Chapter 5
Kakalabas ko pa lang ng bahay ng may tumawag sa maganda kong pangalan.
Paglingon ko si Cheesy.
"Kaym, Gooood Morninggg" masayang bati ni cheesy sakin.
"Bat ka nandito? Di ka nalang dumiretso sa school" sabi ko rito at sinimulang maglakad.
"Syempre nahiya pa ko no, tsaka e apprecite mo nalang yung effort kong pagsundo sayo. Maswerte ka nga maganda yung kasabayan mo" nabatokan ko nga.
"Ang OA mo" wika ko rito.
"To naman di mabiro, tara na nga"
Nasa lobby na kami ng madaanan namin yung grupo ng lalaki na nakatayo dun sa tabi.
"Chicks pare" rinig kong bulong nung isa ng madaanan namin.
"Chicks pala tayo? Haha nakalimutan ko yata" kinikilig na bulong ni cheesy sakin.
"Daan nga" agad na bunggo ng kung sinong walang hiya kaya napasubsub kami nitong kasama ko sa kung saan.
"Agay ha? Sino ba yun? Ang yabang niya ha?" inis na wika ni cheesy, kahit ako naman yung nabunggo nadamay lang sya.
"Nako miss, pagpasens--" naputol yung sasabihan nung lalaki nung lumingon ako.
"Diba ikaw yung kahapon?" tanong ko sa kanya , oo yung lalaki kahapon na nakapulot ng panyo ko.
"Ah oo, pagpasensyahan mo nalang yung bumunggo sayo" pagsosorry niya sakin.
"Nako okay lang" sagot ko rito.
"Anong okay lang, nashock kaya yung kaluluwa ko" biglang sulpot ni cheesy.
"Tara na nga kaym" aya niya sakin at
bigla nalang akong kinaladkad. Tiningnan ko nalang yung lalaki at nginitian ng pilit.
"Oh diba? Basta basta mo nalang ako hinahablot di mo pala alam san tayo pupunta" sermon ko kay cheesy.
Pano ba naman kasi nasa harap na kami ng CR nung tinanong niya kung saan kami pupunta. Ang cute lang grabe!
"Hi, Im Cheesy Lowelie Rivera, your new classmate" pakilala niya sa harap.
Agad namang nagdiscuss si Mam about dun sa new topic namin. Introduction to Religion and Belief System yung subject namin ngayon. Hanga na talaga ako dun sa mga teachers ko ng elementary. Di kasi kami sinabihan na may mas malala pa palang subject na ang hirap kabisaduhin.
"Kaym, tingnan mo yung lalaking katabi ng babaeng nakaheadset" bulong ni cheesy sakin. Magkatabi kasi kami ngayon pero ako pa rin yung nakaupo sa pinakagilid, tiningnan ko yung tinutukoy niya mukhang wala naman sa harap kaya lumingon ako sa likod.
"Si Mitch ba?" tanong ko, si mitch lang kasi yung may suot suot na headset na busy kakatingin sa phone nito.
"Shunga yung katabi niya nga" nabatokan ko tuloy masyadong excited eh.
"Si steven?" medyo malakas ko pang sabi kaya napatingin yung malapit samin, mabuti na nga lang at wala na dito si mam, dahil kong hindi, ewan ko nalang.
"Ano ba ang ingay mo!" inis na bulong ni cheesy sakin, eh kasalanan ko bang nashock ako.
"Uy, kaimee tinatawag mo dw ako?" lapit ni steven sa gawi namin.
"Ah nako wala tinatanong kasi nitong bestfriend ko yung , ah yung kung sinong kasabayan ko kahapon , oo yun" biglaang rason ko dito, nako sana maniwala.
"Ah ganun ba, ito ba bestfriend mo? Hi bestfriend" masaya nitong bati kay cheesy.
"Ah, Hi!" pilit na ngiti naman nitong isa. Sus ang cute kunwari di maingay.
"Hoy bro napano ka dyan? Bumalik ka nga dito" sigaw ni patrick sa likod.
"Ano ba patrick, miss mo nako agad, wag kanang magselos, sayo lang ako" sigaw na sagot nito na dahilan ng pagtawa namin.
"Sige kaimee, balik nako galit na si misis eh" paalam nito samin. Loko talaga yung si steven kung ano anong pinagsasabi.
"Oh, si steven ba yung tinutukoy mo?" mahina kong tanong kay cheesy.
"Eh, oo sya yun" nakangiting sagot niya na parang kinikilig. Teka nga, di ko gets, may dapat yata akong malaman eh.
Pababa na sana kami ng hagdan para maglunch ng may natanaw kaming nagkukumpulan.
"Anong meron?" tanong ni cheesy sakin.
"Malay ko ba tayo yung magkasama diba?" sagot ko rito na dahilan ng pagkunot ng kanyang kilay.
"Uy miss, anyare dyan?" biglang tanong ng kung sino na nandito sa likod ko. Paakyat kasi yung dalawang babae na kakagaling dun sa baba.
"Classmate namin, may kasuntukan" kwento naman nung babae.
Tiningnan ko yung tao sa likod na agad naman napatingin sakin.
"Ano?" sabay naming tanong ni patrick.
"Wala" gaya gaya to.
"Nako nako, match kayo" biglang sulpot ni steven.
"Di No"
"Kilabutan ka nga"
"Sus, ayaw mo lang yata humiwalay sakin bestfriend, kiss mo nga ko" biglang nguso ni steven kaya nahampas sya na wala sa oras ni patrick.
Napatawa na lamang ako sa eksena nila at tinahak na yung canteen.
"Ginto yata tung kinain natin kaym, ang mamahal" biglang sabi ni cheesy.
"Hoy, hinaan mo boses mo baka may makarinig sayo" paalala ko sa kanya na tumahimik naman.
Seryoso lang kaming kumakain ng may narinig kaming kwento mula sa mga kumakain sa likod. Di sa chismosa pero narinig ko lang talaga.
"Ewan ko nga di naman ganun si Zubiri last week" kwento nung boses babae.
"Rinig ko nga rin gusto na syang kunin ng papa niya na nandun sa states."
"Ah oo, mabuti nga mabait yung isang Zubiri ano ngang name nun Axel yata"
"Girl, wag ka ngang ka Zubiri zubiri dyan, eh tatlo kaya sila"
"Ah basta, nakapaghinayang lang talaga nung face nung isa, di dapat ginagamit sa suntukan".
Zubiri? Parang nabasa ko na yun ah! San ba yon? Zubiri zubiri….
Ah oo yung sa diary ni papa tama.
"Hoy, anyare sayo? Tapos na kong kumain oh!" biglang basag ni cheesy sa pinag iisip ko.
Dapat makilala ko kung sino yung nakipagsuntukan kanina. Tas ibabalita ko kay papa.