Chapter 7
"Maxwell Boom Zubiri" basa ko habang kaharap ang diary ni papa.
Zubiri. Zubiri.
Rinig ko dun sa canteen, talong zubiri daw sila.
Pero sabi naman ni Steven mga sampu yung zubiri na nag aaral sa school.
Di ko alam kung sino sa sampu ang may pangalan na Maxwell Boom. Basta ang alam ko lang ay lalaki at ka birthday ko. Posible ring Grade 11 na sya ngayon.
Di kaya isa sa tatlo na nakipagbugbugan? Isa rin sa tatlo yung lalaking nakita ko sa simbahan at yung tumapik sa nakapulot ng panyo ko.
Yung sinabihan kong gwapo? Sya rin yung mas may malalang pasa kanina!
Oo tama, di kaya sya tong Zubiri na hinahanap ko?
Posible rin yun, o baka naman senyales yun na pinagtagpo ulit kami ng tadhana.
Tsaroot! Ano to teleserye lang?
Pero feel ko talagang sya yun eh, yung unang kita ko sa kanya para akong binuhusan ng mahika na hanggang ngayon andito parin.
Sana nga sya yun, di kaya tadhana nga to? Yung tipong unang labas mo palang sa mundo, may isang tao nang sumabay sayo.
"Ngiti ngiti mo dyan" biglang sabi ng kung sino.
"Tito Pets" masayang bati ko dito na yinakap pa sya.
"Oh bitaw na, matanda nako" biglang tawa niyang sagot sakin kaya bumitaw nako.
"Kailan pa kayo dumating?"
"Kanina lang, andon yung tita mo sa kwarto natutulog pa"
"Nako ayaw ko ng gisingin yun"
"Hahah wag mo talagang subukan"
Si Tita Lara yung nakababatang kapatid ni Papa. May pamilya na rin siya ngayon pero wala pa silang anak, higit apat na taon na simula ng naikasal sila. Pinagdarasal ko ngang sana mabigyan sila ng kahit isang anak man lang. Para naman diba makompleto yung karaniwang pangarap natin sa isang pamilya. May Ama, Ina tsaka Anak.
------------------------------------------------
"Hinduism is the world's third largest religion with around 15% of the entire population practicing the Hindu Faith" seryosong report ni Steven habang nakaharap samin don sa platform.
Iba rin tong batang to, kala mo talaga puro kalokohan lang yung alam pero usapang pag aaral nag iibang tao na.
Napalingon ako sa likod kung san sya nakaupo. Nabigla pa ko nung nagkatinginan kami ni patrick na dahilan ng pag iwas nito at tumingin bigla sa harap.
Napakibit balikat na lamang ako.
Agad rin nagpalakpakan ang lahat habang tong si steven ay kumakaway pa na kunwari isang kandidato na nangangampanya.
"Hay, once a loko always a loko" mahina kong sabi.
"Ang gwapo niya pala pag matingnan mo ng matagal" mahinang sabi ni Cheesy na kala mo di ko narinig.
Parang di ko napapansin na may lihim tong pagtingin dun sa mokong na yun na ngayoy nakipagbiruan pa kay Mam.
Lumipas ang ilang minuto at ramdam ko ang kaba sa paligid.
"Section 25: The State shall ensure the autonomy of local goverments. Section 26--" rinig ko namang wika ni Patrick habang nakaharap kay Sir Quenza. Yung teacher naming may pakana na isaulo yung article article ng pilipinas.
Isa rin tong nega na to, kala mo talaga walang iniisip sa buhay kundi yung kanegahan. May oras pa palang magmemorized? Hanep, hanga nako rito!
Uy di yung hanga na iba ah, humanga lang kasi di nya nakalimotang may recitation pala kami. Dba?
Nung lumabas na si Sir agad nalang napasubsob sa desk tong katabi ko.
"Kaym, naloloka na talaga ako sa Article 2 na yan!"
"Edi lokohin mo rin para fair kayo" agad naman syang bumangon at tiningnan ako ng masama.
Nagpanggap lang ako na kunwari walang nakita.
"Uy Kaimee" biglang tawag ng kung sino sa likod.
It's either Steven or Patrick.
Pero never pa akong tinawag nung nega, kaya sure akong si steven to.
Hinarap ko nalang sya na nakangiti.
Kaya lang nagkamali ako ng inasahan.