Chapter 2
July 2017
"Angela Di Wijaya "bigkas nung teacher namin sa Oral Communication.
"Ms. Wijaya?" ulit na tanong nito samin.
"Mam baka nasa kabilang section na po sya. May naipagpalit kasi last week" sagot nung lalaki kong kaklase na mukhang matalino.
Eh nakasalamin eh, basta para syang matalino.
"Oh? Wait kailangan ko muna ng confirmation, diyan muna kayo" paalam ni Mam samin.
Tahimik lamang kami, maliban dun sa mga kaklase kong obvious na taga Immaculate Academy (IA).
Transferee kasi ako, dito ko naisipang mag Senior High kasi gusto ko lang, dating public school yung school ko ng junior high kaya medyo naninibago ako sa school ko na to.
"Hi" bati sakin ng katabi kong babae na may katabaan.
"Hi din, taga dito ka?" nakangiti kong tanong dito.
"Ah hindi transferee"
"Ah same pala tayo" nginitian niya lang ako at lahat kami napaupo ng maayos nung bumalik si Mam.
"Okay, nasa kabilang section na sya" balita ni Mam samin.
Para kaming sardinas nung dismissal na, pano ba naman kasi di kami allowed lumabas ng school once hindi pa na idistribute yung ID. Kaya ganun nalang kami ka eager lumabas sa lungga. Ang swerte nga raw naming mga seniors kasi anytime kami makakalabas.
Were the pioneering batch of K to 12 na minsan ko na ring di nagustuhan. Alam niyo yun? Additional 2 years? Minsan nga pansin namin na para kaming isang materials sa isang kakaibang experiment.
Pero no choice naman dba, taga sunod lang tayo eh.
Kinabukasan
Di ko alam na every first week pala ng month eh kailangan naming magsimba lahat. Magkatabi lang yung church tsaka yung school. Well nakakapanibago lang.
Palabas na kaming lahat ng may nahagilap na maganda yung mata ko.
Nasa likod lang ako pero kitang kita ko yung ganda ng mga mata nito. Nakatitig lang ako nung time na yun nung dahan dahan niyang sinuklay ang makikintab na kulay itim na buhok. Sabayan pa ang tamang terno nung kulay itim nitong relos. Nahawa ako sa kakaiba nitong ngiti dahilan ng pagngiti ko sa di malaman laman na dahilan.
Ang gwapo naman ng nilalang na yun.
Napailing nalang ako nung napansin kong para akong tanga kakangiti dito.
Hanggang sa pagbalik ko ng room, paulit paulit kong iniisip yung mala anghel niyang pagngiti. Para syang mahika na di ko maipaliwanag.
Dahil tatlong subjects lang per day then na occupied ng time sa mass. Kaya sa last period nalang yung papasukan namin.
Lahat ng kaklase ko eh may sari sariling mundo kaya mas pinili ko nalang umupo sa tabi at umidlip sandali.
"Sinurprise daw ni Justine si Sofie dahil Monthsary nila. Tingnan natin dali" rinig kong balita ng isa kong kaklase.
May mga ingay na sapatos na lamang akong narinig at pagmulat ng mga mata ko eh tatlo lang kaming nandito. May isang lalaking natutulog at isang babaeng busy kakapunas ng luha habang nakatuon yung atensiyon sa laptop niya.
Dali dali namang may isang lalaking lumapit dun sa natutulog.
"Patrick, bumangon ka nga dyan. Tingnan mo yung kapatid mo dali"sigaw nung bagong dating sa natutulog.
"Ayaw mong magising ah? " agad nalang itong binigyan ng maraming kisses sa mukha.
"Steven ano ba? Kadiri mo "iritang bangon at sagot nung patrick at parang nandiri sa mukha niya ngayon dahil kulang nalang mapunit yung mukha sa kakapahid ng panyo.
"Oh ano? Tingnan mo na kasi yung tinuro naming gimik kay justine. To naman" nalulungkot na wika nung ano ngang name nun? Basta yung humalik.
"Ano ba bro sabihin mo nalang na busy ako"sagot nung patrick at akmang matutulog.
"Blaaccckkk Ouuuuttttt" sigaw nung babaeng umiiyak kanina.
"Shut up Mitch" inis na sagot nung , nung Steven , oo tama Steven.
"Maka alis na nga" paalam nung mitch.
Nung medyo napansin nilang nandito ako eh napapikit ako ng tuluyan. Di ko na narinig yung mga sabi sabi nung dalawa.
Ilang sandali pay, nagising ako na parang may bumigat at masikip.
Pagmulat ko.
"Hoy, sino to? anong ginagawa mo? Alis nga" sigaw ko sa kung sinong nilalang na nakapatong yung ulo sa likod ko, mahimbing lang tong pagkasubsob ko rito tapos gawin lang akong unan?
Kahit anong sigaw ko ayaw parin tumayo, buti sana kong mala cotton tong pinatong niya pero hindi eh ang tigas pa.
Wala na kong ibang choice kundi magfull force na tumayo habang wala syang malay na natutulog sa kin.
"Agay yung ilong ko, ang sakit" reklamo niya habang hawak hawak yung sariling ilong.
At dun ko napagtantong yung lalaking kanina pala natutulog ang may gawa kung bakit ang sakit ng likod ko ngayon.
Hinimas himas ko iyon at medyo inamoy baka may naiwang bakas ng ewww laway.
"Hoy di ako aso para maglaway ah"
wika nito na buti naman na gets rin yung actions ko.
"Ano ba kasing ginagawa mo, close ba tayo? Ha?" galit kong sigaw sa kanya.
"Eto naman, narinig mo ba yung ingay sa labas? Kagagawan yun ng kapatid ko" kwento nya sakin na walang kasense sense.
"Eh anong connection nun sa pagawa mong unan sakin?"
"Sinabi kong may date tayo" sagot niya na nagbigay gulat sakin.
May Date? Anong? Ano nga ulit?
"Agay agay, tumigil ka nga kababaeng tao marunong manapak" reklamo niya na ngayoy medyo lumayo na habang hinihimas yung kaliwang brasong sinuntok ko.
"Ano ba kasing pinag gagawa mo?" inis kong tanong at akma ulit syang susuntukin.
"Late kasi akong nakatulog kagabi, tapos pilit pa akong hinahanap ng kapatid kong may gimik sa baba, pagsinabi kong may date ako di na niya ko guguluhin." binatokan ko sya sa noo ng di nya namamalayan.
"Awwtss, ano ba?"
"So ginamit mo pala ako? Wow magaling" wika ko habang pumapalakpak pa.
"Sorry na classmate, ngayon lang naman to eh. Tsaka ansarap palang tulugan yang batok mo amoy--" di ko na tinapos yung sasabihan niya kasi nabatokan ko na sya ng tuluyan.
"Andaming pwede mong tulugan ako pa talaga? Nananahimik yung tao eh! Ano? Sapakan nalang tayo?" banta ko rito na agad namang iniwas yung sarili.
"Hoy kahit gwapo ako di ako pumapatol sa babae" paliwanag niya sa kin.
Sus di pumapatol , ganyan naman karamihan sa lalaki eh (Di ko nilalahat) siguro pagpisikalan ayaw makasakit, pero pag usapang damdamin napakaexpert. Sa katunayan may kakilala nga ako eh.
"Pero seryoso, sorry talaga, tsaka kung alam ko lang na ang bigat ng kamao mo sana bumili nalang ako ng unan." pang iinis nito sakin.
"Sige galitin mo pa ako" sambit ko rito habang kunwari gusto ko ulit manuntok na sya namang dahilan ng pagtakbo niya ng mabilis.
Tss, konting drama lang pala natakot na.
Anyways di po talaga ako yung nangagaway ng pisikal kung ano po yung iniisip niyo. Di ho ako nakipagbasagan or nakipagbugbugan. Sayang naman tong nakuha kong ganda sa mga ninuno ko dba? Isa lamang itong self defense na natutunan ko nung Junior High School.