"Ma, long time no see" bati ko habang nililinis ang mga dahon sa puntod niya. Marami akong kwinento sakanya. Nakaupo ako habang nakatayo naman si Zero sa likod ko, batid kong pinapanuod niya ako habang nag kukwento kay mama. Tiningala ko siya at nginitian, ngumiti rin siya sa akin. Pumikit ako at nagdasal bago tumayo.
"Wait there boo, may sasabihin lang ako" sabi niya ng ayain ko siya para umuwi, kumunot ang noo ko at pinanood siya habang nakapikit. Kinakausap nya ang mama ko?
"Let's go" he said while smiling. Bumili pa kami ng ice cream at fries sa mcdo, magjo-joyride pa raw kami sandali. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong alas cinco palang naman kaya um-oo ako. Gusto niya ng ice cream pero hindi ako pumayag. Inuubo at sinisipon siya kaya hindi pwede. Huminto kami at nagkuwentuhan muna sa kotse, natigilan ako ng may sinabi siya sakin "Can we see each other secretly?" Tanong niya "Bakit? Eh diba may girl friend ka na?" "Dinedate lang, hindi girlfriend" "Sus ganon din iyon" Sabi ko ng nakaismid.
"Alam lang naman nila na fling lang ang meron samin, alam din nila kung sino ang gusto ko" sabi niya habang nakatitig sa akin "Eh bakit kailangan itago?" Tanong ko, he chuckled "Yung amo mo kasi magagalit sa akin. Okay lang sana kung sakin lang, pati ikaw nadadamay." Bakit naman magagalit si Trey? Eh magkaibigan naman sila ni Zero? Iisa lang rin naman ang circle of friends namin. Bakit nga ba? Tumango nalang ako at ngumiti siya. Magtetext nalang daw sya kung kelan at saan kapag may pagkakataon.
Ibinaba nya ako malapit sa may gate "Thank you for today, Penelope." Aniya, nagpasalamat din ako at umalis na para pumasok ng bahay, naabutan ko sa sala si Trey at nagtanong siya kung bakit ako natagalan ng ilang oras, kanina pa raw niya ako hinahanap. Nagdahilan nalang ako at umakyat sa kwarto. Mabuti nalang ay inilagay ko sa bag ang cap na bigay ni Zero, kung hindi tiklo ako.
Humiga ako sa kama at nagisip. Hindi na ako makakamove on nito, pakiramdam ko ay pumayag pa akong mas lumalim ang nararamdaman ko para sakanya. Parang binigyan ko pa sya ng karapatan para paasahin ako. Pero parang binigyan ko ang sarili ko ng kalayaan na ipakita sakanya yung nararamdaman ko. Bahala na, I'll take the risk, mamahalin ko na ng malaya si Zero.
Masaktan na kung masaktan, nasasaktan rin naman ako habang pinipilit kong kalimutan siya. Okay na ako na masaktan kakaasa, atleast nararamdaman ko siya, na may gusto rin siya sakin, okay na yun. Basta maramdaman ko lang na may nararamdaman rin siya sakin, kahit sa huli alam kong wala okay na ako doon. Pagbibigyan ko lang ang sarili ko para makaranas ng pagmamahal at magmahal. Paano ka nga ba matututo kung hindi ka open na masaktan?
Nagising ako sa tunog ng cellphone ko, tinignan ko ang orasan at alas cinco na ng umaga. Si Zero ang tumatawag, sinagot ko iyon at unti unti kong dinilat ang mata ko.
"Hello." Bungad ko "Goodmorning. Your morning voice is so cute" aniya at tumawa "Tumawag ka talaga para mangasar?" Tanong ko at naghikab "Nope. Uhm, we need to be civil in front of Trey, because.. Uhm- "Alam ko na yun." Pagputol ko sakanya. Kelangan maging civil kami dahil ayaw ni Trey na makita kaming close sa hindi ko pa rin malaman na dahilan.
"Okay. If you see me around with girls just ignore it, its for the show" aniya "Di mo naman kailangan mag paalam" sabi ko naman "Nope. Para hindi ka magselos" pangaasar niya saka tumawa "Hindi ako nagseselos" "One lie, one step. Two steps closer, boo." Sabi niya na nagpapaalala ng policy niya na iyon.
"Make sure to eat your breakfast, Penelope. I better get going, boo. Bye" pagpapaalam niya at saka niya pinatay na yung tawag. Energetic akong tumayo at naligo.
"Excited ka yata?" Puna ni Trey sakin ng nakangiti akong bumaba sa kotse at energetic na naglalakad habang akay akay si Ashton. "Maganda lang gising ko" sabi ko ng nakangiti, hindi na rin naman siya nagtanong kaya tumahimik nalang ako. Mukha akong tanga dito na nakangiti, hindi ko alam kung bakit.
"You look like an idiot, Rae. You're creeping me out!" Sabi ni Trey, hinarang niya ako at mukhang aburido. Masama na pala ngumiti ngayon? Napanguso ako "Eh di sisimangot. Laki ng problema mo" sabi ko saka pumasok sa room, nakaupo na sa upuan nya si Zero agad siyang napalingon
Umupo ako sa upuan ko at ganun rin naman si Trey. Ngumuso ako at napaaray ako ng pitikin ni Trey ang labi ko " Aray ko naman, kanina nung nakangiti ako nagagalit ka pati ba naman pag ngunguso ako? Saan ako lulugar?" Sabi ko sabay sapak sa kamay niya, nakita ko kung paano nagigting ang panga ni Zero, galit siya. Bakit?
"Just don't do anything stupid" sabi ni Trey "Kelan pa naging katangahan ang pagngiti? Iayos mo Trevor, you're talking to Penelope." sabad ni Zero, he clenched his fist as if he's going to punch Trey. Trey smirked, nanatili lang itong tahimik. Pasimple kong hinawakan ang nakasaradong kamay ni Zero, mabigat ang paghinga niya pero mga ilang saglit lang ay naging normal na. Nilingon niya ako at tumango.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bulsa at nagtipa ng mensahe, nagvibrate ang cellphone ko at alam kong sakanya galing ang text na iyon. Binuksan ko iyon at binasa
0_ZERO:
Sorry hindi ko napigilan. I wanna punch the hell out of that fucktard.
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin nagtipa rin ako ng text at sinend iyon sakanya.
To: 0_ZERO
Bawas bawasan mo nga yung pagmumura, and please calm down. Kaibigan mo parin si Trey. Don't call him f*tard
Binasa niya iyon at nagtype ulit ng panibagong message.
0_ZERO:
Walang pwedeng mambastos sayo sa harap o sa likod ko. I don't care if he's my bestfriend, if he badmouths you I'll beat him up.
0_ZERO:
Sorry if I cuss a lot, does it bother you?
Napatigil ako sa huli niyang text, ayoko siyang nagmumura .
To: 0_Zero
Bawasan mo lang. Kaibigan mo parin siya, kalma ka na ha? Text mo nalang ako kapag importante.
Itinago ko ang cellphone sa bag at umayos ng upo, dumating na rin sila Arki, sumenyas sakin si Jairus at tinatanong kung bakit bad mood si Trey nagkibit balikat lang ako.
Meron kaming practicals sa music subject ngayon, isa isa kaming bumunot ng kanta. Alam mo man o hindi kelangan mo iyon kantahin. Tumayo si Zero at bumunot, sumunod na rin ako at bumunot. Wala pa akong balak buksan kaya nilapag ko muna iyon sa arm rest ko.
"May mga song choices na may required ang ka-duet." Ani Maam Alora. "Sana duet kami ni Rae. Magaling siya kumanta narinig ko yung rendition niya ng Tattooed Heart, swabe pare." Rinig kong sabi ng nasa harap ni Zero, kumunot ang noo ng katabi ko, napailing rin ako ang awkward non para sakin. Hindi ko alam kung paano tatanggap ng ganung compliment ng hindi naaawkwardan. "Kung hindi lang barkada nila Yu yan, pinormahan ko na yan- "Ilakas niyo para rinig ko" basag ni Zero sakanila. Humalukipkip siya at sumandal sa kanyang upuan, he looked so cool yet dangerous.
Yumuko yung mga naguusap, rinig kong tumikhim si Arki at mahinang tumawa "Ilakas niyo raw para marinig ni Zac. Come on bra, don't be shy!" Sigaw nito, agad rin naman siyang sinaway ni Maam Alora. Umiling lang ako, nakita kong binuksan ni Zero ang papel niya. Binuksan ko rin ang akin, parehas ang nakasulat sa papel namin. Dinungaw niya ang sakin at binasa iyon, ngumisi siya ng malaki.
Kinuha niya ang headset niya sa bag at sinalpak iyon sa cellphone niya. Nagbrowse siya at inabot sakin ang isang ear piece nito.
"I'm giving you 30 mins to practice, you can go outside if you want" sabi ni Maam Alora, walang pasabi ay hinigit ako papalabas ni Zero
"Kalma, kinakaladkad mo na ako eh" sabi ko, binagalan naman niya ang lakad niya. Dumeretso kami sa bakanteng classroom at pinatugtog ang My Boo ni Usher at Alicia Keys. Boo ang tawag niya sakin tapos My Boo yung kakantahin namin, is this a sign? "Do you know that song?" Tanong niya, tumango ako alam ko iyon dahil naging paborito ko iyon dahil sakanya.
"I think of you when I listen to this song" sabi niya habang nakatitig sa mata ko, wala talagang takot ang matang iyon, parang kampante siya na totoo ang sasabihin niya kaya hindi siya takot na makipagsukatan ng tingin. I love his eyes, the look in his eyes says it all.
"I love your eyes" walang anu-anong sabi ko, lumaki ang ngisi nya at doon ko lang napagtanto yung sinabi ko! "I love everything about you" aniya, kung pwede lang akong maglupasay sa kilig ay ginawa ko na, hindi ko na kinakaya ang titig niya dinagdagan niya pa ng salita. Sobrang torture naman iyon sa rib cage, kanina pa gustong lumabas ng puso ko!
"P-practice na nga tayo. K-korny mo rin ano" nauutal kong sabi, ginulo niya ang buhok ko at nagsimula ng kumanta. How comforting his voice is, kinakanta niya ang parte ng kanta na para sakanya. Pagkatapos niya ay ako naman, hindi naging kumportable iyon sakin dahil nilulusaw niya ako ng titig.
Pagkatapos kong kumanta ay hinigit niya ako para yakapin, yumakap rin ako pabalik, it feels like home. "There's something in your eyes that makes me wanna lose my self in your arms" aniya naging mabilis ang pagkabog ng puso ko dahil doon, may gusto akong sabihin pero baka hindi pa iyon dapat.
Babae ako, hindi ko alam kung may gusto ba talaga siya sa akin, panigurado ay ako ang unang nahulog sa bitag ng pag-ibig. Babae ako, kaya sa tingin ko ay hindi maganda kung ako ang unang aamin. Marupok lang ang damdamin ng mga babae, sweet words are enough to make us fall in love. Madali kaming magassume, lalo na kapag hinainan ng motibo.
Bumukas ang pinto kaya agad akong napahiwalay sa yakap ni Zero, si Jairus ang pumasok nakangiti siya samin na para bang gustong mangantyaw "Love birds, umpisa na." He said at naglakad kami papalapit sakaniya at tinapik niya ang balikat ni Zero.
"Sino ang nakabunot ng My Boo?" Tanong ni Maam, nagtaas kami ng kamay ni Zero at pumunta sa harap. Tumikhim siya at sinenyasan ako kung okay na. Tumango ako at siya rin.
Siya ang kakanta ng unang verse, ang cool talaga ng boses niya. Ang sarap sa tenga, hindi ko pa siya naririnig kumanta kahit sa music club. Lagi lang siyang tumutugtog ng instrumento doon, pakiramdam ko ay nangangatog ako sa boses niya.
There's always that one person
That will always have your heart
You never see it coming
Cause you're blinded from the start
Know that you're that one for me
It's clear for everyone to see
Ooh baby ooh you'll always be my boo
Ako ang kakanta sa susunod na linya kumuha ako ng buwelo dahil ramdam ko na talaga ang pangangatog dahil sa titig niya. Teka muna wait, pwede mamaya mo na ako lusawin? Hehe
I don't know bout you all
But I know about us and uh
It's the only way
We know how to rock
I don't know bout you all
But I know about us and uh
It's the only way
We know how to rock
Ang swabe ng boses niya, all girls were all eyes on him kasali na rin ako doon. Kung pwede lang maghugis puso ang mga mata nila ay ginawa na nila.
Do you remember girl
I was the one who gave you your first kiss
Cause I remember girl
I was the one who said put your lips like this
Even before all the fame and
People screaming your name
Girl I was there when you were my baby
Kinagat ko ang pangibaba kong labi, his voice makes me wanna smile at ayaw kong ngumiti dahil alam kong halata na niya na may gusto ako sakanya. Mas kinagat ko pa ang labi ko ng kantahin niya ang chorus, I need to supress my smile!
It started when we were younger
You were mine my boo
Now another brother's taken over
But its still in your eyes my boo
Even though we used to argue it's alright
I know we haven't seen each other
In awhile but you will always be my boo
Lumapit siya sakin habang kinakanta ko ang aking linya, hindi ko alam kung aatras ba ako o mananatili sa kinatatayuan ko. Nakangisi siya at saka niya kinagat ang labi niya. Diyos ko! Temptation!
I was in love with you when we were younger
You were mine my boo
And I see it from time to time
I still feel like my boo
And I can see it no matter
How I try to hide my boo
Even though there's another man who's in my life
You will always be my boo
Yes I remember boy
Cause after we kissed
I could only think about your lips
Yes I remember boy
The moment I knew you were the one
I could spend my life with
Even before all the fame
And people screaming your name
I was there and you were my baby
Those lips! Yes, I can only think about his lips right now. He has to stop teasing me! Nakatitig siya sakin at habang nakakagat sa labi. Shit! Ayaw ko mag mura pero, Darn It!
It started when we were younger
You were mine my boo
Now another brother's taken over
But its still in your eyes my boo
Even though we used to argue it's alright
I know we haven't seen each other
In awhile but you will always be my boo
I was in love with you when we were younger
You were mine my boo
And I see it from time to time
I still feel like my boo
And I can see it no matter
How I try to hide my boo
Even though there's another man who's in my life
You will always be my boo
Hinawakan niya ang kamay ko sa parte na iyon, ramdam ko ang matatalim na titig ng mga tao sa paligid, narinig ko rin ang nangingibabaw na kantyaw ni Arki at Dark na sinita naman ni Trey. Wala na akong pake, lunod na ako sa titig ni Zero. I only care about me and him right now. Gusto ko nalang itapon ang sarili ko sakanya at yakapin siya. Maghunus dili ka Penelope.
My oh, My oh, My oh, My oh, My Boo
My oh, My oh, My oh, My oh, My Boo
It started when we were younger
You were mine my boo
Now another brother's taken over
But its still in your eyes my boo
Even though we used to argue it's alright
I know we haven't seen each other
In awhile but you will always be my boo
I don't know bout you all
But I know about us and uh
It's the only way
We know how to rock
I don't know bout you all
But I know about us and uh
It's the only way
We know how to rock
Nagbow ako pag katapos ng kanta, alam kong namumula ang pisngi ko. Nakangiti lang samin si Maam Alora at nagthumbs up "Sa School fair kakantahin niyo yan ulit ha? Ang ganda, you have this undeniable chemistry. Kakanta kayo ha, exempted na kayo sa finals yan ay kung gusto nyo lang naman" alok ni Maam sa amin ng makaupo kami tumango si Zero kaya pati ako ay napatango na rin.
Okay rin na may exemption para may time pa to review sa finals. Napaaray ako ng sikuin ni Trey ang dibdib ko, hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o hindi. Mabuti nalang ay hindi nakita ni Zero, alam ko kasi magagalit iyon at magaaway lang sila. Ang assuming ko na nga yata!
Nagvibrate ang cellphone ko at tinignan ko kung sino iyon, dalawang mensahe isa kay Trey at isa kay Zero una kong binuksan ang kay Zero
0_ZERO:
Boo, joyride ulit? I miss you
Lumundag ang puso ko ng mabasa iyon, automatic akong napangiti kaya um-oo ako dun. Nilingon ko siya ng bahagya at nakita ko ang pagngisi niya pagkabasa noon. Binuksan ko ang kay Trey, nabadtrip ako ng mabasa ko iyon. Sana pala di ko nalang binasa.
Trey:
Tigas ng ulo mo, I told you stay away from him. Feel na feel mo pagiging tanga mo. Wait and see, madudurog ka. You don't know him that much Rae.
Tumamlay ako pagkatapos ko iyong mabasa, pakiramdam ko ay masyado niyang hinuhusgahan si Zero. Parang pinapalabas niya na hindi magseseryoso si Zero sa mga babae kailanman.
Padabog akong sumakay sa kotse ni Zero "Problem?" Tanong niya, nakakunot kasi ang noo ko ng sumakay, nagtalo pa kami ni Trey nakakainis siya.
"Nagaway kami ni Trey" sagot ko "Damn it. Ako na naman dahilan niyan" aniya at napabuntong hininga "Sorry" maikli niyang sabi, hindi ko alam kung para saan iyon, magtatanong pa sana ako ng magsalita siya "If I'm territorial, Trey's selfish. Ang akin, akin. Siya naman kung ano ang gusto niya kahit may kaagaw siya gagawin niya lahat to get that, patayan, kahit sino ka pa" dagdag niya, I can almost hear bitterness in his voice.
Nagkamot ako ng noo "Hindi ko gets." Sabi ko, tumawa lang siya "Soon, you would" sabi niya at nagmaneho palabas ng school. Nakatingin ako sa dinadaanan at siya naman ay paminsan minsang sumusulyap sakin. Kinalabit niya ako at inilahad ang kamay. "Ganito ka" aniya, sinunod ko naman. Pakiramdam ko ay lumulutang kami ng pagsalikupin niya ang mga daliri namin, para akong sasabog sa kilig!
"You look ten times prettier when you blush" aniya habang nakatingin sa daan, mas namula ako sa sinabi niya. Hindi nalang ako umimik, alam kong mauutal lang ako kapag nagsalita pa ako. Hindi ko alam kung saan kami nakakarating, tumigil siya sa starbucks at bumili ng frappes. Paikot ikot lang kami sa siyudad, bihira kaming naguusap dahil nauutal talaga ako o kaya naman minsan di ko alam ang sasabihin.
"So, anong sabi ni Trey kanina?" Tanong niya "Wala iyon. Masyado daw tayong malapit." Sagot ko, nagalit si Trey dahil nga nagpapakatanga daw ako sakanya, hindi ko daw siya kilala, wag daw akong sama ng sama sakanya.
Baka daw mamaya umuwi akong alam na kung paano humithit ng dahon, mamaya maibigay ko raw ang hindi ko dapat maibigay. Umaasa lang daw ako, hindi naman daw ako ang tipo ni Zero. Lahat ng iyon nilunok ko, umaasa ako oo, binibigyan ko ng malisya lahat ng pinapakita niyang ito. Wala eh, nagmamahal lang ako, ito ang unang beses at itataya ko ang unang karanasan ko sa pag-ibig dito. Wala na akong pake kung masusuklian, kung tama ba to o mali. Lahat naman ng tao nagkamali sa una nilang pag-ibig.
Pinapaasa man niya ako o hindi, okay lang, ginugusto ko to, gusto ko lang maramdaman. Dito ako masaya eh, at ang pagpapamukhang ginagawa ni Trey ang sumasakal sakin.
"And?" Tanong niya pa, nagalangan akong sumagot pero bahala na "Baka raw turuan mo akong humithit" sabi ko, nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela "I'm not that stupid, tang ina niya, fuc-- aray" tinampal ko ang bibig niya para pigilan siyang magmura. "Wag ka nga nagmumura" saway ko sakanya
Hinawakan niya ulit yung kamay ko at nilaro ang mga daliri nito "Oo na po. Sorry na, boo" aniya sabay sulyap sakin "Hindi ko naman sinasabing ihinto mo ha? Sino lang naman ako sayo. Bawas bawasan mo lang, masakit sa tenga eh saka ano kasi.. Di ako kumportable" umiwas ako ng tingin pag kasabi non I heard him chuckle and he kissed the back of my hand. Para akong nauupos na kandila sa kinauupuan ko, pulang pula ako alam ko.
Gusto na yata lumabas ng puso ko sa rib cage ko sa sobrang lakas ng kabog! Nasa ibang planeta na ang kaluluwa ko at pasayaw sayaw at patalon talon na doon. Hindi ko alam kung paano ko napigilan ang pagtili o pag irit man lang. Gusto ko na rin bumaba sa kotse habang umaandar ito at magpagulong gulong sa highway. Hindi ko kaya tong pinaparamdam sa akin ni Zero, nababaliw na ako!