasa ilalim kami ng tubig. Paano ko ba siya kakalimutan kung maalala ko yung mga ala-ala namin sa mga lugar na napuntahan namin? Na kahit tumayo lang kami doon maaalala ko parin?

Nabigla ako sa biglaang pagyakap ni Trey sa akin, nanigas ako ng isiksik niya ang mukha niya sa aking leeg.

"T-trey. L-layo ka please?" "Why? Feeling Uncomfortable?" Tumango ako sa tanong niya bilang sagot. "Then it's a good sign" aniya.

"You're letting Zac do things like these even you seem to be uncomfortable" dagdag pa niya.

Iniisip ba niyang hindi ako kumportable sa ginagawa ni Zero? Oo he can make me feel uncomfortable pero kumportable ako sa mga pagkakataong iyon.

Is he trying to act like Zero? Ginagaya niya ba ang mga gestures sakin ni Zero? Bakit?

"Ano kasi.. Uhm. Trey hindi ito tam- "Siya lang ba ang tamang tao na pwedeng gumawa nito Rae?" Tanong niya. Umiling ako.

"Hindi sa ganon, hindi tama in the sense na "In the sense na hindi ako yung gusto mo?" Nakakunot noo niyang tanong. Lagi niyang pinuputol ang sasabihin ko at naiirita ako sa mga dinudugtong niya.

"Bra, spare her" rinig kong sabi ni Jairus mula sa aming likuran, hinila ako patayo para umalis pero hinawakan ni Trey ang isa kong kamay para pigilin kami sa pag alis.

"Ako nalang Rae. Ako nalang. He doesn't deserve you." may bahid ng pagmamakaawa ang boses niya umiling iling ako, hindi pwede, hangga't may mahal akong iba. Hindi ko alam kung kaya ko na bang mag mahal ngayon.

Umupo sa harap ko si Jairus, ginulo niya ang buhok ko at ngumiti sakin.

"Magiging okay rin ang lahat. Don't let them confuse you, kung mahal mo si Zac wag mo ng gawing kumplikado ang lahat at mangyayare iyon kung magpapasalo ka kay Trey. Let this heal" aniya habang nakaturo sa puso ko.

"Hindi ko maintindihan, bakit ako magpapasalo? Bakit ganon si-" Gusto ka ni Trey."

Napaawang ang labi ko, gusto ako ni Trey? Bakit ako? All this time, lahat ng sinabi sakin ni Zero tungkol sa pagkakagusto ni Trey sa akin ay totoo.

"Bakit ako?" Tanong ko sakaniya ngumiti lang siya sakin "Bakit hindi ikaw? You're everything a man would wish for his life" pakiramdam ko ay lumulutang ako ng mga panahong iyon, sobra sobra ang compliment na iyon para sa akin, at hindi ko iyon matanggap.

"Pero yaya lang ako ni Ashton"

"Wala sa estado ng buhay o trabaho ang pagmamahal Rae"

Bakit lagi siyang may sagot sa mga tanong? Parang lahat ng prinoproblema ko ngayon ay kaya niyang sagutin.

"Si Zero kasi- "Mahal mo. Alam ko. May mga bagay na kailangan niyang gawin dahil alam niyang iyon ang tama"

"Tamang saktan niya ako? Tamang paasahin niya ako?" Naguguluhan kong tanong. I need answers!

"Pag nagmahal ka masasaktan ka muna bago ka matuto, bago mo masabing nagmamahal ka nga talaga. Nasasaktan rin si Zac, alam ko. For some reasons Hindi nya pa kayang linawin yung kung anong gusto niyang mangyare sainyo dahil may pumipigil. Kung makakaintindi lang yung isa baka nga kayo na eh" he chuckled

Naghurumentado ang puso ko, may tsansa bang linawin nya ang namamagitan samin? Bakit parang gusto ko ulit umasa? Saka anong ibig sabihin nung huling sinabi nya?

"Aasa ulit ako?"

"Hindi ka parin naman tumigil na umasa diba? Deny it, but your heart won't. Mahal mo pa, I mean, minamahal mo pa" nakangiti niyang sabi. Kahit papaano ay naliwanagan ako, at gumaan ang pakiramdam ko.

Nakarinig kami ng mga katok at pumasok ang bagong bihis na si Trey. Tumitig siya agad sakin saka bahagyang ngumiti, ngumiti rin ako pabalik.

"Uwi na ako, Rae." Sabi ni Jairus tumango ako sinabing magingat siya. Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Trey, wala akong masabi at batid kong siya rin.

"Yung sinabi ko kanina.. I mean it." Aniya, para akong na-corner ng mga pagkakataong iyon. Hindi ko siya gustong saktan pero ayaw ko rin naman siyang paasahin. "Ano kasi.. Uhm. Trey-"Hindi ko hihilingin na sumagot ka ngayon, just let me prove my love for you, for now. I'll help you move on"

Paano kung ayaw ko pang mag move on?

"Trey ayaw kitang paasahin" "Gusto kong umasa" napailing ako, I've been there I've done that, masakit.

"Trey, huwag muna ngayon."

Nanahimik siya bago tumango tango saka tumayo at lumabas ng pinto.

Previous chapterNext chapter