Chapter 9
Late na kong nagising kaya di nako magtataka kong bakit kanina pa nagriring tong phone ko.
"Miss panyo mo" biglang sabi ng kung sino nung papasok nako ng gate.
"Ikaw na naman?" Tanong ko dun sa lalaking minsan narin nakapulot ng panyo ko.
At pag sinuwerte ka nga naman, isa sa tatlong Zubiri.
Tumawa lang ito. Anong nakakatawa? May muta kaya ako?
"Oo, ako nanaman at ikaw rin ulit" bigay niya sakin ng panyo.
"Sa-salamat" mailang kong sabi at maglalakad na sana.
"Ah miss, I'm Axel, Axel Zubiri" nabigla ako nung magsalita itong muli. Mukhang tadhana talaga yata ang nag udyok para mapalapit sa tatlong zubiri.
"Ah? I'm Kaimee" sagot ko sa kanya at tinahak na ang daan papunta ng room.
Okay? Kilala ko na yung isang Zubiri. Mas kinabahan tuloy ako kung sino si Maxwell Boom sa dalawa. Yung gwapo kaya? O yung sinabi ni Steven na lapitin ng bakla?
Pagdating ko ng room, akala ko sunod sunod na yung swerte ngayong araw, akala ko lang pala.
"You're Late" biglang sabi ng Teacher namin sa Introduction to World Religion and Belief System.
(Oh diba? Nagawa pang e spell ng tama, kahit late na).
"And you too, Mr. Mendoza. Dahil sabay kayong nalate, kayo yung pair sa research paper niyo"
"Po?" Sabay na tanong namin ni patrick.
Nako pagminalas ka nga naman.
"Ano? May problema? Or else I will mark you--"
"Okay na po mam" bigla kong sabi at tinahak yung pwesto ko.
Nadatnan ko pa si cheesy na pinipigilan yung pagngiti, para tong tanga.
"Pag ibig na kaya🎶
pareho ang nadarama,
ito ba ang simula?🎵"
Mahinang kanta nito pagkaupo ko. Inirapan ko nalang sya.
"Okay bring your partner dito sa harap, kailangan niyong pumili ng dalawang religions. Fall in line ng di tayo magkagulo" sabi ni mam na nandun sa harap.
Napakunot nalang yung kilay ko at sinunod yung instructions nito.
Umuna nakong maglakad at di na hinintay yung malas kong partner.
Sa lahat ba naman kasi ng pwedeng ma late tong si patrick pa.
"Sabi dw bring your partner bat di mo ko hinintay" biglang sulpot ni patrick kaya di ko na siya sinagot.
Ilang pairs narin yung nakapili, may dalawang boxes na nakalapag sa table at mga cards na may nakasulat na mga religions.
"Okay pumili na kayo"
Kinuha ko yung Christianity at ibibigay na sana kay Mam.
"Kaya nga bubunot para magkaiba diba?" Tanong ni mam samin. Tiningnan ko yung hawak hawak na card ni patrick "Christianity"
"Eh mam syempre catholic ako, mas madali na samin to" suhestiyon ng katabi ko.
"Okay dahil mukhang di kayo magpapaawat, di niyo pweding piliin tong christianity"
"MAM?" Bat ba gaya gaya tong taong to? Inirapan ko nalang siya at bumunot ng panibagong Card.
Hinduism| Buddhism
Tumango nalang si Mam.
Hayy buti naman okay na, grabe pipili palang nangtopic mukhang di ko na yata kaya.
RESEARCH PAPER
Kailangan daw namin e compare ang magkasalungat na religions. So may kanya kanya kaming pinaglalaban pero isang work lang yung isa submit kasi nga BY PAIR.
Nako, kung dati favorite kong e spell tong subject nato. Pero ngayon parang nakalimutan ko na yata.
"Deadline, Last Week of July"
Last week? 12 na ngayon ah? May 2 weeks nalang kami?
Eh? Next week din yung Exam? Anak ng, di naman pwedeng sa last week pa kami gagawa? Eh thursday na ngayon ah? Next Monday and Tuesday yung examination.
"Oh? Pano to?" Biglang lapag ni patrick ng Card.
"Anong pano to? Tayo ho yung gagawa" inis na sagot ko sa kanya. Ewan ko ba simula ng makilala ko yung taong to, madalas na kong nahighblood.
"Ah, alam mo kasi wala pong TAYO!" sabi nito na ikinagulat ng diwa ko. Rinig ko naman yung pinipigilang tawa ni Cheesy.
"Bakit may sinabi ba ko?"
"Wala naman, so ikaw at ako gagawa okay? Maliwanag?"
"Hahahah bagay talaga kayo" malakas na tawa nitong katabi ko.
"Eww" sabay na pandidiri namin nung nega at buti naman bumalik na sa pwesto niya.