Daisy Novel
HomeGenresRankingsLibrary
HomeGenresRankingsLibrary
Daisy Novel

The leading novel reading platform, delivering the best experience for readers.

Quick Links

  • Home
  • Genres
  • Rankings
  • Library

Policies

  • Terms of Service
  • Privacy Policy

Contact

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. All rights reserved.

10. Basang Unan

"Hindi ako natutuwa sa ginagawa ni Zac. Lumala sya ngayon, Bra" ani Dark. Nakita namin si Zero kanina na may kasamang babae at nakahawak pa ito sa bewang nito, at ngayon kakadaan niya lang na may kasamang ibang babae.

Para akong sinasaksak kanina nung dumaan siya sa harap ko. Ilang beses akong huminga ng malalim para mawala yung bigat sa dibdib ko.

"I told you Rae, he fucks one girl then another. Matagal na siyang gan- "Nakita mo kung paano siya nagbago for the past few months. Nagseseryoso na siya, pero may mga makasariling tao na pinigilan siya magseryoso" pagputol ni Arki sa sasabihin ni Trey. Trey smirked na para bang nangaasar.

Nagsukatan sila ng tingin kaya pumagitna ako sakanila, hindi ko sila maintindihan! Bakit parang may pinapatamaan sila sa sinasabi nila? Bakit parang pinagpipilitan ni Trey na hindi ako dapat magpadala sa mga pinapakita ni Zero?

"See how selfishness can turn a domesticated lion into a beast again" makahulugang sabi ni Jairus. Sabay titig kay Trey, nagkibit balikat lang naman ang huli at humalukipkip.

Tumikhim si Ethan at lumapit "Bra, mamaya ah. Dapat lahat tayo andun. Isama niyo si Rae" sabi nito, birthday niya kasi ngayon. Binati ko na sya kanina at nagpasalamat naman. Hindi ko alam kung sasama ba ako sa party na sinasabi niya, malamang ay hindi rin naman ako dapat doon.

Naglakad lakad lang muna ako sa hallway, gusto ko lang muna magpahangin. Nakayuko ako habang naglalakad. Muntik na akong mawalan ng balanse ng tumama ang ulo ko sa dibdib ng nabangga ko, pamilyar at amoy nya at pamilyar tibok ng puso ko.

Tumingala ako para kumpirmahing siya iyon, nagtama ang tingin namin at agad naman siyang tumingin sa malayo. Para siyang napaso sa titig ko, at pagdikit ng mga balat namin, umayos ako ng tayo at humingi ng pasensya.

Tumango lang sya at naglakad palayo, parang binagsakan ako ng langit at lupa habang tinitignan syang papalayo. Tinawag ko siya huminto siya pero hindi lumingon, tinanong niya ako kung bakit pero wala akong masabing dahilan kung bakit ko siya tinawag. Ang lamig ng boses niya ay nanuot sa akon sistema hanggang sa buto, at ng humakbang siya palayo pakiramdam ko namatay lahat ng paru-paro sa loob loob ko. Nakaramdam ako ng pagkatabanh ay panghihina.

Ilang beses akong lumunok para mapawi ang bara sa lalamunan ko, ilang beses din akong huminga ng malalim at tumingin sa itaas para pigilan ang mga luhang nagbabadyang pumatak.

Nagdesisyon ako na hindi nalang sumama sa party ni Ethan, dinahilan ko na sobrang sama ng pakiramdam ko, totoo naman iyon. Wala akong gana at pakiramdam ko ay babagsak ako sa kahit anong oras, Pumayag naman siya dahil pansin nya ang pamumutla ko.

Ginawa ko na lahat ng responsibilidad ko bilang yaya ni Ashton, gumawa na rin ako ng mga assignments. Naghulog ako ng pera sa ipon ko. Umupo muna ako sa kama at pumikit.

Nanuyo ang lalamunan ko ng maalala yung nangyare kanina. Hindi ko na rin napigilan ang luha na tumakas sa mata ko.

Hindi man direkta ay pinamukha niya sa akin na kaya niya akong iwan at iwasan ng basta basta, wala naman siyang sinabi sakin na dapat kong panghawakan. Pati mga kilos niya ay hindi ko pwedeng kapitan, ako lang naman ang tangang nagbigay ng malisya doon diba?

Wala akong karapatang magselos. Pwedeng pwede siyang makipagdate sa iba at ng kahit ilan pa. Wala siyang binitawang pangako sakin.

Wala siyang nilinaw sakin.

Hindi niya nilinaw kung kami ba o hindi. Kung parehas ba kaming nagmamahal o mag isa lang akong umaasa na sana lahat ng pinapakita at pinapadama niya ay katotohanan.

Masakit pala ipamukha sayo na umaasa ka lang, na isa ka lang sa mga babae niya. Ilang beses kong pinunasan ang mukha ko pero ilang saglit lang ay may tutulo nanamang panibagong luha. Napagod na ako kakapunas kaya Dumapa ako sa kama at sinubsob ang mukha ko sa unan, sinubukan kong ipikit ang mata ko para matulog.

Lulunurin ko nalang muna ang sarili ko sa mga basa kong unan.

Nagpapasalamat ako at sabado ngayon, wala akong klase. Nahirapan akong idilat ng mata ko mula sa pagkakapikit. Parang nasunog ang mata ko ng maidilat ko ito ng maayos, sobrang liwanag kasi ng ilaw. Ilang beses rin akong suminghot at umubo, pakiramdam ko ay ang tamlay ko ngayon.

Bumangon ako at naghilamos. Medyo maga lang naman ang mata ko, sinuot ko ang anti radiation glass ko para ikubli iyon. Niyakap ako ni Ashton ng makita nya ako sa kusina, pakiramdam ko ay nakuha ko sa yakap nya ang comfort na kailangan ko ng mga oras na iyon, pinigilan ko ang pagiyak.

"Uminom ka na ba ng gamot?" Rinig kong sabi ni Trey sa likod ko, lumapit ito sa ref at kinuha ang box ng mga gamot. Inabot nya sakin iyon at isang baso ng tubig. Ininom ko iyon at kumuha ng makakain.

"Did you cry your heart out last night?" Tanong nya habang nakatingin sa mata kong mugto sa pagiyak, umiling ako "Hikab ako ng hikab pero hindi ako makatulog. Masama talaga pakiramdam ko. Sipon siguro ito" pagpapalusot ko mukha namang nakumbinse ko siya doon at tumango.

Dumating ang buong barkada dito sa bahay. Pabagsak na umupo agad si Zero habang ang iba naman ay nagsipag fist bump kay Trey. He seems to not care at all. Naramdaman ko nanaman ang paninikip ng dibdib at panunuyo ng lalamunan ko. Sinuway ko ang sarili ko sa pagtitig sakaniya.

Umakyat ako ng hagdan at naligo. Naglalaro sila sa entertainment room sabi ni Manang ng bumaba ako at nagtanong, kasama naman ni Ashton si Mrs. Yu at nagmall. Inutusan ako ni Manang na magdala ng meryenda sa taas. Ilang beses akong lumunok bago ko buksan ang pinto.

Dali dali kong nilapag iyon sa table at kumuha ng tubig sa ref ng kwarto. "Walang beer or something?" Malamig na sabi ni Zero, nakagat ko ang labi ko sa tanong nya "Wala po." Sagot ko. Naglakad ako paalis at dumiretso sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung bakit ang init init ng pakiramdam ko, siguro ay hatid ito ng temperatura, sobrang init. Kasama na rin siguro dito ang tensyon, na nandito yung mahal mo na maaring mahal ka pero pinapaasa ka lang pala.

Nandito yung dahilan kung bakit basa ang mga unan ko kagabi.

Kumuha ako ng twalya, gusto ko sumisid sa tubig, gusto ko ilunod ang sarili ko sa tubig. Pumunta ako sa pool dahil hindi naman ako pwedeng magpakakunod sa luha. Nagdive ako sa tubig at lumangoy.

Ilang beses akong nagpabalik balik sa magkabilang dulo ng pool hanggang sa maramdaman ko ang pagod. Tumayo ako sa gilid at tumitig sa tubig

"Yun ang alam mo. Pero maraming bagay tungkol sayo ang pwedeng magustuhan ng lalaki. And I like everything about you" 

Ilang beses nagpaulit ulit iyon sa isip ko. Naramdaman ko na may nagbara sa lalamunan ko, at nagbabadya nanaman ang mga luha ko. Inihanda ko ang sarili ko para lumangoy at sumisid sa ilalim ng tubig.

Lumangoy akong muli papunta sa kabilang dulo ng pool, at pagahon ko ay kita ko kung paano ako titigan ni Zero. Ni wala akong nakitang emosyon sa mukha nya, he's cold and I can feel it through his stares. Nagbaba ako ng tingin sa tubig at tumalikod para lumangoy ulit.

"Trey told me you're not feeling well, but you're here enjoying the water. you must be avoiding someone. Well anyways, its lunch time. Kanina ka pa hinahanap ng alaga mo" aniya. Kung hindi nya lang sinabi na hinahanap ako ni Ashton ay di pa ako aahon.

Umupo muna ako sa isang tabi para magpatuyo. Ramdam ko ang lamig tuwing dumarampi ang hangin sa aking ba

Ay, itinali ko na ng tuluyan ang bathrobe ko dahil don.

"Rae, may sakit ka tapos nagpapatuyo ka jan. Akyat ka na doon at magbihis. Kakain na tayo" rinig kong sabi ni Trey mula sa aking likuran, tumayo ako at nakita silang lahat na nakatingin sakin.

Hindi ko alam kung bakit naging malabo ang paningin ko, ni hindi ko maaninag ang pag titig sakin ni Zero pero ramdam ko iyon. Napaatras ako dahil sa hilo.

"Fuck it. Penelope!" Rinig kong sabi nya kasabay ng malakas na paghampas ng tubig sa katawan ko at pagdilim ng paningin ko.

"Doc how's she?" Rinig kong sabi ng isang boses na batid ko ay si Ethan. Hindi ko maidilat ang mata ko pakiramdam ko kapag dinilat ko yun ay mas sasakit ang ulo ko. Nanatili akong nakapikit at nakikinig.

"Is she depressed? Mugto ang mata ng pasyente. May pinagdadaanan ba siya? O problema? Umiyak ba siya kagabi?" Sunod na sunod na tanong doktor, kung pwede lang ay ako ang tatango para sumagot. Pero sobrang sakit ng ulo at pakiramdam ko ay pumipintig ito sa sakit.

"Hindi namin alam doc, ang sabi niya lang po kahapon masama ang pakiramdam niya" sagot ni Nathan, narinig ko ang pagbukas ng pinto at mga yabag ng paa. Ramdam ko ang titig ng pares ng mata na gustong gusto kong titigan. Bakit ganon? Kapag siya ang nakatingin alam ko na agad na siya iyon?

"Well, she's dehydrated kaya siya nahilo at nagcollapse. According to Trey 7am ng huli nyang kain at inom ng tubig. Puyat, pagod, gutom at stress, combined ang dahilan ng pagkahilo niya. Nothing to worry about. " rinig kong sabi ng doktor. Gabalde ba ang luhang iniyak ko kagabi kaya ako nanghina?

Simula ng maging malamig ang pakikitungo sakin ni Zero hindi na ako makatulog ng maayos, palagi ko siyang naiisip. Ganito ba talaga kapag nagmahal ka at umaasa?

Rinig ko ang pamamaalam ng doctor nagpasalamat sila rito. Ano ba yan! Naging pabigat pa ako ngayon dahil sa pagkakasakit ko.

"Can I stay for awhile?" Rinig kong sabi ni Zero, rinig ko rin ang pagbukas ng pinto at yabag na papaalis. "No" diretsong sabi ni Trey "Tangina. Ilayo daw sa stress mga gago. Paalisin yung mga makasarili" batid ko ay si Dark ang nagsabi non.

"Just please give me a minute with her" rinig kong sabi ni Zero "I said No al- "Bra tangina naman pagbigyan mo na. Halika na" rinig ko namang sabad ni Arki at kasunod nun ay ang pagsara ng pinto at boses ng oagtutol mula kay Trey.

Ilang beses akong lumunok, ramdam ko nanaman ang titig nya at ang presensya nya. Narinig kong hinila nya ang upuan sa study table ko at huminto iyon sa tapat ko.

Kami lang dalawa sa kwartong ito.

"Don't scare me like that again, boo. Please take care of yourself" aniya, nangilid ang luha ko at nagbabadyang tumulo. Anong gagawin ko?! Magtutulug tulugan ba ako para narinig ko yung mga sasabihin niya? Tama.

Hinawakan nya ang kamay ko at hinalikan iyon, tuluyan ng umagos ang mainit na likido  mula sa mata ko sa aking pisngi. I heard him curse and felt him wipe my tears off na pra bang natataranta. Nanatili akong nakapikit, gusto ko pa siyang marinig magsalita. Zero, kung miss mo ako dito ka lang.

"Pati ba naman sa pagtulog mo umiiyak ka?" Mahina syang tumawa "I hope I'm not the reason behind this tears though, Penelope I don't deserve any of your tears. I don't deserve you either" rinig ko ang lungkot sa boses nya. Parang sinaksak ang puso ko ng mga salitang iyon.

Dumampi ang labi nya sa noo ko at nagbadyang umalis. Pinilit kong dumilat at magsalita "Zero" mahina kong tawag sakaniya dahil iyon lang ang nakayanan ko.

Isang walang ekspresyon na Zero ang nakita kong muli "Baba na ako" aniya sa malamig na boses.

Napaka-unpredictable niya.

One minute he'll make me feel that he cares for me, then after that he'll make me feel like he doesn't care at all. Pakiramdam ko ay lahat ng sinabi niya kanina ay kasinungalingan. Hindi lang pala ngayon, lahat ng sinabi niya noon ay pawang kasinungalingan lang. Ang hirap niyang paniwalaan lalo na kapag mamaya ipaparamdam niyang totoo yung sinasabi niya tapos hindi naman pala.

Pinunasan ko ang luha ko at kinalma ang sarili ko.

Pipiliin ko nalang umiwas kaysa umasa. Sabi nga nila, walang gamot sa pagiging tanga kung hindi pagkukusa.

Previous chapterNext chapter